You are on page 1of 23

Mayaman man o mahirap dapat maging maingat sa mga palikuran

Mula mahirap sa mayaman, ang paggamit ng pampublikong palikuran ay madalas na

dahilan para makasama ang mga kababayan. Ang pampublikong palikuran lamang ang natatanging

bagay na walang diskriminasyon sa estado ng buhay. Dito natin makikita na walang pinipili ang

tawag ng kalikasan. Kahit ganoon man ang tamang paggamit nito ay binabalewala nalang dahil sa

iba’t ibang paguugali ng mga gumagamit.

Kahulugan ng pampublikong palikuran

Ang pampublikong palikuran ay isang pasilidad na may mga kubeta at labatoryo na hindi

bababa sa isa na itinatayo para sa pangangailangan ng pangkalahatang publiko (American

Restroom Association, 2005). Ang maayos na palikuran ay binubuo ng lababo, salamin, kubeta at

iba pa na makikita sa Fig. 1.1. Sa pagdaan ng panahon, sa pag-unlad ng teknolohiya at mga

suliraning sanhi ng agarang pagbabago sa mga

pasilidad, iba’t ibang pagbabago ang nangyari sa

itsura ng mga palikuran. Ang mga palikuran ay

hindi lamang ginawa para sa pagdudumi. Bago

ang modernong panahon ito ay nagsilbing lugar

kung saan nag-usap-usap ang mga mayayaman o


Fig 1.1 Teknikal na mga kailangan sa
mahihirap kasabay ng pagdumi. Pagdating naman palikuran. Ang istandard na basehan sa
paggawa ng palikuran.
sa modernong panahon ang mga pampublikong

palikuran ay nagsilbing puwesto kung saan hindi naaangkop o ilegal na mga gawain ang

nangyayari tulad ng pagdodroga, pagtatalik at tampalasan.

1|Page
Kasaysayan ng pampublikong palikuran

Bago pa man maitala ang kasaysayan, sa panahong neolitiko ang mga palikuran ay binubuo

lamang ng mga batong pader at lupa (Fig. 1.2). Sa pagdating ng sinaunang panahon dahan-dahang

sinimulan ang pag-aayos o pagbuo ng mga

imburnal. Kagaya na rito ang isang imburnal na

nakita sa Scotland na naitalang mula pa 1200

hanggang 700 BC (Fig. 1.3). Ayon kay Cromwell,

bago ang modernong panahon nagsimula ang mga

palikuran na pang maramihan na magkakatabi-tabi Fig. 1.2 Palikuran sa Skara Brae Mga
palikuran noong panahong neolitiko
ang mga kubeta. Halimbawa na dito ang gawa sa bato na nadiskubre sa Skara
Brae, Scotland.
pampublikong palikuran sa Ephesus (Fig. 1.4) at

mga palikuran sa panahon ng krusada sa kastilyo ng Bodrum (Fig. 1.5). Makikita sa mga larawan

kung gaano ka-bukas sa marami ang mga kubeta. Dito malaya na nag-uusap ang mga dugong

bughaw at pati na rin mga mamamayan sa

mababang estado ng buhay. (Cromwell, 2010) Sa

pagdaan ng panahon, ang urbanisasyon ay

naapektuhan ng mabilisang pagtaas ng dami ng

dumi na tinatapon sa labas ng mga bintana,

Fig 1.3 Imburnal sa Hattasus. Ito ay tinatambak sa gilid ng kalsada at sinisira ang iba’t
isang imburnal noong 1200 hanggang
700 BC. ibang anyo ng tubig. Ang inobasyon ng

modernong panahon ang nagbigay solusyon sa mga ito. Mula sa mga palikuran na magaganda

ang panglabas na disenyo at mga kubeta na may sensor, isa na dito ang mga nagawang kubeta na

may mga pindutan tulad ng nasa Fig. 1.6 na ginawa sa Japan. (Blumenthal, 2014)

2|Page
Fig. 1.4 Multi-user Latrine.Isang Fig, 1.5 Palikuran ng Knights
pampublikong palikuran sa Ephesus na Hospitalier. Mga palikuran sa panahon
parte na ngayon ng bansang Turkey ng krusada sa kastilyo ng Bodrum.

Fig. 1.6 Mataas na teknolohiyang


palikuran. Bagong kubeta sa Japan na
may mga pindutan para sa iba’t ibang
gamit nito tulad ng pagayos ng presyur
ng daloy ng tubig.

Mga suliranin ng pampublikong palikuran

Ang pagbabago sa mga palikuran ay bunga ng mga naging problema sa nagdaang mga

panahon. Isa na rito ang pagpapanatili sa mga pasilidad ng mga palikuran tulad ng kalinisan at

kaayusan. Ang kawalan ng ingat at pagiging iresponsable ng mga tao ay nakakadagdag sa mga

gastusin ng mga palikuran kaya mahirap mapanatili ang kalidad ng mga ito. (Canham, 2014)

Maliban doon, ang kalusugan ng mga gumagamit ay isa ding suliranin. Iba’t ibang mga bakterya

3|Page
ang maaaring makuha ng mga gumagamit sa mga palikuran pag hindi ito nilinis ng maayos. Ang

iba’t ibang inobasyon ng palikuran ay balang araw nakakapagpabago sa perspektibo ng mga tao.

