You are on page 1of 42

Isinulat ni Iginuhit ni

Marites R. Santiago Jeanette M. Abece


Ang kuwentong ito ay orihinal
na isinulat ni MARITES R. SANTIAGO at
iginuhit ni JEANETTE M. ABECE.
Copyright©2018. Isinulat ni MARITES
R. SANTIAGO at iginuhit ni JEANETTE
ABECE, Sangay ng mga Paaralang
Panlungsod, Lungsod Quezon.
ANG AKLAT
NI NAT

Isinulat ni:
Marites R. Santiago
Iginuhit ni:
Jeanette M. Abece
A
“ da, tanghali na papasok
na!” sigaw ni Aling Aini.
“Opo, Inay! Hala! Lagot!
Ang gamit ko! Hindi ko pa
naililigpit,” wika ni Ada
na nagmamadali.
Sa dami ng kaniyang sinulat,
ginupit at ginuhit kagabi,
nakalimutan niyang magligpit
ng kaniyang mga gamit.
“Mga bata, ilabas ang aklat
at buksan sa pahina sampu,”
wika ni Bb. Cruz sa mga
mag-aaral.
Natulala si Ada. Lagot!
Naiwan niya ang mga aklat
sa bahay. Buti na lang katabi
niya si Nat.
Si Nat, araw-araw dala ang
aklat. Maayos na napabalatan
ang mga ito. Walang tiklop na
pahina, walang sulat ni isa.
Minsan … “Ada, halika
magbasa tayo,” wika ni Nat.
Isang araw, lumiban sa
klase si Nat. Tulad ng dati,
iniwan ni Ada ang kaniyang
mga aklat.
“Ada, bakit hindi mo
nasagutan ang gawaing
pang-upuan?” tanong ng
guro.
Tinawag ng guro si Ada.
“Naiwanan ko po ang
aking aklat sa bahay at wala
din po si Nat,” natatakot
ngunit matapat na wika niya.
“Ada, bukas dalahin mo
ang iyong mga aklat at
huwag iiwanan sa bahay,”
sabi ng guro.
Sumunod na araw, nalaman
ni Ada na nagkasakit si Nat.
Nagpunta si Aling Nena upang
ipaliwanag ang kalagayan
nito sa guro.
“Buksan ang aklat sa
pahina labing-apat at tayo ay
babasa ng maikling tula. Ada,
maaari mo bang basahin ang
unang taludtod ng tula?”
nakangiting wika ng guro.
“W-wala po akong
dalang aklat,” umiwas ng
tinging tugon nito sa guro.
Nabahala ang guro sa
sagot ni Ada.
Matapos ang klase,
kinausap muli ng guro si Ada.
“Bakit mo ulit naiwan ang
iyong mga aklat?
Pangalawang beses na ito
Ada.” usisa ng guro.
“Iniiwan ko po talaga, kasi
po ito ay mabibigat, malalaki
at marami.” matapat na wika
ni Ada na maluha-luha pa.
Dagliang nag-isip ang guro.
Ang mga aklat ay mabibigat,
marami at malalaki. Sinuri ng
guro ang mga aklat.
Araw-araw inihahatid si Nat
ng kaniyang ama sa pagpasok
sa paaralan, bitbit ang mga
aklat nito sa isa pang bag.
Minsan nakita ni Ada na
magkausap ang guro at ang
ama ni Nat. “Kumusta na kaya si
Nat? Ano kaya ang sakit nito at
hindi na halos pumapasok,” nag-
aalalang iniisip ni Ada.
Kinabukasan, may mga
plywood at kahoy na makikita sa
labas ng silid-aralan, naroroon
din ang ama at ina ni Nat.
“Ano kaya ang mayroon?”
tanong ni Ada sa sarili.
Pero higit sa tuwa, natanaw ni
Ada ang estante sa sulok ng silid-
aralan, dalawang estante na
kulay lila at asul.
“Ang mga iyan ay handog ng
inyong mga magulang,” wika ni
Bb. Cruz. Napagkasunduan nila
na mag-ambagan para sa
estante na paglalagyan ninyo ng
aklat para hindi na ninyo dadalhin
ang mga ito.”
“Iyan ay dahil sa iyong
katapatan, Ada, sinabi mo ang
hirap ng pagdadala ng aklat sa
paaralan araw-araw. Iyan din
ang dahilan bakit nagkakasakit
ang iba mong kamag-aral.”
“Mula sa araw na ito, ang aklat
na iuuwi ay mga gawaing bahay
lamang at mga aklat na inyong
babasahin. Ang iba ay iiwan na
sa estante pero malaya ninyong
makukuha upang basahin.”
Masayang nakangiti ang
guro, si Nat at si Ada.
Agad na tumayo si Ada,
inilabas ang aklat at dali-daling
inilagay sa estante.
Gabay sa Pag-aaral:

