You are on page 1of 39

KABANATA 43: Mga Panukala

[Mga Tauhan: Padre Damaso, Maria Clara, Tiya Isabel, mga kaibigan ni Maria Clara, atbp., Donya
Victorina, Linares, Padre Salvi, Lucas, ibang ekstrang tauhan]

[Mga Kinakailangan/Props: bahay ni Kapitan Tiyago, silid ni Maria Clara, liham, sumbrero at baston ni
Padre Salvi]

[Lugar: Sa bahay ni Kapitan Tiyago; sa silid ni Maria Clara; sa dalanginan; Sa labas ng silid ay naroroon ang
ibang mga tauhan (Tiya Isabel, Sinang, pwede ring mga ibang kaibigan pa ni Maria Clara, atbp.]

(Papasok si Padre Damaso nang walang sinumang pinapansin sa mga nadatnang tao, dire-diretso sa silid
kung saan nakaratay si Maria Clara, halata sa mukha ng pari ang pag-aalala sa dalaga)

Padre Damaso (PD): (hahawakan ang kamay ni Maria at tumatangis na bubulong sa dalaga gamit ang
malambing na boses) Maria! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay, tatagan mo lamang ang iyong
kalooban, pasasaan ba at bubuti rin ang iyong pakiramdam.

(Magigising si Maria Clara, imumulat ang mata at may pagtatakang titingin kay Padre Damaso na
hanggang sa mga oras na iyon ay tahimik pa ring tumatangis)

(Aalis at lalayo sa kinaroroonan ni Maria Clara, pupunta sa pasibi/balag (dalanginan) at doon ay tatangis
na parang isang bata)

(Kapag medyo payapa na ang damdamin ng pari, lalapit si Donya Victorina kasama si Linares)

Donya Victorina (DV): Mawalang-galang na ho Padre Damaso, nais ko lamang ipakikila sa iyo ang aking
pinsan na si Linares.

Linares (L): Magandang araw ho, ikinalulugod ko na makilala ka padre, (hahalik sa kamay ng padre
bilang tanda ng paggalang) (Iaabot ang liham) Ang liham po na ito ay laan para sa iyo, ikasisiya po ng
aking kalooban kung iyong babasahin padre.

(Aabutin ang liham ngunit hindi magsasalita, tititigan ang binata mula ulo hanggang paa na waring
sinusuri; matapos ay bubuksan ang liham at ito ay babasahin; pagkatapos mabasa ang liham ay sasaya
ang mukha ng pari)

PD: (sa tonong nagagalak) Ikaw pala ang inaanak ni Carlicos! (niyakap ang binata) Ilang araw pa
lamang mula nang matanggap ko ang kanyang liham. Hindi kita nakilala, tunay nga sapagkat hindi ka
pa ipinapanganak nang ako'y umalis sa Espanya. Hindi kita nakilala. (Mas hinigpitan ang yakap kay
Linares, nawala ang kalungkutan)

PD: (bibitaw sa pagkakayakap) A! sinasabing ihanap kita ng trabahong mapapasukan at ng


mapapangasawa. Um! Sa mapapasukan ay madali. Marunong ka bang magbasa at sumulat?

L: Ako po ay nag-aral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.


PD: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang babae. Oo,
isang babae.

L: Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.

(Si Padre Damaso ay lumakad na panay ng bulong ng “isang babae” at wala na ang kanyang kalungkutan.
Hinatak si Linares.)

PD: Halika nga binata at makipag-usap tayo kay Santiago.

(Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na nag-
iisip, halata rin sa mukha ng padre ang pagkalungkot; Maya-maya ay may lumapit na isang lalaki (Lucas)
kay Padre Salvi at nagbigay-galang)

Lucas (Lu) : (makikita sa mukha ang pagpipilit na umiyak, pagkuwa'y papahiran pakunwa ang luha sa
mata) Magandang araw ho, Padre. Ako ho ang kapatid ng namatay sa paglalagay ng panukalang bato
sa paaralang ipatatayo ni Don Crisostomo Ibarra. (patuloy pa rin sa kunwaring pag-iyak)

Padre Salvi (PS): (natigilan at sa mahinang tinig ay magsasalita) Anong kailangan mo at ikaw ay
napasadya pa rito?

Lu: (umaarte pa rin) Padre nagsadya po ako sa bahay ni Don Crisostomo Ibarra upang humingi ng
bayad-pinsala. Ngunit matapos po akong sipain ay sinabing ayaw niyang magbayad dahil nalagay din
daw sa panganib ang kanyang buhay dahil sa aking kapatid. Nagbalik ako kahapon ngunit nakaluwas
na raw sa Maynila, nag-iwan lamang po ng limandaang piso at ipinagbilin na huwag na akong babalik
kailanman A! Limandaang piso para sa aking kapatid. Akalain po ninyo, padre, limandaang piso
kapalit ng buhay ng kahabag-habag kong kapatid.

PS: (ngumiti nang may halong pang-aalipusta) Hindi ka taga-rito. (Itinuro ang lansangan) Lumayas ka
na at magpasalamat kay Don Crisostomo Ibarra at sa halip na ipakulong ay binigyan ka pa ng salapi.
Lumayas ka rito!

Lu: (nalimutan ang pagkukunwari at nagsalita sa marahang tono) Akala ko po'y... Maaari ko po bang
makausap si Padre Damaso?

PS: (pasigaw) Hindi maaari! Maraming ginagawa ang padre kung kaya't lumayas ka na rito!

Lu: (Pumanaog habang bumubulong) Ang taong ito ay parang isang...kapag di nagbayad ng
mabuti...ang magbayad ng mabuti ay...

(Dahil sa pagsigaw ni Padre Salvi ay napalabas ang mga nasa loob ng bahay ni Kapitan Tiyago at siya ay
tinanong kung bakit sumigaw)

: Bakit ka sumigaw, padre? Sino ba ang iyong kausap?

PS: Isang walanghiyang hampaslupa na nagpapalimos at ayaw maghanapbuhay ( at tuloy kinuha ang
sumbrero at baston at nagtungo sa kumbento)
KABANATA 44: Paggunam-gunam ng mga Kasalanan

[Mga Tauhan: Padre Salvi, Maria Clara, Tiya Isabel, Sinang at iba pang mga kaibigan ni Maria Clara, Donya
Victorina, Don Tiburcio, Kapitan Tiyago]

[Mga Kinakailangan/Props: bahay ni Kapitan Tiyago, silid ni Maria Clara, liham, meryenda, mga gamot,
mga santo (Birhen ng Antipolo, Nuestra del Rosario, Nuestra Señora del Pilar), gintong baston para sa
birhen, malaking kandila, tubong kristal]

[Lugar: Sa bahay ni Kapitan Tiyago; sa silid ni Maria Clara, sa simbahan, sa hapagkainan habang
nagmiminindal sina Kapitan Tiyago, sa dalanginan]

(Ipapakita si Maria Clara na nakaratay pa rin sa kanyang higaan at patuloy na ibinubulong ang pangalan
ng kanyang ina; Ipapakita rin ang kanyang Tiya Isabel at ang kanyang mga kaibigan na patuloy pa rin
siyang inaalagaan)

(Kuhanan din ng pasulyap yung dahilan kung bakit nabinat si Maria Clara at yung mga ginawang
pangingilin ng kanyang ama upang siya ay gumaling; 1. nangungumpisal si Maria Clara, 2. nagpamisa,
nagpalimos sa mga santo, at nag-alay ng gintong baston sa Birhen ng Antipolo si Kapitan Tiyago; matapos
mag-alay ng gintong baston, ipapakita na bumuti ang pakiramdam ni Maria Clara; ipapasulyap din yung
pagkatuwa ng mag-asawang de Espadaña dahil sa bisa ng gamot (jarabe de alten, liquen) na ibinigay ni
Don Tiburcio kay Maria Clara)

(Sa hapagkainan habang nagmiminindal si Padre Salvi, Kapitan Tiyago, at ang mag-asawang de Espadaña)

Padre Salvi: Alam niyo na ba na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso?

Donya Victorina: A! totoo pala talaga ang balitang nakarating sa atin, Tiburcio.

Don Tiburcio: (tumango) Siguradong ikalulungkot iyan ng iyong Clarita, Santiago. (nakatingin kay Kap.
Tiyago)

Kapitan Tiyago: Natitiyak ko iyan sapagkat parang tunay na ama na rin ang turing ni Maria sa kanyang
ninong. Isa pa, naniniwala rin ako na ang pagkakasakit ng aking Maria Clara ay dahil sa sama ng loob
sa nangyari noong araw ng pista.

Padre Salvi: Tama ka diyan, ganoon rin ang aking palagay. Mabuti nga rin na hindi ko pinahintulutan si
Maria na makausap si Ibarra sapagkat kung nagkataon ay baka lalo pang lumubha ang kalagayan nito.

Donya Victorina: Magpasalamat ka Santiago sapagkat kung hindi dahil sa galing ng aking esposo ay
marahil namatay na ang iyong anak. Kung nagkataon na may higit na marangal na pasyente ang aking
asawa ay iba ang matatawag ninyo at siguradong hindi ito kasing husay ng aking esposo!
Padre Salvi: Ngunit matibay ang aking paniniwala na ang pagkakumpisal ni Maria Clara ang nakabawas
nang malaki sa kanyang karamdaman. Ang isang malinis na budhi ay higit pang mabisa kaysa anumang
uri ng gamot.

Donya Victorina: A! Diyan ka nagkakamali, padre. Kung hindi naman dahil sa gamot na inirereseta ng
aking asawa ay hindi bubuti ang pakiramdam ni Clarita. Ang higit na dapat mong pagkumpisalin,
padre, ay ang asawa ng alperes, ang Donya Alperesa na dating labandera! nang sa gayon ay bumango-
bango naman ang mga salitang inilalabas ng kanyang bibig.

Padre Salvi: Napag-usapan na rin lamang ang kumpisal, bakit hindi ulit natin pagkumpisalin si Maria
Clara upang lalong mapadali ang kaniyang paggaling?

Kapitan Tiyago: Sang-ayon ako sa iyong mungkahi, padre at nang tuluyan ng gumaling ang aking mahal
na anak. Sandali at... ISABEL! ISABEL, PARITO KA! (papasok sa hapagkainan si Tiya Isabel)

Padre Salvi: Mabuti at lumapit ka kaagad Isabel, nais kong ihanda mo si Maria sa muling
pangungumpisal at pagtanggap ng komunyon pagkatapos.

Tiya Isabel: Masusunod, padre.

(Sa silid ni Maria; maputlang-maputla si Maria at hindi pa rin nakakabangon; lalapit si Sinang at bibigyan
siya ng isang maliit na tabletas mula sa isang tubong kristal)

Sinang: Ang sabi raw ng mediko ay itigil mo na ito kung makakaramdam ka ng pamimingi.

Maria: (sa mahinang tinig) Hindi na ba siya muling sumulat?

Sinang: Marahil ay abalang-abala kaya't walang naipapadala, ang huling ibinalita'y lalakarin niyang
mapatawad na ng Arsobispo ang kanyang excommunion.

(Natigil sila sa pagbubulungan nang dumating si Tiya Isabel; Sinabihan ang mga nagbabantay na iwan
muna si Maria Clara)

Tiya Isabel: (kausap ang mga bantay) Iwan niyo muna si Maria, at siya ay aking ihahanda muna para sa
muling pangungumpisal.

(Bago lumisan si Sinang ay pinigilan siya ni Maria upang sabihin na)

Maria Clara: Muli mo siyang sulatan at... at sabihin mong limutin na niya ako.

