You are on page 1of 9

"TULA NG PANINIWALA"

Sa isang paupahan ay makikita si Jude, 18 anyos, nakaharap sa salamin


at nag eensayo, nang bigla siyang nadatnan ng kanyang ama.
Jude: ( Buong pusong dinadama ang pagtula)
Ikaw ang tanglaw sa aking buhay,
Umusbong sa lupa ng bukang liwayway,
Ikaw ang gumising sa damdaming matamlay,
Buong puso ko sayo'y iaalay.

Papa: Abah, ito'ng anak ko na ito oh, nag eensayo nanamang


tumula.
Jude: Pa, may Spoken Word Poetry Contest po kasi ngayong
gabi eh sayang naman yung premyo, para sa atin din
yun.
Papa: Pasensiya kana anak, wala man lang akong magawa
para tulungan ka.
Jude: (Agad na puputulin ang bugso ng kalungkutang
nagaganap) Pa! Ano kaba? Sapat nang andiyan ka!
Huwag mo lamang akong iiwan. Ikaw kaya ang Best Dad
ko!
Papa: Oh siya, Tama na nga ang kadramahang yan, tara na't
kumain 'pagkat may pasok kapa.

Sa hapag ay magkaharap na nagsalu-salo ang mag-ama nang biglang


binasag ni Jude ang katahimikan.
Jude: Pa, patulong naman oh.
Papa: Oh sige bah, ano ba iyan anak?
Jude: Eh kasi pa, may nililigawan ako, at gustong-gusto ko
talaga siya, Pa'no ngayon yan pa?
Papa: Ah, so ayun, (kukurutin ang pisngi ng anak ng pabiro)
Nililigawan mo? Teka, hmmh, pa'no ba yung sa amin
dati? (mapapaisip ng bahagya) Ah! Paano kung bigyan
mo nalang ng rosas na kulay mintgreen na may pagka
fuschia pink? Tapos samahan mo na rin ng isang sakong
tsokolate at letter na 1000 characters each paragraph,
printed.
Jude: (Mapapangisi) Tay! Wala po tayong pera.
Papa: 'Di, biro lang anak, bigyan mo ng bulaklak at saka liham
ng iyong tunay na pag-ibig, kikiligin yun. Saganang akin
ay mas nakakabihag pa rin ng puso ang tradisyunal na
pamamaraan.
Jude: (Mapapakamot ng ulo at hindi makukuntento sa sinabi
ng ama) ihhh, ang hirap naman niyan pa eh. Pa'no kung
hiramin ko nalang kaya yung selpon ni Cloue, tapos
magwa- wave ako sa kanya sa messenger, at kunwari
napindot ko lang, okay ba pa? (Sabay papo-ging tingin
sa ama) Ay! Hindi rin pala pa, chikboy rin kasi yang si
Cloue eh, delikado na.
Papa: ( Pupwestuhan ng maayos ang anak at muling bibigyan
ng payo) Eh anak, paano kung daanin mo nalang sa
malalalim na salita, uso yun dati, halimbawa, ( aayusin
ang boses na parang makata) Sa ligalig kong dama sa iyo
irog, ay hindi ko kayang maging palamara, aking
pipitasin ang pinakamakintab na buwan sa kalawakan
na sadyang babagay sa iyong karikitan.
Jude: Pa, ang luma naman ata, (tatayo at liligpitin ang
pinagkainan) baka ma turn-off siya sa'kin. Spoken Poetry
na uso ngayon.
Papa: Anak, alam ko namang iba na ang pananaw niyong mga
kabataan ngayon sa samu't-saring bagay ngunit respeto
naman sa ating kultura.
Jude: Ok po, ( babalewalain ang sinabi ng ama) pero may iba
pa po ba kayong alam? Ang baduy lang kasi.
Papa: (Ituturo ang anak 'pagkat nagka kumpiyansa na sa
susunod na sasabihin) Ito anak, gumawa ka ng 100
origami, siguradong mapapa ibig at mapapamangha
mo siya
Jude: (Kunot ang noo sabay bagsak ng balikat) Paaaaa, ano
ba'yan! 100 origami? Eh, 100 likes na uso ngayon at
pe'de mo nang e-profile crush mo.
Papa: Hay naku, ewan ko sa'yo.Eh Teka, sino ba iyang
niligawan mo ha?
Jude: (Kikiligin ng bahagya) yieee, papa naman eh.
Papa: Eh sino nga?
Jude: Si Joanne, yung Gr. 12 HUMSS.
Papa: Ah, yan ba yung inspirasyon mo sa tula-tula mo na yan?
Jude: (Ma e-excite ng sobra) oo pa! Siya yun! (babalik sa
normal) Ay sorry , oo pa siya yun.
Papa: Abah! Lubos kitang ipinagmamalaki anak, andami mo
nang raket, napag-aaral mo na ng mag-isa sarili mo.
Jude: (Lalapitan at tatapikin ang ama) pa, natuto na po akong
tumayo sa sarili kong mga paa, at dahil yun sa inyo.
Salamat po pa!

