You are on page 1of 13

Mga Diyalekto sa Pilipinas

MGA WIKA AT DYALEKTO SA PILIPINAS

Wika/Dyalekto Kung Saan Sinasalita

(Language/Dialect) (Where Spoken)

1. AGTA, Alabat Island Silangang Lalawigan ng Quezon,

(Alabat Island Dumagat) Luzon

2. AGTA, Camarines Norte Luzon, Santa Elena at Labo,

(Manide, Agiyan) Camarines Norte

3. AGTA, Sentral Cagayan Hilagang Silangan ng Luzon

(Central Cagayan Dumagat)

4. AGTA, Dicamay Luzon, Isabela (malapit sa Jones)

(Dicamay Dumagat)

5. AGTA, Silangang Cagayan Hilagang Silangang Luzon, Timog

Davilacan Bay at Palaui Island sa

Hilaga

6. AGTA, Isarog Mt. Isarog, Silangang Lunsod ng

Naga, Lalawigan ng Bikol; Luzon

7. AGTA, Kabuluwen Lalawigan ng Quezon; Luzon

(Ditayun Alta, Ditayun Dumagat)

8. AGTA, Mt. Iraya Silangang Lake Buhi, Lalawigan ng

(Inagta ng Mt. Iraya, Rugnot ng Bikol; Luzon

Silangang Lake Buhi, Itbeg

Rugnot)

9. AGTA, Mt. Iriga Silangang Lunsod ng Iriga,

(San Ramon Inagta, Kanlurang Kanlurang Lake Buhi, Mga

Lake Buhi, Mt. Iriga Negrito) Lalawigan ng Bikol; Luzon

10. AGTA, Remotado Luzon; Santa Inez, Lalawigan ng

(Hatang-Kayey) Rizal Paimouhan, Gen. Nakar,

Quezon

11. AGTA, Villaviciosa Luzon, Lalawigan ng Abra

12. AGUTAYNON Hilagang mga lalawigan ng Cuyo,

Palawan

13. AKLANON Lalawigan ng Aklan, pahilagang

(Aklan, Panay) Panay

14. ALANGAN Hilagang Sentral ng Mindoro

15. AMBALA Luzon; Lalawigan ng Bataan

16. ATA Mabinay, Negros Oriental

17. ATI Pulo ng Panay, Maliit na pangkat sa

lahat ng lalawigan

18. ATTA, Faire Malapit sa Faire, Rizal, Lalawigan

(Katimugang Alta) ng Cagayan; Luzon

19. ATTA, Pamplona Hilagang Kanluranin ng Lalawigan

(Kahilagaang Cagayan Negrito) ng Cagayan; Luzon

20. ATTA, Pudtol Pudtol, Kalinga-Apayao; Luzon


21. AYTA, Mariveles Mariveles, Bataan; Luzon

22. AYTA, Tayabas Tayabas, Quezon; Luzon

23. BAGOBO Lunsod ng Davao, Mindanao;

(Jangan, Giangan, Gvanga Silangang Dahilig ng Mt. Apo,

Gulanga) Davao del Sur

24. BALANGAO Silanganing Lalawigan Bontoc;

(Balangao Bontoc, Gulanga) Luzon

25. BALOGA Floridablanca, Pampanga; Luzon

26. BANTUANON Banton, Simara, Maestro de Ocampo

(Banton, Odionganon, at mga pulo ng Tablas, Romblon,

Sibalenhon) sa pagitan ng Masbate at Mindoro

27. BATAGNON Dulong Katimugan ng Mindoro

28. BATAK Palawan

(Babuyan, Tinitianes,

Palawan Batak)