(Nagtaka si Sinang ngunit ang kaniyang mga katanungan ay hindi na nasagot sapagkat muling nagbalik si
Tiya Isabel)

(Kuhanan yung pasulyap na pangungumpisal ni Maria Clara sa harap ni padre Salvi; isa-isang binasa ni
Tiya Isabel ang sampung utos ng Diyos kay Maria; pagkatapos, nagtirik ng kandila si Tiya Isabel sa tatlong
santo; mula sa malayo ay tinanaw ni Tiya Isabel ang pangungumpisal ni Maria sa harap ng pari na
mistulang nalunod sa kaakit-akit na mata ng dalaga)
(Nang lumabas si Padre Salvi ay namumutla ito at pinagpapawisan ng gamunggo)

KABANATA 45: Ang Mga Pinag-uusig

[Mga Tauhan: Elias, Kapitan Pablo, isang lalaking tulisan, ibang mga ekstrang tulisan]

[Mga Kinakailangan/Props: mga baril at sandata, pantali sa ulo na may dugo]

[Lugar: isang gabi sa gubat; lugar na napapalibutan ng malalaking bato, sa loob ng kweba; sa maluwag na
bulwagan]

(Ipapakita si Elias na naglalakad sa masukal na gubat, patungo sa kuta ng mga tulisan, upang kausapin si
Kapitan Pablo. Naglakad hanggang makarating sa isang lugar na napapalibutan ng malalaking buhay na
bato; Isang lalaki ang lilitaw mula sa likod ng bato, humarap sa kanya at ikinasa ang baril bago itutok sa
kanya)

Elias: Wala akong hangaring masama. Ako si Elias at naparito ako upang kausapin si Kapitan Pablo na
iyong pinuno.

(Isinama siya ng lalaki sa loob ng kuweba na may daang patungo sa kailaliman. Masalimuot ang kanilang
tinahak hanggang dumating sila sa isang parang maluwag na bulwagan na di gaanong naiilawan. Naroon
ang labindalawang lalaki na pawang sandatahan, marurungis at mababagsik ang mukha; Nakita ni Elias
na malungkot si Kap. Pablo, ngunit biglang sumigla nang makita ang binata)

Elias: (napansin ang tali sa ulo ni Kap. Pablo na may bakas ng dugo) Ay bakit ganyan ang inyong
kalagayan?

(Bago sumagot ang kapitan ay hinudyatan muna ang mga tauhan upang lumayo)

KP: Oo nga, may anim na buwan na ang nakalilipas mula nang patuluyin kita sa aking tahanan. Noo'y
ako ang naawa sa iyo at ngayo'y ikaw naman ang naawa sa akin at sa aking kalagayan.

(Naupo si Elias at sinabi ang kanyang pakay)

Elias: Sa totoo lamang Kapitan Pablo, naparito ako upang ikaw ay hikayating sumama sa akin at lisanin
ang ganitong uri ng pamumuhay. Yaman din lamang na ako ay ulila na ay ituring mo na lamang akong
para mong sariling anak. Sumama ka sa akin mangibang-bayan at kalimutan na lamang ang
isinumpang paghihiganti.

KP: (umiling) Sa edad kong ito ay mahirap nang talikuran ang ginawa kong pasya... Noon, ako ay isa sa
mga iginagalang at pinagpipitagang mamamayan ngunit ngayo'y katulad na lamang ako ng isang kahoy
na walang kasanga-sanga, walang kayamanan, walang tiyak na tahanan at isa pa'y isa na lamang
tulisan na kinamumuhian ng mga tao at pinaghahanap pa ng mga maykapangyarihan.
Ang aking anak na dalaga ay pinagsamantalahan ng isang paring Kastila, ang aking isang lalaki na
nagtangkang paghigantihan ang kapatid ay ibinitin at pinahirapan dahil sa ito'y napagbintangan nang
magkaroon ng nakawan sa kumbento. Ang natirang lalaki, isa pang magiting at hindi duwag na tulad
ko ay nagtangka ring maghiganti ngunit nahuli ng mga guwardiya sibil at pinahirapan ng husto, nang
hindi makatiis ay napilitan na lamang magpatiwakal.

Nawalan ako ng mga anak sapagkat hindi ako karapat-dapat na maging ama. Ngunit hindi pa huli ang
lahat, ang aking mga tauhan ay katulad ko rimg pinag-uusig at uhaw sa paghihiganti. Hindi ako
nagkaroon ng sapat na tapang noon ngunit ipinapangako ko na kapag may sapat na akong lakas,
bababa ako mula sa bundok patungong bayan upang maghiganti.

Elias: Iginagalang ko ang inyong kapasyahan at alam kong mahalaga para sa inyo ang gagawing
paghihiganti. Ako ay katulad ninyo ngunit, inaalala ko na baka may mga taong wala namang kasalanan
ang madamay, kung kaya't mamarapatin ko na lamang limutin ang aking mga kasawian.

KP: Iniisip ko rin na huwag makapanakit ng walang kasalanan kung kaya nga nang nagkasagupa kami
ng mga kuwadrilyo na batid kong tumutupad lamang sa kanilang mga tungkulin ay minatamis kong
ako na lamang ang masugatan, huwag lamang makapatay ng aking kapwa at kababayan. 'Yon ang
dahilan kung bakit ko natamo ang sugat na ito sa aking ulo.

Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor
Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.

KP: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga mayayaman ay
walang inatupag kundi ang magpayaman pa.

Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung maisasagawa
ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.

Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?

Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.

(Napangiti ang kapitan sa sinabi ni Elias)

Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga sariling
sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.

Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa baybayin ng
San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor Ibarra. Kung pumayag si Señor ay
makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay siguradong ako ang unang malalagas sa
himagsikang ito.
KP: Hindi ka pa mamamatay, Elias... marami ka pang tungkulin sapagkat sa sandaling matapos ang
aking buhay , ay ikaw ang papalit na puno ng pangkat na ito upang magpatuloy sa aking maiiwan pa.

KABANATA 46: Ang Sabong

[Mga Tauhan: mga babae,mga ekstrang lalaking mananabong, mga batang lalaki, Lucas, Pedro, Kapitan
Basilio, Kapitan Pablo, Kapitan Tiyago, Tarcilo at Bruno, may mga gwardiya sibil din]

[Mga Kinakailangan/Props: mga manok panabong, salapi ]

[Lugar: sa sabungan na nahahati sa tatlong bahagi: (1) may babaeng nagbabantay para maningil ng bayad
sa pagpasok; sa magkabilang panig ay may hilera ng mga nagtitinda ng pagkain at tabako; makikita rin
ang mga ama, amain, mga batang lalaki, (2) bahagi kung saan makikita ang mga tahur, nagtatari at iba
pang mahilig pang magsabong, dito nangyayari ang hiraman ng pera, pagkaliskis ng manok, bentahan ng
mga talunang manok atbp, (3) ruweda na nababakuran ng kawayan, at mas mataas kaysa sa dalawang
nauna, may bai-baitang na upuan, dito makikita ang mga manonood at mamumusta]

(Isang araw, kahit saan muna 'to, basta anino yung isa tas ang kausap ay si Lucas)

Anino: Magkakaroon ka ng mas malaking halaga ng salapi, Lucas. Payag ka ba sa aking plano?

Lucas: Opo. Ako po ang bahala dito.

Anino: Maipapangako mo ba na walang makaaalam nito kundi tayong dalawa lamang?

Lucas: Mamamatay po akong nakatikom ang bibig.

(matapos ang ilang araw, sa sabungan)

(ipapakita yung mga naglalabang manok, yung mga taong nagpupustahan, yung tatlong kapitan na
namumusta din at maging ang mga gwardiya sibil, tapos ifofocus sa magkapatid na Tarsilo at Bruno na
nanonood din aa laban at waring gusto ring pumusta, ngiwing pinagmamasdan sila ni Lucas)

Tarsilo: Kung bakit kasi ipinusta mong lahat ang ating pera! Disin sana ay may natira pa tayong
pamusta sa dalawang kilalang manok na naglalaban ngayon.

(Kiming lumapit si Bruno kay Lucas)

Lucas: O, ano? Sang-ayon na ba kayo sa aking alok?

Bruno: Ayaw po ng aking kapatid... ngunit yaman din lamang na ayon sa inyo ay kilala niyo kami... ay
baka maaaring pahiramin niyo na lamang kami ng pera

Lucas: Oo, kilala ko kayo, sina Tarsilo at Bruno na may matapang na ama na namatay sa palo ng mga
gwardiya sibil at batid ko rin ang hangarin ninyong makapaghiganti.

Tarsilo: Kapahamakan ang mapapala ng nakikialam sa buhay ng may buhay. Kung di lamang sa kapatid
naming babae ay baka noon pa kami nabitay.
Lucas: Duwag lamang ang nabibitay... at kung hindi'y ano ang ginagawa ng mga bulubunduking iyan sa
paligid?

Tarsilo: Ang pinag-uusapan po nati'y kung kami'y inyong mapapahiram kahit apat, tatlo o dalawang
piso. Doble naming isasauli yan mamaya. Magsisimula na ang sultada.

Lucas: Hindi sa akin ang kuwaltang ito, kay Don Crisostomo Ibarra at para sa mga taong gustong
maglingkod at sumunod sa kanyang ipag-uutos.

Bruno: Tinatanggap na namin, tutal ang namatay sa bitay ay walang pinag-ibhan sa namatay sa bala...
ang mga dukhang tulad nami'y hindi na naman umaasa pa.

Tarsilo: Bruno, ang isipin mo'y ang magiging palad ng ating kapatid na babae

(Nagsimulang muli ang sabong, naghari ang katahimikan, pinaglapit ang dalawang manok at pinagalit,
maingat na binitiwan at nagsalpukan. Naglaban ang dalawang manok at sa huli ay ipinasya na panalo ang
pula; Nagpalakpakan at sigawan; Lungkot na lungkot si Tarsilo at Bruno dahil ang inutang kay Lucas ay
natalong lahat; nakita nila ito kausap si Pedro na asawa ni Sisa at inabutan ito ng maraming salapi,
palihim na nag-usap ang mga ito, masayang naghiwalay pagkatapos. Lumapit ang magkapatid kay Lucaas)

Bruno: Lucas, magkano ba ang mapapala namin kung sakaling kami ay umanib sa inyo?

Lucas: Bawat isa sa inyo ay tatanggap ng tatlumpung piso, at sampung piso sa bawat isang maaaya
ninyo. At kung magtagumpay ito, lahat ng sumali ay tatanggap ng tig-isangdaang piso! Mayaman si
Señor barra, tandaan niyo yan.

Bruno: Kung gayon ay payag ako.

Tarsilo: Ako na rin, Lucas.

Lucas: Mabuti. Bukas ay darating si Don Crisostomo na may dalang baril. Sa makalawa ng gabi, mga
ikawalo ay makipagkita kayo sa akin sa libingan, at doon ko sasabihin ang mga huling hakbang na ating
isasagawa, makakabuting lalo kung kayo ay makapangangalap pa ng ibang makakasama.

(At sila ay nangaghiwalay na)

KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora

[Mga Tauhan: Donya Victorina, Don Tiburcio, Donya Consolacion, Alperes, Padre Salvi, mga gwardiya
sibil, mga ekstrang tao, mga Indiyo Linares, Maria Clara at dalawang kaibigan, Kapitan Tiyago]

[Mga Kinakailangan/Props: pustiso, latigo, tabako

[Lugar: sa lansangan, bahay ng mga Indiyo sa paligid, bahay ni Donya Consolacion, bahay ni Kapitan
Tiyago]
(Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan sa katanghaliang tapat. Tumitingin-tingin sila sa
mga bahay ng mga Indiyo, habang panay pintas at panlilibak ang maririnig sa bibig ni Dona Victorina.)

Donya Victorina: Ang papangit ng mga bahay! Talagang isang Indiyo lamang ang maaaring tumira! At
aba! Mga wala pang galang! Hindi man lamang magbigay-pugay sa mga katulad nating mga maharlika!
Hindi kataka-takang puro pangungutya ang maririnig mo sa mga prayle tungkol sa kanila!

(Nakasalubong ng mag-asawa ang Alperes, ngunit tiningnan lamang sila nito at saka umalis)

(Napadaan ang mag-asawa sa bahay ng Alperes. Tulad ng dati, ay matatanaw si Donya Consolacion sa
bintana ng bahay, suot ang kanyang pranela at may tabako sa bibig. Hinagod niya ng tingin si Donya
Victorina at saka lumura.)

