You are on page 1of 4

10 Mungkahi upang maiwasan ang Migrasyon

1.Dapat taasan ang minimum wage ng mga nag hahanap


buhay.
-Isa ito sa mga mungkahi upang maiwasan ang migrasyon. Maraming umaalis
sa ating bansa dahil mababaang minimum wage na natatanggap nila.Dapat
ang mga Pilipino ay hindi umaalis o lumulipat sa ibang bansa dahi lang sa
mababang sweldo.Isa sa mga dahilan ay ang mga Pilipino ay masipag pag
dating sa trabaho.Kaya din ang mga OFW ay mabilis na natatanggap sa mga
trabaho sa ibang bansa, dahil sa kanilang kasipagan.
Halimbawa.Maraming Pilipino ang pumupunta sa iba’t –ibang bansa lalo na
sa Dubai, at iba pang Arab countries.Ngunit kadalasan ang mga pilipinong
OFW ay hindi na nakakauwi ng ating bansa ng buhay, dahil sila ay inaabuso
ng ibang mga arabo.

2.Dapat sinusuportahan ng pamahalaan nag mga mahihirap.


-Dapat sinusuportahan ang mga mahihirap ng Pamahalaan. Isa din itong
rason kung bakit nagkakaroon ng migrasyon.Ito ay dahil ang illan sa mga
pinoy ay hindi makahanap ng trabaho sa ating bansa dahil sa kawalan ng
pero kaya dapat din sinusuportahan sila ng pamahalaan. Kaysa na kurapin
nila ang pera ,pangtulong nalang nila sa mga mahihirap na wala. Pero pag
nasa ibang bansa sila mas napapamahal sila madalas sa kanoilang mga amo
kaya hindi na nakakabalik sa ating bansa.
Halimbawa nalamang, Ang mga DP ay nangungurap, may posibilidad talaga
na maghanap ng trabaho ang mga Pilipino sa ibang bansa dahil alam nila na
mas mataas ang sweldo sa ibang bansa. Mag hahanap lamng sila ng tao na
makakatulong sakanya upang makalipad sa ibang bansa, at manatili doon.

3. Dapat maging mabigyan ng karapatan ang mga Pilipinong


mahirap na makapagtrabaho.
-Sa ating bansa marami ang dukha. Ngunit bakit nga ba hindi sila
nakakpagtrabaho na may mataas na sweldo? Maraming mga kasagutan sa
tanong na iyan. Siguro hindi sila nakatapos sa pag aaral, ngunit may
karapatan pa din sila, dahil hindi naman sa lahat ng trabahong magaganda ay
grado ang kailangan. Kailangan din nila ng sipag at diskarte sa mga bagay-
bagay.
Halimbawa ay may isang tao na hindi nakatapos ng pagaaral sa kolehiyo at
wala siyang diploma. Karamihan sa mga hinihingi ngaon ay ang diploma
ngunit wala siya. Paano siya makakapag trabaho. Maaari niyang gamitin ang
kaniyang kasipagan at talino sa kanyang trabahong mapapsukan at
magkakaroon siya ng mataas sweldo.

4. Pagandahin ang mga pasilidad ng mga nag t-trabaho.


-Magiging maganda and trabaho at mapapadali din kapag magaganda ang
pasilidad . Kung maganda ang pasilidad mas magiging komportable ang
trabaho ng mga nagt-trabaho. Hindi magiging mapapadali ang trabaho kung
ang pasiliday ay hindi sapat.
Halimaba nalamang kapag nag t-trabaho ka sa restaurant, kapag ang tubig ay
nawala paano na ang mga hugasin? Kaya importante din ang may maayos na
pasilidad.

5.Pagkakaroon ng mataas na antas ng Edukasyon


-Ang pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon ay makakatulong.
Makakatulong ito upang maiwasan ang Migrasyon. Sa papaanong paraan
nga ba? Ang pagkakaroon ng mataas na edukasyon ay magagamit mo bilang
kalamangan, dahil kalimitan ito ang hinihingi ng mga kompanya.
Halimbawa, Kapag ang grado mo ay mataas lalo na sa kolehiyo, pagaagawan
ka ng mga kompanya dahil kalimitan ngayon ang mga ganyang tao na ang
pinagaagawan at nilalagay sa mataas na puwesto.