29. BIKOLANO, Albay Kanluraning Lalawigan Albay at

Buhi, Camarines Sur; Luzon

30. BIKOLANO, Central Katimugang Catanduanes,

(Bicol) Kahilagaang Sorsogon, Albay,

Camarines Norte at Sur; Luzon

31. BIKOLANO, Iriga Lunsod ng Iriga, Baao, Nabua,

(Riconada, Bicolano) Bato, Camarines Sur; Luzon

32. BIKOLANO, Kahilagaang Luzon; Kahilagaang Catanduanes,

Catanduanes Silangang Bicol

33. BIKOLANO, Katimugang Luzon; Katimugang Silangang Bikol

Catanduanes

34. BINUKID Hilagang Sentral Mindanao,

(Binukid Manobo) Katimugang Bukidnon, hilagang

silangang Cotabato, Agusan del Sur

35. BLAAN, Koronadala Lalawigan ng Timog Cotabato,

(Koronadal Bilaan, Bilanes, Mindoro

Biraan, Baraan, Tagalgad)

36. BLAAN, Saranggani Lalawigan sa Timog Cotabato,

(Bilaan, Balud, Tumanao) Saranggani Peninsula; Mindanao

37. BOLINAO Lalawigan sa Kanlurang

(Bolinao Sambal, Bolinao Pangasinan; Luzon

Zambal)

38. BONTOC, Sentral Bulubunduking Lalawigang Sentral;

(Igorot) Luzon

39. BONTOC, Silanganin Bulubunduking Lalawigang Sentral;

(Katimugang Bontoc, Luzon

Kadaklan-Barlig Bontoc)

40. BUHID Katimugang Mindoro

(Bukil, Bangon)
41. BUTUANON Lunsod ng Butuan, Mindanao

42. CALUYANUN Mga pulo ng Caluyan, Antique

(Caluynanen, Caluyanyon)

43. CAPIZNON Hilagang-Silanganing Panay

(Capisano, Capiseno)

44. CEBUANO Negros, Cebu, Bohol Visayas at mga

(Sugbuhanon, Mindanao bahagi ng Mindanao

Visayan, Visayan, Sebuano)

45. CHAVACANO Naninirahang Kastilang Creole sa

(Zamboangeño, Chabakano) Mindanao

46. CUYONON Baybaying dagat ng Palawan, mga

(Cuyono, Cuyunon, Cuyo, pulo ng Cuyo a pagitan ng Palawan

Kuyunon) at Panay

47. DAVAWENO Batayang Kastilang Creole sa

(Matino, Davaono) Mindanao

48. DAVAWENO ZAMBOANGENO Davao Oriental, Davao del Sur,

Mindanao

49. DUMAGAT, Casiguran Baybaying dagat Silangan ng Luzon;

(Casiguran Agta) hilagang lalawigan ng Quezon

50. DUMAGAT, Umiray Lalawigan ng Quezon; Luzon

(Umirey Dumagat, Umiray Agta)

51. FILIPINO Pambansang Wika ng Pilipinas

52. GA'DANG Silanganing Lalawigang

(Gaddang) Bulubundukin, Katimugang Isabela,

Nueva Viscaya; Luzon

53. HANONOO Katimugang Oriental Mindoro

(Hanunoo)

54. HILIGAYNON Iloilo, Capiz, Panay, Negros

(Ilonggo) Occidental, Visayas

55. IBALOI Sentral at Katimugang Lalawigang

(Inibalo, Nabaloi, Benguet-Igorot, Benguet, Kanluraning lalawigan ng

Igodor) Nueva Viscaya; Luzon

56. IBANAG Isabela at Cagayan; Luzon

57. IBATAAN Babuyan Island, hilagang Luzon

(Babuyan, Ibatan, Ivatan)

58. IFUGAO, Amganad Ifugao, Luzon

59. IFUGAO, Batad Ifugao, Luzon

60. IFUGAO, Kiangan Ifugao, Luzon

(Gilipanes, Quiangan)

61. ILOCANO Hilagang-kanluranin ng Luzon,

(Iloko, Ilokano) La Union at mga lalawigan ng

Ilocos, Cagayan Valley, Babuyan,

Mindoro, Mindanao

62. ILONGOT Silanganing Nueva Vizcaya,

(Bugkalut, Bukalot, Lingotes) Kanluraning Quirino; Luzon


63. INGLES Isa sa pangalawang wika ng

Pilipinas

64. IRAYA Kahilagaang Mindoro

65. ISINAI, Insinai Luzon, Bambang, Dupax at Aritao,

(Isinay, Inmeas) Nueva Vizcaya

66. ISNAG Kahilagaang Apayao, Luzon

(Dibagat-Kabugao-Isneg, Isneg)

