You are on page 1of 1

Diyalogo

Ang diyalogo ay mayroong malaking gampanin na kailangan gampanan nang maayos ng mga
karakter. Kaya naman sa pelikulang “Anak”, nagkaroon ng malaking epekto ang bawat linyang binitawan
ng mga aktor at aktres sa mga manonood. Naipakita ang mga nararamdaman ng bawat tauhan na kung
saan pa ay naging malinaw ang mensaheng nais iparating ng pelikulang “Anak”.

Ganap namang naibigay ng mga tauhan ang kanilang mga linyang binitawan; sapul sa puso at sa
isip. May mga parte ng diyalogo na kung saan ay maselan para sa mga may murang edad na manonood.
Ang mga salitang ginamit ng mga tauhan ay makakatotohanan para sa relasyon sa pagitan ng isang anak
at inang nagtatrabaho. Ang kanilang saloobin ay walang paligoy-ligoy. May mga pagkakataon na
nagmumura ang mga tauhan na kung saan nagbibigay buhay at kalamanan sa tunggalian sa pagitan ng
mga karakter.

Naging makatotohanan ang mga pag-uusap at palitan ng mga linya at talaga namang tumatak
ang ilan sa linya ng aktres gaya na lamang ng kay Josie (Vilma Santos), "Kung hindi mo ako kayang ituring
bilang isang ina, respetuhin mo man lang ako bilang isang tao!" At ang isa pa, “"Sana sa bawat
sigarilyong hinithit mo, sa bawat alak na iniinom mo, sana inisip mo kung ilang pagkain ang tiniis kong
hindi kainin para lang may ipadala sa inyo!"

Sa pamamagitan ng mga linyang ito, naging organisado ang daloy ng pelikula lalo na’t Tagalog pa
ang lengguwaheng ginamit; na kung saan mas naisalaysay ang bawat detalye ng pelikulang “Anak” para
sa ugnayan ng anak at inang nagsasakripisyo. Tagumpay na nagampanan ng mga aktor at aktres na
maiparating ang nilalaman ng kuwento sa tulong ng diyalogo.

You might also like