You are on page 1of 1

“Tunay bang may nagmamahal sa bayan?

Sa bawat pagmulat ng aking mata, sa bawat araw ng aking


buhay hindi ko mawari ang isang tanong na naninirahan sa aking isipan.
Isang katanungan na may mabigat na sagot dahil sa lawak ng maaring
maging apektado nito. “Tunay bang may nagmamahal sa bayan?”. Isang
tanong na nagsisilbing salamin sa reyalidad na araw- araw nating
hinaharap. Mga krimen, suliranin sa kahirapan, korapsyon at ang
kawalang progreso sa bawat suliraning nakalatag sa harapan ng
gobyerno at bawat mamayan ay tila mahirap makita at maramdaman
ang pag-ibig sa bayan ng mamayan- nasa kapangyarihan o wala.
Politikong maraming pangako sa kampanya ngunit matapos maihalal ay
tila nalimutan lahat ng naisaaad sa mukha ng mamamayan. Mapang-
abusong tila hindi nawawala sa lahat ng sulok ng bansa. Gutom at
kawalan ng trabaho na siyang nagdudulot ng lalong pagkalugmok ng
minorya. Sa ating mga kabataan na siyang itinuturing na pag-asa ng
bayan, sa realidad na ating kinamulatan isang hamon ang nais iparating
ng inang bayan, ating patunayan na mayroon paring nagmamahal at
nagmamalasakit sa ating bayan. Bilang pag-asa ng bayan ating
maiaangat ito sa pagkalugmok na siyang magiging tulay sa magandang
kinabukasan na naghihintay sa susunod na mga henerasyon

You might also like