67. ITAWIT Luzon; Katimugang Cagayan

(Itawit, Tawit, Itawes)

68. ITNEG, Adasen Hilagang-silangan ng Abra

(Addasen Tinguian)

69. ITNEG, Binongan Ba-ay Valley at Licuan, Abra; Luzon

(Tinguian)

70. ITNEG, Masadiit Sallapadan at Bucloc, Abra; Luzon

71. ITNEG, Katimugan Luzon, Katimugang lalawigan ng

(Lubo-Tiempo Itneg) Abra

72. IVATAN Basco, Mga pulo ng Batanes

(Basco Ivatan)

73. IWANK Naninirahan sa sumusunod na

(I-wak) lugar: Tojongan, Bakes, Lebeng,

Chimulpus, Kayo-ko, Salaksak

(Kayapa) at Kalayuang silangang

Itogon, Lalawigan ng Benguet; Luzon

74. KAGAYANEN Pulo ng Cagayan, Baybaying Dagat

(Cagayano Cillo) ng Palawan sa Pagitan ng Negros at

Palawan

75. KALAGAN Sa kahabaan ng silangan at

kanlurang baybaying dagat ng

Davao del Sur at Davao Oriental

76. KALAGAN, Kagan Lunsod ng Davao, Mindanao

(Kaagan, Kagan, Kalagan)

77. KALAGAN, Tagakaulu Katimugang Mindanao

(Tagakaolo)

78. KALINGA, Butbut Luzon; Butbut, Tinglayan,

Kalinga-Apayao

79. KALINGA, Guinaang Silanganing Abra at

Kalinga-Apayao, Luzon

80. KALINGA, Limos Luzon, Kalinga-Apayao

81. KALINGA, Mabaka Valley Luzon, Timog-Silangang

(Mabaka Itneg, Kal-uwan) Kalinga-Apayao

82. KALINGA, Madukayang Katimugang lalawigang

Bulubundukin, Luzon

83. KALINGA, Southern Katimugang Kalinga-Apayao, Luzon

(Sumadel-Tinglayan, Kalinga)
84. KALINGA, Tanudan Katimugang Kalainga-Apayao,

Luzon

85. KALLAHAN, Kayapa Kanluraning Nueva Viscaya

(Kalangoya, Kalanguyya, Kalkali)

86. KALLAHAN, Keley-1 Napayo, Kiangan, Ifugao

(Antipolo Ifugao)

87. KAMAYO Surigao del Sur, sa pagitan ng

Marihatag at Lingig, Mindanao

88. KANKANAEY Kahilagaang Lalawigan ng Benguet,

(Sentral Kankanaey, Kankanai, Timog kanluranin ng lalawigang

Kankanay) Bulubundukin, Timog-Silangan ng

Ilocos Sur, hilagang silangan ng La

Union, Luzon

89. KANKANAY, Kahilagaan Kanluraning lalawigang

(Sagada Igorot, Kanluraning Bulubundukin, Timog Silangang

Bontoc) Ilocos Sur, Luzon

90. KARAO Karao, Bokod, lalawigan ng Benguet,

Luzon

91. KAROLANOS Sentral ng Pilipinas

92. KASIGURAN Casiguran, Quezon; Luzon

93. KINARAY-A Mga lalawigan ng Antique,

(Hinaray-a, Karay-a, Antiqueno, Kanluraning Panay

Hamtinon)

94. LOOCNON Katimugang pulo ng Tabias

95. MAGAHAT Timog-Kanluraning negros, Mt.

(Bukidnon, Ata-Man) Amiyo malapit sa Bayawari

96. MAGINDANAON Maguindanao; Iranum,

(Magindanao, Magindana) Maguindanao; Hilagangn Cotabato,

Timog Cotabato, Sultan Kudarat at

Zamboanga del Sur, Iranum sa

Bukidnon; Mindanao

97. MALAYNON Malay, Hilagang-kanluranin ng

Aklan, Panay (kapatagan)

98. MAMANWA Agusan del Norte at Surigao,

(Mamanwa Negrito, Mindanao

Minamanwa, Mamanwa

Sambal)

