You are on page 1of 3

Ang Sugat na Hindi Nakikita

(The Invisible Wound)


Ni Karoly Kisfaludi

Isang Umaga samantalang ang espesyalistang siruhano ay nagpapahiga pa sa kanyang higaan


ay nagkaroon siya ng isang pasyenteng labis ang pagmamadali.Pumasok ang isang lalaking kagalang-
galang na mapagwawaring nagmula sa angkang kabilang sa mataas na lipunan. Mababakas sa kanyang
maputlang mukha at sa kaanyuaang hindi mapalagay ang malabis na pagdurusa at pagtitiis. Pinaupo siya
ng siruhano at tinanong, “Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?”. Buong paghihirap na inalis ng lalaki ang
sakbat sa kanyang kanang kamay at nagawika “Huwag ka magtaka kung wala kang nakikitang sugat sa
aking kamay, Hindi pangkaraniwan ang aking sakit.”Itinuro ng maysakit ang isang bahaging pabilog sa
pagitan ng dalawang malalaking ugat ngunit bigla niyang hiinila ang kanyang kamay nang maingat na
diniinan ngdaliri ng doctor ang bahaging kanyang itinuturo. “Iyon ba ang kumikirot?” ang tanong ng
manggagamot.Hindi sumagot ang lalaki ngunit ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito ang
nagpatunay nng kirot na tinitiis.”Nakapagtataka ngunit wala akong nakikitang kapansanan!” Mulling sinuri
ng siruhano ang kamay nito sa pamamagitan ng mikroskopyo,kinunan din niya ng temperature at umiling-
iling. “Sa palagay ko’y may kapulahan ng bahagya ang masakit na bahagi”. “Saan?” “Dito.” Gumuhit ng
pabilog sa likod ng kanyang kamay na kasinlaki ng pera.Pinagmasdan ng doctor ang kausap. Inisip
niyang siya ay nakikitungo sa isang taong nasisiraan ng bait. Naglabas ng isang libong florin ang lalaki
upang patunayan sa doktor na hindi siya nagbibiro. Ngunit umiling ang doktor. “Ialay mo man sa akin ang
lahat ng yaman mo ay hindi ko maaaring tistisin ang isang malusog na kamay.”Bakit Hindi?” “Sapagkat
malalabag ang gayon sa aking sinumpaan na tungkulin bilang manggagamot.” Nagulat ang doktor nang
biglang inilabas ng lalaki ang kanyang lanseta sapagkat walang patalim na nakalabas sa tanggapan ng
doktor. Bago mahadlangan ng siruhano ang panauhin ay naibaon na nito nang malalim sa kamay ang
lanseta. “Tigil na ‘yan!” Ang sigaw ng doktor sa pangambang baka sa kawalang muwang ng lalaki ay
maputol pati ang mahahalagang ugat. “Kung naniniwala kang dapat tistisin ang kamay mo ay ikaw ang
masusunod.Ako ang titistis.”Inihanda ng doktor ang mga dapat gawin. Matatag na tiniis ng lalki ang
pagtitistis,siya ay napabuntong hininga nang buong kasiyahan at tila ba naibsan sa balikat ng isang
mabigat na pasanin. Nang mabendhan ang sugat,lubos siyang naginhawaan at bakas sa kanyang mukha
ang katiwasayan. Lubos ang kanyang pasasalamat sa doktor at umalis.
Tatlong lingo ang nakalipas,mulling bumalik ang lalaki. Idinaraing na nanaman ang napakakirot na
bahaging tinistis noon ng siruhano. “Hindi sapat ang lalim ng pagkakahiwa mo,nagbalik ang kirot na
mahigit pa sa dati para na akong mamamatay. Kailangang tistisin mong muli.”Sinuri ng siruhano ang
bahaging kanyang tinistis.Iyon ay naghilom na at natatakpan ng bagong balat.Nasa ayos ang
lahat.Walang lagnat ang maysakit ngunit kumikinig ang lahat ng halos ng bahagi ng katawan nito.Walang
nagawa ang siruhano kundi tistising muli ang bahaging tinistis niya noon. Nawala ang kirot ngunit ang
lalaki bagamat nakadama ng kaginhawaan ay hindi ngumiti sa doktor nang magpaalam. “Umasa kang
magkikita tayong muli.”Wika ng maysakit na tila nakatitiyak sa kanyang sinabi.
Nakalipas ang isang buwan hindi na bumalik ang lalaki.Lumipas pa ang isang Linggo, sa halip
isang liham mula sa lalaki ang dumating.Malugod na binuksan ito ng siruhano sa pag-aakalang nag
nilalaman nito ay nagbabalitang ang kirot ay hindi na bumalik. Ganito ang nilalaman ng liham.
Mahal kong Doktor,
Hindi ko nais na pabayaan ka na lamang sa iyong agam-agam tungkol sa aking
mahiwaaang karamdaman.Ibig kong ipabatid ang pinagmulan ng sakit kong ito.
Anim na buwan na ang nakalipas,sa panahong iyon ay ako na marahil ang
pinakamaligayang tao.Mayaman ako at noong isang taon nakipagtalimpuso ako sa isang babaeng
