You are on page 1of 62

KOMUNIKASYON

AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Aralin
1
WIKA Panimu
Ano nga ba ang
kahalagahang naidudulot ng
la
wika sa buhay ng tao?

Ang bawat nilikha ay


naghahangad na magkaroon
ng kahusayan sa wika.

Ito ay isang mahalagang


kasangkapan upang
maipahayag ng tao ang
kanyang damdamin at
kaisipan.
Ang kakayahan sa paggamit nito
na nasasalig sa isipan, damdamin at
kilos ng tao ay resulta ng isang
dinamikong prosesong bunga ng
kanyang karanasan- kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at
maging ng kanyang mga pangarap at
mithiin.
Sa pamamagitan ng wika, nabubuo
ang mabuting relasyon sa kapwa,
napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at
nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan ng iba.
Dahil sa wika nakatatanggap at
nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala
ng pagbabago sa kultura at kabihasnan.
Ano nga ba talaga ang wika?
Bakit ito’y totoong napakakomplikado at
tunay na may kapangyarihan?

Ang kahulugan ng wika bilang


representasyon ng karanasan
ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad
at patuloy na nagbabago. Kailanman
ito’y hindi static.
Isa sa mga pinakadakilang
biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay
ang wika.

Ito ang kasangkapan upang


maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang
kanyang iniisip, nadarama at nakikita
tungkol sa kanyang paligid.
Aralin
1 Wika: Kahulugan,
Katangian,
Kahalagahan
Iba’t Ibang
Pakahulugan sa
Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
(Edward Sapir)
Matatagpuan sa wika ang mga
tanda o simbolo na nagkakaroon ng
kahulugan ayon sa mga gumagamit nito.

Ang mga simbolo o tanda ay


maaring salita, bilang, drowing, larawan
o anumang hugis na kumakatawan sa
konsepto, ideya o bagay.
Ang mga tao’y nabubuhay sa mga
simbolo na kinukontrol naman nila. Ang
kakayahan ng mga tao na kontrolin ang
mga simbolong ito ay napatangi sa kanya
sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba
ng tao sa hayop. (Lachica , 1993)
Si Caroll (1964) ay nagpahayag
na ang wika ay isang sistema ng
mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.
Ayon kay Todd (1987) ang wika
ay isang set o kabuuan ng mga sagisag
na ginagamit sa komunikasyon.
- hindi lamang binibigkas
na
tunog kungdi ito’y sinusulat
din.
Ang mga tunog at sagisag
na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito, ayon sa
kanya, walang dalawang wikang
magkapareho bagamat bawat isa
ay may sariling set ng mga
tuntunin.
Ayon naman kay Bram, ang
wika ay nakabalangkas na
sistema ng mga arbitraryong
simbolo at tunog na binibigkas
at sa pamamagitan nito’y
nagkakaroon ng interaksyon ang
isang pangkat ng tao.
Ang wika ang pangunahin
at pinakatiyak na anyo ng
simbolikong gawaing pantao
ayon kay Archibald Hill.
Ayon kay Henry Gleason, ang
wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabahagi at kasama sa isang kultura sa
kanilang pakikipagtalastasan.
Katangian
ng
midyum sa
komunikasyon MASISTEMANG
BALANGKAS

Walang
Superyor na
wika
Sinasalitang
tunog.

May pulitika
ang wika.
arbitraryo

Makapangya-
rihan
Nakabatay ito
dinamiko - sa kultura
namamatay,
nabubuhay.
Kahalagahan

ng

Wika
Wika ang ginagamit natin
sa pakikipagtalastasan.

Sa pamamagitan din nito


nalalaman natin kung ano
ang gustong ipahiwatig ng
ating kapwa.
Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat
isa sa pamamagitan ng
paggamit ng wika.

Ito ang nagbubuklod sa


bawat tao hindi lamang dito
sa Pilipinas kundi maging sa
mga ibang bansa rin.
Sa pamamagitan ng wika kaya
nagkakaunawaan at nagkakaroon
ng madaling komunikasyon ang
bawat tao kundi pati na rin sa mga
karatig bansa nito.

