You are on page 1of 12

A Thousand and One Nights

Character

King Sharyar (Kyle)

King Shah-Zeman (Jireh)

Wizar (JP)

Schehezarade (Tine)

Manggagamot (Kris)

Alipin 1 (Kabit nang asawa ni Sharyar) (Chie)

Alipin 2 (Kabit nang Asawa ni Shahzeman, Alagad ni Sharyar) (AbC)

Father of 2 Kings (Elthon)

Mga alagad ni Shahzeman (2) (JM at Chie)

Scene 1:

Isang araw may isang dakilang hari na namumuno sa Persia


patungong Arabia. Ang hari ay may dalawang anak na lalaki na
nagngangalang Shahryar (Kyle) at ShahZaman (Jireh). Matapos ang
kamatayan ng hari, ipinamana nya sa kanyang panganay na anak na si
Shahryar (Kyle) ang trono ng Baghdad, samanatlang ang Samarkand
naman ay napunta sa bunsong anak nya na si ShahZaman (Jireh).

(Convo:

Father of Kings(Elthon): Aking mga mahal na anak, alam kong


akoy hind na magtatagal kaya nais kong ipamana sa inyo ang aking
kaharian. Sa aking panganay na si Shahryar (Kyle) mapupunta sa iyo
ang kaharian ng Baghdad at para naman sa aking bunso na si
ShahZaman (Jireh) mapupunta naman sa iyo ang kaharian ng
Samarkand.

Parehong pinamunuan nang dalawang magkapatid ang


kani-kanilang kaharian na mayroong karunungan at katarungan. Sila ay
minamahal at ginagalang ng kanilang mga tauhan. Dahil sa lubusan
nilang pagiging abala, sa kanilang mga responsibilad, ang dalawang
magkapatid ay hindi nagkaroon ng pagkakataong muling magkita sa
loob ng 20 taon. Si Sharyar(Kyle) ay nagkaroon ng paghahangad na
muling makita ang kapatid.

Scene 2:

Isang araw,ipinatawag nya ang kanyang wazir(JP).

(Convo:

Wazir(JP): Ano pong maipagkakaloob ko sa inyo Mahal na Hari?

Sharyar(Kyle): Ipadadala sa iyo itong sulat at mga regalo sa aking


nakababatang kapatid na si Shahzeman(Jireh) sa kaharian nang
Samarkand.

Wazir(JP): Masusunod po Mahal na Hari.)

Dinala nang kanyang wazir (JP) ang sulat at mga regalo para sa
kanyang nakababatang kapatid na si ShahZeman(Jireh). Sa kanyang
sulat para sa kapatid, ipinahayag nya ang kanyang taimtim na hangaring
muling makita ang nakakabatang kapatid.

Scene 3:

Sa mahabang paglalakbay ng wazir sa disyerto, ay narating nya ang


kaharian ng Samarkand. (Iaabot ni JP kay Jireh ang sulat at regalo)
Iniabot nya ang sulat at mga regalo sa hari. (Habang nagsasalita ang
narrator kunware may binabasa ni Jireh ang sulat) Ang liham na
ipinadala ng kanyang mimanahal na kapatid ay damang dama nya na
kung kaya’t sya ay galak na galak na muli itong makita at makasama.
Nagpasya si ShahZaman(Jireh) na magtungo sa Baghdad para muling
makita ang kapatid. Humiling si ShahZaman(Jireh) sa wazir(JP).

(Convo:

Shahzeman(Jireh): Ginoo, kung iyong mararapatin. Maari bang


manatili ka muna rito sa aking kaharian ng tatlong araw bilang aking
isang panauhin.

Wazir(JP): Walang problema, mahal na hari.)

Scene 4:

Ipinatawag at inutusan ni Shazeman(Jireh) ang kanyang mga alagad


(JM at Chie) na mangolekta nang mga mamahaling regalo para sa
kanyang kapatid.

(Convo:

Shahzeman(JIreh): Kayo ay inuutusaan kong mangolekta nang


mga mamahaling regalo para sa aking nakatatandang kapatid na si
Haring Sharyar(Kyle).
Mga alagad(JM at Chie): Masusunod po Mahal na Hari.

Shahzeman(Jreh): Nais ko kayong gumawa nang isang


kinakailangang paghahanda para ating mahabang paglalakbay patungo
sa kaharian ng Baghdad.)

