You are on page 1of 3

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija
S.Y 2016-2017

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


sa
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T –IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

I. REMEMBERING (8 puntos)
Test I. KAHULUGAN NG MGA TEKSTO
Panuto: Basahing mabuti ang mga terminolohiya, piliin ang tamang salitang angkop sa
bawat paliwanag.
a. pamproseso d. pangangatwiran g. pagsasalaysay
b. paglalahad e. teksto h. panghihikayat
c. komposisyon f. paglalarawan i. pananaliksik

__________1. Tumutukoy sa pagbabalangkas ng kaisipan, pagpapaliwanag at pagsasaad na


nakabatay sa katotohanan.
__________2. Nagbibigay at nagsasaad ng mga katangian o deskripsiyon sa isang tao, hayop,
bagay, pook o pangyayari.
__________3. Nagsasaad ng mga pangyayari, kaganapan o kaya’y kwento.
__________ 4. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang
ang mga panukala ay maging-katanggap tanggap o kapani-paniwala.
__________5. Isang uri ng tekstong naglalayong mangumbinsi ng mga mambabasa upang
sumang-ayon sa proposisyon ng may akda.
__________6. Isang uri ng teksto na nagpapaliwanag ng mga pamamaraan o hakbang sa
pagbuo ng isang bagay.
__________ 7. Ito ay napakahalaga upang makabuo ng iba’t-ibang teksto.
__________8. Ang paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at iba pa ay mga uri nito.

II. UNDERSTANDING (10 points)


Test II. HALIMBAWA NG IBA’T IBANG URI NG TESKTO
Panuto: Basahin ang mga susmusunod na halimbawa at tukuyin kung anong uri ng teksto
ang ginamit.
a.Paglalahad b. Pangangatwiran c. Panghihikayat d. Pagsasalaysay e. Paglalarawan

____________________9. Kami ay hindi sumasang-ayon at hinding hindi kailanman maniniwala


na ang aborsyon ang sagot na paraan sa pagkontrol ng populasyon. Wastong pagpaplano ng
pamilya ang kinakailangan dito.
____________________10. Ang bullying o paghaharian, pagmamaton at pambubulas ay isang
uri ng pang-aapi na maaring kasangkutan ng panliligalig at pananakit ng kapwa na maaring
humantong sa hindi kanais-nais na epekto sa isang taong nabully.
____________________11. Simple lamang ang buhay naming noon kuntento kami sa aming
simpleng pamumuhay dahil hindi man kami nabubuhay sa karangyaan masaya naman kaming
nagsasama-sama at nagmamahalan. At sa aking pagsusumikap ng pag-aaral ay uunti unti kong
narating ang aking mga pangarap. At sa ngayon nakatutulong na ako sa aking pamilya at unti-
unti naring naiaangat ko sila mula sa aming kinagisnang kahirapan.
____________________12. Ang mga guro sa SDNTS Senior High School ay talaga nga namang
mahuhusay na magturo. Bukod sa kanilang angking galling hindi rin matatawaran ang kanilang
kabutihang loob at pagmamahal sa kanilang mga mag-aaral. Ibinubuhos nila ang kanilang galing
upang matuto ang mga mag-aaral. Tunay ngang maituturing silang mga bayani sa kanilang
sakripisyo sa pagtuturo.
____________________13. Maayos at simple lang ang pamumuhay niya noon subalit ng
nalululong siya sa masamang bisyo, unti-unting nabago ang buhay niya. Nalustay ang perang
kanyang pinaghirapan at nagbago ang kanyang buhay at iniwan na rin siya ng kanyang mga
mahal sa buhay. Sa huli, siya ay lubos na nagsisi dahil hindi na niya maibabalik ang dati.
____________________14. Bilang isang mag-aaral, mahalagang sundin natin ang mga
lintuntunin ng ating paaralan. Kaya dapat ay huwag tayong gagawa ng anumang bagay upang
lumabag dito. Dapat nating gawin kung ano ang tama at nararapat bilang mga huwarang mag-
aaral ng SDNTS.
____________________15. Kung ako ang tatanungin hindi ako sumasang ayon sa extra judicial
killings dahil para sa akin, tanging Diyos lamang ang may karapatang kumitil ng buhay.At hindi
naman nararapat na kitilin na lamang ng basta basta abg mga taong naligaw ng landas. Lahat ay
may karapatang magbagong buhay.
____________________16. Ang mga mag-aaral ay dapat magsumikap na makapagtapos ng pag-
aaral at umiwas sa anumang bisyo na hahadlang sapag-abot ng kanilang mga pangarap. Isa
puso ang lahat ng sakripisyo ng mga magulang kung kaya naman nararapat lamang na mag-
aaral sila ng mabuti upang umasenso ang buhay.
____________________17. Natatangi ang paaralan na SDNTS. Ito ay paaralang pang akademiko
at higit sa lahat ay pambokasyunal. Dito sa paaralang ito may mahuhusay na mga gurong
gumagabay sa mga mag-aaral na matututo sa larangan ng TechVoc. Nahahasa ang mga galling at
husay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kurso. Kung kaya’t nakasisiguro ka na kapag dito ka
nagtapos nahubog na ang iyong husay sa kursong pambokasyunal.
____________________18. Ang pananaliksik ay sitematikong pagsusuri sa ibat’t ibang pag-aaral
at materyales upang makabuo ng mga bagong kasisipan.