Donya Victorina: Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo?

Don Tiburcio: (pabulong) Mahal kong esposa, huwag kang mag-iskandalo dito! Nakakahiya sa mga tao!

Donya Victorina: Huwag kang humarang kung ayaw mong tumilapon ang pustiso mo (tinabig ng
malakas ang Don na halos masubsob)

Donya Consolacion: Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot.
(ngingisi)

Extra 1: Napagkagandang tanawin! Dalwang donyang walang asal na nag-away sa mismong


durungawan ng bintana ng bahay ng Alperes.

Extra 2: (tatawa) Ano kaya ang kahihinatnan niyan?

Donya Victorina: Para sabihin ko sa’yo Donya Alperesa, hindi ako probinsyanang katulad mo. Sa
sobrang sopistikada kong tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi naghihintay
lamang sa aming pintuan!

Donya Consolacion: Aba! Excelentisima Senyora Puput! Hindi nga nakakapasok ang mga alperes kundi
ang mga pilakyod na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas)

Donya Victorina: Aba talagang ginagalit mo ako ah…Bumaba ka rito walang galang! (susugurin ang
tarangkahan ng bahay ng Alperes ngunit aawat ang dalawang bantay na guardia civil.) Paraanin niyo
ako mga walang modo! Bumaba ka diyan Donya Consolacion! Dito tayo magtuos, walang hiyang
probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot mong asawa! (Pinipigil siya ni Don Tiburcio
ngunit kumakawala siya) Bitawan mo ako!

Donya Consolacion: Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo) Pagbibigyan kita Senyora Grosera!

(Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood. May mauulinigan pang
nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa dumating ang Alperes…)
Alperes: Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na naman ito? Magtigil ka at nakakahiya sa mga
tao!

Donya Victorina: Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo sa taong-
bayan…may mga sundalo naman kayo!

Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa ang
ugali!

Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong moral!

(Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon.)

Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman
kayong mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa
mga Indiyo! Hala, pagsisihan ninyo ang inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal
kayo. Intiendes?

Lahat: Si, Reverencia.

Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa ninyo
inawat! (titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa!
(maiinis)

Donya Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila.
Magsusumbong tayo sa Kapitan-Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban ang
pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kaya’y sable o kaya’y…(napatingin sa
pustiso ng asawa)

Don Tiburcio: Iha, alam mo namang hindi pa ako nakakahawak ng…

(Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t dinagukan siya sa ulo ng asawa na ikinalaglag ng
kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Donya. Halos mapaiyak naman ang
don sa sama ng loob)

(Pagdating sa bahay nila Donya Victorina, madadatnan si Linares na kausap ni Maria Clara at ng
dalawang kaibigan nito)

Donya Victorina: (uutusan si Linares) Hamunin mo ang alperes sa isang duelo at kung hindi ay
ibubulgar ko kay Santiago ang tunay na pagkatao mo!

Linares: Ngunit pinsan, sa anong dahilan at dapat kong hamunin ang alperes?

Dona Victorina: Hinamak tayo ng alperes at ng walanghiya niyang asawa at itong si Tiburcio ay ni hindi
man lamang naipagtanggol ang ating karangalan, kaya't ikaw ang magsagawa niyan... at kung hindi'y
ipagtatapat ko kay Don Santiago na hindi totoo ang mga pagpapakilalang sinabi mo.
(Agad na nilapitan ng namutlang binata ang donya at pinatigil sa mga sinasabi pa nito; Nagkatinginan
naman ang tatlong dalaga; Darating si Kapitan Tiyago, malungkot ang mukha sapagkat natalo sa
sabungan, hindi na nakapagpahinga sapagkat nagsimula na namang magkwento ang donya)

DV: Alam mo ba Santiago, ang walanghiyang alperes at ang asawa nitong si Consolacion ay hinamak
hamak kami ni Tiburcio, napakatataas ng tingin sa kanilang mga sarili, makikita nila, luluwas kami ng
Maynila at sasabihin sa kapitan-heneral ang kanilang mga pinaggagagawa! Mangyari pala'y iiwanan
namin si Linares, hahamunin niya ang alperes sa isang duelo at kung hindi niya ito magagawa ay
huwag kayong papayag na mapakasal siya sa inyong dalaga. Kung magpapakita siya ng karuwagan ay
hindi siya karapat-dapat para kay Clarita.

(Kinabukasan ay lumisan ang mag-asawa matapos maningil ng ilang libong piso kay Kapitan Tiyago at
naiwan si Linares sa isang kahihiyan at paghihiganti na wala siyang kinalaman)

KABANATA 48: Ang Talinghaga

[Mga Tauhan: Crisostomo, Maria Clara, Tiya Isabel, Linares, Elias, Nol Juan, ekstrang manggagawa]

[Mga Kinakailangan/Props: mga halamang namumulaklak, abaniko, kariton, mga bato]

[Lugar: sa bahay ni Kapitan Tiyago, sa paaralang ipinatatayo ni Ibarra]

(Dumating si Ibarra galing sa Maynila dala ang sulat na nagtatanggal sa kanyang ekskomunyon, ito ay
para sa kura na may lagda pa ng arsobispo; Mabilis na nagpunta kina Kapitan Tiyago upang dalawin si
Maria Clara; Pagdating sa bahay ng kasintahan ay tuwang tuwa siyang sinalubong ni Tiya Isabel)

Tiya Isabel: (Sa tuwang tuwang tono) Crisostomo! Nakabalik ka na pala mula sa Maynila, halika at
tumuloy ka, tuloy... Clara! Nandito si Crisostomo!

Cris: (Napatda sa kinatatayuan nang makita si Linares at Clara; si Linares ay nag-aayos ng mga bulaklak at
dahon ng baging, samantalang si Clara naman ay maputla at malungkot na nakasandig sa isang silyon
hawak ang isang abaniko; Namutla si Linares at namula naman ang pisngi ni Maria Clara, hindi
nakapagsalita at hinayaang mahulog na lamang ang hawak na abaniko, tatayo sana ngunit hindi nagawa
sapagkat siya ay mahina pa; Unang magsasalita si Ibarra, si Linares ay tahimik at halatang natataranta
lalo na nang tingnan siya ni Ibarra mula ulo hanggang paa.)

Cris: Ikaw agad ang aking tinungo sa aking pagdating at dinatnan kitang lalong mabuti kaysa aking
inaakala.

(Walang mahagilap na tugon ang dalaga at waring napipi; Nagpatuloy ang binata)

Cris: Ipagpatawad mong hindi ako nakapagsabi sa inyo ng tungkol sa aking pagdating kaya't alam kong
hindi mo ito inaasahan ngayon, gayon pa man ay maipaliliwanag ko ito sa iyo sa ibang araw, magkikita
pa naman tayo.
(Sinalubong ng dalaga ang titig ng kasintahan at ang mapupungay nitong mga mata'y tumitig ng buong
katapatan at kalungkutan na waring napauunawa o humihingi ng habag, kaya't si Ibarra ay natigilang
nagugulumihanan)

Cris: Maaari ba akong pumunta rito bukas?

Clara: (pabulong) Batid mong ang aming tahanan ay laging bukas para sa iyo.

(May kaguluhan ang isip at damdamin ng umalis na si Ibarra.)

(Habang naglalakad ay napadaan si Ibarra sa ipinapagawang paaralan; nakita niya si Nol Juan at ibinalita
na hindi na siya ekskomulgado)

NJ: Don Crisostomo! Nakabalik na ho pala kayo mula Maynila

Cris: Oo, at wala na kayong dapat ipangamba dahil hindi na ako ekskomulgado, tanggap na ako ng
simbahan at alam niyo bang naanyayahan pa ako ng arsobispo na kumain ng tanghalian kasama siya.

NJ: Magandang balita iyan, ngunit sa amin ay hindi naman mahalaga kung ikaw ay ekskomulgado o
hindi dahil maging kami ay pawang mga ekskomulgado rin.

(Nakita ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ni Elias na may nais
itong ipaalam sa kanya. Dahil dito’y inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga
obrero.)

Cris: Nol Juan, maaari bang ipakita mo sa akin ang talaan ng mga manggagawa? May nais lamang
akong tingnan

NJ: Masusunod Don Crisostomo, sandali lamang at aking kukunin (umalis)

(Nag-usap si Elias at Crisostomo)

Elias: Señor, mangyaring mamasyal ka sa lawa mamaya, mayroon akong mahalagang sasabihin sa iyo.

(pagkatapos sumang-ayon ni Ibarra ay umalis na si Elias; dumating si NJ dala ang talaan at ipinakita kay
Ibarra ito, hindi nakita ni Ibarra ang pangalan ni Elias sa talaan)

KABANATA 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

[Mga Tauhan: Elias, Crisostomo]

[Mga Kinakailangan/Props: bangka at sagwan]

[Lugar: sa lawa]
(Bago lumubog ang araw, si Ibarra ay sumasakay na sa bangka ni Elias na nasa tabi ng lawa na tila
malungkot)

Elias: Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan na makipagkita sa iyo, Señor. Nais ko po lamang
talaga na kayo ay makausap nang sarilinan at ang lawang ito ang aking napili sapagkat dito ay malaya
tayo at malayo sa sinumang maaaring makarinig sa ating pag-uusapan.

Cris: (biglang sumagi sa isip ang ipinangakong muling pagdalaw kay Clara) Ano ba ang pakay mo sa
akin, Ginoo?

Elias: Señor, ako po ay sugong tagapagdala ng mga hangarin ng mga taong hindi binigyan ng
magandang kapalaran. Hangarin nila ang lubusang pagbabago ukol sa mga kawal na sandatahan, sa
mga pari, sa pagbibigay ng katarungan at ang tunay na pangangalaga ng pamahalaan.

Cris: Ginoong Elias, mauunawaan ninyo ako kung sasabihin kong ang kasalukuyang kalagayan ng mga
bagay-bagay ay may kakulangan, ngunit lalo pang sasama kung babaguhin. Ikinalulungkot ko pong
sabihin na wala akong magagawang hakbang ukol sa mga bagay na ito, pagkat alam ko na bagamat
tunay na ang nga korporasyong iyan ay may kasiraan, sila naman ay kailangan din sa ngayon.

Elias: (nagtataka) Naniniwala ho ba kayo, Señor, na kailangang gumawa ng masama upang makagawa
ng mabuti?

Cris: (Umiling) Naniniwala ako sa pangangailangan na gaya ng sa isang hindi kanais-nais at mapait na
gamot na ating ginagamit kapag ibig nating mapagaling ang isang sakit. At tulad ng lupain ay isang
katawang may malubhang sakit at upang mapagamot, ang pamahalaan ay napipilitang gumamit ng
mga tinutungkol ng mga guardia civil.

Elias: Ngunit Señor, ang mga guardia civil na iyong sinasabi ay walang pakay kundi ang pigilan ang mga
krimen sa pamamagitan ng pananakot at ng lakas. At isa pa, walang kuwenta ang isang manggagamot
na walang ginawa kundi ang sugpuin at lapatan ng lunas ang mga sintomas ng sakit ngunit hindi
naman sinusuri ang pinagmulan nito. Ang nararapat na gawin ay palakasin ang katawang may sakit at
bawasan ang tapang ng gamot. Hindi ho ba maaaring bawasan ang lakas ng guardia civil?

Cris: Ginoo, ang pagpapahina sa guardia civil ay ikalalagay sa panganib ng kapanatagan ng bayan.

Elias: Nagkakamali ka Señor! Maglalabinlimang taon na ngayon na may guardia civil ang mga bayan
ngunit hindi pa rin nawawala ang mga tulisan at patuloy pa rin ang paglaganap ng kasamaan. Sa
munting pagkakasala ay makahayop na parusa ang ipinapalit kahit na kilalang tahimik at marangal na
tao ang nadakip. Ang nga kabundukan ay naging takbuhan ng mga api at inuusig, at sila'y nagkagayon
lamang atas ng damdaming kumawala at makaligtas sa mga kalapastanganan o kaya'y maghiganti sa
mga taong nagsamantala at gumipit sa kanila.

