You are on page 1of 3

Kaalaman:

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Proceso:
4TH QUARTER REVIEWER
Pagunawa:

Name: Section: Date:

A. TUKUYIN KUNG ANO ANG TAMANG SAGOT SA MGA TANONG. BILUGAN LAMANG ANG IYONG NAPILING
SAGOT.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?

a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasya.


b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.

2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.

a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.


b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.

3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:

a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.


b. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.

4. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.

a. Misyon b. Bokasyon c. Propesyon d. Tamang Direksiyon

5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.

a. Bokasyon b. Misyon c. Tamang Direksiyon d. Propesyon

6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?

a. Sarili, simbahan at lipunan b. Kapuwa, lipunan, at paaralan c


c. Paaralan, kapuwa at lipunan d. Sarili, kapuwa at lipunan

7. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay maliban sa:

a. Suriin ang iyong ugali at katangian c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan


b. Sukatin ang mga kakayahan d. Tipunin ang mga impormasyon

8. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan mo ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

a. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound


b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.

a. Upang siya ay hindi maligaw b. Upang matanaw niya ang hinaharap

Copyright by Rodlin Nobleza


c. Upang mayroon siyang gabay d. Upang magkaroon siya ng kasiyahan

10. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay
nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?

a. Kapayapaan b. Kaligtasan c. Kaligayahan d. Kabutihan

11. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng
ekonomiya nito?

a. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan


b. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa
c. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talento at
kakayahan na ayon sa kursong natapos
d. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga manggagawa

12. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa
mundo ng paggawa maliban sa:

a. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan


b. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan
c. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
d. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa

13. Isinasabuhay ng pamahalaan ang kanyang tungkulin sa kanyang mamamayan sa pamamagitan ng _______________.

a. paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan


b. paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng kanyang mamamayan sa paggawa at mithiin ng lipunan
ang kabutihang panlahat
c. pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para pangalagaan ang kanyang karapatan
d. pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang kurapsyon at maling pagsasabuhay ng tungkulin

14. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?

a. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan


b. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
c. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
d. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan

15. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa
sariling talento, kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang pangungusap ay:

a. Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, kakayahan at hilig ay nangangahulugang
karagdagang problema sa isyu ng job mismatch
b. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kanyang mamamayan
c. Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sariling talento, kakayahan at hilig ay hakbang sa minimithing trabaho at
buhay sa hinaharap para sa sarili, pamilya, kapwa at bansa
d. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at ipatutupad nang mga naihalal na ng taong
bayan

B. PANUTO: ISAAYOS ANG MGA SUMUSUNOD NA HAKBANG SA PAGPAPLANO NG KARERA O URI NG BUHAY NA
MINIMITHI. LAGYAN NG BILANG ANG PATLANG KUNG SAAN ANG 1 – ANG UNANG HAKBANG NA DAPAT
ISAGAWA AT 5 – NAMAN ANG HULI.

____ Magsiyasat tungkol sa mga kursong akademiko, teknikal-bokasyunal, o negosyo na naayon sa iyong natuklasan tungkol
sa iyong pansariling salik sa pagpili ng kurso o negosyo. Magtala ng isa o limang maaring pamilian

____ Kilalanin ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso o negosyo.


Copyright by Rodlin Nobleza
____Pumili ng kursong sa iyong palagay ay pinakamabuti para sa iyo

____Tignan ang ginawang talaan ng mga pamimiliang kurso o negosyo at magkalap ng mga napapanahon at angkop na
impormasyon tungkol sa mga napiling kurso o negosyo

____ Magtakda ng mga mithiin – short-term at long-term goal

C. TUKUYIN KUNG ANG NAGPAPAKITAY AY KUNG FLAT OR TALL.

1. Isang halimbawa ng bagong estruktura ng organisasyon ang Microsoft. Binibigyang halaga dito ang
pagiging produktibo ng mga manggagawang may natatanging kasanayan sa teknolohiya. Hindi mahalaga dito ang posisyon o
rango. Ang mga manggagawa ay tinitingnan bilang mas mahalaga kaysa sa mga tagapangasiwa at mga tagapamanihala sa
organisasyon.

____________2. Ang kumpanyang Starbucks ay kabilang sa top 100 industries sa daigdig. Isa sa sekreto sa kanilang
tagumpay ang kanilang pagbibigay ng higit na mataas na pasahod para sa kanilang mga manggagawa. Binibigyan din sila ng
pagkakataong magmay-ari ng shares o stocks. Tila kasosyo kung ituring ang mga manggagawa dito.

____________3. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay isang uri ng organisasyon kung saan dahil sa napakalaking bilang ng mga
kasapi dito ay nangangailangan ng higit na maraming namamahala at tagapangasiwa sa iba’t ibang Rehiyon at Siyudad.

____________4. Ang Trumphet Manufacturing Firm ay isang pagawaan ng mga instrumento para sa mga banda. Ang
kumpanya ay may iba’t ibang sangay at units. Bawat isa ay may division heads at unit heads. Ang unit heads ay under sa
mga division heads. Bawat division at unit ay may kanya-kanyang gawain at tungkullin. Pinangangasiwaan naman ng isang
supervisor ang bawat grupo ng division sa ilalim ng isang area.

5.) Ang Hotdogs Company ay naglulungsad ng bagong factory at product, binigiyan tuon nila ang mga
mangagawa kaysa sa mga Heads ng kanilang kompanya.

D. TUKUYIN KUNG ANO ANG ANG HINIHINGI KADA TANONG.

1-3. ) Isa-isahin ang mga Academic Tracks.

4-6.) Magbigay ng Key Employments Generators

7-15..) Isaisahin ang mga talino na ginawa ni Dr. Howard Gardner

16-20.) Ano ba ang misyon natin sa buhay?

21-25.) Ano ba ang ibig sabihin ng “Begin in the end of mind”?

Copyright by Rodlin Nobleza

You might also like