Ang wika ang sumasagisag sa


napakaraming aspekto ng buhay
ng tao.

Ang wika ay kaluluwa ng


isang bansa at salamin ng lipunan.
Ang wika ay sagisag ng
pambansang
pagkakakilanlan.

Ang wikang pambansa


ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ng
damdamin at diwa ng mga
mamamayan.
4. Nakakapagkomunikasyon
sa iba at nasasanay tayo
sa gramatika
Pambansang

Wika
 Hindi naging madali ang
pagpili nito

 Dumaan sa mahaba at
masalimuot na proseso
Pahapyaw na Kasaysayan

1934- Nagkaroon ng
Kumbensyong Konstitusyunal

- Lope K. Santos at Pangulong


Manuel L. Quezon
Pahapyaw na Kasaysayan

1935- Art. XIV Seksyon 3 ng 1935


na Saligang Batas

- Batas komonwelt Blg 184


(Surian ng Wikang Pambansa)
Pahapyaw na Kasaysayan

1937- iprinoklama ni Pangulong


Quezon ang wikang Tagalog
bilang batayan (Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134)
Pahapyaw na Kasaysayan

1940- inumpisahang ituro ang


wikang pambansang batay sa
Tagalog sa lahat ng paaralan-
publiko at pribado
Pahapyaw na Kasaysayan

1946- ipinahayag na Tagalog at


Ingles ang opisyal na wika ng
Pilipinas (Batas Komonwelt Blg.
570)
Pahapyaw na Kasaysayan

1959- pinalitan ng Pilipino ang


wikang pambansa (Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7)
Pahapyaw na Kasaysayan
1972- nagkaroon ng mainitang
pagtatalo sa Kumbensyong
Konstitusyunal
- unang na gamit ang
salitang Filipino bilang bagong
katawagan sa wikang
pambansa ngunit hindi
napagtibay
Pahapyaw na Kasaysayan
1987- Art. XIV, Seksyon 6 ng
S.B.
- Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
Ang Filipino ay ang katutubong wika
na ginagamit sa buong Pilipinas bilang
wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay,
ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng
iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-
ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito,
na may iba’t ibang sanligang sosyal at para
sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.
Wikang Opisyal

 isang wika o lenggwahe na binigyan


ng bukod-tanging istatus sa saligang
batas ng mga bansa, mga estado, at
iba pang teritoryo

 wikang kadalasang ginagamit sa


lehislatibong mga sangay ng bansa
Wikang Panturo
 opisyal na wikang ginagamit sa
pormal na edukasyon

 ang wikang ginagamit sa pagtuturo at


pag-aaral sa mga eskwelahan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-
aralan.
Monolinggwalismo
 ang pagpapatupad ng iisang wikang
panturo sa lahat ng larangan o
asignatura, (England, Pransya, South
Korea, at Japan), iisang wika sa
larangan ng komersyo, wika ng
negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw-
araw na buhay.
Bilinggwalismo
 Ito ay paggamit at pagkontrol ng
tao sa dalawang wika na tila ba
ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. (Leonard
Bloomfield, 1935)
Bilinggwalismo
 Taong may sapat na kakayahan
sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat
sa isa pang wika maliban sa
kanyang unang wika. (John
Macnamara, 1967).
Bilinggwalismo
 Ang pagkakaroon ng dalawang
wikang panturo sa mga paaralan
at wikang opisyal na iiral sa lahat
ng mga pormal na transaksyon sa
pamahalaan man o sa kalakalan.
(Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng
Saligang Batas ng 1973)
Bilinggwalismo
 Magkahiwalay na paggamit
ng Pilipino at Ingles bilang
wikang panturo mula Grade
1 pataas sa mga tiyak na
asignatura. (D.O. No. 25, s.
1974)
Multilinggwalismo
 ang tawag sa patakarang pangwika
kung saan nakasalig ito sa paggamit
ng wikang pambansa at katutubong
wika bilang pangunahing midyum
sa pakikipagtalastasan at
pagtuturo, bagamat hindi
kinakalimutan ang wikang global
bilang isang mahalagang wikang
panlahat
Register ng Wika