99. MANDAYA, Cataelano Davao Oriental, Mindanao

100. MANDAYA, Karaga Davao Oriental, Mindanao

(Manay Mandayan,

Mangaragan, Mandaya)

101. MANDAYA, Sangad Mindanao

102. MANOBO, Agusan Mindanao, Hilagang Kanluraning


Davao

103. MANOBO, Ata Agusan del Norte, Agusan del Sur,

(Ata ng Davao) Mindanao

104. MANOBO, Cotabato Timog Cotabato, Mindanao

105. MANOBO, Dibabawon Manguagan, Davao del Norte,

(Mandaya, Dibabaon, Mindanao

Debabaon)

106. MANOBO, Ilianen Kahilagaang Cotabato, Mindanao

107. MANOBO, Matig-Salug Davao del Norte, Timog-silangang

Bukidnon, Mindanao

108. MANOBO, Obo Sa pagitan ng Davao del Sur at

(Obo Bagobo, Bagobo, Hilagang Cotabato, Mindanao

Kidapawan Manobo)

109. MANOBO, Rajah Kabungsuan Katimugang Surigao del Sur

110. MANOBO, Saranggani Katimugan at Silangang Davao,

Mindanao

111. MANOBO, Tagabawa Katimugang Surigao del Sur

112. MANOBO, Kanluraning Mindanao, Lunsod ng Davao,

Bukidnon Dalisid ng Mt. Apo

113. MANOBO Silangang Davao at mga lalawigan

(Mandaya Mansaka) ng Davao Oriental

114. MARANAO Silangang Davao at mga lalawigan

(Ranao, Maranaw) ng Davao Oriental

115. MASBATEÑO Kasama ang Sorsogon, Masbate at

(Minasbate) tatlong pulo

116. MOLBOG Pulo ng Balabas, Katimugang

Palawan

117. PALAWANO, Brooke's Point Timog Silangang Palawan

118. PALAWANO, Sentral Kasama ang Timog Kanlurang

(Quezon Palawano, Palawanen) Palawano, Katimugang Palawan

119. PALAWANO, Timog Kanluran Timog Kanlurang Palawan mula sa

Canipaan hanggang Canduaga

120. PAMPANGAN Pampanga, Tarlac, at Bataan; Luzon

(Pampango)

121. PANGASINAN Pangasinan; Luzon

122. PARANAN Silangang baybaying dagat, Isabela,

(Palanenyo) Luzon, napapaligiran ng bundok

123. POROHANON Mga pulo ng Camotes

(Camotes)

124. ROMBLOMANON Romblon at mg pulo ng Sibuyan

(Romblon) bahagi ng Silangang pulo ng Tablas,

Hilagang Panay

125. SAMA, Abaknon Capul Island na katabi ng San

(Abaknon, Inbaknon, Capul, Bernardino Strait, Hilangang


Capuleño) Kanlurang Samar

126. SAMA, Balangingi Kapuluran ng Sulu sa hilagang

(Baangingi; Kahilagaang silangang Jolo, baybaying dagat ng

Sinama) Zamboanga, Kanluraning Mindanao

127. SAMA, Sentral Sulu, baybaying dagat ng Sabah,

(Siasi Sama, Sentral Sinama) kalapit ng Malaysia

128. SAMA, Mapun Cagayan de Sulu at Palawan, gayon

(Cagayan de Sulu, Jama din sa Sabah, kalapit ng Malaysia

Mapun, Cagayanon)

129. SAMA, Pangutaran Kanlurang Sentral ng Sulu,

Kanlurang Jolo; Mindanao

130. SAMA, Katimugan Mga kapuluang sumusunod sa

Borneo Katimugang Sulu, mga

pangkat at Tawi-Tawi; Simunul,

Sibulu, at iba pang pangunahing

pulo

131. SAMBAL, Botolan Sentral Luzon, Zambales

(Aeta Negrito, Botolan Zambal)

132. SAMBAL, Tina Kahilagaang Zambales, Luzon

(Tino)

