You are on page 1of 3

Ralph Ace E.

Villaraza
BSEDSC 1-1

Dear 13-year-old me,

Isang Magandang Araw, ako’y ikaw at ikaw ay ako, iisang tao pero magkaiba ng panahon. Kumusta
ka? Masaya ka ba? Sa panahon ko masaya na yung buhay natin. Ako nga pala yung 19-year-old mo,
gusto lang kitang muling kumustahin at sabihan ng ilang mga bagay na makakatulong sayo para
makapagpatuloy ka.

Kumusta maging isang ganap na binata? At ang pagiging isang hayskul? Sana naman ay
nasisiyahan ka at tapos mo na ang elementarya. Yung mga magulang natin kumusta jan? Nagsisimula na
naman sila sa mga bisyo nila no? Iba kasi talaga yung nagagawa ng ipinagbabawal na droga kaya kung
ano man ang mangyari magpakatatag ka ha? