You are on page 1of 3

Review of Related Literature

Ayon sa isang artikulo mula sa ABC7 News na isinulat ni Amanda del Castillo (2023),
batay sa isang isinagawang pag aaral, hindi ‘emotionally prepared’ magtrabaho ang mga
estudyante na bago lang nagtapos mag aral ng kolehiyo. Ito ay pagkatapos masuri ang mental
health and wellbeing ng mga young adults ng kasalukuyang henerasyon. Kabilang sa mga salik
na nakakaapekto sa buhay propesyonal ng mga young adults ay ang pagkakahati-hati sa
pulitika at kultura, problemang dulot ng pandemya, social media, at marami pang iba. Ayon kay
Dr. Plante, isang propesor ng sikolohiya mula sa Sta. Clara University, mas mahirap para sa
mga young adults na harapin ang makabagong mundo dahil sa banta na meron ngayon sa
mental health, na madalas ay nauugnay din sa depression, anxiety, paggamit ng droga, at
suicidality. Kaya hindi nakakagulat na mahihirapan talaga ang kabataan ngayon tungo sa
kanilang buhay propesyonal. Natuklasan ito sa isang pag aaral na isinagawa ng Mary Christie
Institute sa mga young adults na may bachelor’s degree.

Isa pa sa mga pangunahing natuklasan dito ay noong nakaraang taon, higit sa kalahati
ng mga respondente ang humingi ng propesyonal na tulong para sa kanilang mga emosyonal
na problema (anxiety at depression). 53% din ang nagsabi na kahit minsan sa isang linggo,
nakakaranas sila ng burnout o sobrang pagod. Natuklasan din ng sarbey na ito na sinisisi ng
39% ang kanilang mga paaralan sa hindi pag turo sa kanila ng workplace skills o emotional and
behavioral standards. Ngunit kinontra ito ni Plante at sinabing hindi nila pwedeng sisihin ang
kani-kanilang paaralan dahil dumating sila sa kolehiyo na burnt out na at stressed. Ang sinabi
niyang dahilan ay dahil galing na sila ng highschool at iba pang dahilan.

Ayon pa kay Crapuchettes (2023) na isang CEO at founder ng RedBalloon.work,


nalalasap na ng kabataan ngayon ang totoong mundo at hindi sila preparado. Ito ay kung saan
makakaranas sila ng tensyon mula sa kanilang mga katrabaho, sa maaaring pagkatanggal sa
trabaho o demosyon, at sa totoong workplace environment. Dagdag pa niya, kinikilala niya
naman ang mga problema sa mental health, pero ang sinasabi ng karamihan sa mga
employers ay wala talagang pagnanais na mag trabaho o magtrabaho ng husto ang mga young
adults. Sinasabi niya na ang henerasyon na ito ay walang matinding kagustuhan na
magtrabaho.

May katotohanan naman na hindi nabigyan ng real-life experience ang mga young
adults ngayon. Pero dahil naman ito sa mga bagay na hindi nila kontrolado, tulad ng COVID19
na pandemya. Isinasawalang bahala ng mga paniniwala na ito ang iba’t-ibang karanasan ng
kasalukuyang henerasyon.

Salungat sa paniniwalang ito ang ipinakita ng mga natuklasan ng Amerikanong


Sikolohista na si Jean M. Twenge sa kanyang libro. Ayon kay Twenge (2017) mula sa libro
niyang iGen. iGen ang tawag sa mga taong ipinanganak mula 1995 hanggang 2012. O mas
kilala na ngayon bilang Gen Z. Ginamit ang mga sarbey sa pag tanong ng bawat henerasyon na
dumadaan kung ano ang mga dahilan na nag-uudyok, o nagkukumbinsi sa kanila para
magtrabaho. Taon-taon tinanong ang mga kabataan o young adults para maikumpara ang mga
sagot ng mga nagdaan na henerasyon. Apat na organisasyon ang pinag kunan niya ng mga
datos, bawat isa ay nagsagawa ng sarbey sa iba’t-ibang taon. Ito ay mula sa: Monitoring the
Future (1976), The Youth Risk Behavior Surveillance System (1991), American Freshman
Survey (1966), at ang General Social Survey (1972). Pinapakita rito na mas malakas, at mas
gusto mag trabaho ng mga boomers noong nasa highschool sila noong 1970s. Ganoon din ang
datos na ipinakita ng mga GenX noong 1980s at 1990s. Madali rin ang paglalayag sa
paghahanap ng trabaho ng mga Millennial noong 2000s. Ang iGen naman ay gumagawa rin ng
sarili nilang mga marka mula noong 2010 hanggang ngayon.

Naipakita sa mga naitala ng libro ni Twenge na isa ngang salik ang social media sa
pagkakaroon ng problema ng mga young adults. Maaaring napaparamdam ng social media sa
iGen na meron silang mga pagkukulang bilang mga indibidwal. Hindi namamalayan ng mga
kabataan na tanging mga tagumpay at parangal lang ang ipinopost ng mga kaibigan nila, at
hindi ang kanilang mga kabiguan. Nabibigyan sila ng standard na nagpaparamdam sa kanila na
kulang sila o isa silang kabiguan sa kanilang edad. May higit pa sa pagka ramdam nila na hindi
sila sapat, ito ang pakiramdam nila na walang saysay ang mga buhay nila. Naghuhudyat ito ng
sintomas ng depresyon, dahil kadalasan sa mga taong depressed ang nagsasabi na hindi na
sila nasisiyahan sa buhay nila tulad ng dati.