1. Sino ang magkatabi sa upuan sa silid-aralan?

2. Ano ang madalas nilang gawin sa oras ng pag-aaral?

3. Bakit si Ada ay nanghihiram ng aklat kay Nat?

4. Bakit pinagsabihan ng guro si Ada? Ano ang sinabing

dahilan ni Ada sa una at pangalawang beses siyang

kinausap ng guro?

5. Kung may aklat na ibinigay ang guro sa iyo, ano-anong

bagay ang dapat mong gawin para ingatan ito?

6. Bakit nga ba hindi dinadala ni Ada ang aklat niya?

7. May kinalaman kaya ang pagdadala ng aklat kung bakit

may sakit si Nat?

8. Ano ang ginagawa ng mga magulang sa paaralan?

Nakatutulong ba sila?

9. Tama ba ang ginawa ni Ada? Bakit?

10. Naranasan mo na rin ba ang mga bagay na ito? Ano

sa palagay mo ang solusyon para lahat ng bata ay

magdala ng aklat sa paaralan?


Grade I- Ang Aklat ni Nat
Learning Competencies
Subject Grading Period Learning Competencies/ Curriculum
Code
Mother Tongue Second Quarter Give the name and sound of each
letter. MT1PWR-IIa-1.1
Identify pronouns:
a. Personal
b. Possessive
MT1GA-IIa-d-2.2
Note the important details in grade
level narrative texts listened to:
a. Character
b. Setting
c. Events
MT1LC-II9-1.1
Edukasyon sa Ikalawang Nakapagpapakita ng iba’t ibang
Pagpapakatao Markahan paraan ng pagiging masunurin at
magalang tulad ng:
a. Pagsagot kaagad kapag
tinatawag ng kasapi ng
pamilya
b. Pagsunod nang maluwag sa
dibdib kapag inutusan
c. Pagsunod sa tuntuning
itinakda ng tahanan at
paaralan
EsP1PPP-IIIa-1
Filipino Ikalawang Naiguguhit ang naibigang bahagi ng
Markahan napakinggang kuwento. F1PN-IIc-6
Nagagamit nang wasto ang
pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay
at pangyayari. F1WG-IIc-f-2
Araling Ikalawang Nailalarawan ang bawat kasapi ng
Panlipunan Markahan sariling pamilya sa pamamagitan ng
likhang sining. AP1PAM-IIa-2
Nasasabi ng kahalagahan ng bawat
kasapi ng pamilya. AP1PAM-IIa-4
Math Unang Markahan Reads and writes numbers up to 100 in
symbols and in words. M1NS-If-a-1

Prepared by:
Marites R. Santiago
MOTHER TONGUE

Activity Sheet 1
MT1PWR-IIa-1.1

Ibigay ang unahang tunog ng pangalan ng mga


sumusunod na larawan.

___klat ___stante

___uro ___ag

___ahoy ___ahay
Activity Sheet 2
MT1GA-IIa-d-2.2

Bilugan ang ginamit na panghalip sa bawat pangungusap.

