You are on page 1of 2

TAGUMPAY: ISANG HULING YUGTO

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalita sa


harapan po ninyong lahat. Nais kong bigyan ng kaluwalhatian ang aking Makapangyarihang
Lumikha sapagkat kung wala ang Kanyang mga pagpapala at gabay, hindi magiging posible
ang lahat. Hindi ko makaligtaan ang mga pagkakataong iniharap niya sa akin. Hindi po
lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral ay mahirap, ngunit kung ano ang hirap ng
estudyante upang mag-aral ay siya ring hirap ng mga guro sa pagtuturo. Madalas sa ating
mga estudyante ay kina-iinisan naten ang mga gurong laging pumupuna ng ating mga
marka at pag-uugali, ngunit ito ay ilan lamang sa mga patotoo na ang ating mga guro ay
hindi lamang guro sa propesyon, kundi guro din sa kanilang mga puso bagkus ang tunay na
guro ay nagmamahal ng kanyang mga estudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming
maraming salamat po sa walang sawang pagga-gabay sa amin sa tamang daan.
Marami ang nagsasabi na ang buhay high school ay siyang pinaka-masayang bahagi ng
buhay estudyante. Ako ay naniniwala sa kasabihang ito dahil lubod akong nagalak sa apat
na taon kong pag-aaral sa high school. Andiyan ang aking mga kaklase na walong oras ko
nakakasama limang beses sa isang linggo. Isa kayo sa mga tumulong sa akin upang
mahubog ang aking personalidad. Naway magtagumpay tayo sa anumang landas na ating
tatahakin.
Sa aming mga magulang at pamilya na laging nariyan, maraming maraming salamat po.
Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa tamang landas. Alam kong, responsibilidad ng isang
magulang ang mapag-aral ang kanyang mga anak, ngunit naniniwala akong ito ay mas higit
pa sa responsibilidad, ito ay pagmamahal nila sa atin. Pagmamahal na higit pa sa ating
inaasahan. Kaya sa mga estudyanteng katulad ko, wag po natin ipa-sa walang bahala ang
pag-aaral na ibinibigay ng ating mga magulang.
At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa’y wag nating kalimutan ang lahat ng ating natutunan.
Sa pagtatapos nating ito, isang pinto naman ang magbubukas para sa ating hinaharap
ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa ating buhay. Kung ano man
ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o makamit natin agad ito, ang
importante ay matutunan nating magsumikap upang makamit ang mga ito. Muli maraming
maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

You might also like