You are on page 1of 15

New Era University

Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Bunga Sa Mental Na Kalagayan Ng Mga Kabataan Dulot Ng

“Peer Pressure” Sa Komunidad Ng NEU-IS

Sa Taong 2019

Inilalahad nila:

Salabsab, Jefford

Samson, Cheryll Mae

Yago, Nicole

Peralta, Angeline

Rosauro, Angeline

Yu, Alvin Kyle


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Gng. Josephine Magno

KABANATA I

Ang Suliranin at ang Kaligiran nito

I. Panimula

Sa panahon ngayon masyado nang nakabase ang kabataan sa idinidikta at nais

makita ng lipunan, kaya kadalasa’y napipigilan na ang mga potensiyal at mga talento ng

mga kabataan dahil ang tingin nila ay hindi ito katanggap-tanggap sa lipunan. Katulad

ng inihalimbawa ni Chad Faller sa kanyang artikulo sa “Liwayway” na nakalagay sa

internet, na nagsasabing “Kung may napag kasunduang gawin, kahit masama pa ito

makikisangkot tayo,” (Faller ,2017). Maraming kabataan din ang nagbabalat-kayo at

nagtatago sa totoo nilang pagkatao sa kadahilanang natatakot silang madiktahan ng

lipunan dahil ang kanilang mga gawi at mga kilos ay iba sa natural at palaging nakikita

ng lipunan.

Masyado na tayong nakabatay sa sinasabi ng mga nasa paligid natin, ang isa sa

mga halimbawa nito ay ang pag-inom ng alak. Kapag hindi ka sumubok o sumunod sa
New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

mga idinidikta nila ay maaari kang masabihan at mabansagan ng “KJ” o “kill joy” dahil

hindi ka sumasabay sa mga ginagawa nila o sa mga nakasanayan nila.

Ayon nga sa isa sa mga sikat na linya na tumatak sa utak ng marami na ang

kataga ni Bruce Lee na “Wala ako sa mundong ito upang mamuhay sa iyong mga

inaasahan at wala ka sa mundong ito upang mabuhay ang aking mga kagustuhan.”

(Bruce Lee, 1952) na ang nais iparating ay hindi tayo dapat mabuhay sa salitang iba,

datapwat ay dapat tayong mabuhay batay sa paraan kung papaano natin gusto

mabuhay.

Ayon naman kay Friedrich Nietzsche sa kanyang libro na “The Gay Science” na

nagsasabing “ang isang masamang budhi ay mas madaling makaya kaysa sa isang

masamang reputasyon” at nangangahulugang kailangan nating pahalagahan ang ating

reputasyon dahil ito’y mas mahalaga pa sa ating budhi.

Gayunpama’y kahit tila wala nang magandang naidudulot ang peer pressure sa

mga kabataan, meron at meron paring nakatagong mabuting mithiin ang “peer pressure”

sa ating lipunan sa nakararami dahil may mga mabubuting dulot at sanhi din ang peer

pressure sa ibang kabataan sa kaparaanang mas pinipili nilang lumago dahil ito ay isa

sa mga basehan ng pagiging matagumpay na indibidwal. Ito ang nag-uudyok sa

kanilang mas maging maayos at organisadong indibidwal.


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Sa pananaliksik na ito aming tatalakayin kung ano ba ang mga pagsubok at mga

problemang kinakaharap ng mga estudyanteng NEU-IS, mula ika-pitong baitang

hanggang ika-labindalawa. Amin ding tatalakayin kung paano ba nakaaapekto sa

mental na pag-iisip at kapasidad ang “peer pressure” sa mga mag-aaral, dahil marami

sa atin ang nakararanas nito at marami ang hindi nararating ang kanyang pinaka

potensiyal.

Isa nga sa mga hindi malilimutang linya ni Dr. Jose Rizal na “Kabataan ang pag-

asa ng bayan," sana’y tulad ng walang kupas nitong katanyagan sa bawat isa’y ganun

din ang walang tigil na pagsusumikap ng kabataan na makamit ito at patunayang tama

ang ating tinitingalang linya niya.

II. Paglalahad Ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Bunga Sa Mental Na Kalagayan Ng

Mga Kabataan Dulot Ng “Peer Pressure” Sa Komunidad Ng NEU-IS Sa Taong

2019”na naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Paano nakaaapekto sa mental nakalagayan ang Peer Pressure ayon sa:


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

a. kasarian

b. edad

c. general weighted average

2. Ano ang Peer Pressure?

3. Sa pagkakaroon ng Peer Pressure sa Komunidad ng NEU-IS, ano-ano ang

mga disadbentahe at adbentahe nito?

4. Paano nakaapekto sa mga mag-aaral ng NEU-IS ang Peer Pressure sa

Lipunan?

