You are on page 1of 2

RIZAL COLLEGE OF TAAL

TAAL, BATANGAS
TEL. NOS. DIGITEL –(043)421-1160

“COMMITTED TO ACADEMIC EXCELLENCE

COLLEGE OF EDUCATION

Paunang Pagsusulit sa NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN


Unang Semester- SY 2022-2023

PANGKALAHATANG PANUTO: WALANG MAGBUBURA NG SAGOT


•Huwag pabago-bago ng sagot, dahil sa exam yung sagot mo na tama na pala eh pinalitan mo pa. Parang sa pag-ibig,
nasayo na pinakawalan mo pa.
•Ang Pagkuha ng exam ay isang maalaking desisyon, dapat lagi kang handa, kahit mahirap, go lang ! At minsan kahit
ibinuhos mo ang lahat bumabagsak ka pa din. Kaya dapat lagi kang handa. Masasabi mo na lang na “I did my best
wastn’t good enough” Mag move-on.
•Bawal na bawal tumingin sa sagot ng iba dahil ito ay pag-aari niya. Tandaan. Ito ay pag-aari na niya! Huwag mo
nang pag interesan pa!
•Maging honest! Ok? Maging honest!Dahil hindi lahat ng pagkakamali , sorry ang kapalit! Hindi naman April Fools
kaya wag kang manloloko.
•Ang test paper ay dapat sineseryoso, sagutan mo ng maayos, huwag mo itong paglaruan dahil wala nman siyang
hinangad na panget para sa’yo, Tandaan ! wala siyang ginawang mali sa’yo.
•Lastly, Kapag hindi mo na alam ang sagot, ipasa mo na, kaysa titingin at magtatanong ka pa sa sagot ng iba. Uulitin
ko. IPASA MO NA, huwag mo nang ipaglaabn dahil sa huli, MASASAKTAN KA LANG! Let it go!

I. PAG-AANALISA SA MGA PAHAYAG


Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pag-mali ang sagot, ay mali na ito, huwag mo nang
ipaglaban pa ang mali kundi sa huli masasaktan ka lang. Sagutin mo nang maayos, huwag mong pag laruan
ang test paper, dahil wala naman siyang ginawang mali sa’yo. Isulat sa patlang ang salita/kataga ng tamang
sagot.
W - Kung tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawa
I - Kung mali ang unang pangungusap at ikalawa at tama
K - Parehas tama ang pangungusap
A - Parehas mali ang pangungusap

____1. A. Sa sikolohikal maraming ginagawang pag-aakma ang mambabasa upang maisaalang-alang ang di-
nakikitang awdyens
b. Sa sikolohikal na pagsulat, di kailangang panindigan kung ano ang naisulat.
____2. A. Sa linggwistika,, kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatutak na malinaw ang
dating sa manunulat
b. Ang kognitibo ay mas madali ang pagbubuo ng pagsusulat ng mg aideya kaysa pagsasabi nito.
_____3. A. Karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y eco-
destructive lalo na kung ang susulatin ay sa unang wika.
b. Sa linggwistika, mas mataas ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat
sundin.
______4. A. Ang Kognitib ay tumutukoy sap ag-iisip sa proseso ng pagsulat
b. Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan
______5. A. Ang pagsulat ay isang gawaing personal at sosyal
b. Ang pagsulat ay isang multi-kognitib na proseso
______6. A. Sa Oral na dimensyon, ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginagamit.
b. Sa biswal na dimensyon, kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,
masasabing nakikinig na din siya sa iyo.
_______7. A. Ang pampubliko na pagsasalita ay ginagawa sa pagitan na dalawa o higit pang tao
b. Sa sikolohikal na pagsulat gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic
_______8. A. Ang sikolohikal ay may kagyat na pidbak sa anyong di-berbal lamang
b. Ang modelong SMCR ay taong 1960 nang ipakilala ni David K. Belo.
_______9. A. Sa linggwistika, maaaring gumamit ng mga pormal at mga mababaw na konstruksyon ng mga salita
b. Maaaring ulitinm baguhin, linawin ang nabitawang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig sa
linggwistikong diskurso.
_______10. A. ang pagsasalita ay madaling natatamo, natutunan sa isang prosesong natural na tila walang hirap.
b. Ang pagsasalin ng inner speech ay isang mahirap na proseso na diskurso.
_______11. A. Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan ng tagapagsalaysay sa
pagkukuwento.
b. Sa ikalawang panauhang pananaw, ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi
_______12. A. Sa pagsasalita dapat tandaan na maipaunawa ang impormasyon sa tagapakinig
b. Ang awdyens ay mahalagang dapat isaalang-alang sa pagsasalita
______13. A. Ang diin sa pamamagitan ng posisyon at tumutukoy sa paraang ito ang kinalalagyan o posisyon ng
paksang pangungusap sa loob ng talata.
b. Ang isang balangkas ay nahahati sa apat na kategorya
_______14. A. Ang diin sa pamamagitan ng posisyon ay nakasalalay sa pamamaraang kung ano at gaano kalawak
ang gagawing pagtalakay sa isang paksa.
RIZAL COLLEGE OF TAAL
TAAL, BATANGAS
TEL. NOS. DIGITEL –(043)421-1160

