You are on page 1of 3

Andrea Mae Purificacion

Bachelor of Science in Accountancy

Pagbabalik-tanaw sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

A. Buod

Noli Me Tangere

Pinag-aral si Crisostomo Ibarra sa Europa siya ay kasintanhan ni Maria Clara,


sya's nakabalik ng Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pamamalagi sa Europa.
Nakulong ang kanyang ama ng siya'y mapagbintangan at namatay ng malapit ng
malutas ang kanyang kaso. Si Padre Damaso na lihim na ama ni Maria Clara at
may galit kay Crisostomo Ibarra ayaw nyang maikasal si Maria Clara rito, kaya't
gumawa sya ng hakbang upang ipaurong ni Kapitan Tiyago na ama amahan ni
Maria Clara ang kasal. Napagbintangan si Crisostomo Ibarra ng may sumalakay
sa kwartel ng sibil kaya't siya ay nakulong. Tinulungan sya ni Elias na makatakas
ngunit ito ay nabaril at napagkamalan na si Crisostomo Ibarra ito, labas na
nalungkot si Maria CLara at pinili na lamang nya na mag madre kung hindi ay
mag papatiwakal siya.

El Filibusterismo

Pagkalipas ng labingtatlong taon mula ng mamatay sina Sisa at Elias may


Bapor Tabo na naglalakbay ba pagitan ng Maynila at Laguna, lulan nito ang
mag-aalahas na sina Simoun, Basilio at, Isagani. Sa pagdalaw sa puntod ng ina
nagtagpo sila Basilio at Simoun na nakapagpahinala kay Basilio na siya si
Crisostomo, upang mitago ang lihim tinangka niya itong patayin ngunit hindi siya
nagtagumpay. Niyaya na lamang ni Simoun na makiisa si Basilio sa kanyang
mayuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila, ngunit tumanggi ang binata dahil
nais niyang makatapos ng pag-aaral. Ninaiis ng mga mag-aaral na magtatag ng
isang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit hindi ito nangyari dahil pari ang
namamahala rito. Sa muling pagkikita ni Simoun at Basilio napapayag niya ito sa
kanyang plano ngunit huli na ang lahat dahil binawian a ng buhay si Maria Clara
at ang mga magaaral ay nag tuligsa at naghimagsik sa unibersidad dinakip ang
mag-aaral at nadamay si Basilio.

B. Mga Tauhan

1. Crisostomo Ibarra - Mahahalintulad siya sa maraming Pilipino na nagiging


biktima ng karahasan ng lipunan na napipilitang gumawa ng masama o
kamalian upang ipaglaban ang kanilang karapatan.

2. Maria Clara - Hangang sa kasalukuyan marami pa rin ang kababaihang


maihahalintulad kay Maria Clara na handang gawin ang lahat para sa taong
mahal nya kahit pa ang pag kitil sa sarili nyang buhay.

3. Padre Damaso - Mihahalintulad sa kasalukuyan ang paguugali ni Padre


Damaso sa Ibang naka-upo sa pamahalaan, dahil marami ang mahihirap na
kinakayang apihin ng mga nanunungkulan dahil sa sila ay may
kapangyarihan. Maraming mahihirap ang walang boses sa kung ano ang
kanilang nais.

4. Elias - May mga tao pa rin sa kasalukuyan ang maihahalintulad kay Elias na
handang mag buwis ng buhay para sa kaibigan, para sa kanyang
pinaniniwalaan. May mga tao pa rin na katulad nya na hindi nagpapabulag sa
mga taong kayang bumaliktan sa mga inosente.

5. Basilio - Marami man ang kabataang hindi nagpapagahalaga sa pagaaral,


marami pa rin ang kabataang handang gawin ang lahat upang makapag
tapos ng pagaaral. Marami pa rin ang kabataang may pagmamahal sa
edukasyon.
C. Pangyayari

Namatay si Elias dahil siya ay napagkamalan na si Crisostomo Ibarra,


napatay siya sakagustuhan niyang makatulong at ipaglaban kung ano ang tama.
Sa kasalukuyang makikita sa iba't ibang pahayagan ang mga kaso ng pagpatay
marami rito ay napagbintangan lamang, may mga menor de edad din na
nasasangkot sa ganitong mga kaso. Marami din ang napapatay dahil sa
kagustuhan nilang makatulong at lumaban sa mga nakakataas na mapangabuso.

You might also like