Professional Documents
Culture Documents
Compilation of Softcopies
Compilation of Softcopies
1
Fil2 Finals
2
Fil2 Finals
Hal: nagmula sa salitang “dula” mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Ang mga
katangian ng “dula” ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang
“dula”.
5. Sarbey ng mga Sanggunian
• Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng
mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.
• ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga
nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang
pagsisiyasat at pananaliksik.
6. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik
• sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang
ginagamit– ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-
eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo.
7. Pag-aayos ng mga Datos
• nangyayaring makapangalap ng mga datos at impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop
na paghahanay upang madaling masuri at maisistematays.
1. Ang Gamit ng Tala, Note Cards at Reference Cards
a. Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng
gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang nasusuri ng mananaliksik.
Sa 3x5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian
sa gitna.
Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call number o ang pinagmulan ng
sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita).
Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung ano ang pangkalahatang paksa ng
sanggunian.
b. Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga
babasahi. Maaaring ilagay rito ang iba’t ibang uri ng datos. Makakatulong din kung
maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard.
3
Fil2 Finals
4
Fil2 Finals
5
Fil2 Finals
Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis:
Lahat ng katoliko ay Kristiyano
Pangalawang Premis:
Si Juan ay Katoliko
Kongklusyon:
Si Juan ay Kristiyano
Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung si Juan ay isang mabuting
Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
Kongklusyon:
Si Juan ay pupunta sa langit.
Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung masama kang Kristiyano, hindi
makakarating sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.
Kongklusyon:
Makakarating si Pedro sa langit.
May Pamiliang Silohismo
Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis
sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis:
Lahat ng lumalangoy ay isda.
Pangalawang Premis:
Si Nena ay lumalangoy.
Kongklusyon:
SI Nena ay isda.
Palasi ng Pangangatwiran
Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil
nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .
a. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Hal.Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-
awa kung sila ay lalagpak.
b. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan
o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Hal. Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito.
6
Fil2 Finals
Part 2: PANANALIKSIK
Kahulugan
May iba’t-ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananliksik.
7
Fil2 Finals
E. Trece at J.W Trece (1973) - Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
Calderon at Gonzales (1993) - Formulated in more comprehensive form, research may be
defined as a purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying,
organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for
invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knowledge, all
for the preservation and improvement of the quality of human life.
Layunin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). The
purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.
b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon
c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
d. Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
e. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at
iba pang larangan.
f. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
g. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
8
Fil2 Finals
naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga
di-empirikal na datos.
4. Ang pananaliksik ay mapunuri
- Sa pananaliksik, ang mga datos na naklap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalsan
pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pangestadistika sa
pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo
- Ang mga datos ay dapt mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang
pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Halimbawa,
ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang
tanong bawat respontente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa
mga pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na istatistikal na halaga.
6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda
- Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay
sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang
mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.
7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon
- Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt
nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng
konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
8. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali
- Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan
ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay
kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.
9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan
- Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong
paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang
- kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maasi siyang dumanas ng
di-pagsng-ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
kasamang mananaliksik.
11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat
- Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali
ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na
paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon)
para sa angkop o ang tinatawag na oral presentation o defense.
9
Fil2 Finals
a. MASIPAG
Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng
anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik.Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta
ng kanyang pananaliksik. Kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang
datos, kakulanagn ng katibayan para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwirang
kongklusyon.
b. MATIYAGA
Kakambal na ng sipag ang tiyaga.Sa pangangalap ng mga datos , kailangan maging
pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos, maaring
imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa nauna na nang mga nakalap na
datos.Samakatwid,kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng tagapayo, ang
panangalap ng mga datos mula sa iba’t-ibang hanguan tulad ng mga magasin, pahayagan, journal,
tisis, disertasyon, manuskrito, manipesto, polyeto, praymer, imbestigasyon, obserbasyon at mga
website sa internet.
c. MAINGAT
Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos,kailangang maging maingat ang
isang mananaliksik.Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa panagkunan ng datos at pinagmulang
ng anumang ideya,ang pag-iingat ay kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng
pananaliksik.Kailngan ding maingat at tiyakin ang iba`t ibang panig ngpaksang sinisiyasat at maingat
na tiyakin may sapat na katibayan o balidasyon ang anuimang posisyon o interpretasyong ginawa sa
pananaliksik.
