You are on page 1of 9

RIZALISTA

Brgy. BUASAO, ST. DOMINGO, NUEVA ECIJA

STRENGTHS

Tumutibay ang kanilang samahan sa paraan ng kanilang paniniwala at paninindigan na ang


kanilang tinuturing sa Diyos ay si Dr. Jose P. Rizal at ang kanilang ina na si Inang Mariang
Sinukuan, dahil na rin sa mga himala at patotoo bilang patunay sa mga nagyari sa kanilang buhay.

Sa kanilang sariling paniniwala at pananampalataya ito ang nagsilbing pamantayan upang


kilalanin ang sariling atin at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino na ang tinuturing na Diyos ay
si Dr. Jose P. Rizal na nagbuwis ng kaniyang buhay at hindi ang Diyos ng dayuhan.

Paggawa ng Mabuti sa kapwa at binabalewala ang hindi magandang sinasabi ng ibang tao.

WEAKNESSES

Ang bawat kasapi ay magkakaiba ang lugar at magkakalayo ang tirahan ngunit hindi ito
naging hadlang sa kanilang pananampalataya dahil sa pagnanais na ipagpatuloy ang kanilang
nasimulang pananampalataya ay minabuti nilang magtayo na lamang ng sariling simbahan sa
kanilang lugar.

Ang bawat kasapi ng simbahan ay nagtitipom-tipon sa loob lamang ng isang beses sa isang
buwan at ito ay sa unang araw ng sabado ng buwan. Dahil sa pagkakaiba-iba ng lugar at
magkakalayo ng tirahan upang maiwasa na rin ang paggastos sa pamasahe.

Hindi sila nanghihikayat ng mga kasapi bagkus kusang-loob ang pakikibahagi sa samahan.
Dahil ninanais nila na ang isang tao ay may pagkukusa at may kagustuhan na makiayon sa kanilang
samahan na hindi labag sa kalooban.

Hindi alam ng mga tao na may ganitong samahan. Pangilan-ngilan lamang na mga tao ang
may alam ng ganitong uri ng samahan, sapagkat hindi ito ang nakasanayang nakikita at sila ay may
sariling paniniwala at paraan ng pananampalataya, kung kayat ang ibang tao ay naninibago dito.
OPPORTUNITY

Upang maibahagi ang paraan ng kanilang pananampalataya at ang naging batayan upang
mabuo ang kanilang samahan, ang pinagmulan ng paniniwala, kinagisnang tradisyon at mga
karanasan na nangyari sa kanilang buhay.

May kakayahang manggamot ng walang bayad at hindi humihingi ng kapalit

Para sa mga mananaliksik na nakapagbibigay ng opurtunidad na ipahayag ang kanilang


mga natuklasan na paraan ng pananampalatay ng ganitong uri ng samahan.

THREATS

Dahil sap ag-usbong ng maraming relihiyon at ang pagkakaiba-iba ng paniniwala,


pananampalataya, paraan ng pananamit at pananalita ay nagkaroon ng diskriminasyon o ang hindi
pantay na pagtingin ng ibang tao sa kanila.

Patuloy na pamumuna o pagtingin na hindi sila mga ordinaryong mananampalataya dahil


Malaki ang pinagkaiba ng kanilang samahan sa samahang kinikilala ng nakararami
PARAISO NG DIYOS ESPIRITU SANTO UNIVERSAL FOUNDATION INCORPORATED

Brgy. PALUSAPIS, SCIENCE CITY OF MUÑOZ NUEVA ECIJA

STRENGTHS

Sa samahan na Paraiso ng diyos espiritu santo, si prinsesa Rosana ang gumagabay at


nangunguna sa kanilang pagsamba, siya ang pinaka pinuno sa kanilang samahan sila ay nakadamit
ng purong puti dahil sumisimbulo ito ng kanilang kalinisan.

WEAKNESSES

Ang samahan na sumasamba kay Dr. Jose P. Rizal, ang mga kasapi sa Paraiso ng diyos
espiritu santo ay may kinikilalang prinsesa na nagsisilbing pinaka pinuno nila, ng nagsimulang
nagkasakit ang prinsesa nila sa si Rosana o tinatawag nilang “osang” dun sila nagumpisang umalis
at bumalik sa lugar kung saan talaga sila nagmula.

Ang mga kasapi ng Paraiso ng diyos espiritu santo ay hindi dumaraan sa mga patay dahil
naniniwala sila na nagdadala na kanila ng malas ang patay kaya kinakailangan pa silang ipa-
insenso bago pumasok sa kanilang sambahan kung sila ay napadaan sa kasal.

OPPORTUNITY

Naibabahagi nila ang paraan ng kanilang pananampalataya at Malaya nilang naipapahayag


ang kanilang paniniwala at hindi iniisip ang sinasabi ng ibang tao.

THREATS
Pinagbabawal nila ang pagsusuot ng itin at pula dahil ito’y nagpapakilala ng kawalang
respeto sa kanilang pananampalataya at paniniwala dahil para sa kanila ang itim ay
nangangahulugang kadiliman at ang pula ay digmaan.

Hindi pantay ang pagtingin sa kanila ng ibang tao dahil sa kanilang paniniwala at gawi ng
pananampataya.
SAMAHAN NG TATLONG PERSONA SOLO DIOS

Brgy. LOMBOY, TALAVERA, NUEVA ECIJA

STRENGTH

Mayroon silang paniniwala na talagang may ebidesiya sila sa kanilang paniniwala. May
mga petsa, lugar (bundok banahaw) sites at libro silang batayan sa kanilang relihiyon.

