You are on page 1of 4

Filipino Nate

Mga bahagi ng aklat

Dedikasyon Talaan ng Nilalaman Glosari


Panimula Paunang Salita Katawan ng Aklat
Pabalat Talasanggunian
Panuto: Piliin ang sagot sa kahon

________________ 1. Dito makikita ang pamagat, may akda, at manlilimbag

________________ 2. Kapag nais mong tingnan sa aklat ang kahulugan ng isang salita dito mo
makikita

________________ 3. Dito makikita ang talaan ng mga kwento o texto at kung saang pahina ito

________________ 4. Ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang
makatawag pansin samambabasa.

________________ 5. Nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat
kasama ang paliwanag sapaggamit nito.

________________ 6. Makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.

________________ 7. Makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.

________________ 8. Nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit
sa aklat.

Katotohanan at Opinyon

Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O
kung ito ay isang opinyon.

1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.

____ Ang paboritong kulay ko ay bughaw.

2. ____ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria
Macapagal-Arroyo.

____ Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

3. ____ Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa
kalusugan.

____ Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

4. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

____ May pitong araw sa isang linggo.


Pang-abay at mga uri nito

Pamaraan Pamanahon Panlunan

_________________ 1. Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng


pandiwa.

_________________ 2. Tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa


pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay

_________________ 3. naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang


kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Panuto: Ang pang-abay (adverb) ay salitang naglalarawan ng pandiwa (verb), pang-uri


(adjective), o kapuwa pang-abay. Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap.

1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.

2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.

3. Ang magnanakaw ay tumakbo nang mabilis.

4. Kamuntik nang magkabungguan ang dalawang sasakyan.

5. Halos kumpleto na ang pangkat ng mga mang-aawit.

6. Si Mang Teodoro ay maingat magmaneho ng dyip.

7. Magiliw na sinalubong ng Ginoong Garcia ang mga panauhin.

8. Mainit nang bahagya ang tubig mula sa bukal na ito.

9. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.

10. Tunay na kapani-paniwala ang mga kuwento ni Mang Pabling.


Parirala at Pangungusap

Isulat ang P kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap at PR kung parirala.

______ 1. Sa gitna ng kalsada. ______ 6. Magaling na mang-aawit.

______ 2. Maraming puno. ______ 7. Tumalon at tumakbo si Caden.

______ 3. Ang lapis ay matulis. ______ 8. Matulunging bata.

______ 4. Inayos ang mga damit. ______ 9. Nasa loob ng silid ang mga laruang ipamimigay.

______ 5. Ang mga mag-aaral. ______ 10. Mayroon akong regalo.


Key

1. Pabalat
2. Glosari
3. Talaan ng nilalaman
4. Pabalat
5. Paunang salita
6. Katawan ng aklat
7. Talaan ng nilalaman
8. Glosari

1. K, O
2. O, K
3. K, O
4. O, K

1. Pamanahon
2. Panlunan
3. Pamaraan

1. Sadyang
2. Mahirap
3. Mabilis
4. Kamuntik
5. Halos
6. Maingat
7. Magiliw
8. Bahagya
9. Tahimik
10. Tunay

1. PR
2. PR
3. P
4. PR
5. PR
6. PR
7. P
8. PR
9. P
10. P

You might also like