 Mga wika/salitang
partikular ang gamit sa
isang tiyak na disiplina.
Barayti ng Wika
 Ito ay pagkakaiba ng mga
wikang sumusulpot at
nagiging bahagi ng
pamumuhay ng mga tao
sa iba’t ibang larangan o
panig sa bansa.
Homogenous
 Homogenous ang wika
kung pare-parehong
magsalita ang lahat ng
gumagamit ng isang wika
(Paz, et al., 2003).
Heterogenous
 Heterogenous ang wika
kung hindi pare-parehong
magsalita ang gumagamit
ng isang wika dulot ng
mga salik panlipunan
Linggwistikong
Komunidad
 binubuo ng grupo o
pangkat ng mga taong
kabahagi ng tradisyon,
paniniwala at kaugalian at
wika.
Linggwistikong
Komunidad
 Ayon kay Gumperz (1968), ang
kabuuang katangian ng taong
kinakatawan ng regular at
kadalasang interaksyon sa
pamamagitan ng katawan at berbal
na senyales at ang makabuluhang
pagkakaiba sa gamit ng wika.
Unang Wika
 Ito ay ang wikang kinagisnan
mula sa pagsilang at unang
itinuro sa isang tao. Kilala din
itong katutubong wika, mother
tongue, arterial na wika at
kumakatawan sa L1.
Pangalawang Wika
- alinmang wikang natutuhan ng
isang tao matapos niyang
maunawaang lubos at magamit
ang kanyang sariling wika o ang
kanyang unang wika

- Ito ay bunga ng kanyang


exposure sa iba pang wika.
Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa
o pangkat ng mga tao na may komon
na wika. May mga taong kilometriko at
mabulaklak kung magpahayag. May
mga ilan ding nakagawiang magsalita
nang malakas o di kaya ay mahina.
Mayroon ding mga tao na may isang
salitang nakasanayan nang banggitin
nang paulit-ulit sa bawat linya ng
kanilang pangungusap.
Halimbawa:

“Siguro nga ammm….dapat


tayong magkaisa ok….Ito ay
ammm….susi sa pagkakaroon ng
katahimikan sa bansa, ok? Kung
hindi ngayon, ammm…kailan pa
kaya? Dapat ay ngayon na, ok?
Dayalekto- ang barayting ito ay
inuuri ayon sa lugar, panahon at
katayuan sa buhay ng mga taong
nagsasalita at kabilang sa isang
heyograpikal na komunidad.
Tinatawag din itong panrehiyunal o
wikain.
Sosyolek- sinasabi naman itong
pansamantalang barayti. Tinatawag
itong pansamantala dahil nadedevelop
ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa
isang partikular na grupo ng mga tao.

Halimbawa:
Allergy ( Galis para sa mahihirap)
Gravy ( Sarsa para sa ordinaryong tao)
Slim ( tawag sa mga payat na tao)
Etnolek- barayti ito ng wika na
nadedevelop mula sa mga salita ng
mga etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli
Ekolek- tumutukoy ito sa mga
salita na kadalasang nagmumula o
sinasalita sa loob ng bahay.

Halimbawa:
Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/
Sinigang,
Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang
walang pormal na estruktura.
Nadedevelop ito dahil na rin sa
pangangailangan na makabuo ng
isang pahayag. Kadalasan,
napaghahalu-halo ng nagsasalita ang
kanyang unang wika sa wikang
sinasalita ng isang komunidad na
bagong kinabibilangan niya.
Creole- ito ay produkto ng pidgin
na wika, kung saan, nadedevelop
naman ang pormal na estruktura ng
wika sa puntong ito.

Halimbawa:
Chavacano ng Zamboanga, Chamoro
ng Guam
Maraming salamat!

Madamu nga salamat!

Daghang salamat!

Raku nga salamat!

Abo saeamat!

Thank you very much!

You might also like