5. Bakit mayroong Peer Pressure sa Komunidad ng NEU-IS?

III. Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong pag-aralan at solusyonan ang Mga

Bunga Sa Mental Na Kalagayan Ng Mga Kabataan Dulot Ng “Peer Pressure” Sa

Komunidad Ng NEU-IS Sa Taong 2019.

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod;

 Upang matulungan ang mga kabataang mag-aaral ng NEU-IS sa paglutas ng

mga suliraning kanilang kinahaharap dahil sa Peer Pressure ng lipunan.

 Matulungang masolusyonan ang problema ng stereotyping o ng paglalahat sa

ispisipikong sitwasyon sa mga taong kabilang sa isang lipunan.


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

 Magbigay kaalaman sa mga kabataang mag-aaral na hindi kinakailangan ang

palaging pagsunod sa “uso” o sa nauuso sa komunidad na kanilang

kinagagalawan.

 Malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng mga sikolohikal na

sakit ng mga mag-aaral dulot ng lipunan.

 Mas malaman ang mga pagsubok na nararanasan ng mga kabataan dulot ng

Peer Pressure sa lahat ng aspeto sa lipunan. Ito man ay tungkol sa pag-aaral,

sa pisikal na anyo, sa pamilya, at sa iba pa.

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

 Mag-aaral – Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang

makatulong sa mga kabataang mag-aaral na masolusyonan ang kanilang mga

suliranin sa kanilang mental na kalagayan dulot ng Peer Pressure sa lipunan. Ito

rin ay mahalaga sa mga mag-aaral sapagkat ito’y makatutulong upang maiwasan

ang pagkakaroon ng pag-iisip na kailangan nilang sundin ang idinidikta ng

lipunan na kanilang dapat gawin upang maging in sa henerasyong ito.

 Magulang – Makatutulong din ito sa mga magulang ng mga kabataang mag-

aaral na mabawasan ang kanilang pag-iisip ukol sa mga sakit na maaaring


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

matamo ng kanilang mga anak dulot ng Peer Pressure ng lipunan na kanilang

ginagalawan.

 Mga Guro – Ang kaguruan ay magkakaroon ng ideya ukol sa mga suliraning

mental na nararanasan ng kanilang mga estudyante dahil sa umiiral na Peer

Pressure sa lipunan. Maaari silang maging sangkap ukol sa pagbabago at

pagpapabuti ng kanilang mga estudyante kung sila ay may nalalaman ukol sa

kaganapang ito sa komunidad.

 Administrasyon – Nararapat ding malaman ng administrasyon ang pananaliksik

na ito ukol sa pagpapabuti ng mga kabataang mag-aaral ng NEU-IS.

Makatutulong ito upang masolusyonan ang mga sikolohikal na sakit na nakukuha

ng isang mag-aaral dulot ng Peer Pressure na umiiral sa ating lipunan.

 Paaralan – Maaari itong magamit ng paaralan sa pagpapatibay ng disiplinang

umiiral sa komunidad ng Pamantasan ng New Era upang malutas ang mga

suliranin ukol sa Peer Pressure na nararanasan ng mga kabataang mag-aaral.

V. Saklaw at Delimitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakatuon at sumasaklaw sa epekto ng peer

pressure sa mental na kalagayan at kapasidad ng mga estudyante sa NEU-IS. Sakop

din nito ang iba’t-ibang maaaring maging sanhi ng peer pressure sa kabataan at sa

lipunan.
New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Upang mapag-aralan iyon ay naglalayon kaming gumawa ng isang serbey na

may kaakibat na pagtatanong sa isandaang (100) mga mag-aaral ng NEU-IS sa lahat

ng mga seksiyon mula ika-pito hanggang ika-labindalawang baitang na magsisilbing

aming mga respondente. Binabalak din naming makapanayam ang Youth Forum

President ng New Era University Integrated School upang humingi ng kaniyang

saloobin patungkol sa nasabing paksa.

Sa kabuoan, magkakaroon kami ng mahigit isandaang mga respondente na

pagkukuhanan ng datos at impormasyon para sa gagawing pananaliksik.

Kinokonsidera namin na respondente ang mga mag-aaral sa NEU-IS, mga

baitang na pito hanggang labindalawa, sapagkat kami ay naniniwala na sila, bilang mga

kabataan, ang lubos na naaapektuhan ng peer pressure sa lipunan, at sa komunidad ng

NEU.

Ang mga estudyante na hindi nag-aaral sa NEU-IS ng Main Campus kasama

ang mga kolehiyong estudyante ng New Era University ay hindi magiging bahagi ng

aming pananaliksik bilang mga respondente.

