You are on page 1of 1

Ang Mundo sa Paningin ng Isang…

Rogelio Ordonez

Tekstwal
Kwento tungkol sa malupit nap ag-aamo ni Don Miguel sa mga manggagawa sa pabrika ng
Riego de Dios. Ang manggagawa ay pinahihirapan at inaalila lamang para sa sariling yaman
ni Don Miguel at hindi binibigyan ng sapat na sahod. Sa kwento na ito, makikita din ang
impluwensya ng mga ibang lahi sa atin. “Gamitin mo ang iyong pagka-Kastila.” Ang sabi
sakanya ng isang prayle at nung ginawa niya nga, nakuha niya ang lupang gusto niya.
Ipinakita sa kwento ang hirap ng mga trabahador na tinitiis ang hirap para lamang may
ipakain sa kanilang pamilya samantalang ang mayayaman naman ay walang ginawa kundi
magpakasarap at uminom ng Dom Perigon sa loob ng mamahalin nilang kotse habang
nakabalot sa nangingintab na Bulgari.

Kontekstwal
Ang kwento ay nasa pananaw ng ari ni Don Miguel. Habang nakakatawa na ang storya nung
malaman ko kung kaninong pananaw, naintindihan ko din ng mas maayos ang storya. Ang ari
ni Don Miguel ay nagsisimbolo bilang ang mga manggagawa o mga mahihirap na
lumilingkod sa mga mayayaman na elitista sa bansa. Ang ari ay pinapahirapan, sinasakal,
ginagalit, at pinapasok sa madidilim na lugar kung saan sila ay naghihirap ngunit ang mga
tulad ni Don Miguel ay parang nasa langit na. Nagsimula ito nung siya ay tinuli. Ang pagtuli
sa ari ni Don Miguel ay nagsimbolo sa pagpasok ng mga nangangailangan mabuhay. Sa una
ay kinahiya ito ni Don Miguel. Tulad sa panahon natin ngayon, tuwing may mahirap sa daan
o may mahirap tayong nadadaanan o nakakasama, mabilis natin sila ikinahihiya at dinadasal
na walang makapansin na kasama natin sila. Ngunit habang tumatagal ay pinagyayabang n
ani Don Miguel ang ari niya dahil sa dami ng mga babaeng pinasukan nito. Tulad ng yaman
na ibinigay ng mahirap sakanya. Ngunit nagrebelde at nagwelga ang manggagawa at sila ay
pinatay, sinaktan at lalong pinahirapan ng mga pulis. At tulad ng manggagawa at ari n Don
Miguel, sila ay umalis at humiwalay na sa mahigpit sa hawak ni Don Miguel sa leeg nila
nang mabaril siya sa ulo habang umaagos ang dugo niya sa dibdib.

You might also like