Pag-usbong ng makabagong pampublikong palikuran para sa pagtugon sa

pangangailangang pantao

Sa paglipas ng panahon ay unti-unting lumalabas ang mga suliranin sa mga palikuran tulad

na lamang ng pagkonsumo ng tubig at kalinisan nito. Ngunit kasabay naman nito ay ang

yumayabong na kaisipan at talento ng isang indibidwal na nagpapabago sa galaw ng mundo.

Marami nang mga bagong imbensyon ang pinag-aaralan pa magpahanggang ngayon gamit ang

makabagong teknolohiya na maaaring maging unang hakbang sa mga susunod pang mga tuklas at

inobasyon.

Palikurang nagbabawas ng pag-konsumo ng tubig

Maraming bansa mula silangan at kanluran ang nagiging ehemplo pagdating sa kaayusan

at kalinisan, maging sa pampubliko man o sa pribadong lugar. Ipinakikita nila na ang epektibong

solusyon sa suliranin ay nakasalalay sa mabusisi

at mabuting pagpaplano. Taong 1890 pa lamang

ay naharap na sa suliranin ang bansang United

Kingdom dahil sa napakalaking porsyento ng

pagkonsumo ng tubig at tinatayang nasa 40-litro

ng tubig ang nagagamit sa kada palikuran araw-


Fig. 2.1 Dual Flush toilet. Gumagamit
araw (Wise, 2002). Dahil dito, unang ipinakilala ng 9 at 4.5-litro ng tubig

ang paggamit ng tinatawag na dual flush toilet. Ang dual flush toilet (Fig. 2.1) ay isa lamang sa

4|Page
mga uri ng palikuran na mayroong dalawang pindutan na maaaring pagpilian kung gaano karaming

tubig ang gagamitin. Ang una ay gumagamit ng 9-litro na tubig, habang ang ikalawa ay 4.5-litro

naman. Nakatulong man ito sa pagbawas ng paggamit ng tubig, hindi parin ito nagtagumpay sa

pambansang pagbabawas ng pagkonsumo ng tubig.

Matapos ay sinubukang gamitin ng bansa

ang two-way button flush (Fig. 2.2) ng Australia

na gumagamit lamang ng 6 at 3 litro na tubig, na

bumaba sa 4 at 2 litro na tubig (Wise, 2002).

Matapos ang pag-aaral ay naging matagumpay

ang United Kingdom sa pagbawas ng araw-araw


Fig. 2.2 Two-way button Flush.
na pagkonsumo ng tubig. Gumagamit lamang ng 6 at 3-litrong
tubig na bumaba pa sa 4 at 2-litrong
Palikurang nakatutulong sa pag-iwas sa krimen tubig.

Kakaiba ang konsepto ng pampublikong palikuran ng Portland. Ang Portland loo (Fig. 2.3)

ay isang uri ng palikuran na hindi ginagamitan ng

tubig sa kadahilanang maraming mga taong

walang tahanan ang naglalaba sa loob gamit ito

(Metcalfe, 2012). Ang palikuran ay mayroon

lamang na isang gripo sa labas na dinadaluyan ng

malamig na tubig. Bukod sa mainam na


Fig. 2.3 Portland Loo. Uri ng
pagkonsumo ng tubig, ayon kay Metcalfe, ito rin pampublikong palikuran na nakatutulong
sa pag-iwas sa krimen.
tubig
ay graffiti-proof o ang mga pader nito ay hindi nadidikitan ngna bumaba
tinta pa saAt
o pintura. 4 atang
2-litrong
pinakahuli,
tubig.
dahil madalas maging lugar sa paggawa ng krimen ang mga pampublikong palikuran, ang Portland

loo ay itinayo upang maiwasan ang masasamang gawain. Ang itaas at ibabang bahagi ng istruktura

5|Page
ay mayroong rehas na makatutulong sa kapulisan na malaman kung mayroong masamang

ikinikilos ang gumagamit ng palikuran (Metcalfe, 2012).

Palikuran para sa mga walang tahanan

Pinatunayan ng California na ang pagpapalaganap ng makabagong ideya ay magreresulta

sa masmaunlad na ekonomiya. Nabuo sa

Sacramento, California ang konsepto ng pit stop

(Fig. 2.4). Ito ang ipinangalan sa anim na buwang

programa para sa mga walang tahanan. Ang

layunin nito ay mabawasan ang mga taong walang

tahanan na nahihirapang matulog sa mga kalsada Fig. 2.4 Pit Stop. Isang pampublikong
palikurang nakalaan sa mga taong walang
tuwing madaling araw (Kirk, 2016). Ang pit stop tahanan.

ay mayroong tatlong air-conditioning stalls at ang loob nito ay inayusan nang mabuti. Pinaglaanan

din ito ng dalawang tagapangalaga upang magkaroon ng kasiguraduhan sa kaayusan at kalinisan.

