Pag bati po ng isang masaganang pasko sa inyo magulang ng
kindergarten!
Isang mahabang bakasyon po ang December para sa kindergarten,
bagamat kinder pa lamang po sila ay nais ko pong hubugin ang inyong mga anak sa pag basa, Natutuwa po ako sa malaking resulta o pagbabago sa pagbasa ng inyong mga anak dahil ang aking ipinadadalang babasahin ay kanila ng nababasa at mas nadaragdagan pa sa paglipas ng mga araw. Hindi po ito magtatagumpay kung hindi dahil sa inyong malaking tulong. Kaya naman po humihingi akong muli sa inyo ng tulong ngayong bakasyon na patuloy paring bigyan ng pansin ang kanilang pagbabasa kahit wala po silang pasok. Inaasahan ko po ang inyong pagtugon sa pamamagitan ng paggabay sa mga bata sa kanilang pag babasa ngayong bakasyon. Nawa po ay magkapit bisig tayo para sa pag-unlad ng kaalaman ng mga bata.. maraming salamat po.