You are on page 1of 4

Alamat ng Hagdan- Hagdang

Palayan sa Ifugao
( Panitikan )

Rada, Marjorie Rhose M.

Panitikan 10:00 – 11:30am

BSE- Major in Filipino

Prof: Dr Ligaya, Del Rosario


“Alamt ng Hagdan – Hagdanan palayan sa Ifugao”

Noong unang panahon ang mga naninirahan sa mga bulubundukin ng pilipinas


ay biniyayaan ng masaganang buhay ni bathala.

Ngunit , lumipas ng maraming taon, unti-unting nakalimot ang mga tao at


linapastangan ang kanyang mga linikha.

Nagtampo si bathala sa mga tao, makalipas ng ilang taon di nakatiis at nagalit .


lumapit ito kay kabunian, isang anitong nakatira sa bulubundukin at inutusan
parusahan niya ang mga tao. Ngunit tumanggi si kabunian at nagmakaawa siya
na bigyan pa ang mga tao ng isa pang pagkakaton.

Naawa ang bathala dahil minamahal ni kabunian ang mga taga-lupa at sinabihan
si kabunian na maghanap ito na isang tao na may mabuting puso at may takot
sa diyos upang di niya lilipulin ang sangkatauhan . malugod na tinanggap ni
kabunian ang hamon ng bathala.

Nagtungo si kabunian sa isang mag-asawang nakatira sa bundok pulog,


pinakamataas na bundok sa buong lupalop. Si wigan ay isang mabait na
magsasaka, kasama niya ang asawang si bugan. Di sila nasisilaw sa
kayamanan at piniling mabuhay ng tahimik sa paanan ng bundok.

Nagpakita si kabunian kay wigan ipinaalam nito na galit si bathala sa mga tao at
sinabihan umakyat sa bundok pulog upang mag-alay kay bathala. Nag-isip si
wigan kung paano niya akyatin ang matarik na bundok dahil wala pang taong
nakagawa nito.

Hakabang nag-iisip si wigan napansin niya ang kanilang balay patungo sa


tuktok kanilang bubungan. Gumawa ng plano si wigan upang makabuo ng
prmang hagdanan paakyat ng bundok at linakihan ito para naman kay kabunian.

Nawawala na ng pasensya si bathala sa mga tao at binalaan niya si kabunian.


Muling nagmakaawa si kabunian na bigyan pa siya ng kaunting panahon. Makalipas
ng ilang taon, habang gumagawa ni wigan ng hagdan sa bundok, biglang
nagkaroon ng digmaan sa lupa.

Nagalit si bathala at linipol niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng malaking


baha. Kahit patuloy ang malakas na buhos ng ulan, patuloy pa rin si wigan na
gumawa ng hagdan dahil sobrang taas ang bundok , dahil pa inabot ito ng tubig.

Sa wakas, inabot ni wigan ang tuktok ng bundok at agad na nagsindi ng apoy


upang mag-alay kay bathala . nagmakaawa si wigan na tigilan na ang baha.
Pinakinggan siya ng bathala at nagpakita siya kay wigan at sinabing bigyan pa
niya ang sangkatauhan ng isa pang tsansa.

Ang mga nakaligtas na tao upang gumawa pa ng maraming hagdan sa tulong


na rin ni kabunian gumawa sila ng maraming hagdan at pagdaan ng maraming
taon, tumubo ng mga palay at iba pang halaman upang may makain ng mga
tao.

Dito nabuo ang mga hagdan- hagdan palayan sa Mt. province. Hanggang ngayon
napanatili ng mga tao sa Ifugao ang ganda ng hagdan dahil sa pagmamahal sa
maykapal. Ayon sa iba ginamit daw ni bathala ang hagdan- hagdang palayan
upang bumaba sa lupa at makihalubilo sa mag tao.
1. Sino ang inutusan ni bathala na parusahan niya ang mga tao?

2. Ano ang ginawang plano ni wigan upang makabuo ng pormang hagdanan?

3. bakit Nawawalan na ng pasensya si bathala sa mga tao at binalaan niya si


kabunian?

4. Sa iyong palagay? ano ang mararamdaman mo kapag nagalit sayo ang bathala at
hindi kana bigyan ng pangalawang pagkakataon?

5. Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ni kabunian susundin mo ba ang kautusan
ni bathala na parusahan niya ang mga tao sa unti-unting pagkalimot at
paglalapastangan sa mga kanyang linikha ? kung OO o HINDI bakit? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

You might also like