Pinakaginagamit at pinakakakaibang palikuran sa mundo

Ating pag-usapan ang iba’t ibang itsura ng mga palikuran.Sa pagdaan ng maraming

panahon ay naiba na rin ang itsura ng ating mga palikuran. Mula sa mga palikurang matatawag

nating karaniwan na ginagamit sa panahong ito hanggang sa mga palikurang hindi natin makikita

sa maraming lugar at matatawag nating kakaiba. Maraming iba’t ibang klase ng palikuran sa

mundo. Tatalakayin natin ang mga pinakaginagamit at pinakakakaibang palikuran sa mundo.

Deskripsyon ng wastong palikuran

Bago natin simulan ang pagtalakay sa palikuran ay kailangan muna natin malaman ano ba

dapat ang kahulugan ng isang wastong palikuran. Ayon sa Restroom Association Singapore, ang

6|Page
isang wastong palikuran ay dapat malinis at tuyo, may bentilasyon, maiging naplano ang

pagkakaayos, madaling panatilihing malinis, at m aginhawang nagagamit ng mga taong may

kapansanan.

Palikurang pinakaginagamit ng maraming bansa

Ngayon ay tignan naman natin ang mga palikurang pinakaginagamit sa buong mundo. Isa

sa mga palikurang madalas mong makikita ay ang tinatawag na Sit-down toilet. (Fig. 3.1)

Ang palikuran na ito ay ang simpleng palikuran

kung saan ikaw ay uupo habang dumudumi. Ito ay

gawa sa ceramic. Nakuha nito ang pangalan nito

sa pamamaraan ng paggamit nito. Ito ay

guhumanitymagamit ng mabilis na pagdaloy ng

tubig sa pamamagitan ng flush upang maalis o Fig 3.1. Karaniwang Sit-Down Toilet
madala ang dumi sa septic tank (Toiletology 101). Ito ay pinakaginagamit sa Europe at sa Hilagang

Africa (BF: The Punctual Plumber), ngunit ang uri ng palikurang ito ay karaniwan ding ginagamit

sa ibang bansang asya katulad ng Pilipinas. Ang isa pang uri ng palikurang pinakaginagamit ay

ang tinatawag na squat toilet (Fig. 3.2). Ang palikurang ito ay kapantay ng sahig. Dito ay

dumudumi ang tao sa posisyong squat. Ito ay yari

sa iba’t ibang kagamitan at maaring gumamit ng

tubig o hindi. Ito ay madalas na ginagamit sa mga

bansang Asyano tulad ng Tsina. Ginagamit din ito

sa Middle East at kung minsan, sa Europe at

Timog Amerika din. Fig. 3.2. Squat Toilet

7|Page
Palikurang kakaiba

Dumako naman tayo sa mga palikurang

kakaiba. Ang mga palikurang ito ay matatagpuan

lamang sa mga natatanging lugar. Isa sa mga

pinakasikat na kakaibang palikuran ay ang

automatic toilet ng mga Hapon (Fig. 3.3). Ang

palikurang ito ay gumagamit ng kuryente upang


Fig. 3.3 Awtomatikong palikuran ng
magawa nito ang iba’t ibang kakayahan nito. Ang mga Hapon

pinakamatibay na automatic toilet ay yari sa ceramic.

Ang ilang kakaibang kakayahan ng Automatic Toilet ay ang automatic flush, na gumagamit

ng sensor upang malaman kalian gagana ang flush; ang seat heater na nagpapainit ng upuan ng

palikuran; ang water jet cleaner na tumutulong sa paglinis ng sarili pagkatapos gamitin ang

palikuran; at mayroon ding mga Automatic Toilet na ang upuan ay naiiba ng puwesto at angulo na

ang pangunahing gamit ay tulungan ang mga taong may kapansanan at matatanda na gamitin ang

palikuran. Marahil ito na ang isa sa mga pinaka high-tech na palikuran sa buong mundo. Isa pa sa

mga kakaibang palikuran ay ang mga palikuran sa mga eroplano at barko (Fig. 3.4 at Fig. 3.5).

Ito ay gawa sa mga mas matitibay at magagaan na kagamitan. Ang madalas na gamit nito ay

Fig 3.4. Halimbawa ng isang palikuran Fig 3.5. Palikuran sa loob ng cruise
sa eroplano ship

8|Page
kaparehas din ng western flush toilet, ngunit ito ay gumagamit ng tinatawag na vacuum flush. Ito

ay isang uri ng flush na hindi gumagamit ng tubig. (JetSet Times, 2013)

Mayroon ang palikurang itong itinatalagang lalagyan ng mga dumi na nililinis at

tinatanggalan ng laman pagkalapag ng eroplano.