“COMMITTED TO ACADEMIC EXCELLENCE

COLLEGE OF EDUCATION

______15. A. Ang pangungusap na balangkas ay isinusulat sa anyong parirala


b. Isinusulat sa buong pangungusap ang paksang balangkas.

II. PAGPAPAKAHULUGAN
Panuto : Ibigay ang hinihingi ng bawat katanungan. Huwag kang aasa na sasagutin ka, kung wala ka namang
matinong tanong. Isulat ang tamang kasagutan sa patlang bago ang bilang.

_________1. Ilan sa halimbawa nito ay ang pampublikong pagsasalita, talumpati at pagtula


_________2. Ito ay karaniwang gumagamit ng mga Ortograpikong simbulo gaya ng mga letra
_________3. Ayon sa kanya ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng mga tao
_________4. Ito ay kapwa fisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin
_________5. Batay sa kanya, ang pagsulat ay isang komprehensiv na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
_________6. Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
_________7. Isa itong anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa
_________8. Ito ay karaniwang natutunan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkakatuto.
_________9. Ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao
_________10. Ito ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal
_________11. Ito ay mahigpit na nauugnay sa tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib.
_________12. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng ideya sa paggamit ng berbal na pamamaraan
_________13. Uri ito ay pasalitang diskurso na kung saan pagsasalita sa pagitan ng dalawa o ilang tao
_________14. Sa unang panauhang pananaw sa pasalitang diskurso, ang _______ ang gumaganap na pangunahing
tauhan, Siya din ang nagsisiwalat sa mga pangyayari ayon lamang sa sarili niyang karanasan.
_________15. Dito karaniwang nagsisimula ang bawat pakikipagtalastasan ng bawat tao sa lipunan o grupo, subalit
sa pagpili ng isang paksa dapat ito ay may saysay.
_________16. Sa pagpili nito sa isang pasalitang diskurso, kinakailangan ding may sapat na kaalaman upang
mabigyang husay ang pagbibigay datos sa bawat detalye ng diskurso.
_________17. Ito ay isang proseso na kung saan ang ideya o kaisipan ng tao sa isang paksa ay isinasatitik. Ito din
ang dahilan kung bakit mahalaga ang linggwistik kompetens dahil dito masusukat ang kakayahan ng isang
tagapagpahayag sa kaniyang wika.
_________18. Ito ay isang tiyak na katangian o aspetong nagpapahayag sa literal na kahulugan, ito ay magkakalapit
lahat.
_________19. Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga ideya sa talata ay makinis na tumatakbo mula sa isang
pangungusap.
_________20. Ito ay tumutukoy sa pagkakahanay-hanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay sa pagsulat
_________21. Ito ay pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyon
_________22. Ito ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon
_________23. Ito ay isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat
_________24. Ayon sa kanya, ang wika ay isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon
________25. Ito ay karaniwang nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa social approval.
Ang gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang kapangyarihan.

III. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba nang may malawak na pag-uanwa.

1. Ibigay ang modelo ng komunikasyon ng sosyolohistang si Dell Hymes. Pagkatapos ipaliwanag ito isa isa
(20 puntos)

Inihanda ni .

ALEJANDRO M. ATIENZA, LPT, MA.FIL


Guro

You might also like