You are on page 1of 1

Nawawalang Kabanata: Elias at Salome

Baguhin<br>

Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang taong kanilang
hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa
batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga
Kastilang guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang
nangyari dahil sa nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at
si Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig
ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa
kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig
sanang makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang
kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita.
Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at kagandahan upang makakita ng
kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib. Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na
gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pagaalala nila sa isa’t isa
habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa
silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isa’t isa. Sa halip, kumalas si Elias sa
pagkakayap kay Salome. Mabilis siyang lumiwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang
ni Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking
kaibigan.

You might also like