You are on page 1of 1

Kumakatok, WIKA

Sa bawat araw at oras na dumaan

Maraming nagbabago’t napapalitan

May nakakalimutan at nawawala nang tuluyan

Ngunit nakakalungkot na minsan, nasali ako sa mga bagay na iyan.

Ginagamit ako ng lahat

Lalo na ng pangkaraniwan

Ngunit ako’y gusto nyo nang palitan

At alisin nang tuluyan.

Mag-aral kayo ng iba

Ngunit ako’y wag ninyong kalimutan

Sapagkay ako’y higit ninyong kailangan

Di lang dahil nakatira kayo sa aking bayan

Ngunit dahil ako ang wika ng edukasyon at kalinangan

Magtiwala ka sa akin

At ika’y aking matutulungan

Sa iyong pag-aaral man

O kahit saang parte ng kalawakan

Oo nga pala, nakalimutan ko

Di pa pala ako nagpapakilala saiyo

Ako nga pala ito, ang kaibigan mo

Nagmamahal, Filipino.

You might also like