133. SANGIHE Indonesia, mga pulo ng Balut labas

(Sangil, Singerese) ng Mindanao

134. SANGIRE Pulo ng Balut, labas ng Mindanao

(Snagil, Singgil)

131. SAMBAL, Botolan Sentral Luzon, Zambales

(Aeta Negrito, Botolan Zambal)

132. SAMBAL, Tina Kahilagaang Zambales, Luzon

(Tino)

133. SANGIHE Indonesia, mga pulo ng Balut labas

(Sangil, Singerese) ng Mindanao

134. SANGIRE Pulo ng Balut, labas ng Mindanao

(Snagil, Singgil)

139. SUBANUN, Lapuyan Mga Sub-peninsula ng Sulu sa

(Lapuyen, Margosatubig) Silangang Zamboanga del Sur,

Mindanao

140. SUBANUN, Sindangan Silangang Peninsula ng Mindanao,

Kapuluan ng Sulu, Mindanao

141. SULOD Tapaz, Capiz, Lambunao, Iloilo,

(Bukidnon Mondo) Valderama, Antique, Panay

142. SURIGAONON Surigao, Carrascal, Cantilan, Madrid,

Larosa

143. TADYAWAN Silangang Sentral Mindoro

(Pula, Tadianan, Balaban)


144. TAGALOG Katimugang Luzon, kasama ang

Kalakihang Maynila (Metropolitan

Manila), Bulacan, Cavite, Rizal,

Batangas, Laguna, mga bahagi ng

Quezon, ilang lugar sa Palawan,

Mindoro, Masbate, Bataan

145. TAGBANWA, Aborlan Palawan, kasama ng Lamane

(Apurahuano, Tagbanwa)

146. TAGBANWA, Calamian Pulo ng Colon, Hilagang Palawan

(Kalamian, Calamiano, at Busuanga; Baras, silangang

Kalamianon) baybay-dagat ng Palawan, katapat

ng Pulo ng Dumaras

147. TAGBANWA, Sentral Kahilagaang Palawan

148. TAUSUG Jolo, Kapuluan ng Sulu

(Taw Sug, Sulu, Suluk, Tausug,

Moro, Joloano)

149. TAWBUID Sentral Mindoro

(Bangon, Batangan, Tabuid,

Piron, Suri, Barangan,

Binatangan)

150. T'BOLI Timog Cotabato, Mindanao

(Tibolo, Tagabili)

151. TIRURAY Upi, Cotabato, Mindanao

(Tirurai, Teduray)

152. WARAY-WARAY Kahilagaaan sa silanganang

(Samareño, Samaran, Samar-Leyte

Samar-Leyte, Waray)

153. YAKAN Kapuluan ng Sulu, Pulo ng Basilan,

(Yacaves) Kanluraning Mindanao

154. YOGAD Echague, Isabela; Luzon


MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA

Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.


Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino

Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin at sa Komisyon sa Wikang Filipino na maimbitahan
at makapagsalita sa inyong kumperensya. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa
bisyon, direksyon at mga programa ng KWF para sa susunod na tatlong taon, o hanggang
2010. Ibinabahagi ko ang mga ito sa inyo sa pag-asang yayakapin ninyo ang nasabing mga
bisyon, direksyon at programa bilang sarili ninyong bisyon at programa.

Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang aming bisyon. Ang
pangarap namin ay: “maging sentro ng kapantasan sa mga wika at literatura ng mga
Pilipino.” Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin
ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang opisyal na ahensyang
pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng kapantasan at kaalaman sa mga wika at
panitikan ng mga Pilipino. Ang itinatayo namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at
pananaliksik; na may kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika
at applied na linggwistika (hal. pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika; isang sentro na katatagpuan at
naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa mga wika ng Pilipinas; isang sentro na may
kamalig ng mga datos sa ibat ibang wika, at sa ibat ibang genre, kasama na ang audio at video
recording ng mga pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo; isang sentro na
lumilikha ng mga orihinal at huwarang mga diksyunaryo, gramatika, ortograpiya, iskolarli na mga
babasahin, materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa magkakaibang disiplina; at isang sentro na
dalubhasa rin sa teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain
ng pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa Pilipinas.