d. SISTEMATIK
Ang pananalikisik ay iasng sistimatikong gawain. Sa makatuwid,kailangang sundin ng isang
mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunod-sunod.Halimbawa,hindi maaring unahin
ang paglalagom at pagbuo ng mga konklusyon nang hindi pa nakakangalap ng mga datos.Sa
pangangalap ng mga datos,kailangan nya ding maging sistematiko nang hindi maiwaglit ang mgta
datos sa sandaling kailngan na niya ang mga ito.
e. KRITIKAL
Ang pananaliksik ay isang iskolaring gawain.Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
Samakayuwid,sa pag-ieksamen ng mga inpormayion,datos, ideya o opinyon upang matukoy kung
ang mga ito’y valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Sa madaling salita,kailangan niyang
10
Fil2 Finals
timbang-timbangin ang mga katwiran ng mga impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung
alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.
11
Fil2 Finals
1. Fly Leaf 1 - ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na
ano sa pahinang ito.
2. Pamagitang Pahina - ito ang pahinang nagpapakilala sapamagat ng pamanahong-papel.
3. Dahon ng Pagpapatibay - ito ang pahinang kumukumpirma sapagkakapasa ng mananaliksik
atpagkakatanggap ng guro ngpamanahong papel.
4. Pasasalamat o Pagpapakilala -sa pahinang ito tinutukoy ngmananaliksik ang mgaindibidwal,
pangkat, tanggapan oinstitusyong maaaring nakatulong sapagsulat ng pamanahong-papel
atkung gayo’y nararapat pasalamatn okilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman - dito nakaayos ang pagbabalangkasng mga bahagi at nilalaman
ngpamanahong-papel at nakatala angkaukulang bilang ng pahina kung saanmatatagpuan ang
bawat isa.
6. Talaan ng Talahanayan at Grap - dito nakatala ang bawat pamagat ngbawat talahanayan ato
grap nanasa loob ng pamanahong papel atang bilang ng pahina kung saanmatatagpuan ang
bawat isa.
7. Fly Leaf 2 - ito ay isa na namang blangkongpahina bago ang katawan ngpamanahong papel.
8. Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
a. Panimula o Introduksyon -ito ay isang maikling talataangkinapapalooban ng
pangkalahatangpagtalakay ng paksa ngpanananaliksik.
b. Layunin sa Pag-aaral - Dito nilalahad ang layunin o dahilankung bakit isinasagawa
angpananaliksik ng paksa ng pag-aaral.Tinutukoy rin dito ang mga ispesipikna suliranin
na nasa anyongpatanong.
c. Kahalagahan ng Pag- aaral - Dito inilalahad ang signipikans ngpagsasagawa ng
pananaliksik ngpaksa ng pag-aaral.
d. Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy dito ang simula athangganan ng pananaliksik.
e. Depinisyon at Terminolohiya - Dito itinatala ang mga katawagangmakailang ginamit sa
pananaliksikat ang bawat isa’y binibigyangkahulugan.
PANANALIKSIK
ito ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon nahumahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ngkung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
Isinilang ang gawaing pananaliksik ngmagsimulang magtanong ang mga sinaunang mga tao sa
mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa
mgakatanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga
bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik
dahil kay Galileo Galilei noongmga 1500.
12
Fil2 Finals
Pagpili ng Paksa
1. Kasapatan ng Datos Kailangang may kasapatan ng literatura hinggil sa paksang pipiliin .
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan – ngilan pa lamang ang
mga abeylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng panahon May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon . Subalit
mas mainam kung ang pananaliksik ay may itinakdang panahon upang ito ay tapusin nang
matamo ang minimithing kasagutan o resulta para sa kapakinabangan ng mga susunod na
mananaliksik.
3. Kakayahang Pinansyal . Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa . May mga paksang
mangangailangan ng malaking gastusin , at kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad
13
Fil2 Finals
ng pananaliksik , mas mainam kung ang pipiliing paksa ay naaayon sa kakayahang pinansyal ng
mananaliksik .
4. Kabuluhan ng Paksa Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay
humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan . Samakatwid , kailangang pumili ng
paksang hindi lamang napapanahon , kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba
pang tao .
5. Interes ng Mananaliksik magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng ga
datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang
pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman
talaga niya .
14
Fil2 Finals
15