Memo

You might also like

You are on page 1of 1

Silangan National High School

Barangay Silangan, San Mateo Rizal

Memorandum:

Para sa: Mga mag-aaral na makakaranas pa lang at nakaranas na ng pananakot at di pag respeto
ng kapwa estudyante sa loob at labas ng paaralan.

Mula kay: Reinyelle Nicole D. Rivera 11-ABM Tangerine

Petsa: Hulyo 18, 2019

Paksa: Mga Paraan para Maiwasan at Mapaghandaan ang mga Pananakot ng Kapwa
Estudyante.

Magandang araw! Bilang isa sa mga mag-aaral ng eskwelahang ito, aking namasid na may mga mag-
aaral sa paaralang ito na umaasta at kumikilos na siga o mapang-api sa kapwa mag-aaral. Ang ganitong
asal ay hindi na-aayon sa isang mag-aaral. Bilang mag-aaral ay tungkulin natin na tumulong sa ating
komunidad upang lalo itong mapaunlad. Ang maling asal tulad ng pananakot, pangingikil at hindi pag
respeto sa kapwa mag-aaral ay hindi pag respeto sa karapatang pantao at ito’y hindi dapat hayaang
ipagwalang bahala. Isang layunin ng pagkakaroon ng sapat na karunungan sa pamamagitan ng
edukasyon ay ang bigyan ng matiwasay na pamumuhay, makataong desisyon at magandang hinaharap
ang mga kabataang nagsisimula pa lamang na mamulat sa realidad ng buhay. Kung may mga
pangyayaring nagaganap tulad ng pananakot sa paaralan, ipag-bigay alam agad sa kinauukulan upang
maituwid ang baluktot na kaisipan at kaugalian. Ang kahilingan ng bawat mag-aaral ay ang dagdag
kaalaman at karanasan na tanging sa paaralan lang matutunan. Kung kaya’t hinihimok ko ang lahat na
tumulong upang labanan ang pananakot, pang-aabuso at di pag respeto sa bawat isa ng ilan nating
kapwa mag-aaral.

At dahil sa usaping ito. Kayo po ay ina-anyayahang dumalo sa pulong patungkol sa “Mga Paraan para
Maiwasan at Mapaghandaan ang mga Pananakot ng Kapwa Estudyante.” sa Hulyo 18, 2019 ikatlo ng
hapon. Ito ay gaganapin sa gusali ng Senior High School ng Silangan National High School.

Agenda

Paksa Para sa mga Layunin Petsa at Oras Tagapag-ulat

Mga paraan para maiwasan Mag-aral Mag karoon ng Hulyo 18,2019 ika- Reinyelle Nicole D.
at mapaghandaan ang mga respeto sa kapwa 3:00 ng hapon Rivera
pananakot ng kapwa mag-aaral.
estudyante

You might also like