You are on page 1of 11

PAGGAMIT NG PANGNGALAN/DETALYE SA PANGUNAHING

DIWA/PAGSULAT NG REAKSYON

Para sa iyo – kapamilya na, kapuso pa!


Narito akong muli upang samahan ka sa iyong pag-
aaral na matamo ang mga sumusunod na kasanayan :
Nagagamit nang wasto sa pakikipagtalastasan ang
mga pangngalan
Nakapagpapahayag ng sariling ideya tungkol sa
wastong pangangalaga sa mga likas na yaman ng
bansa
Napipili ang mga detalye na nagpapaliwanag o
lumilinaw sa mga pangunahing diwa
Nakasusulat ng isang maikling reaksyon tungkol sa
napapanahong paksa

Pagbalik-aralan
Pagbalik-aralanMo
Mo

, , ,
. .

. .

Narito ang mga pangngalang naitala nina Ronnie at Rina habang


nakasakay sa bus patungong Fontana.

1
Rosie’s Drug Store Mang Donald’s Store Bulacan palengke
tropa paaralan bus klase
bantayog kalsada koponan Dr. Mendoza
JR Foods Rural Bank bisikleta buwis
tao Nemi’s Pansitan tumpok mag-anak

Isulat na muli ang mga pangngalan. Ilagay sa wastong hanay ng mga uri ng
pangngalan.

Pantangi Pambalana Lansakan

Ganito ba ang iyong sagot?

Pantangi Pambalana Lansakan


Rosie’s Drug Store bantayog tropa
Mang Donald’s Store tao koponan
JR Foods paaralan mag-anak
Rural Bank kalsada buwig
Bulacan bus klase
Nemi’s Pancitan bisikleta tumpok
Dr. Mendoza palengke

Basahin

Basahin ang balita sa pahayagan. Unawaing mabuti ang


mga detalye upang masagot ang mga sumunod na tanong.
Phil. Star Bansa Ngayon Abril 18, 2005
Green Parks sa Bawat Subdibisyon
Iginiit kahapon ni Congresswoman Cynthia Villar ang agarang pagsasabatas
sa kanyang House Bill 1210 o “Green Parks Act of 2004” na naglalayong magtatag
ng mga green parks sa lahat ng mga subdibisyon sa bansa para sa proteksiyon ng
kapaligiran lalo na sa mga siyudad at lungsod.
Ito ay matapos pagtibayin ng House Committee on Housing and Urban
Developmant ang panukala ni VIllar na nakahain ngayon sa Mababang Kapulungan
“Ang programang pabahay ng gobyerno ay dapat na bagayan ng malinis na
ng Kongreso.
kapaligiran. Kaya, tama lamang na maglaan ang bawat subdibisyon maging ito
man ay residential, commercial at industrial ng bakanteng lote na pagtatamnan ng
mga puno at halaman upang ito ay maging parke,” ani Villar.
Sa ilalim ng panukala, mahigit sa 30 puno ang itatanim sa bawat ektaryang
sakop ng isang subdibisyon. Kapag tuluyang naging batas, ang mga naitayo nang
subdibisyon bago pa man ang panukala ay masasakop na rin ng Green Parks Act.
Ang mga homeowners association na magtatayo ng green park sa kanilang
subdibisyon ay makakakuha ng libreng buto at halamang itatanim mula sa DENR
2
at DA. Maglalaan din ng libreng gamit at artesian wells ang naturang mga
departamento para sa pagmimintina ng naturang mga parke.

( Malou Rongalerios )
Naunawaan mo na ba ang iyong binasang balita? Sagutin ang mga tanong.

1. Anong batas ang itinaguyod ni Las Piñas Congresswoman Cynthia Villar?


2. Bakit mahalaga ang batas na ito?
3. Paano inilarawan ni Congw. Villar ang programang pabahay ng gobyerno?
4. Sa paanong paraan sinusuportahan ng DENR ang mga homeowners
association na magtatayo ng green parks?
5. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang panukalang ito sa
pangangalaga ng likas na yaman.

Okey ka ba sa iyong sagot? Tingnan natin. Ganito ba ang iyong sagot?