VI. Depinisyon ng mga Katawagan

Ang mga terminolohiyang ginamit sa pananaliksik na ito ay binigyang kahulugan

sa pamamaraang operasyonal upang mas lalong maunawaan ng mambabasa ang

isinasagawang pag-aaral.
New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

 Peer Pressure - termino na tumutukoy sa impluwensiya ng pakikisama sa

isang grupo ng isang indibidwal para mapabilang, na nagdudulot ng hindi

magandang epekto sa pisikal at mental na katauhan.

 Estudyante - ang mga mag-aaral, mga taong nag-aaral sa isang paaralan.

Sila ang pangunahing tuon ng pananaliksik na ito at aming gagamiting

mga respondente.

 Kabataan – tumutukoy sa mga taong ang edad ay musmos pa lamang na

matatawag. Aming ginamit ang terminong ito sa pag-aaral upang

mabigyang pokus ang mga estudyanteng musmos pa lamang sa pag-iisip

at sa gawa.

 Guro - ang mga taong nagtuturo sa mga mag-aaral. Sila ang daan ng

mga estudyante tungo sa kanilang magandang kinabukasan. Ang

kanilang itinuturo ay talaga namang mahalaga’t mapakikinabanggan.

 Lipunan - isa sa napakalaking sanhi o dahilan na naguudyok sa kabataan

o sa isang indibidwal na makiayon nalang sa nakararami.

VII. Hinuha

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maibabalangkas nang maayos ang bawat

detalye patungkol sa mga bunga ng peer pressure sa mental na kalagayan at

kapasidad ng mga estudyante. Inaasahang tatangkilikin ng mga kabataang mambabasa

ang pananaliksik na ito.


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Inaasahan din sa pag-aaral na ito na mailalahad ang mga masasama at

mabubuting bunga ng peer pressure sa kabataan at mapatunayang isa ito sa

napakalaking factor na humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal.

VIII. Batayang Teoritikal

Ang kabataan sa panahong ito ay likas nang mapupusok. Masyadong mapag-

usisa, sa puntong mga bagay na hindi na dapat inaalam at pinapakialaman ay

pinapasok pa rin. Ang kabataan ay sadyang mapang-impluwensya at sadyang

madamdamin. Ipipilit ang mga bagay na gusto sa ibang tao maging masaya lamang.

Ang pangyayari ding ito ay tinatawag na peer pressure.

Ayon nga sa isang artikulo ni Chikee Tan, isang sikat na manunulat sa isang

mapagkatitiwalaang pahayagan, ay nagsasabing “Hindi na naabot ng kabataan ang

kanilang pinaka potensiyal dahil masyado na silang binabakuran ng mga dapat nilang

makamit at mga dapat nilang gawin.” (Chikee, 2016)

Sinabi naman ni Marija Lebedina Manzoni, isang mananaliksik, na (isinalin sa

tagalog) “Ang pressure ng mga kapwa ay madalas na nauugnay sa mga peligrosong o

may problemang pag-uugali ngunit ang dapat nating tandaan ay ang hindi mapabagsak

na link sa pagitan ng impluwensya ng mga kapantay at pag-unlad ng sariling personal


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

na kahulugan ng sarili at pagkakakilanlan. Ang prosesong ito ay nagsisimula nang

maaga sa buhay at hindi talaga tumitigil.” (Marija, 2012)

Sinasaad naman nina Martina Lotar at Neven Ricijas na ang mga proseso ng

impluwensya ng mga kaibigan ay hindi pathological sa halip ay maaaring maging

agpang o maladaptive sa kalikasan.

“Manzoni, Marija & Lotar Rihtaric, Martina & Ricijas, Neven. (2011). PEER PRESSURE

IN ADOLESCENCE - Boundaries and Possibilities.”

https://www.researchgate.net/publication/270761587_PEER_PRESSURE_IN_ADOLESCENCE

_-_Boundaries_and_Possibilities

Source Citation
New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

KABANATA II

Ang Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay ukol sa mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral ng Mga

Bunga Sa Mental Na Kalagayan Ng Mga Kabataan Dulot Ng Peer Pressure Sa

Komunidad Ng NEU-IS Sa Taong 2019 parehong lokal at dayuhang mga pag-aaral.

Ang lipunan ang pinopokusan ng aming paksa na pinakamalaking nakaaapekto

sa mental na kalagayan ng isang estudyante sapagkat dito, nagaganap ang

pagkakaroon ng peer pressure. Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan

nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.

(Mooney, 2011)

Kaya naman, ang peer pressure ay nalulugar dito. Ayon rin kay Mooney (2011),

Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.

Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng

pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Kaya sa ating mapapansin, sa

tuwing mayroong nauusong bagay katulad na lamang ng paggamit ng social media, ay

otomatiko sa mga kabataan na sumunod dito sa pamamagitan ng paggamit din nito.

