You are on page 1of 2

INIDAL, Aina Lorraine M.

October 28, 2019

MOVIE REVIEW

Ang Teacher's Diary ay isang tipikal na dramang pelikula mula sa Thailand, na mayroong
pangkaraniwang konsepto. Hindi ko maiwasang matawa sa simulang parte nito. Sa kabila ng
dramatiko nitong konsepto, mayroon pa rin itong mga biro na talaga namang maghahatid saya sa
mga manonood na tulad ko.

Sa totoo lang, ngayon pa lamang ako nakapanood ng pelikula mula sa Thailand na mayroong
istilong comedy-drama. Nung una’y nagdadalawang isip pa ako kung ito man ay aking
papanoorin o hindi. Akala ko kasi ay tulad lamang ito ng mga pelikulang wala namang gaanong
saysay. Ngunit buti na lamang, ito pa rin ay aking pinagtuunan pansin at pinanood.

Kamangha-mangha ang proseso ng pagdaloy ng kwento. Dito ipinakita ang kwento ng mga
bidang karakter kung saan ipinapakita sa simula ang kanilang pagtuturo. Dahil dito, mas
nagkaroon ako ng masining na pakiramdam sa pelikula.

Maganda rin ang paglalahad ng direktor ng kwento pagdating sa komedya. Kahit na ito’y
namamagitan lamang sa guro at mga estudyante nito, hindi ko maiwasang matuwa at mapangiti
rito.

Para saakin, iyong mga kantang ginamit o soundtrack, grabe, sobrang ganda talaga. Hindi ko
man mapaliwanag ng maayos. Dalang-dala ang aking emosyon dahil dito. Pakiramdam ko tuloy
ay nasa mismong istorya na rin ako.
Sa kabuuan, masasabi kong isa ito sa pinakamagandang pelikula na aking napanood. Kasama na
rin dito ang Three Idiots(India), My Sassy Girl(Korea).

Pagdating sa koneksyon ng mga karakter sa isa’t-isa, napaparamdam saaming mga manonood


and saya at sinseridad ng kwento sa pelikulang ito.

You might also like