Ang mga palikuran sa barko ay gumagamit din ng

mga tank o lalagyan ng dumi at itinatapon sa

dagat, ngunit ito ay sinasala muna upang ilabas ito

sa dagat ng mas malinis pa kaysa sa dagat. Ngunit

may mga pangyayari na na nagkaroon ng Fig 3.6. Maling pagtapon ng isang


cruise ship ng tubig dumi sa dagat
pagkakamali sa pagtapon ng tubig galing sa cruise

ship (Fig. 3.6). (John Honeywell, 2017)

Paggawa ng mga panibagong palikuran, paraan ng pag-angkop sa ating mga

pangangailangan

Simula noon hanggang sa kasalukuyan ay makikita ang adaptasyon ng mga tao sa

kapaligiran upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng panahon. Ilan lamang sa mga

pinakakilalang pamamaraan na ginamit sa palikuran ng mga tao ay ang mga sumusunod: Una, Ang

Pit latrine method (Fig. 4.1) ay ang pinakatanyag at kilalang pamamaraan na ginamit noong unang

panahon na kung saan ay ito ang pinakasimple at pinakamurang paraan ng sanitasyon. ito ay isang

tinatakpang hukay na mayroong butas kung saan ang dumi ay dadaan pababa ng lupa. (World

Health Organization, n.d.). Pangalawa ay ang mga Flush Toilets (Fig. 4.2) na isang palikuran na

gumagamit ng tubig at mahinang water pressure upang dumaloy ang dumi sa tubong nagdudugtong

sa mismong inidoro at poso negro. Panghuli, Ang mga EcoSan toilets (Fig. 4.3) isang makabagong

9|Page
imbensyon at inobasyon na isang sistemang maaring hindi gumamit ng tubig sa palikuran. Ito ay

isang alternatibong paraan na maaring gamitin sa mga lugar na may kakulangan sa supply ng tubig.

Ang pamamaraang ito ay nakatutulong din sa ating kalikasan sapagkat ang mga mga dumi na

dumadaan dito ay napoproseso at nagiging pataba sa lupa at mga halaman. Ang mga palikurang

ito ay maaring sabihing pare-parehas lamang ngunit ito ay mayroong pagkakaiba-iba sa proseso at

hakbang sa pagbuo ng mga ito. (Pasupuleti, n.d.)

Fig. 4.1. Pit latrine Fig. 4.2. Flush toilet

Fig. 4.3. EcoSan toilet (likod) Fig. 4.3. EcoSan toilet (harap)

Makalumang pamamaraan: Pit latrine method

Ayon sa dyornal, nina Cavanna, Debus, at Nikiema na “A practical guide for building a

simple pit latrine”, ang unang hakbang sa paggawa ng pamamaraang ito ay ang paghahanap ng

lugar kung saan gagawin ang imprastraktura. Kailangan isaalang-alang ang mga bagay tulad ng

amoy na maaring kumalat at lumaganap, ang lugar na paglalagyan ay malayo sa supply ng tubig

10 | P a g e
at lugar na hindi binabaha. Pangalawa ay ang pagbungkal ng hukay o pit. Alamin kung ano ang

lawak at laki, lalim at hugis ng hukay na bubungkalin. Mas mainam na pabilog na hukay ang gawin

sapagkat mas matibay at mas matatag na pader at pundasyon ang mabubuo dito. Ang hukay na

bubungkalin ay dapat dalawang metro ang taas mula sa suplay ng tubig at dalawang metro ang

lalim mula sa ibabaw ng lupa (Fig. 4.1a). Siguraduhin din na ang pader na nabubuo sa pagbungkal

ng lupa ay pantay patayo simula sa taas hanggang baba (Fig. 4.1b). Panghuli ang pagpapatibay ng

pader ng hukay at ang paglalagay ng takip nito. Kailangan lagyan ng ladrilyo ang pader ng hukay

upang maging matibay at malakas ang pundasyon nito (Fig. 4.1c). Sa paglalagay ng takip, maarin

g gumamit ng mga ladrilyo o mga troso na pagpapantay-pantayin upang matakpan ang hukay.

Pagkatapos itong takpan, gumawa ng panibagong patong ng semento upang maging selyado ang

palikuran na nabuo (Fig. 4.1d).

Fig. 4.1b. Ang hukay ay pantay


Fig. 4.1a. Lalim ng hukay

Fig. 4.1d. Paglalagay ng takip at


Fig. 4.1c. Paglagay ng ladrilyo patong na semento

11 | P a g e
Modernong pamamaraan: Flush toilet

Ayon sa artikulong “Toilet installation” ng HomeAdvisor, ang unang hakbang sa paggawa

ng palikurang ito ay ang paghahanda ng mga materyales na gagamitin tulad ng mismong inidoro

at mga nakalakip na materyales at mga bagay na ginagamit sa pagkukumpuni (Fig. 4.2a). Sunod

ay ang pagpaplano at pagsusukat ng mga dimension ng paglalagyan ng mismong inidoro.Sunod

ang pag-iinstall at paglalagay ng mismong inidoro sa espasyong inilaan. Siguraduhing maayos na

nakalagay ang tubo sa ilalim ng sahig na pagkakabitan ng mismong inidoro (Fig. 4.2b). Ikabit ang

indoro at ang tangke nito gamit ang mga turnilyo at wax seal upang masiguradong ito ay magiging

matibay at metatag (Fig. 4.2c). Pinakahuling hakbang ay ang pagsisigurado na walang butas at

tagas ang nagawang palikuran sa pamamagitan ng pag-flush nito paulit-ulit (Fig. 4.2d).