Scene 5:

Si Shahzaman(JIreh) ay tuwang tuwa sa pag-iisip nya na muli niya


na ule makikita ang kapatid.

(Shahzaman: Sa wakas ay muli kaming magkikita nang aking


kapatid matapos ang dalawampung taon. Pero sa ikaapat na araw
ay kinakailangankong bumalik muli sa aking kaharian ng
Samarkand.)

.Gayunpaman bago sya umalis patungong Bagdad, ay may muli


syang naalala. Nagkaroon sya ng pagkakataong masaksihan ang
kawalan ng katapatan ng kanyang asawa.

Scene 6:

(Convo:

Girl(Tine): Alam kong kasalanan ito sa asawa ko, pero wala akong
magagawa sapagkat mahal kita. Mamaya pagsapit nang gabi, tayo na
lumisan na dito sa kaharian.

Alipin 1(Chie): Ngunit hindi ito maari sapagkat pagtataksil ito sa


ating mahal na hari. )
Galit at nagulat si Shahzaman(Jireh) sa kanyang nakita, dali dali
nyang kinuha ang kanyang tabak atpinutol ang ulo ng kanyang asawa.

Mahal na mahal ni Shahzaman ang kanyang asawa. Pero dahil sa


insidenteng iyon napalitan ito ng galit, kaya nagmadali din syang
tumungo sa Baghdad. Pero ang saya na kanyang nararamdaman ay
biglang nawala nang maalala ang pangyayaring ito. Sya ay lubusang
naghihinagpis at nagdadalamahati. Dahil sa sobrang kalungkutan si
ShahZaman ay biglang naging mahina at maputla.

Scene 7:

Nang marating na ni ShahZaman ang Baghdad, binigyan sya ng isng


mainit na pagsalubong ni Sharyar. (Gagawin ninyo Kyle at Jireh ang
isinasaad nang Narrator.) Niyakap nila ang isa’t-isa nang sobrang
higpit. Gayupaman, ang itsura nang pagdadalamhati ni
ShahZeman(Jireh), ay napansin nang kanyang kapatid na labis naman
nitong pinag-alala. (Uupo ang dalwa, malungkot ang mukha ni
Shahzeman(Jireh))

(Convo:

Sharyar(kyle): Mahal kong kapatid, tila yata ikaw ay maputla at


lubusang nagdadalamhati? Ano ba ang bumabagabag sa iyo?

Shahzeman(jireh): Wala ito aking kapatid ako ay lubusan


lamang napagod sa napakahabang paglalakabay patungo rito.)

Scene 8:
Gayupaman, si Sharyar(Kyle) ay hindi naging kumbinsido sa
naging sagot ng kapatid. Kung kaya’t inutusan nya ang isang alagad na
maghanap nang isang maharlikang manggamot.

(Convo:
Alagad ni Sharyar(Abc): Maari ka bang maimbitahan sa
palasyo? Ipinatatawag ka nang mahal na hari.
Manggagamot(Goce): Sige at akoy tutungo na.)

(Convo:
Manggagamot(Goce): Mahal na hari anong maipaglilingkod sa
inyo?
Sharyar(Kyle): Nais ko sanang mabigyang lunas ang aking
kapatid, sapagkat sya ay lubhang nanghihina at namumutla.
Manggagamot(Goce): Sige po Mahal na Hari, gagawin ko po
ang lahat nang aking makakaya.)

Sinubukan nang manggagamot ang ibat-ibang uri ng gamot


para sa kanyang kapatid. Ngunit lahat ng mga gamot at paggamot ay
hindi naging epekto.Hindi naging bumuti ang kanyang kalagayan. Halos
lahat ng oras, tahimik lang siyang nasa palasyo at tumanggi na
magsaya.

Scene 9:
Isang araw, nagplano si Sharyar(KYle) na lumabas ng palasyo.

(Convo:
Sharyar(kyle): Nais ko sanang tayo ay lumabas para mangaso,
nais mo bang sumama para naman gumaan-gaan ang iyong
pakiramdam?
Shahzeman(jireh): Hindi na aking kapatid, nais ko na lamang
manatili rito sa bahay ay magpahinga.)

