You are on page 1of 3

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas
ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga
panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang
inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa
pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis
din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya
kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na
mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga
asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw
upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na
nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y
naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito
hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha
na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman,
ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa
lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan
niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna
ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya
kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan
siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging
mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at
pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran
upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa
aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may
mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni
Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos
mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela
sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan
kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang
pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema
sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,
masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng
nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati
ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang
pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong
pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at
Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap
habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre
ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga
kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan
sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa
taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa


maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

You might also like