1. House Bill 1210 o “ Green Parks Act of 2004.”


2. Ang batas na ito ay naglalayong magtatag ng mga green parks sa lahat
ng mga subdibisyon sa bansa para sa proteksiyon ng kapaligiran.
3. Ang programang pabahay ng gobyerno ay dapat na bagayan ng malinis
na kapaligiran.
4. Ang mga homeowners na magtatayo ng green parks sa kanilang
subdibisyon ay makakakuha ng libreng buto at halamang itatanim.
Maglalaan din ng libreng gamit at artesian wells o poso.
5. Ang panukalang ito ay magbibigay ng proteksyon at mangangalaga ng
ating mga puno at halaman.

Pagpapahalaga

Sumusuporta ka ba sa panukalang nabanggit? Ano ang maari mong


gawin upang magkaroon din ng green park sa inyong lugar?

Pag-aralan
Pag-aralanNatin
Natin

3
Masasabi mo ba ang pangunahing diwa ng balita? Piliin sa
mga sumusunod:

- pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan


- pagkakaroon ng green park sa bawat subdibisyon
- pagkakaroon ng asosasyon sa bawat subdibisyon

Tama ka! Ito ay ang pagkakaroon ng green park sa bawat subdibisyon.


Matutukoy mo ba ang mga detalye na nagpapaliwanag o lumilinaw sa
pangunahing diwa? Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.
a. Ang green park ay para sa proteksyon ng kapaligiran
b. Mahigit sa 30 puno ang itatanim sa bawat ektarya ng subdibisyon
c. Paglalaan ng bawat subdibisyon ng bakanteng loteng tatamnan ng
puno
d. Ang mga pabahay ay dapat bagayan ng malinis na kapaligiran
e. Ang pagkakaroon ng palaruan sa subdibisyon ay hinihikayat
f. Makakakuha ng libreng buto mula sa DENR ang magtatayo ng
green park
g. Parurusahan ang mga homeowners na hindi susunod sa panukala

Tingnan nga natin kung naisulat mong lahat ang titik ng mga detalyeng lumilinaw
sa pangunahing diwa? Ganito ba ang sagot mo?
a–b–c–d–f
Kung tamang lahat ang iyong sagot, binabati kita!
Kung hindi ay basahin mo uli ang balita.

Pagsanayan
PagsanayanMo
Mo

Piliin sa kahon ang mga detalye na sumusuporta sa mga


nakatalang paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

 iwasan ang pagtatapon


 ipagbawal ang “kaingin system”
 magtanim ng puno
 ipagbawal ang paghuli ng mga ibon

 iwasan ang paggamit ng dinamita


 ipatupad ang “selective logging”
 batas laban sa pagpatay ng 4 mga hayop at ibon
 bigyan ng malinis na tahanan
 ipagbawal ang pagkuha ng korals
 huwag putulin ang mga batang puno
Pangangalaga ng kagubatan

Pangangalaga sa yaman-
dagat

5
Pangangalaga sa hayop at
ibon

Naisagawa mo ba ang mga gawain? Alam mo bang isulat ang iyong


sagot sa isang organayser? Tingnan nga natin kung tama ang sagot mo.

Pangangalaga sa kagubatan

 ipagbawal ang “kaingin system”


 magtanim ng mga puno
 ipatupad ang “selective logging”
 huwag putulin ang mga batang puno

Pangangalaga sa yamang dagat

 iwasan ang paggamit ng dinamita


 iwasan ang pagtatapon ng basura
 ipagbawal ang pagkuha ng korals

Pangangalaga sa hayop at ibon

 ipagbawal ang paghuli ng mga ibon


 batas laban sa pagpatay ng mga hayop at ibon
 bigyan ng malinis na tahanan

Gawain 2

6
Basahin ang balitang hinango sa pahayagang may petsa -
Abril 22, 2005. Piliin ang detalyeng sumusuporta sa
pangunahing diwa.