Ang katwiran para sa pangarap naming ito ay nagmumula sa aming pagkilala sa kahalagahan ng
mga wikang ginagamit ng mga Pilipino—ang wikang pambansa, ang mga wikang panglokal at mga wika
na pang-ibayong dagat--- para sa magkakaibang mga layunin: para sa literasiya at edukasyon ng ating
mamamayan; para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa pagkakakilanlan at etnisidad; para sa
pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; para sa pag-unlad na pang-ekonomiya; at para sa kaisahan
at katatagang pampulitika.

Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon—sa katotohanan o
sa karaniwang pagkakaalam-- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa, sa kapabayaan ng mahigit
na 170ng wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na
wika ng bansa, ang Ingles, o sa mas eksaktong pormulasyon, ang Philippine English.

Ito ang landas o linya ng “isang bansa, maraming wika”, na siyang simulain ng kasalukuyang tema
ng buwan ng wika 2007, na “maraming wika, matatag na bansa.”

Ano ang batayan at katwiran ng “maraming wika, matatag na bansa”?

Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng


mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng komisyon na napakalaking bentahe ang
pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong
daigdig, sa kabila ng palasak at mapangmenos na palagay na ang mga wikang ito’y pawang mga dialekto
lamang. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan ng
daigdig ay hindi lang iisa ang alam nitong wika. Sa karaniwan, ang Pilipino at ang karaniwang tao sa
daigdig ay may alam na dalawa o mahigit pang wika. Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa ng
pagiging multilinggwal, sapagkat marunong siya ng Aramaic, ng Hebrew, Griyego at Latin. Si pangulong
GMA ay mainam na halimbawa ng isang Pilipino. Maalam siya sa
Kapampangan, Sinebwano, Ilokano, Tagalog, Ingles at Espanyol. Dahil sa katotohanang ito, ang ideya
at pangakong pag-unlad sa ilalim ng isang sentralisadong nasyon-estado na may iisang sentralisadong
wikang pambansa ay naglalaho.

Gayunpaman, mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa
kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon na
wika ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating
wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang linggwa
prangka.

Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay
nabibilang sa iisang wika. Ang unang batayan sa pagsabi nito ay ang tinatawag na mutual intelligibility. Ang
isang nagsasalita ng “Filipino” at ang isang nagsasalita ng Tagalog ay magkakaunawaan. Kung
gayon, nagsasalita sila ng isang wika.

Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang gramatika ng umiiral na “Filipino” ay walang pinag-
iiba sa gramatika ng Tagalog. Totoong sa ilalim ng konstitusyon, ang wikang Filipino ay kailangang
nakasalig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Pero, sa ngayon, ang gramatika ng wikang pambansa ay
yaong sa Tagalog. Tingnan lamang ang mga panlapi ( -um-, -in, -an, at i-) at ang mga gramatikal na pananda
(i.e. ang, ng, sa) at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw, kasi). Hindi ba magkapareho lang sa mga panlapi at
gramatikal na pananda at partikulo ng tinatawag na “Filipino”? Walang panlapi o gramatikal na
elementong galing sa Ilokano, Sebwano, Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag na katayuan
sa wikang pambansa.

May ilang teorista sa akademya na nagpapalaganap ng ideya na ang kaibahan ng “Filipino” sa


Tagalog ay ang pagiging “malaya” ng una, at ang pagkapurista ng huli. Ang ibinibigay nilang halimbawa
ay ang pagkakaiba ng leksikon ng “Filipino” at ng “Tagalog”, gaya raw ng “fakulti”, sa halip na
“guro”, “kolehiyo” sa halip na “dalubhasaan”, “miting” sa halip na “pulong” atbp. Kinikilala ng KWF
na ang “purismo” at “Tagalismo” ay mga hadlang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Subalit,
kailangan ding alalahanin na hindi panghihiram ng dayuhang leksikon o leksikon buhat sa iba pang wika
ng Pilipinas ang batayan sa pagklasipika ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang wika. (Maging
ang mga Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at nagko- code-switch.) Gaya ng nabanggit sa
itaas, ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay higit na mapagpasyang batayan. Idagdag pa rito ang
katotohanan na karamihan ng mga Pilipino ay tumatawag pa rin sa wikang pambansa na “Tagalog”. at
madaling maintindihan kung bakit kakaunti lamang, maliban sa kakarampot sa akademya, ang naniniwala
na ang “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang wika.”

Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog noon at ang wikang
pambansa ngayon. Ang kasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng nakararaming
Pilipino. Mas marami nang Pilipino ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang
kinagisnan o unang wika. Ito ang pangalawang wika nila. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag
dito ng ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw ng mga pasalitang barayti
ng “Filipino”; mga barayti na hindi lamang limitado sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw
sa Davao, Iloilo, Cebu, Baguio, Angeles, Cagayan de Oro, Zamboanga City at sa ibang punong
sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko. Sa ngayon, ang barayting
pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga lugar, na siyang itinuturo ngayon
sa mga paaralan at pinalagaganap ng masmidya. Pero hindi maipupuwing na ang wikang Tagalog ay naging
pambansa na.

Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay, ay hindi nalingid sa mga gumawa ng mga
probisyong pangwika sa ating konstitusyon. Nanalig sila na habang nalilinang, ang wikang pambansa ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Idineklara
din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nila kinaligtaan na
ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng
pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod” ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng
mga Pilipino. Ang ganitong mga probisyong pangkonstitusyon ay nagkaroon ng katuparan sa
pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang lohika ng patakarang multilinggwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa Pilipinas ay unti-unting


tinatanggap ngayon ng mas maraming mananaliksik sa wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating
pamahalaan. Nitong kamakailan, may isang grupo ng mga mananaliksik ang naglabas ng KRT 3
Formulation of the National Learning Strategies for the Filipino and English Languages na
nagmumungkahi sa pamahalaan na:

· para sa ECCD (3-5ng taon), ang paggamit ng wika ng bata sa day care center. Gagamitin ang
Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at panitikan;
· para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pagkakatuto para sa
lahat ng subject. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) bilang magkahiwalay na subject para
sa oral language development;
· para sa Grade 4 pataas, Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa Makabayan at subject na
Filipino at/o panitikan at English bilang midyum sa Math at Science. Gagamitin ang wika ng bata
bilang pantulong na wika;
· samantala, sa sekundarya, magtuturo ng mga language elective sa wika ng bata, wikang
pangrehiyon, Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;

Ayon sa nasabing dokumento: “(c)ontrary to being a hindrance, the languages of children must
be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based. The use of
the mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject
areas including the development of future languages. This is a generalization based on numerous
experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the Philippines.”

Ang isang halimbawa ng empirikal na pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa bisa ng multilinggwal


na patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung
distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may first language component, ibig sabihin, ang unang wika
ay siyang ginamit na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan, kahit sa science at math. Ang
natitirang siyam na dibisyon ay sumailalim sa regular na edukasyong bilinggwal. Ipinakikita ng reading
test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino
(76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa
Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.
Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang lokal na wika upang
matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo’y maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang paggamit
ng wikang hindi-sa- bata ay hindi makatutulong manapa’y makasasama pa nga sa pang-akademikong
performance ng bata. Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa pananaliksik ni Taufeulangaki
(2004):

· ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12ng taon upang matutuhan ang kanilang
unang wika;
· ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis kaysa mga matanda;
· ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika;
· mas importante ang pag-unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa ikalawang wika;

Sa isang hiwalay na artikulo, nabanggit ko na ang eksklusibong paggamit ng Ingles at Filipino ay


nagresulta sa tinatawag ni Smolicz, Nical and Secombe (2000) na inferiorization ng iba pang wika sa
Pilipinas. Ninanakaw ng kasalukuyang patakarang bilinggwal ang wika ng bata at hinahalinhan ito ng isang
wikang di-pamilyar at tiwalag sa kanilang kultura at karanasan. Ang mensahe ng bilinggwal na edukasyon
sa marami nating mag-aaral ay walang kuwenta ang kanilang kinagisnang wika. Sa halip na tingnan
bilangresource at pundasyon ng panimulang kaalaman, itinuturing ang pagkakatuto ng wikang sarili na isang
malaking kakulangan o deficiency, o dikaya’y kapansanan. Sa halip na pagmamahal at pagpapahalaga sa
sariling kultura’t wika, pagkutya at pagmamaliit sa sarili ang itinuturo ng kasalukuyang patakaran.

Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan sa Ingles ng ating
mga estudyante. Pero kailangang linawin na ang pinakamabisang paraan ay ang pagturo dito bilang
pangalawang wika. Ibig sabihin nito, magsimula sa kinagisnang wika sa unang mga grado. Kapag
mabulas na at matatag na ang kasanayang pangliterasi at pangkognitibo ng estudyante sa kinagisnang wika
at kultura, ipakilala ang Ingles at ang Filipino bilang mga subject. Sa paglaon ay maaari na ring ituro ang iba
pangsubject sa Filipino at Ingles. Gayunpaman, ang katatasan sa Ingles ay hindi makakamtan lamang sa
eskuwelahan. Sa labas ng eskuwelahan, kailangang magkaroon ang mga estudyante ng mga modelo o
huwaran sa pagsusulat at pagsasalita ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng mga pagkakataon para magamit
ang kanilang kasanayan sa Ingles. Sa kasalukuyan ay walang sapat na motibasyon at oportunidad maliban
sa eskuwelahan upang mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kasanayan sa Ingles, laluna sa
pagsasalita nito.

Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika” ay makikita sa tema at saklaw ng
nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika 2006. Sa simula’t sapul ay nakasanayan na namin
na magdaos nang taunan ng isang patimpalak lamang, ang tradisyunal na Gantimpalang Collantes sa
sanaysay sa wikang Filipino. Noong 2006, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos ang KWF ng
magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula at maikling kuwento), Iloko (tula
at maikling kuwento), Hiligaynon (maikling kuwento) at Pangasinan (tula). Ang nagwaging mga akda ay
nakatipon ngayon sa isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006. Ang tema ng buwan ng wika 2006
ay: “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng Pilipinas.”

Ngayong taong 2007, pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para makasama ang Bikol
(maikling kuwento at sanaysay), Samar-Leyte (tula at maikling kuwento), Kapampangan (tula), Meranaw
(sanaysay), Maguindanao (sanaysay) at Tausug (sanaysay). Ang tema ng buwan ng wika 2007
ay: “Maraming wika, matatag na bansa.”
Ang multilinggwal na adhikain ng KWF ay hindi lamang naipapahayag sa taunang pagdiriwang ng
buwan ng wika at pagkilala sa mahusay na mga akdang pampanitikan, kundi sa mga pangmatagalang
programa at proyektong inako nitong isakatuparan.

Ang mga programa’t proyektong ito ay naglalayon na makamit ang sumusunod na pagbabago sa
ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa multilinggwalismo. Hanggang ngayon, marami pa
rin ang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika
sapagkat “alam na natin ito.” Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang pagkakaroon ng isang wika ay
mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa.

Upang pumabor ang opinyong publiko sa multilinggwalismo, plano naming magbigay ng


napapanahong mga impormasyon sa OP, DEPED, CHED, ang Kongreso at iba pang ahensya ng
gobyerno tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa wika. Makatwiran lamang na ang unang
benepisyaryo ng aming mga pananaliksik ay ang pamahalaan na rin.

Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at pampanitikan. Nais naming
palakasin ang: Philippine Lexicography program, Philippine Grammars Program, ang National
Translation Program, ang Phonology, Phonetics and Ortography Program, mga proyekto sa literasiya at
pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project; Bibliography of Philippine Languages
project; Endangered Languages Program; Philippine corpus;

Gusto rin naming palaganapin sa publiko at stakeholder ang impormasyon at kaalamang pangwika
at pampanitikan. Kayá namin itinatayo ang: Library and Archives of Philippine
Languages; pinapataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga
seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda ang aming
website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga
research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang
pang-IT at pampananaliksik, at sinisikap na magkaroon ng sarili naming tahanan at gusali.

Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong Amerikano, isang
American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan
para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang
habampanahon.

Magandang umaga sa inyong lahat.

You might also like