Ang kanilang pinuno sa samahan ay hindi tumatanggap ng pera nag sisilbi sila sapagkat
tinawag sila ng boses na walang bayad.

Ang kanilang paniniwala ay makikita sa Bibliya. Perpekto ang kanilang samahan

WEAKNESSES

Sa sobrang hiwaga ng kanilang relihiyon , mayroong porsyento na mapapaisip ka kung ito


ba ay totoo o hindi . May mga paniniwala silang maaaring ipaliwanag ng Science.

Mayroong ibang relihiyon na mas malaki sa kanila at mas maraming kasapi kaysa sa
kanilang samahan.

Batayan lamang ang Bibliya sa kanilang paniniwala. Nag sasalita sila ayon lamang sa
kanilang pag kaunawa at ito lamang ang tinuturo ng Spirito santo

Tukso ang pinaka mahirap na ang mga miyembro ay hindi perpekto.

OPPORTUNITY
Sa pagkakabuo ng kanilang samahan ay nagkaroon sila ng oportunidad na matutong
makapanggamot. Lalo na sa mga sakit na hindi na daw kayang gamutin ng mga doktor.

Sa pagbabago ng panahon, umusbong ang modernesasyon na siyang naging daan para


magamit nila ang mga makabagong teknolohiya sa pagbabahagi ng mga mensahe tungkol sa
kanilang paniniwala. At sa mga gawain nila sa kanilang samahan.

THREATS

Mayroon lamang silang kaunting bilang sa kanilang samahan at bilang lamang ang
namumuno sa kanilang simbahan.

Sa hiwaga ng kanilang samahan ay mahihirapang maniwala ang tao.

Sa pag babago nga panahon na babago din ang kanilang gawi sa pananamit pag nag
sisimba.

Hindi natin hinahatulan ang ating sarili pag mali tayo .


SAMAHAN NG TATLONG PERSONA SOLO DIOS

Brgy. SAN AGUSTIN CARRANGLAN, NUEVA ECIJA

STRENGTHS

Ang kanilang samahan ay naniniwala na may tatlong dios o tatlong persona (ang dios ama, dios
anak, dios espiritu santo). At sa tuwing araw ng katuparan, sila ay nagtataas ng bandera ng Pilipinas
at kanilang ibinababa sa harap ng kanilang simbahan pagkatapos ng dasal. Sinisimbolo ng kanilang
samahan ang dios ng bayan, kaya sila ay nakikiisa rin sa mga programa ng bayan.

WEAKNESSES

Nagkakaroon ng diskriminasyon sa kanilang samahan. Sa pagkakataong nakakagawa ng masama


ang ibang kabilang sa kanilang samahan, nadadamay ang kanilang samahan dahil iniisip ng iba na
ganoon ang kanilang gawain.

OPPORTUNITY

Ang hangarin ng kanilang samahan na maagaw ang mga pilipino sa maling pamamaraan ng
pananampalataya.

THREATS
May mga estudyanteng pumupunta sa kanilang lugar at kinukunan ng 'video' para sa sinasabing
pananaliksik. Sinasabi nilang may kumalat na larawan at tinatawag silang "kulto" dahil sa nakasuot
sila ng purong puting damit. Sinasabi nilang ginagamit silang kasangkapan.

IGLESIA WATAWAT NG LAHI INCORPORADA

Blgy. 12 MARINGALO CARR. NUEVA ECIJA Sec. Reg. # 93

Blgy. 10 CASABSABAAN SAN AGUSTIN CARR. NUEV AECIJA Sec. Reg. # 93

STRENGTHS

Ang kanilang samahan ay naniniwala na ang kanilang Diyos ay ang mga bayani dahil ang
mga bayani ang nagligtas sa ating bansa sa kamay ng mga mananakop. At ang pangunahing
sinisimbolo ng kanilang samahan ay ang watawat dahil ang mga bayani ang nagtatag ng kanilang
samahan. Sila rin ay may sariling pananda at ito ay may mga salitang “ Diyos Ama, Diyos Ina,
Diyos Anak, Diyos Espiritu, Santo”.

WEAKNESSES

Sila ay may kinakaharap na problemang pinansyal dahil hindi lahat ng kanilang miyembro
ay kayang magbigay ng sakto sa sinabing halaga at hindi rin sila humihingi ng anumang pera sa
pulitiko at hindi rin sila tumatanggap ng anumang donasyon galing sa mga ito lalo na kung ang
pagbigay ng donasyon na ito ay may hinihintay na kapalit.

OPPORTUNITY
Mayroon silang dalawang simbahan sa Carranglan dahil sa paglipas ng panahon ay unti
unting nadadagdagan ang miyembro ng kanilang samahan.

Isa rin sa mga naging oportunidad nila ang mga katulad naming kabataan na gustong
magkaroon ng kaalaman tungkol sa kanilang samahan dahil ayon sa kanila marahil ay kami na
daw ang katuparan sa winika ni Dr. Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.

THREATS

Sa paglipas ng panahon ay unti unti ng nawawala sa isipan ng mga tao ang tungkol sa
kanilang samahan dahil sa mga relihiyong galing sa mga mananakop kung kaya’t nagiging laganap
ang deskriminasyon sa kanila dahil inaakala ng marami na ang kanilang paniniwala ay naiiba sa
mga paniniwala ng marami.

You might also like