You are on page 1of 3

Ang Kasaysayan ng Lungsod

ng Kalookan
Ang siyudad ng Kalookan ay kilala bilang isa sa mga makasaysayang pook sa
Pilipinas. Ito ay naging saksi sa iba’t ibang mga makasaysayang kaganapan na siyang
umukit sa sarili nitong kasaysayan at kultura sa kasalukuyan.

ANG PINAGMULAN NG KALOOKAN

Sinasabing ang pinagmulan ng pangalan na Kalookan ay ang


salitang Tagalog na kalook-lookan o kaloob-looban na nangangahulugang
“pinakaloob na lugar”. May ilan ring paniniwala ang ilang residente na ito ay
nagmula sa salitang look o sulok dahil ang Kalookan noong unang panahon ay
matatagpuan sa pinakasulok na kung saan ang mga hangganan ng lumang
bayan ng Tondo at Tambobong (na ngayon ay Malabon) ay nagtatagpo.

May pagkakaiba-iba man ng kwento at paglalahad, iisa lamang ang


kasiguraduhan, ito ay isang makasaysayang pook dahil ito ay naging sentro ng
mga aktibidad ng Katipunan.

ANG KALOOKAN BILANG KAMPO NG


KATIPUNAN
Sa panahon ng mga Espanyol ay naging sentro ang Kalookan ng iba’t ibang
mga palihim na pagpupulong upang mailunsad ang Rebolusyon ng Pilipinas.
Sa isang tahanan sa Kalookan ay ginaganap ang mga pagpupulong na
pinangungunahan ng kanilang Supremong si Andres Bonifacio, at sa
teritoryong sakop ng Kalookan mismo naganap ang kauna-unahang
engkwentro sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino.

Sa taong 1899 ay naging saksi ang Lungsod ng Kalookan sa matinding


giyera sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa Philippine-American War, Battle
of Caloocan at Second Battle of Caloocan.
ARALING
PANLIPUNAN

Remely D. Guiveses
III-Felipe Agoncillo
Mrs. Elaine B. Del Rosario

You might also like