You are on page 1of 2

“Lupa”

“Lupa nasaan na? May natitira pa ba? Kailangan pa ba natin ng mga magsasaka? Alam naman natin na

naghihirap ang magsasaka dahil sa mga naiimport dito sa ating bansa na mga bigas at yung mga bigas natin na

galing dito ay lumiliit ang presyo. Halika at talakayin natin. ”

Unang tatalakayin alam natin na sobrang importante ng mga magsasaka sa atin dahil kung wala sila wala tayong

kakaining bigas o kanin. Kaya hindi natin dapat sila pabayaan o ipasawalang bahala o ipagmaliit man lang.

Kaya dapat ay pasalamatan natin sila.

Pangalawang tatalakayin Lupa nasaan na? Oo baka nagtataka kayo bakit ganyan yung tanong ko dahil ako ay

taga probinsya at kahit saan ako tumingin ay mga lupa ang aking natatanaw. Nung ako ay pumunta dito sa

maynila ako ay nagtanong nasan na ang mga lupa bakit wala akong makita bakit puro gusali?. At ako ay

nagtanong ulit kung may natitira pa bang lupa dito bakit parang wala akong nakikita?. Kaya sobrang tanong ko

sa isip ko kung kailangan pa ba natin ng mga tanim. Hindi na ako nakakalanghap ng sariwang hangin dito sa

maynila.

Pangatlong tatalakayin bakit ganun na lamang ang tingin natin sa magsasaka ay parang turing natin sa kanila ay

napakababa dahil ba sila ay madumi o dahil sila ay babad sa init? Ang hindi ninyo alam na sobrang hirap

maging magsasaka seasonal ang kanilang gawain. Kaya wag natin ipasawalang bahala ang mga magsasaka kasi

kailangan natin sila.

Kung lalahatin wag natin ituring ang magsasaka na mababang lebel sa lipunan kasi sila ang nagpapataas at

nagbibigay produksyon ng ating bigas. Pero alam nyo ba na hindi sapat ang kanilang hanapbuhay dahil sa
sobrang baba ng bili sa kanila ng bigas dahil sa mga iniimport ng gobyernon galing ibang bansa kaya

nasasapawan yung mga produksyon ng bigas galing dito sa atin kaya hindi na ito natutumbasan ng salapi ang

kanilang pagod.

You might also like