Ang mental health ng mga estudyante sa kolehiyo ay patuloy na lumalala habang


lumilipas ang panahon. Sa isang sarbey na ginawa ng American Collegiate Health Association,
mas nakakaramdam na ngayon ang mga estudyante sa kolehiyo ng sobra-sobrang anxiety, at
sa sobrang pagka-depress nila ay hindi na sila nakakapag-function. Isa pang posibilidad kung
bakit hindi preparado ang iGen o Gen Z sa pagdadalaga o pagbibinata, o sa pagtanda mismo
ay dahil sa kakulangan nila ng kasarinlan o independence mula sa mga magulang nila. Isang
pag aaral ang nagtanong sa mga estudyante sa kolehiyo kung binabantayan ba ng mga
magulang nila ang kanilang bawat galaw, nakialam at sumolba sa mga problema nila, at hindi
sila hinayaan na alamin ito sa kanilang sarili. Ang tawag sa mga magulang na may ganitong
katangian ay helicopter parents. Nalaman na ang mga estudyante na merong ganoong mga
magulang ay may mababang psychological well-being at madalas na umiinom ng gamot para
sa anxiety at depression. May kinalaman pa rin sa emosyonal at kabuuang kagalingan ng mga
young adults.

Mainam ang mga natuklasan na ito sa pagkukumpara ng iba’t-ibang henerasyon sa


parehong edad. Sa halip na umasa sa mga biased na pananaw ng mga mas nakakatanda na
iba ang karanasan noong kapanahunan nila, nakukuha ang persepsyon at pananaw ng mga
kabataan tungkol sa sarili nilang mga karanasan. Ito’y mabisang paraan upang malaman natin
ang pagkakaiba na dulot ng mga pagbabago sa kultura, at hindi sa edad. Mawawalan na ng
bisa ang paniniwala na “ganito na ang mga kabataan mula noon pa”. Ipinapakita ng mga sarbey
ang pagkakaiba ng kabataan ngayon mula sa mga henerasyon ng kabataan noon. Makikita
kung paano ang pagbuo ng mga iGen sa kanilang pagkakakilanlan, pagkakaroon nila ng sarili
nilang mga opinyon at paniniwala, at ang pag tahak ng kanilang landas tungo sa pag tanda.
Naipapakita ng impormasyon na ito na hindi magkatulad ang karanasan ng bawat henerasyon
sa pag tanda. Kabilang na dito ang tyansa at mga preparasyon patungo sa paghahanap ng
trabaho, at mga problemang hinaharap nila tungo sa buhay propesyonal.

Ayon kay Bhargava (2023), kasabay ng paglago ng global economy, higit na importante
para sa mga estudyante na makagawa ng mabubuting desisyon para sa kanilang mga nais na
propesyon. Lalo na ngayon at dumadami ang oportunidad para sa overseas education. Sa
paggalugad nila sa daan tungo sa kanilang nais na trabaho o propesyon, nakakalito rin ito at
nakakadulot ng overwhelming na pakiramdam, lalo na sa mga estudyante na hindi pa sigurado
sa landas na kanyang tatahakin sa buhay. Upang matugunan ang mga kakulangan sa
pagprepara ng mga estudyante na nasa kolehiyo, mas mabuting pagtuunan ng pansin ang
kahalagahan ng career guidance. Natutulungan nito ang mga estudyante na maintindihan ang
kanilang mga interes, kalakasan, at kahinaan. At nabibigyan din sila ng mas malinaw na view sa
mga maaari nilang tahakin na propesyon. Kasali na rito ang mga kinakailangan para
magtagumpay sa ibinigay na larangan tulad na lamang ng kasanayan, kwalipikasyon, tungkulin
sa trabaho, at impormasyon sa iba’t-ibang industriya.

Nabibigyan din ng kaalaman at ideya ang mga estudyante ng praktikal na suporta sa


larangan ng estratehiya sa paghahanap ng trabaho, interbyu para sa trabaho, at pagsulat ng
resume. Nakatala rin sa artikulong ito ang limang kilalang dahilan sa pagsuporta ng mga
estudyante o young adults sa pamamagitan ng career guidance. Ito ay upang matiyak na handa
sila sa pag-navigate ng daan nila tungo sa kanilang nais na propesyon. Kabilang sa mga rason
nito ay ang paggalugad nila sa mga oportunidad at bagong bagay, pagsubaybay sa kanilang
pinaplano sa pamamagitan ng counselling, pagkakaroon ng sariling opinyon at desisyon na
hindi mula sa kanilang mga magulang, pagtatag ng makatotohanang career expectations, at
pagiging preparado sa mga di inaasahan na pagbabago.

References for RRL

Del Castillo, A. (2023). Recent college grads are ‘emotionally’ unprepared for 9 to 5 jobs, study
shows. abc7news.com.https://abc7news.com/recent-college-grads-emotionally-unprepared-for-
workforce-9-to-5-jobs-careers/12895675/?fbclid=IwAR3DSPD1NQGDv12lKMBuLOrR-dna1-
dyQhbfOYzmFMEaa6TeeZLSRQUoE2c.

Twenge, J. M. (2017). iGen: Why Today's Super-Connected Kids Are Growing Up Less
Rebellious, More Tolerant, Less Happy--and Completely Unprepared for Adulthood--and What
That Means for the Rest of Us.

https://marychristieinstitute.org/wp-content/uploads/2023/01/The-Mental-Health-and-Wellbeing-
of-Young-Professionals-Survey.pdf

Bhargava, P. (2023). The growing importance of career guidance. economictimes.indiatimes.


com. https://economictimes.indiatimes.com/nri/work/the-growing-importance-of-career-guidance
/articleshow/98328216.cms.

You might also like