Matapos ang gabing iyon, ay umuwi si Jade, dala ang bunga ng


kanyang mga napanalunan.

Jude: Pa, andito na po ako. (ipagmamalaki ang napanalunan)


Pa'no ba yan pa? nanalo ako bilang Makata ng Masa.
Papa: Abah! Ang galing naman ng anak ko. Pahalik nga
anak (akmang hahalikan ang anak ngunit iiwas si Jude)
Jude: Iw, kadiri pa, pero pa, (malulungkot) alam niyo po ba
ang ang mas masakit pa? binusted ako Joanne, may
mahal na daw eh.
Papa: (Lalapitan ang anak) ayus lang yan anak, marami pa
naman diyang iba eh.
Jude: (mapapayuko) pero pa, mahal ko po siya eh.

(Kukuha ng plato ang ama upang pakainin ang anak ngunit mababasag
ito. )

Jude: (Magagalit) Ano ba naman pa?! Mag-ingat ka naman!


Papa: (Liligpitin ang nabasag) Pasensiya na anak, di na mauulit.
Jude: Diyan ka naman magaling eh, (ituturo ang amang
lumuluha) sa pasensiya, pina-iinit mo ulo ko lalo.
Papa: (Pupunasan ang tumatagaktak na luha) Jude, ba't ka ba
ganyan? 'Di ka naman dati ganyan ah. 'Di na kita
maintindihan. Minsan masaya ka, minsan malungkot,
minsan problemado, ngayon naman galit ka. Ano ba'ng
problema mo?
Jude: (tataas ang boses) Ikaw ang problema ko! Sawang-sawa
na'ko! Ayoko nang mabuhay.
Papa: (biglang hihikain) anak! Tubig!
Jude: ( aakayin ang ama) Pa! Anong problema? Teka lang po.

Patakbong kukuha ng tubig at dali-daling pa-iinumin ang ama.


Papa: (hihinga ng malalaim) salamat anak!
Jude: Teka lang ho, ansakit ng ulo ko!
(Biglang hihimatayin)
Papa: Jude, anak!
Makalipas ang ilang oras ay nagising muli si Jude at nadatnan itong
umiiyak sa sofa.
Papa: Ayos ka lang ba anak? Ayan kananaman eh, ano ba ang problema?
Jude: Wala po pa, may sipon lang po ako. (Sabay punas ng
luha)
Papa: (pipilitin ang anak) sipon, ganyan? Anak, sabihin mo na
kasi.
Jude: Wala po talaga.
Papa: Sabihin mo kasi, Ano? Patawad kung wala ako lagi,
patawad kung hindi kita natutulungan at nasasamahan.
Jude: (tataas ang boses) Wala nga po ito pa! Ang tigas mo ah!
Papa: Sabihin mo kasi ng malaman ko!
Jude: (mapapahagulgol sa iyak) Pagod na pagod na ako pa!
Gustong gusto ko nang mamatay. Nahihirapan na talaga
ako.
Papa: (tatapikin sa balikat ang anak) Huwag ganyan anak,
laban lang!
Jude: (titingin sa ama na may luha sa mga mata) Laban? Akala
niyo ho ba madaling lumaban ng mag-isa? Nang walang
katuwang sa buhay? Nang gigising ka sa umaga ng wa-
lang kasama? Miss na miss na kita papa! Ang hirap mag-
panggap na buhay kapa! Ang hirap maniwala na sa
araw-araw ay nandiyan ka kasama ko kahit alam ko
naman na limang taon kanang patay! Ang hirap (tatawa)
ng maniwala (galit) na buhay ka pa (gulat) . Ang hirap
maging baliw! Ang hirap ng ganitong sitwasyon (iiyak
ng husto) papaaa miss na kita. Gusto ko nang magpaka-
matay!

Biglang may liwanang na dadapo kay Jude


Papa: Anak, alam kong hindi mo ako nakikita ngunit alam
kong nararamdaman mo ako anak, Huwag na huwag
kang susuko, wag kang magpatalo sa depresyon at
kalungkutan, hindi lang ikaw ang nahihirapan, marami
pang taong kagaya mo at hindi sila sumusuko, magpahi-
nga kana at panibagong araw nanaman bukas.
Jude: (titingin sa taas at ipipikit ang mga mata)
Ama, salamat pagkat ako ay iyong pinalakas,
Binigyan mo ng liwanag ang daang binabagtas,
Salamat sa iyong presensiya,
Na sa aki'y nagbigay pag-asa,
Saludo ako sa'yo bilang anak at isang Makata,
Kaya't ito'y iyong tanggapin, Ang Tula ng Paniniwala.

WAKAS

You might also like