You are on page 1of 1

KARITON NG MARALITA NETWORK

E-mail: karitonngmaralita@gmail.com
FB: Kariton Ng Maralita Network
Twitter: @KaritonNetwork

Ika-6 ng Oktubre, 2022

Sa kinauukulan,
Maalab na Pagbati!
Ang Kariton ng Maralita Network ay isang malawak na alyansa ng mga indibidwal, samahang
masa, at iba pang organisasyon sa lungsod ng Quezon na may layuning depensahan ang
karapatan at isulong ang demanda ng mga maralitang komunidad. Mahigpit itong naninindigan
para sa ayuda ng mga residente at estudyante, allowance ng mga manggagawa, katiyakan sa
permanente, abot-kaya’t dekalidad na pabahay, at makabayan, siyentipiko’t makamasang
edukasyon at patas at malinis na eleksyon. Kasalukuyang may 45 na member organizations ang
Kariton ng Maralita Network at partnerships sa ilang mga simbahan at mga organisasyong
tumutulong sa maralitang lungsod.

Ngayong tampok na kinakaharap sa mga komunidad ng Barangay UP Campus ang kahirapan sa


paghanap ng regular na trabaho, isa sa mayor na aktibidad at kampanya ng Kariton ng Maralita
Network ang isang workers’ rights caravan na naglalayon na makapagbigay-alam sa mga
residente ng maralitang komunidad hinggil sa mga karapatan nila sa disenteng trabaho at mga
proseso na makakatulong upang makahanap sila ng trabaho. Isa itong forum na iniimbita ang
mga kinatawan ng labor lawyers, Public Employment Service Office (PESO), at mga
progresibong kongresista na maaaaring italakay ang kasalukuyang kalagayan ng mga batas para
sa trabaho at sahod. Kalakip ng imbitasyon na ito ang concept paper para sa workers’ rights
caravan.

Iniimbitahan kayo ng Kariton ng Maralita Network sa unang sesyon ng Kapit-Bisig:


Workers’ Rights Caravan ngayong Oktubre 7, 2022 (Biyernes) sa ganap na ika-2 ng hapon
hanggang ika-4 ng hapon. Magaganap ito sa Pook Aguinaldo, Barangay UP Campus
(malapit sa CP Garcia at Hardin ng Rosas).

Para sa pagkumpirma ng inyong attendance, maaaring i-contact si Ella Cruz sa Facebook


(facebook.com/orccubes) o mag-text sa 09278970945.

Kaisa ng sambayanang Pilipino,

ELLA CRUZ
Lead Convenor
Kariton ng Maralita Network

You might also like