napakaganda,napakabait at ito ay udyok ng isang wagas na pag-ibig.
May kahong lagi niyang sinususian sa kanyang maliit na mesang panahian.Nagsimulang
guluhin ang aking katahimikan ng naturang kahon lalo pa nga’t malimit kong napapansin na ang susi ay
hindi niya iniiwan kahit kalian at hindi iniiwanang bukas. Anong lihim mayroon ang kahon na iyon?Sinunog
ng panibugho ang aking puso at ipinalagay kong panlilinlang ang matatamis niyang halik at magigiliw na
yakap.
Isang araw ay dumating ang kondesa at inaya ang aking maybahay sa kanyang tahanan.
Nangako akong susundan ko siya roon bandang hapon.Kaalis pa lamang ng karwahe ay sinimulan ko ng
buksan ang kahon.Sa paghahalungkat ko ay nakita ko ang isang balumbon ng mga liham na unang
malas pa lamang ay makikilala nang liham ng pag-ibig..Isiniwalat doon ang kataksilang hindi
mapapatawad.Nagbuhat ang liham mula sa isa kong matalik na kaibigan.Ang mga iyon ay isinulat
pagkatapos ng aming kasal.Pagkatapos ay isinauli ko sa kahon at isinusi. Iyon na marahil ang
pinakamalagim na sandal ng buhay ko
Umuwi ang aking maybahay. Buong katuwaan niya akong niyakap at hinagkan. Hindi ako
nagpahalata ng anumang pagbabago. Nagkwentuhan kami, nagsalo ng hapunan at nagtungo sa silid.
Niyari ko sa sarili ko ang isang balak na pagbabayarin siya sa kanyang kataksilan. Pinagmasdan ko
siyang natutulog at naisip kong mandaraya ang kalikasan sa pagkakaloob ng kagandahan sa isang
babaeng makasalanan. Marahan kong ipinatong ang aking kanang kamay sa kanyang leeg at buong diin
ko siyang sinakal. Sumandali siyang nagmulat, tiningnan akong warinng gulat pagkatapos pumikit nang
muli at namatay. Wala siyang anumang ginawnag pagtatanggol. Isang patak ng dugo ang dumaloy sa
kanyang mga labi at lumagpak sa kanan kong kamay. Nalalaman mo na kung saang bahagi ito doktor.
Hindi ako nakadama ng anumang pag-uusig ng budhi. Iyon ang nararapat sa katulad niyang taksil.
Nailibing siyang walang alingasngas.
Nang sapitin ko an gaming tahanan ay siya naming pagdating ng kondesa.Tila hindi siya
mapakali. Wari’y takot na takot at labis na nabigla sa balitang pagkamatay ng aking maybahay. Sinabi ng
kondesa na may ipinagkatiwala siyang isang balumbon ng liham sa yumao kong asawa.Hindi niya
maaaring maitago ang mga iyon dahil sa uri ng mga naturang liham. Sinabi niya kung maaaring isauli sa
kanya ang mga liham. Nanlamig ako. Nagkunwari akong mahinahon at tinanong ko siya kung ano ang
nilalaman ng liham. At sinabi niyang “ Ang iyong namatay na asawa ang pinakamatapat na babaeng
nakilala ko, ni minsan hindi niya itinanong sa akin ang nilalaman ng mga liham na iyon.” Kinuha ko ang
balumbon ng liham at iniabot sa kanya. Nagmadali niyang kinuha ito at umalis. Hindi ako nakapagtaas ng
paningin sapagkat natatakot akong may mabasa siya sa aking mga mata.
Husto isang Linggo pagkatapos ng libing,naramdaman ko ang isang matinding kirot na
nanunuot hanggang buto sa bahaging nalagpakan ng dugo ng aking maybahay.Nalalaman mo na ang iba
pang pangyayari.Nalalman kong ang nagaganap sa akin ay sariling hinagap ko lamang ngunit wala akong
kakayahang gamutin ang aking sarili. Parusa sa akin ito sa ginawa kong malupit at pabigla-biglang
pagkitil sa buhay ng walang kasalanan at kaibig-ibig kong maybahay.Susunod na ako sa kanyang
kinaroroonan at pagpipilitan kong makamit ang kanyang kapatawaran. Nalalaman kong ako’y kanyang
patatawarin at muling mamahalin katulad ng pagmamahal niya sa akin noong nabubuhay pa siya.
Salamat sa iyo doktor sa lahat ng tulong mo sa akin.
PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA PANGKAT 1 PANGKAT 2 PANGKAT 3 PANGKAT 4
• Kasiya-siya ba ang ginawang pag-
uulat?
• Mahusay bang nakasunod sa
ipinagawa ng guro ang pangkat?
• May sapat bang kaugnayan ang
kasagutan sa paksang tinalakay?
• Nakiisa ba ang bawat kasapi sa
pagbuo ng gawain?
Kabuuang iskor /20 /20 /20 /20

5-Pinakamahusay

4-mahusay

3-magaling

2-hindi gaanong magaling

1-pagbutihan pa

You might also like