1. “Ada, halika! Magbasa tayo,” wika ni Nat.


2. “Ada, bakit hindi mo nasagutan ang gawaing pang-
upuan?” tanong ng guro.
3. “Naiwanan ko po ang aking aklat sa bahay,” sagot ni
Ada.
4. “Bukas dalahin mo ang iyong aklat,” wika ng guro.
5. Buksan ang aklat sa pahina 14 at tayo ay babasa ng
maikling tula.

Activity 3
MT1LC-II9-1.1

Isulat sa loob ng graphic organizer ang elemento ng kuwento.

TAUHAN TAGPUAN
PANGYAYARI
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Activity Sheet
EsP1PPP-IIIa-1
Suriin ang sumusunod na larawan. Pag-usapan ang mga ito. Piliin ang
nagpapakita ng pagiging masunurin at magalang.

1.

2.

3.

4.

5.
FILIPINO
Activity Sheet 1
F1PN-IIc-6
Iguhit ang naibigang bahagi ng kuwento sa bawat bilog.

Activity Sheet 2
F1WG-IIc-f-2

Kilalanin kung ang pangngalan ay Pantangi o Pambalana.


____________1. Ada ______________6. aklat
____________2. guro ______________7. Nat
____________3. Bb. Cruz ______________8. estante
____________4. ina ____________9. silid-aralan
____________5. ama _____________10. bahay
ARALING PANLIPUNAN
Activity Sheet 1
AP1PAM-IIa-2

Iguhit at ilarawan ang kasapi ng pamilya ni Nat. Ihalintulad ito


sa kasapi ng iyong pamilya. Iguhit sa kahon ang kanilang
mukha at isulat sa kahon ang kanilang katangian.

Pamilya ni Nat Pamilya Ko

Ama

Ina

Anak
Activity Sheet 2
AP1PAM-IIa-4

Iguhit sa loob ng bilog ang mga gawain na nagpapakita ng kahalagahan ng


bawat kasapi ng iyong pamilya.

Ama

Ina

Kapatid
MATHEMATICS
Activity Sheet
M1NS-If-a-1
Isulat sa simbolo o salita ang mga bilang na may
salungguhit sa bawat pangungusap.

______________1. Ilabas ang aklat at buksan sa

pahina 10.

______________2. Isang araw, lumiban sa klase si Nat.

______________3. Buksan ang aklat sa pahina 14.

______________4. Natanaw ni Ada ang estante sa sulok

ng silid-aralan, dalawang estante na

kulay lila at asul.

______________5. Si Bb. Cruz ay mayroong

dalawampu’t limang mag-aaral.


Ang manunulat na si Gng. Marites R.
Santiago ay isang guro mula sa Mababang
Paaralan ng Holy Spirit sa Lungsod ng Quezon.
Siya ay labing-walong taong guro.

Mahilig siyang magkuwento sa bata.


Naisulat niya ang Ada Series para sa Kinder
hanggang Grade 3 noong 2017.

Inspirasyon niya ang batang nais matuto


sa pamamagitan ng kuwento. Ayon sa kaniya,
storytelling ang pinakamasayang oras sa klase.

Ang husay sa pagguhit ay natuklasan


niya noong siya ay Kinder pa lamang. Ngayon
guro na si Jeanette M. Abece. Masipag na
guro ng Mababang Paaralang Holy Spirit.
Patuloy niyang nililinang ang kaniyang
mga obra, gamit ang lapis, pintura at water
color. Siya ay isang self-taught artist.
May pitak sa puso niya ang mga
pagkain. Isa ito sa mga paborito niyang ipinta o
iguhit.
May aklat ka ba?
Dinadala mo ba ito sa
paaralan? O iniiwan sa bahay?

Samahan si Ada sa paaralan


at tuklasin kung ano ang
ginawa niya sa kanyang mga
aklat.

Alamin kung bakit paborito


niyang katabi sa upuan si Nat.

You might also like