APPLYING (7 puntos)
Test III. SANAYSAY
Panuto. Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
a. madali b. pagsisikap c. tagumpay d. pagsubok e. pag-asa f. mahirap
g. buhay

Ang buhay ng isang mag-aaral ay hindi 19)______________. Kinakailangan ng matinding


20) __________ upang mapagtagumpayan ang iba’t-ibang mga gawain. Kung pagbubutihan mo
ang iyong pag-aaral mapapalitan ang lahat ng iyong paghihirap at sakripisyo ng
21)__________________. Ganyan naman talaga ang buhay maraming mga 22)___________ ang
dumarating subalit lahat naman ng ito ay malalagpasan basta may pananalig tayo sa Diyos.
Huwag lamang mawalan ng 23)_____________, at maghintay lamang sa tamang panahon
upang makamit ang tagumpay. Huwag isiping ay buhay estudyante ay 24)___________ dahil
lamang sa madaming mga gawain at takdang-aralin. Tnadaan, ang lahat ng ito ay parte ng ating
25) ___________.

ANALYZING (10 points)


Test IV. URI NG TEKSTO AT MGA KAUGNAY NA SALITA
Panuto:Pagtugmain ang mga kahulugan sa akmang terminolohiya.

____________________26. panghihikayat a. pagsusuri


____________________27. paglalarawan b. debate
____________________28. paglalahad c. pangangalap ng datos
____________________29. pagsasalaysay d. ekspositori
____________________30. pangangatwiran e. deskriptib
____________________31. pagtatalo f. persweysib
____________________32. sanaysay g. naratib
____________________33. pananaliksik h. komposisyon
____________________34. teksto i. babasahin
____________________35. pag-aanalisa j. argyumentatib
EVALUATING (8 points)
Test V. MGA PAMAMARAAN AT GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTO
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag
a. tama b. mali c. maaari d. depende
__________36. Ang konkretong paglalarawan ay gumagamit ng masining na paraan at
mabubulaklak na mha salita.
__________ 37. Ang tagpuan sa pagsasalaysay ay tumutukoy lamang sa lugar kung saan nagana
pang isang pangyayari.
__________38. Ang paglalahad ay may iba’t- ibang pamamaraan tulad ng depinisyon,
paghahalimbawa, paghahambing at pagtutulad, pag-uulit, at sanhi at bunga.
__________39. Ang tekstong persweybib ay may layuing maglahad ng mga kwento ukol sa
pang-araw araw na pangyayari.
__________ 40. Ang konsistensi ng pananaw, malinaw na transisyon, tamang proporsyon ay
kabilang sa elemento ng mabisang salaysay.
__________ 41. Ang debate ay isang uri ng pangangatwiran.
__________ 42. May dalawang uri ng pagsasalaysay ang salaysay na nakatuon sa aksyon at ang
salaysay na nagbibigay impormasyon.
__________ 43. Ang formal na pangangatwiran ay seryoso ang tono at malalim ang tema ng
paksa.

CREATING (7 points)
Test VI. SANAYSAY
Panuto: Pumili ng isang paksa at sumulat ng sanaysay ukol dito. Tukuyin din kung anong uri
ng teksto ang iyong gagamitin.(5 PANGUNGUSAP)

1. Mga karanasan bilang Senior High na mag-aaral


2. Pag-iwas sa mga bisyo at masang gawi
3. Magsumikap upang maabot ang pangarap
4. Inspirayson sa pag-aaral upang makamit ang tagumpay
5. Pag-iwas ng paggamit ng cellphone sa paaralan

NAG-ARAL…NAG-EXAM...NAGTAGUMPAY!!!
--Good luck and God speed.—

Inihanda nina:

Ms. ANGIELEEN V.
TOLENTINO

Mrs. MYLENE
F. DE GUZMAN

Mrs. MEDELYN
T. VALIENTE
Mga Guro sa Filipino

Namsid ni:

ARMAND L. MACASAKIT
Assistant School Principal II

You might also like