Cris: Payag po akong may mga kasamaang ginagawa ang mga guardia civil ngunit ang mga pagkatakot
dito ang siyang nakapipigil naman ng pagdami ng salarin.
Elias: (sa tinig na nagwawasto) Ang sabihin pa nga ninyo'y dahil sa takot na iya'y dumarami ang bilang
ng mga salarin.

Cris: (nagtungo ng ulo) Ang mga bagay na ito aking kaibigan ay totoong nangangailangan ng isang
masusing pag-aaral. Kung sa aking mga pagsisiyasat ay mapatotohanan kong may katwiran ang mga
karaingang iyan, susulatan ko ang aking mga kaibigan sa Madrid. At ano pa ang kanilang kahilingan?

Elias: (matamlay at malungkot na sumagot) Ang isa pang hinihingi nila, Señor, ay ang pagbabago sa
pamamalakad ng mga pari. Ang mga sawimpalad ay humihingi ng kaunti pang tulong laban sa mga
nang-aapi sa kanila.

Cris: (sa boses na nagtatanggol) Nalimot na yata ng Pilipinas ang utang na loob niya sa mga humango
sa kanya sa kamalian upang bigyan siya ng pananalig? Iyan, iyan ang kasamaan ng di pagtuturo sa
kasaysayan ng tinubuang lupa.

Elias: (Hindi makapaniwala sa narinig) Señor, ang mabubuting bagay na ginawa upang kilalaning utang
na loob ay kailangang di maghintay ng anumang kapalit. Ayon sa sinabi ninyo ay binigyan nila tayo
pananalig at hinango sa kamalian. Tinatawag ba ninyong pananalig iyang nga kagagawang
pampakitang-tao? Naniniwala po ako na bagamat may mga kakulangan ang ating relihiyon ngayon, ay
mabuti pa kaysa relihiyon noong araw, ngunit ang nasabing relihiyon ay napakamahal, pagkat dahil
diyan ay ibinigay natin sa mga prayle ang ating lalong mabubuting bayan, ang ating mga bukirin at ang
ating mga natitipid na hala-halaga sa oagbili ng mga kagamitang panrelihiyon. Naniniwala po ako sa
katapatan ng mga naunang misyonero na pinagsamantalahan naman ng mga nagsisunod. Hindi naman
nila hinihinging paalisin ang mga prayle, Señor, kundi ang pagbabago lamang sa mga lisyang
pamamalakad ng mga ito.

Cris: Ginoo, katulad mo ay iniibig ko rin ang ating tinubuang lupa ngunit sa aking palagay ay magkaiba
ang nilalaman ng ating damdamin sapagkat sa atin ay hindi lubhang nangangailangan ng pagbabago.

Elias: Di yata't hindi pa ninyo nakikita ang pangangailangan ng pagbabago?

Cris: Sa ikapamamalagi ng Pilipinas ay kailangang magpatuloy ang mga prayle ritong gaya ngayon, at
naniniwala akong dahil sa mga prayle ay namamalagi ang Pilipinas.

(Hindi akalain ni Elias na magkaroon si Ibarra ng napakababang palagay ukol sa pamahalaan at bayan)
(Masama ang loob)

Elias: Kung gayon ang inyong palagay ay wala na akong magagawa. Maraming salamat, Señor, hayaan
niyong ihatid ko kayo sa inyong paroroonan.

Cris: (umiling) Hindi na. Ipagpatuloy natin ang ating pag-uusap upang malaman kung sino ang mas may
katwiran sa ganitong bagay.
Elias: Paumanhin, Señor, ngunit hindi ako mahusay manalita upang kayo ay mapaniwala. Bagaman ako
ay nakapag-aral ng kaunti, nananatili pa rin akong isang Indio, ang aking pagkatao ay nakapag-
aalinlangan pa.

Cris: (medyo madamdamin) Hindi ako nakapag-aral sa piling ng bayan at hindi ko alam ang mga
pangangailangan nito, gayunman, iniibig ko ating tinubuang lupa sapagkat utang ko rito ang aking
kaligayahan.

Elias: Kung ikaw, Señor, ay nakalimot at nakapagpatawad pa sa kabila ng sinapit ng iyong ama, ako na
inaglahi nang harapang pag-uusig ay nag-aalinlangan na tuloy sa aking pinaniniwalaan, baka nga tunay
na ang bayan ang nagkakamali.

Cris: Maaari ko bang hilingin na isalaysay mo ang bahagi ng iyong buhay nang sa gayon ay maunawaan
ko ang iyong mga pangangatwiran?

Elias: (pumayag)

KABANATA 50: Ang Mga Kaanak ni Elias

[Mga Tauhan: Elias, Ibarra, ]

[Mga Kinakailangan/Props: bangka na may sagwan]

[Lugar: sa lawa]

[buong kabanata ay nagsasagwan si Elias]

Elias: May animnapung taon na ang nakalilipas nang ang aking nuno ay naging isang tenedor de libros
sa isang bahay-kalakal ng kastila sa Maynila. Kasama nito ang kanyang asawa at isang anak na lalaki.
Isang gabi’y nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran ng kanyang nuno. Isinakdal ito sa salang
panununog. Dahil nga maralita at walang kakayahang magbayad ng abogado ay nahatulan ito. Siya’y
ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Pinalaya siya
pagkatapos maparusahan. Buntis noon ang asawa ng aking nuno. Gayunpaman, humanap pa rin ito ng
mapag-kakakitaan para na rin sa anak at asawang may sakit. Ngunit wala man ni isa ang naawa sa
kanya, sino nga naman ang mahahabag sa asawa ng isang taksil at arsonista?

(Napatindig si Ibarra sa pagkakaupo)

Elias: Nang gumaling ang aking nuno ay namundok na lamang ito kasama ng kanyang buong pamilya.
Doon na nanganak ang asawa niya ngunit pagkaraan lamang ng ilang araw ay namatay din ang
isinilang na sanggol.

Hindi nakayanan ng aking nuno ang lahat. Nagbigti ito dahil sa dami ng kasawiang sunod-sunod na
dumatal sa kanyang buhay. Hindi naman ito naipalibing ng asawang babae.
Nang mangamoy ang bangkay at malaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng kanyang asawa ay
nahatulan ding paluin ang aking nunong babae. Ngunit dahil sa ito ay dalawang buwang buntis ay
ipinagpaliban muna ang hatol na kalauna’y natuloy din pagkatapos niyang manganak.

Nang makatakas ang aking nuno sa kalupitan ng batas ay lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Nang
lumaki na ang anak niyang panganay ay naging tulisan ito. Siya’y nanununog at pumapatay upang
maipaghiganti ang kaapihang natamo. Dahil dito’y nakilala siya sa tawag na Balat. Ang kanyang ina
naman ay nakilala sa tawag na haliparot, delingkuwente at napalo samantalang ang bunso niyang
kapatid, palibhasa’y mabait ay tinawag na lamang na anak ng ina.

Sa dakong huli ay nadakip si Balat. Isang umaga, nakita na lamang ng bunsong anak ang hinahanap na
ina na nakabulagta sa tabi ng daan sa ilalim ng isang puno ng bulak. Nakatingala ang mukha, halos ay
usli ang mga mata at ang mga matitigas na daliri ay may bahid na dugo na nakadiing pakalmot sa lupa.
Sinundan niya ng tingin ang dakong pinagtutuunan ng mata nito at gayon na lamang ang kaniyang
panghihilakbot nang makita ang isang bakol na nakabitin sa isang sanga ng puno. Sa loob nito ay
nakitang nakasilid ang duguang ulo ng kanyang kapatid. Napag-alaman din niya na ang katawan nito
ay pinagputul-putol at itinapon sa kung saan-saang lugar at ang ulo ay doon sa tapat halos ng kanilang
kubo iniwan.

(Si Ibarra ay napatungo sa bahaging ito)

Elias: Dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito’y tumakas ang bunso at napadpad sa Tayabas.
Namasukan siya bilang isang obrero sa isang mayamang angkan doon. Dahil sa maganda nitong ugali
ay nakagiliwan siya ng kanyang amo. Masikap ito kaya ng magkaroon ng puhunan ay napaunlad niya
ang kanyang kabuhayan.

Di nagtagal ay nakilala siya ng ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Ngunit
natatakot itong mamanhikan dahil baka matuklasan ang kanyang tunay na pagkatao.

Gayunpaman ay mahal nila ang isa’t isa kaya naman nang minsang nakalimot sila sa kanilang sarili
dahil sa silakbo ng damdamin ay sinabi ng lalaki na handa siyang panindigan ang nagawa.

Ngunit hindi sumang-ayon ang tadhana sa kanila. Ang lalaki ay nakulong sa halip na makasal sa babae.
Ito’y dahil na rin higit na mayaman ang ama ng babae at wala siyang kakayahang ipagtanggol ang
sarili.

Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Nanganak ang babae ng kambal, isang babae at
isang lalaki – sa naturan pong kambal, ang lalaki ay ako.

Bata pa lang kami ng aking kapatid ay iminulat na sa amin na patay na ang aming ama. Naniwala
naman kami dahil musmos pa lamang ay namatay na ang aming ina.

Palibhasa’y may kaya ang aming nuno kung kaya ako ay nakapag-aral sa mga Heswitas. Nang mamatay
ang aming nuno ay umuwi ang kaming magkapatid upang asikasuhin ang naiwang kabuhayan.
Ang aking kapatid na si Concordia ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kanya ngunit ang
aming kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa aking salapi at ugaling mapag-mataas,
isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa amin ng kahapong nagdaan.

Ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan na iyon palang aming ama. Lumayo kami sa pook na
iyon. Nalaman ko ang lahat-lahat mula sa bibig ng aking ama bago ito mamatay sa matinding sama ng
loob at sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng aming kasawian.

Lalong nalungkot si Concordia ng mabalitaang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw ay
bigla siyang nawala. Makalipas ang anim na buwan ay nabalitaan ko na lamang na mayroong isang
bangkay ng babae ang natagpuan sa baybayin ng Calamba na may tarak na punyal sa dibdib. Ito pala’y
ang aking nawawalang kapatid.

Mula noon, ako ay nagpagala-gala na lamang. Ang kabansagan at kasaysayan ko ay nagpasalin-salin sa


bibig ng marami.

(Makikita sa mukha ni Ibarra ang lungkot dahil sa narinig kay Elias)

Cris: Ikinalulungkot ko ang sinapit ng iyong buhay, Ginoo, ngayon ay higit ko nang nauunawaan kung
bakit nais mong makibaka para sa bayan. Ngunit, Ginoo, kailangan ang paghihintay, ang pakikibaka ng
maayos na di gagamitan ng dahas. Ang mga hinihingi ninyong pagbabago ay nangangailangan ng
malaking halaga at mga bagong kawani. At kahit sino sa inyo, gaano man kasidhi ang pagnanais ay
mabibigo lamang, ang paghihintay lamang ang kalutasan.

Elias: (nag-iba ang anyo �) Ang pagkahimbing nang matagal ay siyang lalong nag-aanyaya ng mga
kaimbian. Ang lahat ng bagay ay nagsisimula at binubuo sa isipan upang pagkatapos ay palaganapin sa
mga kaparaanang maaaring bahain ng dugo. Sa ibang bansa ay matagal nang nagising ang mga noo'y
natutulog at sa kanilang pagbalikwas ay bumagsak ang lintik na tumupok sa mga mapangamkam.
Naniniwala ako na kung ang Diyos ay tumulong sa mga bansang ito upang magkamit ng kalayaan, kami
man ay tutulungan din Niya sapagkat gayundin ang aming layunin.

(Mahabang katahimikan)

Elias: Ano po ang sasabihin ko sa mga nag-utos sa akin?

Cris: Dinaramdam ko nang labis ang mga sinapit nila ngunit ang sama ay hindi nagagamot ng kapwa
sama. Maghintay na lamang tayong lahat... at sa ating mga kasawian ay may malaking kasalanan din
tayo.