PASAWAY NA MAGTATAPON
NG BASURA KOKODAKAN

Dahil sa hindi masawatang problema sa basura sa Kalakhang


Maynila, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Chairman Bayani Fernando sa publiko na litratuhan at arestuhin ang mga
pasaway na nagtatapon ng basura saan mang lugar.
Umapela rin si Fernando sa mga may hawak ng cellphone na may
camera na gamitin ito upang matukoy ang mga lumalabag sa Anti-
Littering Law.
Balak na ipairal ni BF ang nasabing patakaran sa darating na mga
araw at nagsasagawa na ng pakikipagkoordinasyon ang MMDA sa
pamahalaang lokal na ipatupad ito sa kani-kanilang lugar.
Target din ng ahensiya na maiparating hanggang sa barangay
level ang masamang epekto ng pagtatapon ng basura sa hindi tamang
lugar sa pamamagitan ng pagsasagawa ng house-to-house seminar.
Hindi naman binanggit ng MMDA chairman kung ano ang multa o
parusa sa mga lalabag sa Anti-Littering Law o kung ang dating
ipinatupad na penalty pa rin ang igagawad sa mga mahuhuling
nagtatapon ng basura.

Pangunahing ideya – Pagpapatupad ng Anti-Littering Law

 _____________________________________________

 _____________________________________________

 _____________________________________________

Ano ang reaksyon mo sa panukalang ito ni MMDA Chairman Bayani


Fernando? Sang-ayon ka ba o hindi? Bigyan katwiran ang iyong sagot.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Subukin
Subukinang
angSarili
Sarili 7
A. Basahin ang lathalain na hinango sa Tempo, Abril 22,
2005. Itala ang mga detalyeng lumilinaw sa nakatalang
pangunahing diwa. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Coconut Fiber, Mahusay sa Puso


Napakaraming pananaliksik ang lumalabas tungkol sa dietary fiber. Ang
dietary fibers ay sinasabing tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at cholesterol
metabolism. Ang U.S. Surgeon General and Professional Health Association ay
iminumungkahi ang pagkonsumo ng 20-35 grams ng dietary fiber upang
magkaroon ng malusog na cardiovascular system gayundin ang digestive
system.
Isang pinagmumulan ng dietary fiber ang niyog (coconut). Ang niyog ay
kilala bilang tree of life dahil sa iba’t ibang gamit at pakinabang nito bilang isang
functional food, ang coconut products ay gamit para sa pagluluto. Ayon sa
Philippine Food and Nutrition Research Institute, ang coconut meat fiber ay
maitutulad sa bilang ng dietary fiber ng Oats. Ayon sa kanila, ang niyog ay may
mas mataas na dietary fiber kumpara sa wheat.
Isang bagong produkto ng ABS Herbs na naglalaman ng purong coconut
meat fiber, ito ang Kolestrim capsule na tumutulong upang matanggal ang mga
di kinakailangang cholesterol sa katawan. Ang naturang food supplement ay
nagbibigay ng botanical at nutrient factors na tumutulong sa pagmimintina ng
normal cardiovascular function. Garlic, isang herb na pampababa ng cholesterol
at nagmimintina ng normal blood pressure. Ampalaya, ang king of bitters ay
tumutulong sa tungkulin ng liver at pagtunaw ng cholesterol. Isa pang sangkap
ng Kolestrim ay ang Pau d’ Arco, isang malakas na antioxidant na tumutulong sa
katawan na makayanan ang oxidative stress.
Mabibili ang Kolestrim sa lahat ng Mercury Drugstores at mga
nangungunang drugstores sa buong bansa. Para sa karagdagang impormasyon,
maaaring magtungo sa kanilang website sa HYPERLINK http://www.abs-
herbs.com.ph www.abs-herbs.com.ph.

I. Dietary Fibers

8
II. Ang Niyog

III. Ang Kolestrim capsule

B. Magtala ng mga pangngalan mula sa binasang lathalain.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

9
C. Sumulat ng isang maikling talata na nagpapahayag ng
iyong reaksyon sa nasa larawan na hinango sa
pahayagan.

Bawal Matapon ng Basura


BALEWALA sa mga residente ng
Dagat-dagatan Avenue sa Malabon Ciy
ang karatula sa larawan na nagsasaad
na bawal matapon ng basura bilang
paalala sa mga kabarangay.
Tinatawagan ng pansin ng Tanod
Action Line si Brgy. Longos Chairman
Choy Pablo na kumilos para linisin ang
kanilang lugar

10
n

Maligayang pagtatapos sa modyul na ito!


Hanggang sa muli…. Paalam….

11

You might also like