You are on page 1of 2

Balon ng Pagkatao

Sa aming mahal na guro, Binibining/Ginoong (Insert you teacher’s name) at sa aking mga
kamagaral, isang mapagpalang hapon sa inyong lahat.

“Ang ilog na maingay ay mababaw at ang ilog na tahimik ay malalim.” Ito ay isang
kasabihan na tumutukoy sa katauhan ng isang tao at tiyak kong narinig niyo na ang linyang ito.
Maari din itong maiugnay sa kasabihang “ang lata, kapag inalog mo’t maingay, kaunti lang ang
laman, kapag naman tahimik, puno o maraming laman.” Marahil may punto ang kasabihang ito
sapagkat sinasabing ang mga taong tahimik ay mas malalim kung magisip. Ikinumpara ang tao
sa ilog kung saan kapag ang tao ay tahimik, malalim ang pagkatao nito, maaaring maraming
sikreto o maraming nalalaman. Kapag naman ang isang tao ay maingay, sinasabing mayroon
siyang mababaw na pagkatao, maaaring sa pagiisip, paguugali o sa pagkilos nito. Tulad ng
ikalawang kasabihan kong nabanggit kung saan inihalintulad naman ang pagkatao ng isang tao
sa lata, ipinahihiwatig na ang utak ng tao ay ang lata na kung saan kapag walang laman ay
maingay at kapag maraming nalalaman ay tahimik dahil mas malalim ito kung magisip. Gayun
pa man, naniniwala ako na ang ilog at lata ay hindi ang pinakamagandang bagay kung saan
maaaring ikumpara ang katauhan ng bawat tao, kundi sa isang balon.

Ang balon ay isang hukay sa lupa na nilikha upang maka-igib o makakuha ng tubig,
langis at iba pang uri ng likido mula sa ilalim ng lupa. Sa Pilipinas, madalas itong makikita sa
mga probinsiya, nililikha ng mga tao upang mayroong mapagkuhaan ng tubig na maaari nilang
magamit sa pang-araw araw na buhay. Ang dami ng tubig ay nakadepende sa lalim ng hukay,
samakatuwid, nakadepende rin ang lalim ng hukay o balon sa kagustuhan ng taong lumilikha
nito. Kung gusto niya ng mas maraming tubig na magagamit niya ng matagal at mas malalim na
balon, kinakailangan niya itong paghirapan. Gayun din ang mga tao, ang lalim ng kaniyang lalim
ay nakadepende sa kaniyang pagsusumikap. Walang tao ang ipinanganak na mababaw o malalim
na agad ang pagkatao. Ang pagkatao ng bawat isa ay nahuhubog sa lipunan.Wala ring tao ang
ipinangak na mababaw o malalim agad kung magisip, nakadepende iyan sa pagsusumikap ng
bawat tao at sa mga taong gumagabay sa kanila.

Malaki ang pinagkaiba ng ilog sa balon. Ang ilog ay likas at ang balon ay likha ng tao.
Samakatuwid, ang balon ang pinakamagandang paghambingan ng pagkatao dahil sa tao rin
naman ang lumilikha nito. Kung susuriin din natin, hindi lahat ng tahimk ay malalim at hindi
lahat ng mababaw ay maingay ngunit sa ilog, ang lahat talaga ng mababaw ay maingay at lahat
ng malalim ay tahimik. Mayroong mga balon na mababaw lamang ngunit nananatiling tahimk at
mayroon ding malalim ngunit higit na maingay kaysa sa mababaw kung lalaglagan ng bato.
Kung dadalhin natin ito sa realidad, sinasabing ang mga malalim na tao ay palaging nagiisip
bago gumawa ng isang hakbang. Ihalintulad natin ang paglaglag ng bato sa malalim na balon sa
panguusig ng mga tao. Kung mapapansin natin, mas maingay o kapansin pansin ang naging
tugon ng malalim na balon kumpara sa mababaw. Samakatuwid, iba’t iba ang personalidad ng
mga tao na hindi dapat nilalahat.
Sa lahat ng aking tagapakinig, nais ko lamang sabihin na ang pagkatao ng bawat isa ay
isang balon. Iba-iba ang lalim na hindi masusukat kung gagamitan lamang ng mababaw na
obserbasyon. Tayo mismo ang mga balon na lumilikha sa lalim nito. Huwag nating kainggitan
ang lalim ng dagat bagkus gawin natin itong inspirasyon sa pagpapalalim ng sariling atin o
pagtuunan ng pansin ang paghubog sa sarili nating pagkatao. Muli isang mapagpalang hapon sa
inyong lahat.

You might also like