6. Magkaroon ng programa o job fair


-Ang pag-kakaroon ng Job fair ay malaking tulong. Kailangan ng pamahalaan
na magkaroon ng Job-fair para sa mga nais magkaroon ng trabaho. Hindi na
dapat pumupunta ng ibang bansa ang ating mamamayan upang
makapagtrabaho. Bakit pa sila maghahanp ng trabaho sa ibang bansa kung
may mapapasukan naman na trabaho ditto?
Halimbawa, Kapag may job-fair sa inyong lugar pumili ka nan g maganda
mong trabaho na mapapsukan at palagauin mo ang iyong kakayahan ng sa
gayon ay mas maiimpress sayo ang boss mo at ilagay sa mataas na pwesto
sa kompanya o kahit ano pang trabaho.

7. Ipagbawal dapat ang diskriminasyon

Sa panahon ngayon, ang diskriminasyon ay pinapairal ng mga pilipino dahil


sa kanilang anyo,kulay ng balat,kasarian,kapansanan ay nagiging dahilan
kung bakit nagkakaroon ng migrasyon. Kadalasan ang mga tao ay umaalis sa
ating bansa dahil hindi nila nararamdaman na mahal sila ng sarili nilang mga
kababayan kadalasan ay ang mga LGBTQI ang umaalis upang maiwasan
ang diskriminasyon.
Halimbawa, Kapag ang isang LGBTQI ay nadiskrimina si ay mag lalakas loob
na lumipat nalang ng ibang bansa, upang hindi sila madiskrimina.

8. Huwag Dumaya para lumago


Isa ang pandaraya sa mga dahilan kung bakit ang ibang tao ay nawawalan ng
tiwala sa mga nakaupo sa Pamahalaan.Halimbawa ay ng pamahalaan sa
pera ng mga tao, sila ay nangungurakot. Isa ito sa dahilan kung bakit lumilipat
ang iba nating mamamayan, dahil sila ay nabibiktima ng kurapsyon. Pero pag
nagbago na ang ating mga pinuno, mas lalo pa natin sila pagkakatiwalaan at
mananati dito sa ating bansa para makapag ipon.
Halimbawa,Kapag ang isang opisyal ay nabalitaan mong nangungurakot lang
sa pamahalaan, malulungkot ka diba? Kaya malaki ang persyento na ikaw ay
manghihinayang dahil sila ang binoto ng taong bayan at sila ngayon ay
nangungurakot pano naman ang mga walang pera?Paano sila lalago at
magsimula ng bagong buhay? Kung ang mga namumuno ay hindi kaaya-aya
at hindi naman talaga karapat-dapat na umupo sa gobyerno?

9. I-upgrade ang mg kagamitan sa Ospital


-Sa panahon ngayon, Kadalasan sa mga nagkakasakit ay pumupunta sa
ibang bansa para lamang magpagamot. Isa sa mga dahilan kung bakit ang
ibang tao ay umaalis sa ating bansa dahil ang mga kagamitan dito sa pilipinas
ay hindi sapat sa ibang may sakit. Ang ibang doctor sa ibang bansa ay
magagaling kaya doon sila pumupnta.Dapat din tinutulungan ng gobyerno
ang mga ospital. Dahil dito kailangan natin pagandahin ang mga kagamitan
sa ospital.
Halimbawa. Ang ibang may saki ay may malalalang sakit, kadalasan ang mga
ibang pilipino ay sa ibang bansa nagpapagamot. Dahil kulang o hindi sapat
ang mga kagamitan dito sa ating bansa. Kaya umaalis sila sa ating bansa.

10. Bigyan ng magagandang trabaho ang mga nakatapos sa


pag-aaral.

-Ang mga estudyante na nag-aaral ng mabuti ay may maganda o mataas na


pangarap na gusto nila abutin para sa kanilang buhay. Pero kadalasan sila ay
nabibigo pagkatapos nila mag aral. Dahil hindi nila nakukuha ang gusto nilang
makamit. Dahil doon pumupunta nalang sila sa ibang bansa para doon
makapagtrabaho. Pero kadalasan sila ay nahihirapan doo dahil nabibigo din
sila pagdating nila doon. Minsan ang nagiging trabaho nila doon ay DH o
domestic helper.
Halimbawa, Ang isang nakatapos ng nursing sa pilipinas ay hindi komportable
upang magtrabaho dito sa ating bansa, kaya sa ibang bansa sila nagt-trabaho
pero kadalasan DH ang abot nila doon.
NO TO MIGRATION!
Mga mungkahi upang maiwasan ang Migrasyon

Ipinasa ni: Christian Virgil P. Mainot

Ipinasa kay:Dr. Julian Ferreras

Ika-sampung baitang ng San Oscar Romero

Araling Panlipunan

You might also like