You are on page 1of 13

Ugnayan ng Kabuhayan o

Pamumuhay ng mga Tao sa Lungsod


at Bayan sa Rehiyong NCR
Araling Panlipunan 3
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo
Sundan at unawain natin ang susunod na talakayan.
Alamin natin ang ugnayan ng kabuhayan o
pamumuhay ng mga tao sa lungsod at bayan sa
ating rehiyon o maging sa iba pang rehiyon.
(Nagmamadaling umuwi ng bahay
si Clara. Sabik na sabik na siyang
ikwento sa kaniyang ina ang
natutunan niya sa paaralan.)
Clara:
“Inay, alam ko na po kung saan nanggaling ang
bigas, prutas at gulay sa palengke, kahit po ang
ating lungsod ay walang taniman ng palay, gulay at
prutas. Sabi po ng aking guro na si Binibining
Inosanta, ang ugnayan ng bawat lungsod at bayan
sa rehiyon at maging sa iba pang rehiyon ay
mahalaga sa kabuhayan upang matugunan ang
pangangailangan ng mga lungsod o bayan sa
rehiyon.
Clara:

Ang palay, gulay at prutas ay nanggaling


po sa ibang rehiyon, dinadala sa mga
pamilihan upang matugunan ang
pangangailangan natin sa bigas, prutas at
gulay.”
Inay:

“Tama ka anak! Ang ating lungsod at maging


ang iba pang lungsod at bayan ay hindi lamang
umaasa sa ating sariling rehiyon. Umaasa rin
tayo sa iba pang rehiyon. Katulad na lang ng
kinakain nating bigas, gulay at prutas, ang mga
ito ay inaangkat o binibili natin sa ibang rehiyon.
Inay:

May mga pagkakataon na ang pangangailangan


ng mga tao sa isang lungsod o bayan ay
tinutugunan ng ibang lungsod o bayan o maging
ng ibang rehiyon. Maging sila ay umaasa rin sa
ating rehiyon pagdating sa produkto o
kabuhayan na wala sa kanilang rehiyon.”
Clara:
“Kanina po tinalakay namin ang ugnayan
ng kabuhayan o pamumuhay ng mga tao
sa lungsod at bayan sa rehiyon. Sabi po
ni Binibining Inosanta, ang mga produkto
sa bawat lungsod at bayan sa rehiyon ang
tumutugon sa pangangailangan ng mga
tao sa rehiyon.
Clara:
Katulad po ng lungsod ng Navotas, sila po ang
tumutugon sa pangangailangan natin sa isda.
Sa bayan ng Pateros naman po nanggagaling
ang balut at itlog na maalat. Ang Marikina
naman po ang nagsusuplay ng sapatos sa
maraming lungsod at bayan sa rehiyon at
maging sa iba pang rehiyon.”
Clara:

“Pero, paano naman po, Inay kung


tayo naman ang nagkaroon ng
kakulangan sa pangangailangan sa
isda sa buong rehiyon?”
Inay:

“Diyan na papasok ang ugnayan ng bawat


lungsod at bayan sa rehiyon, maging sa iba
pang rehiyon. Maaaring umangkat o bumili ang
ating rehiyon sa ibang rehiyon ng isda upang
mapunan ang kakulangan sa pangangailangan
natin sa isda.”
Clara:

“Ang galing naman po, Inay! Ang


pagtutulungan ng bawat lungsod at bayan
sa rehiyon at maging sa iba pang rehiyon
ay mahalaga sa kabuhayan, upang
matugunan ang pangangailangan ng
mamamayan sa rehiyon.”
TANDAAN:
Kailangan ang ugnayan ng bawat lungsod o bayan sa kinabibilangang
rehiyon maging sa ibang rehiyon upang matugunan ang kakulangan
sa produkto ng buong rehiyon, maging ang pangunahing
pangangailangan ng mga tao sa lungsod at bayan sa rehiyon. Ang
produkto ng bawat lungsod at bayan sa rehiyon ang tumutugon sa
pangangailangan ng mamamayan sa rehiyon. Maaaring umangkat o
bumili ng produkto ang mga lungsod at bayan sa ating rehiyon
maging sa iba pang rehiyon upang mapunan ang kakulangan sa
suplay ng produkto. Ang pagtutulungan ay mahalaga upang
matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa lungsod at bayan ng
rehiyon.

You might also like