(Hindi kumibo si Elias, nagyuko lamang ng ulo at binilisan ang pagsasagwan; nang makarating sa
pampang ay nag-iwan ito ng tagubilin kay Ibarra)

Elias: Labis po ang aking pasasalamat sa inyong pagbibigay na ito ngunit para na rin po sa inyong
kapakanan, simula po ngayon ay isipin ninyo na parang hindi ako ay hindi ninyo nakilala at ni bati ay
huwag ninyong gagawin kahit makita ako sa anumang kalagayan.
(Ilang sandali ay umalis na si Elias sa baybayin; Isang lalaking galing sa dakong kagubatan ang lumitaw)

Lalaki: Ano ang sasabihin ko sa kapitan?

Elias: Paratingin mo sa kanya na tanging kamatayan lamang ang makahahadlang sa pangako ni Elias.

Lalaki: Kung gayo'y, kailan ka aanib sa amin?

Elias: Sa sandaling ipasiya ng inyong kapitan na dumating na ang takdang panahon ng pagkilos.

Lalaki: Magaling.... paalam na.

KABANATA 51: Mga Pagbabago

[Mga Tauhan: Linares, Kapitan Tiyago, Padre Salvi, Maria Clara, Ibarra, Tiya Isabel, Sinang, Victoria ]

[Mga Kinakailangan/Props: sumbrero at baston ]

[Lugar: bahay ni Kapitan Tiyago]

(nakatanggap si Linares ng liham mula kay Donya Victorina; Binasa niya ito at ganito ang nasusulat :

Mahal kong pinsan,

Sa loob ng tatlong araw ibig kong malaman kung naparusahan mo na ang alperes. Kung ikaw ang
nakapatay o napatay. Kapag natapos na ang taning na araw na iya at hindi mo pa siya nakakalaban ay
ipaaalam ko kay Kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim kailanman, hindi mo nabibiro si Canovas, at
hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ipagtatapat ko kay Clarita ang iyong
pagsisinungaling, at hindi na rin kita bibigyan ng salapi. Ngunit kung kakalabanin mo siya ay ibibigay ko sa
iyo ang anumang mahiling mo. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan.

Victorina de los Reyes de Espadaña

Sampalok, Lunes, ika-7 ng gabi

(Maraming tanong sa sarili si Linares: Paano kung pagsalitaan ako ng alperes? Kung ang paraluman ang
aking makita? Sino naman ang sasang-ayon na maging padrino ko? Ang kura? Si kapitan Tiyago? Sino
ba ang nag-utos sa akim na mag-yabang, magsinungaling at maglangis? Ano na lang ang wiwikain sa
akin ni Clarita?)

(Dadatnan si Linares ni Padre Salvi sa ganoong pagmumuni-muni; Noon ay higit na mapayat at maputla
ang kura, ngunit sa labi ay may nakatagong mahiwagang ngiti)

Padre Salvi: Magandang araw Linares! Maaari ko bang malaman kung naririyan ang Kapitan Tiyago?

(Siya namang paglabas ng kapitan na humalik sa kamay ng kura)


Padre Salvi: (sa natutuwang tinig) Kapitan Tiyago! Mayroon akong dalang magandang balita.
Tumanggap ako ng sulat mula sa Maynila na nagpapatunay na si Ibarra ay pinatawad na, hindi na ito
ekskomulgado. Wala na ngayong balakid.

(Napakinggan ni Maria Clara na nasa ibang bahagi ng bahay at nakatanaw sa mga nag-uusap, sinubukan
tumayo ngunit muli lamang napaupo dahil sa panghihina; si Linares naman ay namutla)

Padre Salvi: Ngayon ko nabatid na mabuting tao si Ginoong Ibarra, kaya lamang ay pabigla-biglang
kumilos, ngunit mabilis namang magpuno sa kanyang pagkukulang. Kung di lamang dahil kay Padre
Damaso. (bahagyang tumingin kay Maria Clara na noon ay nakikinig ngunit nakatingin pa rin sa papel
ng tugtugin)

Linares: At si Padre Damaso po?

Padre Salvi: Hindi niya ibig si G. Ibarra, ngunit kung hihingi ng paumanhin ang binata ay maaaring
mabago ang lahat.

Kapitan Tiyago: At kung hindi siya patawarin?

Padre Salvi: Sa gayo'y bahala na si Maria Clara, tutal si Padre Damaso naman ang kanyang kompesor,
kaya't maaari silang magkaunawaan.

(Sa puntong iyon ay pumasok na si Maria Clara sa kaniyang silid kasama ang kaibigan na si Victoria; Hindi
nagtagal ay dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel)

Cris: (Nagbigay-galang kay Kapitan Tiyago: babati ng magandang araw; yuyukod kay Linares at
ipagtataka ang pagsalubong sa kaniya ni Padre Salvi na buong katuwaan siyang kinamayan)

Padre Salvi: Huwag kayong magulat sapagkat ngayon lamang ay napuri ko kayo

(Nilapitan ni Ibarra si Sinang)

Sinang: Kanina ay napag-usapan namin ang iyong pagkawala at nagkaroon kami ng iba't ibang
paniniwala

Cris: Maaari bang malaman ko ang inyong mga sapantahang iyan?

Sinang: Lihim namin iyon, ngunit sabihin mo muna kung saan ka nanggaling upang malaman ko kung
sino sa amin ang tama

Cris: Iyan ay lihim din, ngunit sasabihin ko sa iyo kapag tayo ay nagkasarilinan

(Isinama ni Ibarra si Sinang sa isang bahagi ng salas at doon sila nag-usap)

Cris: Si Maria ba ay galit sa akin?

Sinang: Hindi ko alam, ngunit siya'y laging umiiyak at ang sabi ay limutin mo na siya. Ang gusto ni
Kapitan Tiyago at Padre Damaso ay kay Linares siya ipakasal. Ayaw ni Maria ngunit nang sabihin na
baka ikaw ay may nililigawan nang iba ay sinagot niya ako ng "Lalong mabuti" at pagkatapos ay lalong
nag-iiiyak.

(Hindi kaagad nakaimik si Ibarra)

Cris: Ipakisabi mo na ibig ko siyang makausap ng sarilinan

Sinang: Oo

Cris: Kailan ko malalaman ang sagot?

Sinang: Bukas ay pumunta ka sa amin ng maaga, ngunit ayaw ni Mariang mapag-isa kung kaya't
sasamahan namin.

(Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Ibarra)

KABANATA 52: Ang Baraha ng mga Patay at mga Anino

[Mga Tauhan: tatlong anino, isa ulit anino, tas isa pang anino

[Mga Kinakailangan/Props: baraha, sumbrero ni Lucas, kandila, posporo, kalansay ]

[Lugar: sa makipot na daan patungong libingan, sa mismong libingan]

(Ang simoy ng hangin ay nagpapahiwatig ng nalalapit na buwan ng Disyembre, buwan ng taglagas, ang
malamig na pagaspas nito ay siyang pumapalis sa alikabok ng makipot na daang patungo sa libingan, at
sa kadiliman ng gabi ay tatlong anino ang marahang nag-uusap)

Anino 1: Nakausap mo ba si Elias?

Anino 2: Hindi, sapagkat ang taong iyan ay malihim, ngunit siya ang nailigtas ni G. Ibarra, kaya
maaaring mapabilang siya sa atin.

Anino 1: Ako man, sumang-ayon ako sapagkat si Don Ibarra ang nagpadala sa aking asawa sa Maynila
upang magamot ng isang mediko, at dahil dito kaya sasalakayin ko ang kumbento upang
makapaghiganti ako sa mga kura

Anino 2: Kami naman ang sasalakay sa kuwartel upang ipakilala sa kanila lalo na sa mga walang-awang
sibil na iyan na ang aming ama ay may anak na lalaki

Anino 1: Ilan kayo?

Anino 2: Lima, ngunit sapat na ito. Ang sabi ng alila ni Don Ibarra ay magiging dalawampu kami.

Anino 3: Kung kayo ay mabigo?


(May narinig silang dumarating kaya natigil ang usapan; Nabanaagan nila ang isa pang anino na na
namamaybay at madalas na ito'y lumilingon sa likuran na waring may sumusunod)

Aninong parating 1 (Lucas): Baka kaya sibil ang sumusunod sa akin, a? Nagsinungaling kaya ang
sakristan-mayor?

Isa pang anino na sumusunod (Elias): (pabulong) Dito raw ang tagpuan

Lucas: Baka kaya may ibang iniisip ang magkapatid, at nais na ilingid sa akin. ( nakarating sa pinto ng
libingan, sinalubong ng tatlong anino).

Anino 1: Kayo ba ang aming hinihintay?

Lucas: Walang iba ngunit sinusundan ako kaya maghiwa-hiwalay agad tayo. Tatanggapin ninyo ang
mga sandata bukas at sa gabi ang ating pagsalakay. Isisigaw ninyo ang "Viva Don Crisostomo Ibarra.
Lumakad na kayo.

(Mabilis na nawala ang tatlong anino sa likod ng pader samantalang naghihintay pa ang bagong dating
(Lucas) sa inaakala niyang sumusunod sa kanya

Elias: (pabulong) Mukhang nahuli ang dating ko. Babalik naman sila marahil.

(Nagsimula nang umambon kaya sumilong si Elias sa pinto ng libingan. At di nga kasi, nagkatagpo silang
dalawa)

Lucas: Sino kayo?

Elias: At sino naman kayo?

(Kapuwa natahimik)

Lucas: Hinihintay kong dumating ang ikawalo ng gabi, upang makakuha ng baraha ng mga patay. Ibig
kong manalo ng kuwalta ngayong gabi. Kayo, ano naman ang ibig niyo?

Elias: A — kagaya rin ng ibig ninyo

Lucas: Mabuti kung gayon. Ako'y magkakaroon ng kasama. May dala akong baraha rito. Kapag
tumugtog ang ikawalo ay maglalagay ako, at ang baraha ng mga patay ay gagalaw, at ito ay dapat
kunin kahit sa pamamagitan ng tagaan. May dala ba kayong baraha?

Elias: Wala, kaya maghihintay ako na sila ang maglagay, at ako naman ang tataya.

Lucas: Papaano kung ang mga patay ay hindi maglagay?

Elias: Ano ang magagawa ko? Ang pakikipagsugal sa patay ay hindi naman sapilitan.

Lucas: May dala ba kayong sandata? Paano ninyo lalabanan ang patay?
Elias: Sa suntok

Lucas: A! Oo nga pala, nakikipagsugal ang mga patay sa iisang tao lamang, dalawa tayo kung kaya't
tayo muna ang magsugal. Ang matatalo ay aalis, at ang mananalo ay siyang maiiwan upang siyang
humamon sa mga patay.

Elias: O sige, payag ako.

(Humanap sila ng lugar at nakita nila ang isang nitso. Nagkiskis ng posporo si Lucas at tumambad ang
kani-kanilang mga mukha ngunit sa kanilang pagtitinginan ay matatatap na hindi sila magkakilala; Hinawi
nila ang mga buto ng kalansay na nakakalat sa ibabaw ng nitso at doon ipinatong ang mga baraha;
Humugot ng isang kabayo at isang alas si Lucas bago isinuksok ang baraha, pagkatapos ay ipinaalsa kay
Elias.)

Elias: Sa kabayo

Lucas: (nang lumabas ang isang alas) Juego! ... Natalo kayo. Ngayon ay iwan ninyo ako at nang
makapag-hanapbuhay na mag-isa.

(Walang imik na umalis si Elias at sa kadiliman ng gabi ay nawala; Matapos ang ilang minuto ay tumugtog
sa simbahan ang ikawalo ng gabi at inihudyat ng batingaw ang oras ng mga kaluluwa; Si Lucas ay nag-alis
lamang ng takip sa ulo at paanas na nagdasal ng ilang orasyon, at nag-antanda)

KABANATA 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

[Mga Tauhan: Don Filipo, Pilosopo Tasyo, ekstra)]

[Mga Kinakailangan/Props: ]

[Lugar: sa lansangan, sa bahay ni Pilosopo Tasyo]

(Glimpse lang: Ipapakita yung setting bago sumikat ang araw, may mag nag-uusap/nagtsitsismisan
tungkol sa sa nakita na maraming ilaw sa libingan kagabi)

Tsismosa 1: Nakita niyo ba ang mga ilaw na nagmumula kagabi sa libingan ng mga patay?