Fig. 4.2a. Paghahanda ng materyales Fig. 4.2b. Maayos na pagkakabit na


tubo

Fig. 4.2c. Pagkakabit ng inidoro at Fig. 4.2d. Pag-flush ng inidoro paulit-


Makabagong inobasyon:
tangke nito EcoSan toilet ulit

12 | P a g e
Makabagong inobasyon: EcoSan toilet

Ang mga inobasyon ay hakbang tungo sa kaunlaran, mga makabagong paraan at disenyo

ng mga palikuran. Ayon sa akdang “construction of Ecosan toilets” ni Pasupuleti, ang unang

hakbang ay sa paggawa nito ay ang pagbuo ng silong ng pasilidad na nasa ibabaw ng lupa sa halip

na sa ilalim dahil mas mapapadali ang pagtanggal ng laman nito. Ito ay dalawang kamara o silid

na naghihiwalay ng dumi at ihi ng palikuran (Fig. 4.3a). Siguraduhing may sapat na espasyo ang

mga silid dahil ito ang pag-iimbakan at paglalagyan ng mga nakuhang dumi. Mag-iwan ng mallit

ng espasyo sa itaas ng pader na naghihiwalay sa dalawang kamara para ito ang paglalagyan ng

tubo na pagdadaluyan ng mga pinaghihiwalay na dumi. Sunod ay ang paglalagay ng pinto sa silong

na pinaglalagyan ng mga kamara (Fig. 4.3b). Takpan ng platform na gawa sa concrete na

magsisilbing lalagyan ng inidorong nakakonekta sa sa mga kamara. (Fig. 4.3c) Pinakahuli ang

paggawa ng mismong bahay ng palikuran. Maaring gumamit ng nais na materyales ngunit

isaalang-alang ang bentilasyon sa loob ng palikuran (Fig. 4.3d).

Fig. 4.3a. Paggawa ng mga kamara o Fig. 4.3b. Paggawa at paglagay ng


silid pinto

13 | P a g e
Fig. 4.3c. Paggawa ng platform na may Fig. 4.3d. Paggawa ng bahay ng
butas palikuran
Ang mga makabagong paraan ng palikuran ay kailanman di malilimutan ng ating

kasaysayan. Ang patuloy na pagbabago ng ating panahon ay ang sanhi ng pagkakaroon ng mga

bagong imbensyon at inobasyon na sumasabay sa daloy ng pagbabago ng ating mga

pangangailangan.

Pampublikong Palikuran, Para sa mga Pilipino, Pangarap na Pantao.

Sa pag-aaral na ito, ninanais ng grupo na makahanap ng mga alternatibong kagamitan na

malaki ang tulong sa pampublikong palikuran pati na rin ang angkop na sewage system para dito.

Mga alternatibong kagamitan para sa palikuran

Ang unang nagpapadumi sa palikuran ay ang mga putik na dala ng mga maruruming

sapatos. Magmumukhang marumi rin ito kung ang mga pader nito ay puro sulat. Kaya

napakalaking tulong ng mga kagamitan na maaaring magamit upang maiwasan ang mga ganitong

sanhi ng karumihan. Una ay ang Waterproof Vinyl Flooring. Ito ay matibay, pwede sa sari-saring

patong na pagpipilian, maaaring ilagay sa kahit na anong antas. (Dezeeuw, 2010). Ito ang

pinakapopular na alternatibong waterproof o hindi nababasang sahig na pwedeng magamit ng tao.

Kaya hindi kataka-takang ito ay isa sa mga pinipili para makaiwas sa mga lugar na mahalumigmig.

14 | P a g e
(Dezeeuw, 2010). Ngunit ang sahig na ito ay madaling masira gamit ang mga matutulis na bagay.

Kung ito ay gagamitin sa pampublikong palikuran, maaaring masira o sadyaing sirain ito ng mga

tao kung kanila’y susubukan. Maaari ring gamitin ang WPC Vinyl Flooring; ito ay 100%

waterproof. Madali lang itong ilagay at isaayos hindi tulad ng iba na nangangailangan pa ng mga

propesyonal sa paglagay. Madaling linisin ang ganitong sahig. Kaso may kamahalan ang kanyang

presyo, kung sakaling masira ang ganitong sahig, napakahirap ayusin. Kung gayon, mapipilitang

bumili ng panibago. Para naman makaiwas sa mga sulat sa pader, maaaring gamitin ang Wax-

Based Anti-Graffiti Coating. Hindi nakikita ang kanyang patong, ibig sabihin, hindi napapalitan

ang kulay ng pader na nilalagyan ng Anti-Graffiti Coating. May kasiguraduhang matagal ang

kanyang proteksyon sa pader na paglalagyan. Kung sakaling may sumubok na magsulat sa pader

na nilagyan ng ganitong patong, madali lang itong matatanggal gamit ang mainit na tubig. Ang

problema ay kahit hindi nya napapalitan ang kulay ng pader, nakakaapekto naman sya sa

pagkakinis nito. Katulad rin ng iba, ito ay may kamahalan sa presyo.

Mga angkop na sewage system para sa pampublikong palikuran

Una ay ang Pressure Sewer System na

may dalawang uri: STEP Systems at Grinder

System. Sa STEP System (Fig 5.1), gumagamit

lamang ito ng kaunting horsepower, isang yunit ng

elektrisidad, para mapadaloy ang maruruming

tubig papunta sa imburnal. Mas mura ang STEP


Fig 5.1 Sistemang STEP. Ganito ang
Systems kaysa Grinder Pump System. Hindi na ito proseso na nangyayari sa ilalim ng lupa
ng mga karaniwang tahanan
nangangailangan ng espesyal o napakagandang

15 | P a g e
pagtutubero. Sa mga lugar na pababa ay mas nirerekomenda ito. Ngunit nangangailangan ito ng

imburnal, samakatuwid, may mga pagkakataong maaamoy ang kabauhan nito.

Ang Grinder System (Fig 5.2) naman ay mas matibay kaysa STEP Systems. Hindi na ito

nangangailangan ng imburnal dahil ang paggamot

o paglinis sa tubig ay ginagawa na habang ito’y

dumadaloy. Hindi nagiging problema ang

pagiging barado sapagkat kaya niyang sirain o

pira-pirasuhin ang kahit na anong bagay tulad ng

plastik, tisyu, napkin, at mga basura. Kaso nga Fig 5.2. Sistemang Grinder Pump. Ang
mga makinarya sa ganitong sistema.
lang mas mahal ito dahil gumagamit ito ng mas

malaking horsepower. Mahal din ang magagastos dito para mapanatili ang kaayusan. Hindi ito

nirerekomenda sa mga lugar na pababa sapagkat ang tubig ay dadaloy ng kusa, sayang lamang ang

kuryenteng magagamit sa proseso.

Isa pa ay ang Vacuum Sewers (Fig 5.3).

Gumagamit ito ng bakyum upang higupin ang

mga maruruming tubig mula sa palikuran papunta

sa kabuuang koleksyon nito. Malaki ang

kasiguraduhang lahat ay maidadaloy nang

maayos. Sa ganitong kadahilanan, maaaring


Fig. 5.3 Vacuum Sewers. Proseso
gumamit na lamang ng maliliit na tubo upang patungo sa tinatawag na Vacuum Station.

makabawas sa gastusin. Pero dahil gumagamit ito ng makabagong teknlohiya, nangangailangan

ito ng malaking pera. Oras-oras rin dapat itong tignan upang malaman kung ito’y nasa magandang

kundisyon.

16 | P a g e
Posibilidad sa Pilipinas

Kilala ang India sa isa sa mga pinakamahihirap na bansa sa buong mundo. Isa sa kanilang

malalaking problemang hinaharap ay ang kakulangan ng mga palikuran na magagamit. Dumudumi

o umiihi lamang sila sa mga lugar kung saan hindi pribado, sa madaling salita, malapit ang mga

tao sa kung ano-anong mga sakit.

Noong Setyembre 7, 2016, nanalo si Mayank Midha, isang Indiano, sa Sanitation

Innovation Accelerator 2016 dahil sa kanyang pagaaral tungkol sa solusyon sa problemang

pangsanitasyon ng kanilang bansa. Tinatawag niya itong “Stainless Steel GARV Toilet”. Ito ay

hindi kinakalawang at hindi madaling madumihan, gumagamit din ito ng mga teknolohiya tulad

ng mga solar panels para mapagkunan ng elektrisidad, LED lights para makagtipid sa kuryente, at

ng mga exhaust fans. Mayroon din itong Smart Technology, kung saan awtomatikong bubukas

ang ilaw at exhaust fans sa loob ng palikuran sa panahong buksan ng tao ang pintuan, sa panahon

namang paglabas ng taong gumamit ay awtomatiko nitong lilinisin ang mga kubeta at ang sahig.

Ang paggamit nito ay libre sa India sapagkat ang mga palikurang kailangang bayaran ng barya ay

hindi nakakaakit sa kanila. Maganda ang ganitong ideya, ang hindi lamang maganda ay mabagal

ang palitan ng mga taong gagamit. Halimbawa, may taong gumamit, ang susunod sa kanya ay

kailangan pang maghintay ng ilang minuto bago siya makapasok. Kahit papaano, malinis naman.

Isa-isa lang din ang paggamit sa ganitong palikuran, kaya aasahang palaging mahaba ang pila dito.

Ang palaging problema ay ang presyo. Kailangan kasing gumastos ng pagkalaki-laki para

magawa ito. Ang mga makabagong palikuran tulad ng GARV Toilets ay may gastos na halos

10,000 na dolyar o halos kalahating milyong piso. Gayunpaman, kung ang Pilipinas ay magtatayo

ng mga ganitong palikuran, hindi masasayang ang pondo sapagkat mapupunta naman sa ikauunlad

ng ating sanitasyon. Maaari ring humanap ng ating gobyerno ng katuwang sa mga pribadong

17 | P a g e
sektor.

Oras na para mabigyang pansin naman ang problema ng bansa sa sanitasyon. Kailangan

magkaroon na ng tiwala ang mga Pilipino sa mga pampublikong kagamitan tulad ng palikuran.

Kailangan ng makabagong disenyo na angkop sa kagustuhan ng mga tao at kayang tumagal nang

malinis. Gayunpaman, disiplina pa rin ang magdidikita ng kagandahan. Kailangan pa rin ng

maayos na partisipasyon ng bawat Pilipino lalo sa kalinisan. Mananatiling malinis ang bagay kung

mananatili ang kalinisan ng kalooban.

