You are on page 1of 1

Kasabihan

Ang ibig sabihin ng kasabihan ay isang pangungusap na madalas na sinasabi


ng mga tao at nagbibigay ng payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng
tao. Ito ay isang maikling kilalang pananalita - isang pahiwatig ng karunungan at
katotohanan o isang pangkalahatang payo.
 Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
 Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.
 Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.
 Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
 Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.
 Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
 Kapag may isinuksok, may madudukot.
 Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
 Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
 Kung hindi uukol, hindi bubukol.
 Walang lihim na hindi nabubunyag.
 Wag mong gagawin sa iba, kung ayaw mong gawin sayo.
 Ikaw ang nagsaing, iba ang kumain.
 Ang maglakad ng matulin, pag natinik ay malalim.
 Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit.
 Kung walang tuyaga, walang nilaga.
 Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.
 Ang magtanim ng galit, galit din ang aanihin.
 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

You might also like