Tsismosa 2: A! Oo napakaraming kandila kagabi, iba iba ang hugis at laki.

Tsismosa 3: Pati ang mga paghikbi at panaghoy, narinig niyo ba? Abot hanggang sa kwarto ng aming
bahay

(adlib guysuuuuu basta magmumukhang maraming nagtsitsismisan sa umaga ganern)

(Sa simbahan ay nagsesermon ang kura tungkol sa mga kaluluwa sa purgatoryo)

(Samantala ng mga oras ding iyon ay dumalaw si Don Filipo kay Pilosopo Tasyo na ilang araw nang nay
sakit at sa wari'y lumulubha ang nararamdaman nitong panghihina.)
PT: Aywan ko kung dapat ko kayong batiin sa inyong pagbibitiw sa katungkulan, ngayon pa naman
kung kailan higit kayong kailangan sa inyong tungkulin

DF: Alam ko po iyon. Ngunit ano ang magagawa ko kung ang aking mga kagustuhan ay hindi
nasusunod, kung walang kapahintulutan ang aking puno ay wala akong magawa. Nakita ninyo't
kinabukasan din ay pinakawalan ng kapitan ang mga sibil na hinuli ko at ni hindi ipinagpatuloy ang
pag-uusig.

PT: Kung kayo'y nag-iisa ay wala nga, ngunit kung kayo'y aayunan ng lahat ay marami kayong
magagawa. Sinayang ninyo ang pagkakataong mabigyang halimbawa ang ibang bayan. Kahit may
kapangyarihan ang kapitan ay nangingibabaw pa rin ang tinig at karapatan ng bayan.

DF: At ano ang magagawa ko laban sa mga kinatawan ng mga matatakutin? Si G. Ibarra nga ay
nagpadala na sa paniniwala ng karamihan. Pinaniwalaan baga niya ang excommunion?

PT: Kaiba ang inyong kalagayan. Si G. Ibarra ay may isang bagay na binabalak at upang maisagawa iyon
ay kailangan niyang makibagay. Ang tungkulin niyo ay ang magpakilos at upang makapagpakilos ay
kailangan ng lakas at tulak. Hindi ang kapitan ang dapat labanan kundi ang mga nagmamalabis sa
katungkulan at yaong nagkukulang sa tungkulin. Sa panahon ngayon ay hindi na kayo mag-iisa dahil
ang bayan ngayon ay hindi na katulad noong dalawampung taong nakaraan.

DF: Iyan ba ang paniniwala ninyo?

PT: Hindi niyo nadarama sapagkat di niyo nakita ang nakaraan, hindi niyo pinag-aralan ang mga
ibinunga ng pagtungo rito ng mga Europeo. Tingnan niyo amg kabataan ngayon! Ang mga kabataang
nakapag-aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa Kasaysayan, Matematika,
Agham, wika at iba pang uri ng kaalaman na itinuturing na enerhiya.

May kakayahan na rin ang mga tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan
at tinatahanan. Sa panitikan naman ay nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag
ng malaya at mga maka-agham na pagsubok. Hindi na rin kayang pigilan ng kumbento ang paglaganap
ng mga modernong kabihasnan.

(Marami pang palitan ng kuro-kurong naganap sa pagitan ng dalawa. Kabilang na diyan ang tungkol sa
bayan at sa kahihinatnan nito, sa relihiyon, ugali ng mga binata at dalaga at ng mga naglilingkod sa
simbahan.)

(Iniba ni DF ang usapan sa pagtatanong kay PT)

DF: Nais ho ba ninyong uminom ng gamot?

PT: Hindi na kailangan ng isang malapit nang mamatay ang anumang gamot. Kayong maiiwan ko ay oo.
Ipakisabi lamang ninyo kay Don Crisostomo Ibarra na kung maaari ay dumalaw siya sa akin bukas, may
napakahalagang bagay akong sasabihin sa kaniya. Hindi magtatagal at ako'y yayao na. Ang ating bayan
ay kasalukuyang nanununton sa kadiliman.
(Pagkalipas ng ilan pang sandali ay nagpaalam na si Don Filipo at nag-iisip na nanaog sa bahay)

KABANATA 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di-Nagkakamit ng Parusa

[Mga Tauhan: Padre Salvi, Alperes, Elias, Ibarra]

[Mga Kinakailangan/Props: mga papeles at kasulatan, mga kahon na lagayan ng papeles, rebolber, mga
sandata, 2 balaraw ]

[Lugar: sa bahay ng alperes, sa bahay ni Ibarra (laboratoryo]

(Tinugtog ng mga batingaw ang orasyon; Tumigil ang lahat ng mga tao sa kanilang ginagawa upang
magdasal ng Angelus; Sa parehong oras ay makikita si Padre Salvi na nagmamadaling tumungo sa
tahanan ng alperes; Ang mga madasaling tao'y nagsilapit upang humalik sa kamay ng kura, ngunit di sila
pinansin nito)

(Sa bahay ng alperes)

P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal
na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin
ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.

ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?

P.SALVI: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo ako ng
apat na guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang maging maingat
kayo upang sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap ng medalya sakaling
magtagumpay kayo, sana’y hindi ninyo malimutang banggitin ang aking ginawa.

Alperes: (sa natutuwang tinig) Hindi ko malilimutang ipaalam at marahil ay magiging obispo naman
kayo.

P. Salvi: Kung gayo'y hihintayin ko ang apat na ipapadala ninyo sa akin sa kumbento at kayo'y mag-
ingat. Ngayong ikawalo ng gabi ay nakatakdang madagdagan ang mga bituin at krus na iyan sa inyong
balikat.

(Samantala sa bahay ni Ibarra, si Elias ay rumaragasang dumating at natagpuan si Ibarrang nasa


laboratoryo at may ginagawa habang naghihintay ng oras ng pakikipagkita kay Maria Clara)

ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang mapahamak
sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag na kayong mag-
alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa! Kailangan na ninyong
umalis.

IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?


ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing
totoong may kinalaman kayo dito.

IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?

ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at
maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.

IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan
nakatago ang kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong
magpapahamak sa akin.

(Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba; habang nagbabasa ng
kasulatan ay biglang napatigil si Elias, pinakasuri ang hawak, napadilat ang mga mata, at sa nanginginig
na tinig ay tinanong si Ibarra)

ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?

IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod. (habang patuloy sa pagbubukas ng mga kahon) Pinaiksi lamang
namin ang apelyido dahil may kahabaan

(Napasuntok si Elias at napadiin ang palad sa noo; labis na nagtaka si Ibarra)

ELIAS: (sa galit na tinig) Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng
Diyos para makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan
ninyo ang mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig…may
kayamanan…kinikilala…nabubuhay! Nabubuhay!

(Nakita ni Elias ang iba’t ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw. Pagkasabi ni Elias ng “anong
gagawin ko?” ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra.

KABANATA 55: Ang Kapahamakan

[Mga Tauhan: Kapitan Tiyago, Tiya Isabel, Linares, Maria Clara, Sinang, Ibarra, Padre Salvi, Alperes, mga
gwardiya sibil, Elias]

[Mga Kinakailangan/Props: sako, supot, alahas, salapi, larawan ni Clara, mga armas]

[Lugar: sa bahay ni kapitan tiyago (sa hapagkainan, sa silid kung nasaan ang piano), Sa bahay ni Ibarra]

(Oras ng hapunan at magkakasalo sina K.TIAGO, T.ISABEL, at LINARES ngunit nagdahilan si Maria na wala
siyang ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang sa piyano. Nasa bulwagan at hindi
mapakali si P.SALVI. Tumugtog ang orasan at sumapit na ang ganap na ikawalo ng gabi. Nangangatog na
napaupo sa isang sulok ang Pari. Pumasok ng bahay si Ibarra na nakasuot pangluksa at bakas ang
matinding kalungkutan. Tinangkang lapitan ni Maria Clara ang kasintahan ngunit narinig ang
magkakasunod ng putok ng baril. Naglabasan mula sa komedor sina K.TIAGO,T.ISABEL & LINARES.
Nagyakapan sina Maria Clara & Sinang habang panay ang usal ng dasal ni Tiya Isabel.)

ALPERES: Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib.

(Pinapasok ni T.Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi. Nanaog din si Ibarra
kahit na pinigilan ni T.Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra hanggang sa nakarating sa kanyang
bahay.)

IBARRA: (inutusan ang isang katulong) Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay
matulog na kayo.

(Naghanda sa gagawing pagtakas. Inilagay sa supot ang kanyang salapi at mga alahas, mga kasulatan at
pati na rin ang larawan ni Maria Clara; Hindi pa natatapos ay dumating ang tatlong gwardiya sibil)

GS: Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto.

(Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito.)

GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!

Ibarra: Bakit?

GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi namin kayo
igagapos. Ito’y kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.

(Binalak ni Ibarra na tumakas ngunit naisip niya na sumama na lang sa mga gwardiya sibil)

(Naisipan ni Elias na bumalik sa bahay ni Ibarra. Nalaman niya sa mga utusan ang nangyari sa kanilang
amo; Nagkunwari siyang umalis ngunit ang totoo ay umikot lamang at dumaan sa bakod. Umakyat si
Elias sa bintana at pumasok ng silid ni Ibarra. Kinuha niya ang baril at mahahalagang bagay at isinilid sa
sako at inihulog sa bintana. Kinuha din nito ang larawan ni Maria Clara. Kumuha siya ng papel at
binuhusan ng gaas mula sa ilawan at sinilaban. Tumalon si Elias mula sa bintana)

KABANATA 56: Ang mga Sabi-sabi at Kuru-kuro

[Mga Tauhan: mga tao sa San Diego, Hermana Pute,Hermana Rufa, isang utusang babae]

[Mga Kinakailangan/Props: ]

[Lugar: sa San Diego ]

(Ipapakita yung paligid, tahimik, nakasara ang mga bahay at lahat ng mga bintana ng mga bahay; Maya-
maya ay nangahas ang isang bata na buksan ang kanilang bintana, dumungaw at iginala ang tanaw;
nagsisunuran sa pagbubukas ng kani-kanilang mga bintana ang ibang mga bahay, isa-isang nagsisulputan
ang mga ulo mula sa bintana, nagsipagbatian; si Hermana Pute at Hermana Rufa na magkatapat lamang
ng bahay ay nagkangitian)

(Tsismisan ulit tungkol naman sa nangyari nung nakaraang gabi)

: Nabalitaan niyo ba? Pangkat daw ni Matandang Pablo ang sumalakay kagabi

: Hindi! Mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Don Filipo.

(Di nagtagal ay nagsilabasan na sa lansangan ang mga kalalakihan na may dala-dalang mga manok; Sa
kabilang banda iba ibang balita naman ang kumalat)

: Bali-balita na kaya raw nagkaroon ng kaguluhan kagabi ay dahil tinangkang itanan ni Ibarra si Maria
Clara upang di matuloy ang kasal nito kay Linares. Humadlang si Kapitan Tiyago at tatlumpung katao
ang namatay. Nasugatan daw ito kaya't luluwas ng Maynila kasama ang buong pamilya

(Sumapit ang gabi at dumating ang mga sibil)

: Nagtapat si Bruno, Hermana Pute, iyong isang anak ng lalaking napatay sa palo ng mga sibil, si Ibarra
raw ang dahilan ng kaguluhan kagabi. Nagtangkang maghiganti si Ibarra sa lahat ng mga Kastila dahil
sa hindi nito matanggap ang pakikipagsundo ni Kapitan Tiyago na ipakasal si Maria Clara kay Linares.

:Nakita ang bangkay ni Lucas, iyong kapatid ng namatay sa paghugos ng bato sa itinatayong paaralan,
nakabitin sa sanga ng punong santol sa looban ng isang bahay!

