You are on page 1of 2

REVIEWER

Ekonomiks - isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung papaano matutugunan ang
tila walang katpusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman. Ito ay nagmula sa salitang griyego na "oikonomia","oikos" ay bahay at
"nomos" pamamahala.

Ekonomista - ay ang nag-aaral batay sa pagpili at pagpasya ng mga tao sa lipunan at ang epekto
nito sa buong ekonomiya.

Doktrinang Laissez-faire o Let Alone Policy - hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa
pagpapatakbo ng ekonomiya ng mga pribadong sektor.

Law of Diminishing Marginal Returns - ang patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay
nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito.

Malthusian Theory (Thomas Robert Malthus) - ang populasyon ay mas mabilis na lumalaki kaysa
sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa.

Opportunity Cost - ay ang isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang paggagamitan


nito.

Trade-of - ang pagpili batay sa alternatibong kapalit ng mga bagay na isinasakripisyo o


pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.

Benefit - ito ay may kinalaman sa pakinabang na natamo sa nagawang pagpili.

Alokasyon - Ang paraan ng pangangasiwa at pamamahagi ng mga produkto at serbisyo upang


makamit ang kasiyahan sa limitadong pinagkukunang yaman.Isang paraan upang maayos na
maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.

Kagustuhan - ang kailangan ng tao na maituturing na luho at maaaring ipagpaliban.Hindi


nakasalalay dito ang buhay ng tao.

Konsyumer - Mamimili o kumokonsumo ng mga produkto at serbisyo.

Makroekonomiks - Isang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng kabuuang ekonomiya


at mga kaugnay na pangkalahatang gawain.

Maykroekonomiks - Isang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng maliit na bahagi o


yunit ng kabuhayan at may kaugnayan sa pag-aaral ng indibidwal na pagpili.

Pangangailangan - mga bagay o serbisyo na kailangan ng tao upang mabuhay.


Dalawang Mahahalagang Konsepto sa pag-aaral ng Ekonomiks:

1. Walang hanggang pangangailangan 2. Limitado

Dalawang Uri ng Pangangailangan:

1. Pangunahin. 2. Sekondarya

Dalawang Uri ng Pagpili:

1.Indibidwal 2.Panlipunang pagpili

Kakapusan - kalagayan dulot ng walang hanggang pangangailangan ng tao

Kakulangan - kalagyaan na pwede pang mapunan.

Abraham Maslow (1908-1970) - The Father of Humanistic Psychology and Creator


of Maslow's Hierarchy of Needs.Amerikanong Psychologist.

You might also like