Professional Documents
Culture Documents
Kemle Indab Piling
Kemle Indab Piling
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo
at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya
ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon
ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena
upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang
kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya
ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula
sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa
pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Mga dadalo:
Grade-12 STEM-B Students
Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang
katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang
pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at
angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng
isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong
Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang
sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan
subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu
ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama”
hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na
pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay
nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa
makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang
edukasyon.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang
inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay
nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na
lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga
magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala
akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng
maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang
tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking
nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan
ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala
akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting
sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko
ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura
at gahasang isipan.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking
mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at
impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking
paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga
pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng
magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin
sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa
ating panahon.
Abstrak
UNANG ARAW:
IKALAWANG ARAW:
I. Bionote
II. Abstrak
III. Buod
IV. Agenda
V. Katitikan ng Pulong
VI. Posisyong Papel
VII. Replektibong Sanaysay
VIII. Larawang Sanaysay
IX. Lakbay Sanaysay
Larawan Sanaysay