KABANATA 57: Sa Aba ng mga Natalo at Nalupig

[Mga Tauhan: mga gwardiya sibil, alperes, Donya Consolacion, directorcillo, dalawang kawani, Padre
Salvi, Kapitan ]

[Mga Kinakailangan/Props: ]

[Lugar: sa bulwagan ng tribunal, sa piitan]

(Sulyap sa paligid ng bulwagan, makikita ang mga palakad lakad na gwardiya sibil, si Donya Consolacion
na humihikab, ang alperes na may mabagsik na mukha, ang malungkot na kapitan at si Padre Salvi na
nakaupo sa upuan ng kapitan)

(Binuksan ang pinto ng piitan nang iutos ng alperes na ilabas ang dalawang bilanggo

Alperes: Ilabas ang mga bilanggo!

(Maririnig ang daing at pagtangis ng dalawang bilanggo; ang donya naman ay nanlalaki ang mga mata
kakasilip; si Tarcilo na nasa pagitan ng dalawang sibil ay inilabas na nakaposas ang mga kamay, punit ang
damit at napakalungkot ng anyo; sumunod kay Tarcilo ang isang lalaking parang batang umiiyak at may
sugat sa pigi)

Alperes: Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na tumakas! ( iniharap ang
anyong malungkot na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra para salakayin ang
kuwartel kagabi?

Tarsilo: Iginanti lang namin ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong
dalawang kasama. Inihulog namin sila sa bangin kahapon.. Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na sinabi
ni Tarsilo kay Alperes)

Alperes: Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita kay
Tarsilo ang bangkay nina Lucas, Pedro, kapatid na si Bruno at dalawa pang di kilala na nasa loob ng
isang lumang kariton na bahagyang natatakpan ng isang banig na marumi at sira sira)

(Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit nagkunwaring walang
nakikita si Padre Salvi.)

Tarsilo: Patayin na ninyo ako kung totoo kayong Kristiyano.

(Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba na sa balong
nakakasulasok ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang pagpapahirap at kalupitan hanggang sa napugto
ang hininga nito.)

KABANATA 58: Ang Sinumpa

[Mga Tauhan: mga guwardiya sibil, Aling Doray, batang anak, Don Filipo,mga ekstra, Kapitana Tinay,
Kapitana Maria, Nol Juan, mga guro, Antonio, Andong, Ibarra, kambal, biyenan ni Andong, Albino ]

[Mga Kinakailangan/Props: ]

[Lugar: sa kumbento, sa kuwartel, at tribunal]

(Mabilis na kumalat ang balita na iaalis na ang mga bilanggo; Sa labas ng bilangguan ay maraming tao
ang nagkalat: mga pamilya ng mga bilanggo, kaibigan, at mga taong nakikiusyoso)

(Makikita si Aling Doray na asawa ni Don Filipo, malungkot na palakad-lakad sa init ng araw dala ang anak
at kapwa sila umiiyak)

Isang kakilala: Umuwi na kayo, ang inyong anak ay maaaring magkasakit dahil sa init ng araw.

Aling Doray: Ano pa ang kabuluhang mabuhay siya kung mawawalan ng isang amang makapag-
papaaral sa kanya?
(Sa isang banda ay makikita rin si Kapitana Tinay na umiiyak din at tinatawag ang pangalan ng kanyang
anak — "Antonio! Antonio, anak ko!"; samantala si Kapitana Maria ang pinakamatapang sa lahat,
patingin tingin lamang ito sa bilangguang kinakukulungan ng kanyang mga anak na kambal.)

(Naroon din ang biyenan ni Andong, namamasyal ito nang nakalilis ang mga manggas at kinukumpas ang
mga kamay at sinasabing, "Hulihin si Andong at ipangaw, pagkat siya'y may bagong salawal! Ito'y
kailangang ipaghiganti. Ang mga sibil ay nagmamalabis!")

Isang Babae: Sa lahat ng ito, ang totoong may sala ay si Don Crisostomo Ibarra.

(Nasa paligid din sina ang mga guro at si Nol Juan (Nagluluksa pagkat ipinalalagay niya na namatay na si
Ibarra)

(Lalabas ang dalawampung kawal (bawasan na lang natin lol) at pagkatapos ay ang mga bilanggo na
nakahanay)

Don Filipo – Nakagapos, nakangiting bumati sa asawa (Napahagulgol si Doray, yayakapin sana ang asawa
ngunit pinigil ng sibil)

Antonio at Andong – Parang batang umiiyak

Albino at Magkapatid na kambal- kapwa nakagapos, pormal at tahimik

C. Ibarra – Hindi nakagapos, napapagitnaan ng 2 sibil, siya’y namumutla at naghahanap ng kaibigan.

Mga Tao: (sumigaw nang Makita si Ibarra) Iyan ang may sala! Iyan ang may sala! Bakit hindi siya
nakagapos?

Biyenan ni Andong: Bakit ang manugang ko na walang nagawang kasalanan ang siyang nakaposas?

C. Ibarra: (may diin) Gapusin ninyo ako at gapusing mabuti, abut-siko.

Sibil: Wala pang utos sa amin.

(Iginapos siya.. lumabas ang alperes at sampung guwardiya sibil.)

Aling Doray: (umiiyak) Ano ang nagawa sa inyo ng aking asawa at aking anak? Tingnan ninyo ang
kawawa kong anak. Inalisan niyo siya ng ama.

Galit ang mga tao..

Biyenan ni Andong: (pasigaw) Ikaw ang isang duwag!

Isang lalaki: (pasigaw) Habang ang iba’y nakikipaglaban dahil sa’yo, ikaw naman ay nagtatago.
Sumpain ka nawa!

Kamag-anak ni Albino: Sumpain ka! Sumpain ka! mabitay ka sana!


(patuloy na pinagbabato si Ibarra ng kung anong-anong bagay habang ang ginoo ay nanatiling nakayukod
lamang ang ulo)

(Lahat ng mga kaibigan ni Ibarra ay nagsipagtatago maging si Kapitan Basilio na inutusan si Sinang na
huwag umiyak)

(Lakad lang madadaanan nila yung bahay ni Ibarra na nasunog tas cut, focus sa sawing mukha ni Ibarra;
Susunod na ipapakita si Pilosopo Tasyo na nasa mataas na pook at nakatanaw sa mga nagdaraang
bilanggo, namumutla ito, payat na payat, at nakabalot ng kumot at waring pagal na pagal; Sinundan niya
ng tanaw ang kariton hanggang sa di na niya matanaw; maya maya'y hirap na tumindig at tinahak ang
landas pauwi sa kanyang kubo)

(Kinabukasan natagpuan ng isang pastol ang matanda na nakahandusay sa pintuan ng kubo nito, wala ng
buhay.)

KABANATA 59: Ang Pag-ibig sa Bayan at Kapakanang Pansarili

[Mga Tauhan: Kapitan Tinong, Kapitana Tinchang, Primitivo]

[Mga Kinakailangan/Props: ]

[Lugar: sa bahay ni Kapitan Tinong]

(Nakarating sa Maynila ang nangyari sa San Diego. Sa isang bahay naman sa Tondo, hindi mapakali si
Kapitan Tinong dahil minsan itong nagpakita ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa
kanya ng asawang si kapitana Tinchang.)

Tinchang: Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Puro ka na lang kasi Ibarra. Kaya ngayo’y napapahamak
ka! Paano tayo ngayong nahuli ang binatang iyan? Binati mo pa sa tulay ng Espanya gayong tirik na
tirik ang araw Baka pati tayo ay madawit sa kaso ng ereheng iyon!

Kapitan Tinong: At bakit ako ang iyong sinisisi? Hindi ba't ikaw mismo ang siyang nag-utos sa akin na
makipagkaibigan sa binatang iyon sapagkat ito'y mayaman?

(Malapit ng mabanas si Tinong sa asawa nang dumating si Don Primitivo na ipinasundo ni tinchang
upang hingan ng payo.)

Primitivo: Anong nangyayari?

Tinchang: Pinsan! ( lumapit at kumapit sa braso) Bilanggo ngayon ang kinaibigang binata nitong si
Tinong. Ano ang aming gagawin? Bigyan mo kami ng payo at baka kami ay madawit sa kaso ng
ereheng iyon!
Primitivo: Magsadya ka sa Kapitan Heneral at bigyan siya ng regalo—sabihin mong isa itong pamasko.
Sunugin rin ang lahat ng mga liham, kasulatan at mga aklat upang walang matagpuan ang mga sibil
kung sakaling puntahan kayo dito.

KABANATA 60: Ikakasal si Maria Clara

[Mga Tauhan: ]

[Mga Kinakailangan/Props: ]

[Lugar: bahay ni Kapitan Tiyago]

(Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadaña.)

Donya Victorina: Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa
pamahalaan, hindi ba? Dahil diyan ay nakakapaglabas-masok siya palagi sa loob ng palasyo ng
Kapitan-Heneral. Una ko pa lamang nakita iyang si Ibarra ay naniwala na akong isa siyang Pilibustero.

Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?

Donya Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siya’y bitayin.(sabay tawa)

Linares: Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng donya)

Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..”

(Nakita ng Donya na paparating si Maria Clara)

Donya Victorina: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita kita. Kaya
kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na natin ang mga hindi natapos na pag-uusap noon.

Maria Clara: Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid.

(Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid)

Donya V.: O siya Tiago, sinasabi ko sa iyo, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking
pinsan.

(Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel)

Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piging. (napangiti ang Donya sa narinig)

Dona: Maganda yan! O siya, mauuna na kami!

Kapitan tiago: Sige. Salamat sa pagdalaw.

(Pagkaalis ng mga bisita)


KT: Bukas natin idaraos ang piging. Unti-unti mo nang ihanda si Maria Clara sapagkat di magtatagal at
ipapakasal natin siya.

(Titingin lamang sa kanya si Tiya Isabel na waring nagugulumihanan)

KT: Makikita mo at kapag naging manugang natin sa Ginoong Linares ay kaiinggitan tayo ng lahat.
Makakapanhik-panaog na tayo sa mga palasyo.

(Kinabukasan, ganap na ikawalo ng gabi ay napuno ng panauhin ang bulwagan ng bahay ni Kapitan
Tiago.Nangunguna sa mga bisita sina Padre Salvi, Padre Sibyla. Kasali din si Tinyente Guevarra. Nagpahuli
ng dating sina Donya Victorina at Alfonso sa paniniwalang sila’y importanteng tao. Sa umpukan ng
kalalakihan sa isang bahagi ng bahay ang usapan ay tungkol sa paglipat ng kura sa Maynila)

Lalaki 1: Kura, bakit po pala kayo napalipat sa Maynila?

Kura: Ako’y wala nang gagawin dito kaya't minarapat kong maglagi na lamang sa Maynila.

Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na magyayao’t
parito sa iba’t ibang lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa.

Lalaki2: Ano nga po pala ang mangyayari sa pilibustero?

Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala ko’y dapat siyang bitayin gaya
ng mga salarin noong himagsikan sa taong 1872.

Tinyente: Ang sa aki’y dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang iniharap na
kasulatan. Kung ang mga tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan sa mga kasulatan at
ebidensyang iniharap niya, naniniwala ako na maaring mapawalang sala si G. Crisostomo.

Lalaki3: Ano ang nais ninyong ipakahulugan?

Tinyente: Sinabi ng manananggol na ayon sa salaysay ng mga tulisan na kailanman ay hindi nakipag-
unawaan sa kanila si G. Crisostomo manapa’y kaaway niya ang taong nagngangalang Lucas. Isang sulat
lamang ang naging batayan ng mga tagausig laban kay Crisostomo Ibarra. Kinilala niya na kanya ang
sulat na ito. Ang sulat ay ibinigay sa isang babae bago siya pumunta ng Europa. May malabong mga
pahayag at talata na ipinagpapalagay na ito’y naglalaman ng mga pagbabanta laban sa pamahalaan.

Padre Salvi: Paano nakarating ang sulat sa mga tagausig?

Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa mga tagausig.

Lalaki2: Marahil naman ay nalaman ng pamahalaan ang tungkol sa sulat at pinuntahan nila ang
napagkamalang binigyan.