Ang dahilan ng sosyal na penomenang ito ay ang peer pressure na umiiral sa lipunan.
New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Ngunit di rin natin masisi ang mga kabataan kung bakit kanilang sinusunod kung

ano ang nauuso sapagkat ang pagtugon sa peer pressure sa lipunan ay bahagi ng

kalikasan ng pagkatao. (D’Arcy Lyness, PhD, July 2015)

Ang peer pressure ay ang impluwensyang ginagamit ng isang grupo sa isang tao

upang baguhin ang kaniyang pananaw, pagpapahalaga at gawi upang maging

alinsunod ito sa pamantayan ng grupo. (Esteban, 1990)

Ayon rin kay Esteban (1990), ang isang teenager na tulad mo ay tunay na

madaling maapektuhan ng impluwensya ng iyong mga kaedad, tinatawag itong peer

pressure. Kaya kung ano ang nauusong gawin, pananaw, pananamit o anupaman ay

madaling sinusunod ng mga kabataan para maging in sa lipunan na kanilang

ginagalawan.

Maraming maaaring dulot ang peer pressure sa tao. Ngunit kinaklasepika ito

kung ang dulot ay mabuti o masama, na nakadepende pa rin sa atin. Karamihan sa atin

marahil ay lumaki na ang pag-iisip ng peer pressure ay masama. Ang panggigipit ng

mga kasamahan ay masama lamang kung ang iyong mga kaedad ay gumagawa ng

masasamang bagay. Ang presyur ng kapwa ay isang mahusay na bagay kung ikaw ay

di mag papadala sa takot. (Rishabh, 2008)

Ang peer pressure ay maaaring maging dahilan sa pagkakaroon ng mental na

sakit sa kabataan kung ang nagtutulak nga sa isang estudyante na gawin ang isang

bagay ay ang nakapaligid sa kaniya na pilit isinisigaw ang dapat niyang gawin.
New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

Halimbawa na lamang na ang teen ager ay naimpluwensyahan ng kanyang peer

(maaaring kaibigan, pamilya, o lipunan; D’Arcy Lyness, PhD, 2015) na isiping kailangan

niyang magkaroon ng mataas na grado, hihigit sa average na grado ng kabataan

ngayon, upang matawag siyang isang matalinong estudyante o tao. Ang dulot nito sa

mag-aaral, ay maaaring magkaroon siya ng anxiety disorder o ang labis na pagkabalisa

ukol sa isang bagay. (Dillon Browne, PhD, 2018)

Higit niyang aalalahanin na kung hindi niya makamit ang grado na ninanais ng

kanyang peer na kaniyang tamuhin, ay maaaring mabigo niya ang kaniyang pamilya,

kaibigan, o ang lipunan na umaasa sa kaniyang magiging grado. Maaari itong

makaapekto sa pag-iisip ng kabataang estudyante na piloting magkaroon ng sariling

istandard sa dapat na makuhang marka para hindi niya mabigo ang kaniyang peer.

Isa pang halimbawa ay ang pag-inom ng alak. Ang pag-inom na ito ay nauuso

lalo na sa internet na nararapat lamang daw na maranasan ito ng isang teen ager.

Ngunit, alamnating walang mabuting maidudulot ang pag-inom ng alak. Kung ang

kabataan ay magkaroon na ng adiksyon dahil sa peer pressure na kaniyang

nararanasan, pati ang kaniyang kalusugan ay maaapektuhan.

Kagaya na lamang ng sinabi ni Vijay Hardik (2015), “Pakiramdam ko ito ay uri

ng isang dobleng tabak. Ang panggigipit ng kapwa ay maaaring mag-udyok sa isang

tao, makapagtatag ng kumpiyansa at makakatulong na magtagumpay sa buhay. Maaari


New Era University
Integrated School
FAAP ACSU – AAI Level III accredited
No. 9 Central Avenue. New Era, Quezon City

rin itong mag udyok sa isang tao sa maling paraan. Ang pagtapon sa kanila ng kanilang

landas at ginagawa silang mawala sa pagtuon sa kanilang mga pangarap at ambisyon.”

Ilan lamang iyan sa mga masasamang dulot ng peer pressure. Maraming mga

kabataan ang di nakaaalam sa kung ano nga ba talaga ito at kung bakit ito umiiral sa

ating lipunan na iyan ay ang layunin ng aming pananaliksik.

Panghuli, ang tao ay nararapat lamang magkaroon ng kalayaan na pumili sa

kung ano ang dapat niyang gawin nang iniisip kung ano nga ba ang magiging dulot nito

sa kanya, kung mabuti man o hindi at nararapat lamang laging isipin ang magiging

kahihinatnan ng kaniyang mga kilos. Ayon nga kay Chinkee tan, “Don’t be forced to

something you will regret. Remember, you have a choice.” (Chinkee Tan, Top

Motivational Speaker Philippines, July 2017)

You might also like