Mga Pamantayan at Pagsasagawa ng Solusyon sa


Paggawa Pampublikong Palikuran
Ang pagpapatayo ng proporsyonadong palikuran para sa pangkalahatang paggamit ng mga

mamamayan at ng mga turista ay sumusunod sa mga patakarang nakalahad para sa kaayusan nito.

Mula sa paghanap ng lokasyon sa pagpapatayo ng palikuran hanggang sa pamamalakad nito ay

mayroong iba’t-ibang pamantayan ang nakalaan para sa pagkakaroon ng malinis, maayos, at

matiwasay na palikuran sa mga bansa sa kanluran, sa pilipinas, at sa mga bansang bumubuo sa

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Mga pamantayan at patnubay ng isang palikuran sa mga bansa sa kanluran

Ang mga pamantayan sa mga bansang mula sa kanluran tulad ng Estados Unidos, ay

binibigyang pansin ang pagpapahalaga sa kapaligiran. Kung gayon, mayroong mga alituntunin ang

kailangang maisakatuparan tungo sa pag tipid ng enerhiya at sa pagkakaroon ng maayos na

palikuran. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi, ang karaniwang alituntunin, pag-iilaw, at kalinisan.

18 | P a g e
Sa karaniwang alituntunin nababatid ang mga paunawa, numero para sa

mga mungkahi o reklamo, at mga pagpoposisyon sa mga drinking

fountain, flush handles, at soap dispensers saloob ng palikuran. Sa pag-

iilaw ng palikuran naman tinatalakay ang pagiging maliwanag at

pagbibigay ng particular na atensyon sa inidoro. Mainam pa din gamitin

ang “Sunpipes” o butas para sa sinag na araw (Fig. 6.1) at ang

fluorescent lamps para mas makatipid sa kuryente. Sa kalinisan


Fig. 6.1. Sunpipe.
isinasaayos ang mga tuntunin sa temperature at daloy ng tubig sa inidoro Ang “Sunpipe” na
gumagamit ng
lalong lalo na ang flow regulators nito. ( Greed, 2003) natural na sinag ng
araw bilang ilaw sa
loob ng isang
establisimiento

Toilet legislation sa Pilipinas

Ang pagsasaayos ng ating palikuran ay tungo sa kaayusan ng bansa. Mayroong mga batas

na ipinapatupad ang ating bansa para sa kaayusan ng mga pampublikong palikuran. Kabilang dito

ang Republic Act Nos. 356, 1364, 1378, Presidential Decree No. 856, at NEDA Board Resolution

no. 5(s). 1994. Ang Republic Act No. 356 ay nakatuon sa proseso kung saan ang tubig at iba pang

likido ay ipinagsasama-sama at idinadaan sa mga tubo o di kaya sa ilalim ng lupa mula sa isang

establisimiento. Ang Republic Act no. 1364 ay tinatawag na Sanitary Engineering Law kung saan

isinasagawa ang pagsisiyasat sa pagpapanatili ng malinis na tubig at ligtas na drainage at sewerage.

Ang Republic Act No. 1378 ay nagsasaad ng mga pagsasaayos sa mga drainage para maiwasan

ang pagsasama-sama ng mga likido na maaring maging mapanganib sa kalusugan ng mga tao. Ang

Presidential Decree No. 856 na nilagdaan ni dating pangulo Ferdinand Marcos ay ang Code of

Sanitation ng Pilipinas. Tinatalakay nito ang maayos na pagtapon ng mga dumi sa alkantarilya at

ang pagsasaayos ng pagkakakabit ng mga tubo.( Magtibay, 2006)

19 | P a g e
Ang ASEAN public toilet standard

Ang mga pamantayan sa ASEAN Public Toilet Standard ay

ipinasulong para sa pagkakaroon ng mataas na kalidad sa pamamahala

ng mga palikuran lalo na sa mga tourists spots sa ASEAN countries

(Fig. 6.2).

Ito ay nahahati sa apat na bahagi: una, ang disenyo at sistema ng

pamamahala sa kapaligiran na tinatalakay ang pagiging aksesibol ng

palikuran sa lahat. Pangalawa, mga pasilidad para sa sapat na panustos


Fig. 6.2. Cover
at amnestiya tulad ng sabon, tissue, at basurahan para sa mga taong page ng ASEAN
Public Toilet
gagamit ng palikuran. Pangatlo, ang kalinisan sa palikuran,sakop nito Standard

ang mga ekspiryensadong tauhan na regular na lilinisan ang mga palikuran, at ang panghuli at

pinaka importante sa lahat, ay ang kaligtasan ng mga taong gagamit ng palikuran. Maayos at

matatag dapat ang pagkakagawa ng palikuran sa isang ligtas na lugar. (ASEAN Secretariat, 2016)

Ang maayos na pamamahala sa ating bayan ay nagsisimula sa maayos na pamamahala sa

pag disenyo ng pampublikong palikuran. Ang ating bansa ay maaring makagawa ng maayos na

palikuran na ginagamitan ng mga alternatibong kagamitan at makabagong sewerage sytem. Ang

grupo namin ay naniniwala na maaring magkaroon ng maayos, malinis, at ligtas na pampublikong

palikuran sa ating bansa kung ito ay bibigyan ng pansin at sapat na pondo ng ating gobyerno.