(Umalis ang tinyente sa umpukan at nilapitan ang papalapit na si Maria Clara.)


Tinyente: (sa marahang tinig) Totoong kayo'y lubhang napakaingat , binibini, mabuti ang pagkakabigay
ninyo ng sulat sapagkat ngayo'y nakatitiyak na kayo ng isang kinabukasang matiwasay. (pagkatapos ay
lumayo na)

(Pagkuwa'y nanghina si Maria, dumaan si Tiya Isabel at nagkaroon ng lakas si Clara na humawak sa damit
ng tiyahin; Nagtaka ang tiyahin nang makita ang pamumutla at panginginig ng pamangkin, hinawakan
nito si Clara)

Maria Clara: Tiya, ihatid ninyo ako sa aking silid, nahihilo po ako... marahil po'y dahil sa dami ng tao at
ang mga maliliwanag na ilaw... pakisabi po kay ama na nais ko nang mamahinga.

(Matapos maihatid sa kanyang kuwarto, isinusi ni Clara ang pinto ng silid at nanlalambot na napaupo sa
lapag sa paanan ng isang imahen at humihikbing tumawag ng: "Ina, Ina, Ina ko!"

(Naglalagos sa durungawan ang liwanag ng buwan at makailang ulit na kumatok si Kapitan Tiago, Tiya
Isabel, Donya Victorina, at maging si Linares sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan ng dalaga.
Nanatiling lumuluha ang dalaga habang nakalupagi sa sahig. Nang tahimik na ang lahat ay tumayo ito at
pumunta sa asotea, tumingala sa langit at marahang inalis at ipinatong sa pasimano ang kanyang
singsing, hikaw, aguhilya at suklay. Tumanaw siya sa ilog at nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay
at nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit sa kanya.

Ma.Clara: (sa impit na sigaw) Crisostomo!

Ibarra: (sa malungkot na tinig) Ako nga. Tinulungan akong makatakas ni Elias, isang taong may
katuwirang ako'y kapootan. Maria, sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita
anuman ang aking maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t
ikaw ay hindi tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.

Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna ng
aking karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay na ama.
Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan. Matutuklasan ang naging
kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng kinikilala kong ama.

Ibarra: Kailangan mo ng katibayan.

Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng taong
nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong pinagtaksilan kita.
Ngunit alang-alang sa alaala ng aking ina, napilitan akong ipagpalit ang sulat mo nang hindi ko
nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala akong maaring gawin kundi ang magtiis upang patuloy
na maitago ang lihim ng aking pagkatao. Kailangan kong makipag-isang dibdib upang hindi maibunyag
ang aking lihim. Ngayon, magagawa mo pa kaya akong libakin?

Ibarra: Maria, isa kang anghel.

Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.


Ibarra: Ikakasal ka na.

Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako kahit hindi
niya tungkulin kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko malilimot ang naging
sumpaan natin.

Ibarra: Ano’ng ibig mong mangyari?

Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at hindi
na ito maaangkin ninuman. Ano ang manyayari sa iyo?

Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.

(Sinapo ni Maria ng dalawang kamay ang ulo ng binata, niyakap nang buong higpit)

Clara: Tumakas ka na. Paalam, Crisostomo.

(Naumid ang dila ng binata, tinitigan ang mga mata ng minamahal na dalaga at lumayong parang lasing
na napapasuray; nilundag muli ang pader at lumulan sa naghihintay na bangka; Si Elias ay nag-alis ng
sumbrero at buong-galang ma yumukod sa dalaga na noo'y tinatanaw ang papalayong kasintahan)

KABANATA 61: Ang Pamamaril sa Lawa

[Mga Tauhan: Ibarra, Elias, mga bantay na gwardiya sibil, sarhento, mga sibil na lulan ng bangka]

[Mga Kinakailangan/Props: mga dayami, mga bayong ]

[Lugar: sa lawa]

(Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel.)

Elias: Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang salapi
ninyo na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang-bayan.

Ibarra: Mangingibang-bayan?

Elias: Sa ibang lugar ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya at
matutulungan kayo para kayo’y mapatawad.

Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa aking
angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa akin sa ibang
bansa at magturingan tayong magkapatid. Tayo’y kapwa sawimpalad sa sarili nating bayan.

Elias: Hindi ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.

Ibarra: Pero bakit pinaaalis n’yo ako?


Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong hirap ay
baka dumating ang araw na itakwil ninyo na ang sariling bayan.

Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.

Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa kayong
dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at pag-uusig,
naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito. Humingi ako ng tulong sa inyo para sa mga
sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila ang inyong pinanigan. Ngayon ay tinutugis na
nila kayo at itinuturing na kaaway.

Ibarra: May katwiran ka, Elias. Ako’y taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na sa akin ang
lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas. Isang kanser ng
lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong nagtatanggol sa bayan ay isa na ngayong pilibustero.
Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin habang tayo’y naging sunud-sunuran sa kanilang pang-
aalipusta. Ngayon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa…nawawalan na tayo ng pananalig sa Diyos.
Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating karapatan at lakas.

(Nakita nila sa harapan ng palasyo na nagkakagulo ang mga kawal.)

Elias: (pabulong) Natuklasan na yata ang inyong pagtakas... humiga kayo at tatabunan ko kayo ng
damo. Dadaan tayo sa tapat ng polvorista at baka mapunang tayong tayo ay dalawa

(Nagkatotoo ang hinala ni Elias, pinatigil sila mg sarhento at tinanong kung saan nagmula)

Sarhento: Saan ka nanggaling?

Elias: Nirasyunan ko po ng damo ang kura at ang hukom sa Maynila.

Sarhento: Sige,maaari ka nang magpatuloy. Huwag ka lamang magsasakay ng maski na sino sapagkat
may isang bilanggong nakatakas na ngayon ay pinaghahanap. Kung siya’y iyong mahuhuli tiyak na
magagawaran ka ng gantimpala.

Elias: Pano ko siya makikilala?

Bantay: Nakalebita at mahusay magsalita ng wikang Kastila. Kaya huwag kang pakakatiwala.

Elias: Sige po, Salamat.

(Nagpatuloy na sa pagsasagwan si Elias at saka lumihis ng landas. Pumasok ang bangka sa may Ilog
Beata.)

Elias: Liliwas tayo para mapagkamalan akong taga-Peñafrancia.

Ibarra: Marapat siguro na tayo’y maghimagsik.


Elias: Makinig kayo sa aking sasabihin. Mayaman kayo at maaari kayong makapagbayad ng iyong
makakasama. Ngunit baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan. Kaunting kalayaan at katarungan
lamang ang hinihingi ng mga sawimpalad at hindi ang pagtatakwil sa Espanya.

Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na matapos akong maging
matapat sa bayan at naghangad ng kagalingan ay ito ang igaganti sa akin. Kailangang mailantad ko sa
bayan ang kaapihang ito kung hindi’y walang kabuluhan ang paghahangad ng kalayaan. Maaari ba
ninyo akong ihatid sa bundok?

Elias: Hanggang sa matitiyak ko ang inyong kaligtasan.

(Nagpatuloy sa pagsagwan si Elias.)

Elias: Andito na po tayo sa Sta. Ana. Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming masasayang
araw. Ang lahat ng alaalang iyon ay hindi na maibabalik pa.

(Nakarating sila sa malapad na bato at magbubukang liwayway na nang marating nil ang lawa.)

Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong.

(Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na sumisigaw. Hinahabol
sila ng isang palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit sa kanila lulan ang mga guwardiya sibil.)

Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na ang mamangka
sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang tugisin..ililigaw ko sila.

Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.

Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata.

(Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan pa iyon ng isa pang putok.)

Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.

(Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si Elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang naglalangot na si
Elias at kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito kay Elias. Sumisid si Elias at di na
muli pang lumitaw.)

(Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at mga sibil. Nakita nilang may bahid ng dugo sa tubig
baybayin ng pampang.)

KABANATA 62: Nagpaliwanag si Padre Damaso

[Mga Tauhan: ]

[Mga Kinakailangan/Props: pahayagan kung saan nakasulat ang pagkamatay ni Ibarra, ]


[Lugar: sa bahay ni Kapitan Tiyago]

(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa kawalan ng
sandaling iyon; Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan. (nanlalamig, namumutla, may luha
sa mata ang dalaga) )

Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para
masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman ba, anak?
Bakit namumutla ka?

[Walang imik si Maria Clara]

Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang
nangyayari sa’yo.

Maria Clara: Mahal po ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang aking
ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa at manalig.
Ibig kong mabuhay para marinig kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero ngayon patay na
siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?

Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…

Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala namang
gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na siya, walang
sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking pagpipilian.

Padre Damaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang mabigyan
ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.

Maria Clara: Kung mahal niyo akong tunay wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na
siya. Ibig ko na ring mamatay o maging madre.

Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na misteryong
nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita mapangangalagaan, pati
ang kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit sino man sya.. wag lang ang
kumbento..

Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!

Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni Padre
Damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga nagpaparusa ka.
(Lumuluhang hinawakan ng dalaga ang mga kamay ng padre at hingmagkan ng buong pasasalamat,
ilang sandali pa ay malungkot na umalis ang padre)

(Nang mapag-isa ang padre)


Padre Damaso: Diyos... totoong ngang Diyos Ka at nagpaparusa, ngunit ako ang Iyong paghigantihan at
huwag ang walang malay kong anak Iligtis Mo po siya, Panginoon.

KABANATA 63: Ang Noche Buena

[Mga Tauhan: mag-anak (ama, ina, lolo, tatlong anak), Basilio, Sisa mga ekstra, Elias]

[Mga Kinakailangan/Props: dugo, dahon ng niyog, pantistis, ]

[Lugar:sa isang dampang yari sa kahoy sa itaas, sa libis ng bundok, at sa tabi ng ilug-ilugan at kawayanan,
San Diego, sa bahay ni Kapitan Basilio, sa kubo nila Basilio, sa bahay ng bagong alperes, gubat, libingan]

(Sa isang dampa sa libis ng bundok, nakatira ang mag-asawang may 3 anak kasama ang matandang lalaki,
ang mag-anak na ito ang nag-aruga kay Basilio; May sugat sa paa si Basilio, payat, maputla at may tinging
mapungay; Ang matandang lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis tingting at ipagbibili
ng panganay na apong dalaga)

Basilio: (kausap ang matanda) Ingkong, Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob.
Ngayong Pasko po ay gusto ko sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid.

Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan. Mahihirapan ka
pang makauwi sa inyo.

Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay maraming
anak subalit kami’y dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at ipagsasama ko ang aking
kapatid.

*Pinayagan ng matanda ang bata at Mabilis na umalis naman si Basilio bagama’t may tali sa paa at paika-
ika kung maglakad]

[SAN DIEGO]

(Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang Ina. Paika-ikang
pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang guardia civil na papanikin si
Sisa subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato
siya ng isang babae sa daan. Tinamaan ng bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.)

Basilio: Inang! Ako po si Basilio Inang!

(Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit na nadapa at
bumangon si Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating nila ang libingan na nasa
tabi ng puno ng balite. May pintuan ito na pilit binubuksan ni Basilio. Anyong tatakas muli si Sisa subalit
nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang yakapin at halikan ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni
Basilio at nawalan ng malay tao. Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala
ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala. Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak
hanggang sa napalugmok na rin ito. Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang pinanawan ng
malay. Kumuha ng tubig si Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito
hanggang sa sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio ang
malamig na bangkay ng ina at buong saklap na nanangis. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias.)

Elias: Sino ang babaing iyan?

Basilio: Siya po ang aking ina. Maaari niyo po ba akong tulungan upang mailibing siya?

Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi
magtatagal at mamamatay na rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung walang
darating na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at gamitin mo sa pag-
aaral.

(Pagkaalis ni Basilio upang sundin ang kanyang utos ay buong paghihirap na humarap sa dakong silangan
si Elias)

Elias: Mamamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng aking
Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga
nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi.

(Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa unti-unting nabuwal
sa lupa si Elias.)

Wakas

You might also like