Sa pag-alis ng kanyang kapatid, nasakasihan rin ni


Shahzaman(Jireh) ang asawa ng kanyang kapatid na may ibang lalaki,
(Palihim na pinagmamasdan ang asawa ng kanyang kapatid at ang
alipin.) hindi rin ito naging tapat katulad ng asawa nya. Sya rin ay umibig
sa isa sa kanilang alipin at may nais magpakasal.

(Convo:
Girl (Tine): Hindi ko mahal ang aking asawa sapagkat ikaw ang
aking mahal, mamaya pagsapit nang gabi tayo na lumisan dito sa
kaharian at magpakasal.
Alipin 2(AbC: Ngunit hindi ito, magugustuhan ng mahal na hari.
Girl (Tine): Hayaan mo lang sya.)

Ang nakakagulat na pangayayaring ito ay nagbigay lunas ka


Shahzaman. Nawala ang kanyang kalungkutang nararamdaman sa
pag-iisip na:

(Shahzeman(J): Hindi lamang ako ang nag-iisang lalaki na


mayroong hindi tapat na asawa. Marami pang lalaki ang gaya ko. Ang
mga babae ay lubusang masama, manloloko at hindi tapat.)

Ang katotohanan na hindi lamang sya ang nag-iisang taong na


niloko ng kanyang asawa, ngunit isa sya sa maraming mga kapus-palad,
na kung saan ito ay nakatulong sa kanyang pagbabalik sigla.

Scene 10:
Nang bumalik si Sharyar sa kanyang paglalakbay, laking tuwa nya
nang makita si Shahzeman na masigla at masaya.

(Convo:

Sharyar: Oh, mahal kong kapatid. Mabuti naman at bumalik na ang


iyong dating sigla.

Shahzeman: Oo nga, mahal kong kapatid. Pero may dapat kang


malaman.

Sharyar: Ano yun kapatid?

Shazeman: Ang iyong asawa at ang iyong alipin ay nagtaksil sa iyo,


narinig ko sila kanina na may planong tumakas at magpakasal.

Sharyar: Totoo ba ito Kapatid?

Shahzeman: Oo kapatid maniwala saken, tulad nang nagyari sa


asawa mo, hindi rin naging tapat sakin ang aking aasawa at mas pinili
niyang samahan ang aking alipin. Kung kaya’t ganito na lamang aking
paghihinagpis simula nang mamalagi ako rito.)

Dahil sa sobrang pagkagalit, hindi napigilan ni Sharyar na tumungo


sa kanyanga asawa at daglian rin nyang pintuol ang ulo. Sa sobrang
galit ni Sharyar , gumawa sya ng isang malagim na sumpa

(Sharyar: Araw-araw magpapakasal ako sa isang dalaga, at sa

susunod na araw bago sumapit ang umaga sila ay mamamatay. Sa


ganitong paraan hindi ko mabibigyan ng anumang pagkakataon ang

aking asawa para akoy pagtaksilan.)

Scene 11:

Makalipas ang ilang araw bumalik na sa kanyang kaharian si


Shahzaman. Samantalang si Sharyar ay nanatili sa kanyang sinumpaan.
Ipinatawag nya ang kanyang wazir upang sabihin ang tungkol sa
kanyang sumpa.

(Convo:

Sharyar: Halika dito aking wazir. Ako’y may mahalagang anunsyo sa


iyo at sa mga tao.

Wazir: Ano po iyon Mahal na Hari?

Sharyar: Kinakailangan mo akong dalhan kada araw nang isang


babae at pakakasalan ko ito sa gabi. At sinisigurado kong mamatay sya
pagsapit nang umaga. Naiintindihan mo?

Wazir: Opo mahal na hari. Masusunod po.

Sharyar: Mabuti at kung hindi ikaw ang aking papatayin.)

Sa lupit at sa sumpa na ginawa nang hari maraming tao ang nagtaka


at natakot. Natakot ang mga tao pero wala silang magagawa. Nagsimula
na ang malupit na kasanayan. Bawat umaga ay may namamatay na
magagandang dilag. Tumagal ito nang ilang taon. Ang mga magulang at
mga babae ay nagsimula nang tumakas sa kaharian. Kung kaya’t
naubos ang mga batang babae sa kaharian.
Scene 12:

Isang araw, umuwi ang wazir na balisa. Ang wazir ay may dalawang
napakagandang dilag, sila ay nagnagnaglang Schedezarade at
Dinazade. Si Schehezearade ang panganay na anak, sya ay ubod ng
talino, mapagkumbaba at mahinhin. Bukod dito, sya ay mahilig magbasa
at babaeng maraming kaalaman. Nang mapansin ni Schehezarade ang
kanyang ama ay balisa

(Convo:

Schehezarade: Aking mahal na ama, mukhang may bumabagabag


sa iyo? Ano ang iyong dahilan?