20 | P a g e
SANGGUNIAN

Advantages and Disadvantages of Vinyl Flooring. (n.d.). Retrieved from

http://www.senssefloor.com/new_detail/nid/5025.html

Alternative sewers: A good option for many communities. (n.d.). Pipeline, 7(4), 1-7.

American Restroom Association (2005). Definition of Public Toilet. Retrieved on March 31,

2017 from https://americanrestroom.org/pr/index.htm

ASEAN Secretariat. (2016, January). ASEAN Public Toilet Standard. Jakarta, Indonesia.

The ASEAN Secretariat: Public Outreach and Civil Society Division

BF: The Punctual Plumber (n.d.). Toilets Around the World. Retrieved from

http://www.bfplumbingbayarea.com/blog/toilets-around-the-world/

Blumenthal, D. (2014). Little vast rooms of undoings. London: Rowman & Littlefield

International, Ltd.

Canham, R. (2014, August 30). Talking toilets. Retrieved from

http://carleton.ca/geography/wp-content/uploads/Talking-Toilets-GottaGo-report.

pdf

Cromwell, B. (2010). Toilets through history. Retrieved from http://toilet-

guru.com/overview-history.php

Cavanna, S. , Debus,J, Nikiema,L. (2011). A step by step guide to the construction and use

of a simple toilet. West Africa: Practical Action.

Davis, M.L. (1941). Water and wastewater engineering: Design and principles. New York:

McGraw-Hill, c2010..

Dezeeuw, A. (2010). The best waterproof flooring options. Retrieved from

https://flooringinc.com/blog/waterproof-flooring/

21 | P a g e
Greed, C. (2003). Inclusive urban design:public toilets. Jordan Hill, Oxford: Architectural

Press.

Gibson, S. (n.d.). This Old House magazine: How to install a toilet. Retrieved from

https://www.thisoldhouse.com/how-to/how-to-install-toilet.

HomeAdvisor (1999). Toilet installation - Learn to DIY or hire a pro. Retrieved from

http://www.homeadvisor.com/r/how-to-install-toilet/#.WOJ0im-GOUk

Honeywell, J. (2017). What happens when you flush the loo on a cruise ship?. Retrieved

from http://www.telegraph.co.uk/travel/cruises/what-happens-when-you-flush-

the-loo-on-a-cruise-ship-/

Indestructible and smart: Public toilet innovation in India. (October, 2016). Sanitation

Updates. Retrieved from

https://sanitationupdates.wordpress.com/2016/10/10/indestructible-and-smart-

public-toilet-innovation-in-india/

Jetset Times (n.d.). 25 Things you Didn’t Know About Japan’s Super Toilets. Retrieved

from http://jetsettimes.com/2013/04/06/25thingssupertoilets/

Kirk, Mimi. (2016, December 2). How sacramento rolled out a mobile restroom for the

homeless. Retrieved from http://www.citylab.com/cityfixer/2016/12/why-

sacramentos-toilets-for-the-homeless-succeeded/509375/

Magtibay, B.(Ed). (2006). Philippine regulations on sanitation and wastewater systems

(international edition). Imus, Cavite, Philippines. B.B. Magtibay's Publishing

House.

Metcalfe, John. (2012, January 23). Why portland's public toilets succeeded where others

failed. Retrieved from http://www.citylab.com/design/2012/01/why-portlands-

22 | P a g e
public-toilets-succeeded-where-others-failed/1020/

Pasupuleti, R. (n.d.). Construction of Eco San toilets. Retrieved from http://www.missions-

acf.org/kitemergency/toilets.pdf

Restroom Association Singapore (2013). Guide to better Public Toilet Design and

Maintenance. Definition of a “well designed toilet” (p. 2).

Smith, O. (2016). What happens when you flush a plane loo?. Retrieved from

http://www.telegraph.co.uk/travel/travel-truths/What-happens-when-you-flush-a-

plane-loo/

Toiletology 101 (n.d.). How a Flush Toilet Works. “What is a standard toilet”. Retrieved

from http://www.itoiletology.com/howitwrk.shtml

Vacuum Sewers. (n.d.). Sustainable sanitation and water management. Retrieved from

http://www.sswm.info/content/vacuum-sewers

Wastewater Technology Fact Sheet. (n.d.). United States environmental protection agency.

Retrieved from https://www.epa.gov/sites/production/files/2015-

06/documents/presewer.pdf

Wise, A.F.E., Swaffield, J.A. (2002). Water, sanitary & waste services for buildings.

Oxford: Butterworth-Heinemann. Retrieved from

http://www.citylab.com/design/2012/01/why-portlands-public-toilets-succeeded-

where-others-failed/1020/

World Health Organization (n.d.). Simple Pit latrines. Retrieved from

http://www.who.int/water_sanitation_health/hygiene/emergencies/fs34.pDf

23 | P a g e

You might also like