You are on page 1of 3

ONLINE PUB FILIPINO – BALITA

‘Matagumpay, marami pang magagawa’ – Galanto


ni GRACE POE

MABALACAT, Pampanga - Matapos ang pagsasagawa ng Project LIYAB (Likhang Yaman mula sa
Basura) para sa Aeta community ng Mabalacat, Pampanga, target ngayon ng 2030 Youth Force
Organization in the Philippines ang mas maigting na pagtulong sa mas marami pang Indigenous
People (IP) sa bansa.

Sa isang pahayag, ipinahiwatig ni Ezekiel James Galanto, Creatives Lead ng naturang


organisasyon, ang mas makabuluhang mga proyekto sa hinaharap para sa pagsusulong ng
kanilang layuning Sustainable Development Goal 7 o ang Clean and Affordable Energy.

Nais ng organisasyon aniya ang mapalawig ang paghandog ng tulong at pagbibigay pa ng


edukasyon at mga donasyong pagkukunan ng alternatibong enerhiya sa mga off grid
communities sa bansa gaya na nga ng mga IP.

Layunin pa ng nasabing non-profit organization ang paglulunsad ng online application na SWITCH


kung saan ay maaring magbigay ng donasyon at kanilang dagdag pondo sa pamamagitan ng
bitcoin.

Tampok sa kanilang naunang public immersion nitong Agosto 2018 sa Sitio Haduan sa bayan ng
Mabalacat ang kanilang donasyong limang solar panels at labing-isang solar street lamps para sa
18 pamilyang Aeta.

Dagdag pa aniya sa naturang Project LIYAB ay ang pagsasagawa ng waste education series na
nakaangklo sa kanilang waste to livelihood opportunities para sa mga lokal na residente.

Nagsagawa din ng feeding program at recreational activities sa pagsasagawa ng Project LIYAB


para sa 40 bata at iba pang katao sa naturang liblib na komunidad.
Abot-kayang enerhiya layunin sa Project LIYAB
ni NANCY BINAY

MABALACAT, Pampanga - Tampok ngayon ng 2030 Youth Force Organization of the Philippines
ang pagsusulong sa ikapito sa labing-pitong 2030 Sustainable Development Goals na nakaangklo
sa pag-abot sa abot-kaya at malinis na enerhiya, lalo na sa off-grid communities sa bansa.

Sa pagkakatatag noong 2012, puspusan ang organisasyon kasabay ang iba pang katulad sa
Thailand, Malaysia, China, Indonesia, at Vietnam sa pagsasagawa ng public immersions sa mga
komunidad na hindi gaano o walang akses sa enerhiya tulad ng kuryente at telecommunications.

Sa kanilang programang Project LIYAB (Likhang Yaman mula sa Basura), Isa sa mga beneficiaries
ng grupo ay ang Aeta community sa Sitio Haduan, Mabalacat, Pampanga na kanilang nahandugan
ng mga mapagkukunan ng alternatibong enerhiya gaya ng limang solar panels at 11 solar street
lamps.

Ayon sa kanilang Creatives Lead na si Ezekiel James Galanto, naging matagumpay ang kanilang
programa sa Sitio Haduan at kanilang target pa na makatulong sa mas maraming off-grid
Indigenous People (IP) communities sa bansa.

Isiniwalat din ng kinatawan ng non-profit organisasyon ang kawalang-suporta at kawalang-


aksiyon ng gobyerno sa pagtulong sa mga naturang komunidad kung saan ay nararapat na
mabigyan ng karampatang pondo ang mga pagkilos sa pagtugon sa abot-kayang enerhiya.

Target ngayon ng organisasyon na maglunsad ng online application na SWITCH kung saan ay


maaaring magbigay donasyon ang mga gagamit nito sa pamamagitan ng bitcoin para sa kanilang
pondo sa pagsasagawa ng initiatives.
18 pamilyang Aeta hinandugan ng solar panels, street lamps
ni CHIZ ESCUDERO

MABALACAT, Pampanga - Sa paglalayong maisakatuparan ang Sustainable Development Goal


Bilang 7 na nakaangklo sa Clean and Affordable Energy, biniyayaan ng 2030 Youth Force in the
Philippines ang nasa 18 pamilyang Aeta sa isang komunidad sa bayan na ito ng mga kagamitang
pagkukunan ng alternatibong enerhiya.

Ayon kay Ezekiel James Galanto, Creatives Lead ng naturang organisasyon, matagumpay ang
kanilang pamamahagi ng limang solar panels at labing-isang solar street lamps sa mga Indigenous
People (IP) ng Sitio Haduran sa Mabalacat.

Dagdag pa sa kanilang programang Project LIYAB o Likhang Yaman mula sa Basura, nagsagawa
din umano ang organisasyon ng waste education series sa mga nasabing IP community na
nagturo sa kanila ng iba’t ibang waste to livelihood opportunities.

Naging tugon aniya ang mga naturang mapagkukunan ng alternatibong enerhiya sa mga
suliraning dinaranas ng Aeta community sa liblib na lugar malapit sa tuktok ng isang bundo na di
umano naaabot ng kuryente, ayon kay Galanto.

Sa kabilang banda, target pa ngayon ng 2030 Youth Force in the Philippines na maabot pa ang
iba’t ibang off-grid communities sa bansa upang matulungan.

You might also like