You are on page 1of 2

BALANGKAS: Buhay Mag-aaral sa Higschool

September 2, 2008 at 11:53 am (FILIPINO) (Balangkas)

ANG BUHAY NG MAG-AARAL SA HIGH SCHOOL

I. LAYUNIN

1. PANGKALAHATAN

Daan upang matutunan ang panagalawang yugto sa edukasyon at maihanda ang sarili sa pagsuong at
pagharap sa buhay kolehiyo.

2. TIYAK

B1. Makitaan ng pagkatuto sa pangangailangan at kahalagahan ng Edukasyon sa buhay ng tao.

B2. Pagbabago at pagmamanipula ng ugali ng bawat isa upang magkaroon ng maayos, matiwasay, at
masayang pakikitungo at pakikisama sa bawat isa.

B3. Unti-unting pagtanda sa puso, sa isip, at sa gawa.

B4. Maihanda ang sarili sa pagbuo ng pangarap na dapat abutin sa susunod pang mga taon.

B5. Pagintindi at pagharap sa responsibilidad bilang isang mag-aaral, mamamayan at personalidad sa


lipunang ginagalawan.

II. KONTENT

1. Tinuturing na ang high school ay ang pinakamasaya at pinaka di-malilimutang parte sa buhay ng isang
mag-aaral.

2. ‘Ang isang bagay na pinapangarap at ninanais natin ay magkakaroon ng katuparan sa gitna ng pagsubok
kung tayo’y magpapakatatag at lalaban sa mga bagyong hahadlang dito.’-Ang Nara, ang Bagyo, at ang
Alaala ni Ofelia Silapan

3. Nahuhubog ang pagkatao ng isang tao simula sa kanyang pagkabata. Kung paano siya pinalaki ng
kanyang mga magulang iyon ang kanyang pagkakatandaan.- Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D. Bas

4. Nasasalamin sa personalidad ng isang nilalang kung saan siya galing na pamilya, batay sa kanyang ugali,
pananalita, pagkilos at pakikisalamuha sa kanyang kapwa tao- Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D. Bas

5. Ang bata ay dapat na mahubog nang maayos upang maging isang mabuting mamamayan.- Paalam sa
Pagkabata ni Nazareno D. Bas

6. Malakas ang puwersa ng mga kabataan dahil taglay nila ang talino, mulat na kaisipan at lakas ng katawan
upang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan.- At Ngayo’y Nagbangong Bagong Pilipino ni Ruben
Vega.
7. Ang kahirapan ay huwag mong gawing dahilan upang hindi ka makatapos ng pag-aaral at hindi mo
maabot ang iyong ambisyon.

8. Sinasabing ang buhay ay makulay kung ito ay puno ng mga pagsubok, at sa pagsuong sa buhay high school
ay tiyak na haharap ang isang mag-aaral sa iba’t-ibang uri ng pagsubok.

9. Walang taong nagiging matatag at nagtagumpay na hindi sumuong sa napakabigat na mga suliranin at
mga dagok sa buhay.

10. Ang mag tinik na iyong daraanan sa pagtahak mo sa landas ng tagumpay ay gawin mong insiprasyon.

III. PUNA/OBSERBASYON

1. Marami ang hindi nakatatapos ng high school dahil sa kahirapan at pinansyal na kakulangan.

2. Kakulangan ng gabay ng mga magulang.

3. Maliit ng posyento lamang ng populasyon sa Pilipinas ang nakapag-aaral ng maayos, tuloy tuloy at may
sapat ng pangtustos.

4. Kawalan ng interes ng mga mag-aaral dahil sa modernong teknolohiya at iba’t-ibang pampalipas oras.

5. Kakulangan ng mga magagaling na guro, pasilidad at kagamitang pampaaralan.

IV. KONKLUSYON

Totoong napakihirap maging isang high school. Ngunit sa kabilang banda, hindi ba’t masarap maranasan
ang mga bagay na pinaghirapan at ginamitan ng matinding determinasyon? Ang pagbuo ng mga pangarap
ay nagsisimula sa pagtungtong mo pa lamang sa iyong unang taon sa high school. Mula rito ay matututo kang
sumuong sa iba’t-ibang mga gampanin sa buhay. At sa pamamagitan ng mga ito ay maihahanda mo ang
iyong sarili sa pagharap at pagsalo ng isang responsibilidad na bubuo sa iyong pagkatao hindi ngayon,
maaring sa mga susunod pang mga taon, lalung-lalo na, sa tamang panahon

You might also like