You are on page 1of 2

ANG MAKAMANDAG NA TSISMIS, PART 1

Naranasan mo na bang ma-tsismis?


Yung ikaw ang topic sa barangay, opisina, classroom or social media?
Pagod ka na ba sa kakatanggol sa sarili mo?

Napakahirap at napakasakit mabiktima ng tsismis at inggit. Kumbaga sa tuklaw ng ahas, napaka-


makamandag ng tsismis. Bakit? Pwedeng masira ng tsismis ang career mo, integridad mo, mga
relasyon mo, pagkatao mo at kahit ang buhay mo.

Teka, linawin natin. Ano nga ba ang tsismis? Ito ay mga kwento o balitang maaaring totoo at
maaari din hindi. Madalas ang tsismis ay mga nabuong opinyon, o sabihin na nating mga
assumptions, based sa nakita, nadinig o na-obserbahan ng isang tao. Pinagpapasa-pasahan ito
hanggang sa nag-iiba-iba na ang mga words na ginamit, ang flow ng kwento, tauhan ng kwento,
at kung anu-ano pa. The more na tao ang pinagpasahan ng tsismis, the more na nag-iiba na ang
kwento at information. Kumbaga, marami nang dagdag-bawas.

Para mas ma-gets nyo ako, ito ang isang example:

Kapitbahay 1: Uy alam mo ba, nakita ko si Jenny kagabi, may naghatid sa kanya na naka-motor.
Kapitbahay 2: Talaga? E diba may boyfriend na yan?
Kapitbahay 1: Oo may boyfriend na yan. Diba nga nakita din natin nung isang araw na dumalaw
dyan sa kanila.
Kapitbahay 2: Ibig sabihin kinakaliwa nya boyfriend nya?
Kapitbahay 1: Malamang! Tignan mo nga, kung kani-kanino sya nagpapahatid at umaangkas!

Ayan ang classic example ng tsismis. Nakita lang nila na may naghatid kay Jenny na naka-
motor, nag-assume na agad sila na may ka-relasyon syang iba bukod sa boyfriend nya.
Nahusgahan agad siya na 'nangaliwa' without even knowing kung sino ba talaga yung naka-
motor na naghatid sa kanya. Walang kamalay-malay si Jenny na pinag-uusapan na pala sya ng
mga kapitbahay nya at lalong wala sa kamalayan ng dalawang kapitbahay na ito na ang naka-
motor na naghatid kay Jenny ay Uncle pala nya!

Gaya nga ng sabi ko, napaka-makamandag ng tsismis. Actually, wala itong magandang
maidudulot sa tao. Pero magtataka ka na nagkalat ang mga taong tsismoso't tsismosa at marami
silang nabibiktima.

Kailangang maging maingat dahil baka di mo namamalayan, nagiging tsismosa o tsimoso ka na


pala. Ayaw mong mabiktima ng tsismis pero di mo napapansin na ikaw mismo ay tsismosa na
rin pala. Paano mo nga ba malalaman kung ikaw ay isang tsismosa? ‘Yan ang paguusapan natin
sa part 2 ng blog na ito.

THINK. REFLECT. APPLY.


Na-tsismis ka na ba ng ibang tao?
How did it made you feel?
Ano ang pwede mong gawin para maiwasan mo ring makisawsaw sa mga mahilig mag-tsimis?

You might also like