You are on page 1of 2

Mga Hakbang at Paraan ng Pagtutumbas

1. Suriin ang mga sumusunod na lapit sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram


na salita.

 Gamitin ang kasalukuyang leksiko ng Filipino bilang panumbas sa mga hiram na


salita

Halimbawa:
murder = pagpaslang
handcuffs = posas
suicide = pagpapakamatay

 Kumuha ng mga salita sa ibat ibang wika ng bansa

Halimbawa:
Husband = bana (Hiligaynon)
Hegemony = gahum (Cebuano)

 Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita at saka ito baybayin sa Filipino

Halimbawa:
Educacion (Kastila) = edukasyon
Leader (Ingles) = lider
Blitzkrieg (Aleman) = blitzkrig

2. Gamitin ang letra C, Ñ, Q, X, F, J, V at Z kapag ang salita at hiniram ng buo ayon


sa mga sumusunod na kondisyon:

 Pangngalang Pantangi

Halimbawa:
Tao: Jeremy Benthem
Lugar: Davao
Gusali: PNP Headquarters
Pangyayari: Sinulog Festivals
Sasakyan: Nissan Navarra
 Salitang may natatanging kabuluhang kultural

Halimbawa:
Cañao (pagdiriwang ng mga Ifugao)

 Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na


hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas na tunog

Halimbawa:
Bouquet, Rendezvous

 Salitang may internasyunal na anyong kinikilala at ginagamit

Halimbawa:
Exit, Taxi, Fax

3. Gamitin ang mga letrang F, J, V at Z para katawanin ang tunog na /f/, /j/, /v/ at /z/
kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiniram

Halimbawa:
Fixer = fikser
Subject = sabjek
Vertical = vertical
Zipper = zipper

4. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q at X sa mga salitang hiniram ng buo

Halimbawa:
Forensic Ballistics
Sto. Niño
Dactyloscopy
Questioned document examination
x-ray
cybercrime

You might also like