Wazir: Aking mahal na anak, ang mahal na hari ay nag-utos sa akin


na kinakailangan ko syang dalhan ng babae araw-araw na pakakasalan
nya pagsapit nang gabi. Gayunpaman, wala nang natitirang babae dito
sa atig kaharian. Dahil sa posibleng kamatayan, lumikas ang mga tao
dito kasama ang kanilang mga anak na babae. Ngayon pag pumunta
ako sa kaharian na walang kasamang babae, siguradong ako ang
mapapatay nang hari dahil sa hindi pagsunod sa kanyang inuutos.

Schehezerade: Oh ama, wag ka nang mag-alala. Ako na lamang


ang dalhin mo sa kaharian para mapangasawa ng hari.

Wazir: Paano ko gagawin ito? Hindi mo ba alam kung anong


kahihinatnan nang mga napapangasawa nang hari?
Schehezarade: Lubos kong naiintindihan kung anong mangayayari
sa kapalaran ng bawat babaeng makakatagpo niya, kahit ganon aking
iminumungkahi na ako na lamang iyong ipakilalang babae sa hari.
Sigurado ako sa aking karunungan na ito ang makakapagpabago nang
pag-iisip nang hari tungkol sa aming mga kababaihan. Kung sakaling
mabigo ako, magkakaroon pa rin ako nang isang maayos na kamatayan
para sa iang mabuting dahilan.

Gayunpaman, anuman ang argumentong nilatag ni


Schehezarade ay hindi tinaggap nang kanyang ama. Hindi pa sya handa
na ipadala ang kanyang anak na babae upang matugunan ang isang
napakalupit na kapalaran. Likas na nagtalo ang mag-ama hindi niya
kayang mawala ang kanyang sariling anak, ngunit iginiit pa rin ito ni
Scheherade.

Scene 12:
Kinagabihan, nagpunta sya sa kwarto ng hari, at nung dumatig
ito nakiusapang hari na magkwento sya nang kahit anong kwento. Sa
kaliman ng gabi nang magsimula na si Schehezarade magkwento,
Ngunit nang sumikat ang madaling araw sya ya nasa kalagitnaan pa
lamang ng kwento at sinabeng

(Convo:

Schehezarade: Hindi ko matatapos ang kwento sapagkat


napakahaba pa nito.

Sharyar: Sige, ipagtuloy na lang natin ito bukas. Gusto ko pang


mapakinggan ang ibang bahagi ng kwento.)
Nung sumunod na gabi tinapos nya ang kanyang kwento, at wala
pang isang minuto nagpanimula na ule sya nang bagong kwento
ikinuwento nya Sinbad the Sailor, Alladin and his magic lamp, Ali Baba
and 40 thieves. Muli nang magmamadaling araw sya ay nahinto muli sa
kalagitnaan ng kwento, pero ipinagpatuloy pa din ni Sharyar ang kwento
kay Schehezarade. Gabi-gabi, nagkukwento si Schehezarade kay
Sharyar na umaabot naman nang madaling araw. Dahil sa kanyang mga
kwento, pinanatili sya nang hari sa kanyang tabi, at hindi nila
namamalayan 1001 gabi ang nakakalipas.

Last scene:

Sa ika 1001 na gabi nagwika si Schehezarade;

Schehezarade: Pagkatapos nang gabing ito ay wala na akong


kwentong maibabahagi sa iyo.

Ngunit pagkatapos noon, ay nagtapat nang pag-ibig ang hari sa


kanya, at nagpasalamat sa mga kwento, sya ay naging mas matalinong
tao at as naging bihasa pagdatiing sa kwento sa mundo.

Kung kaya’t ginawa nyang Reyna si Schehezarade, at ang karunungan


at katarungan ay muling namayani sa kahariaaan.

You might also like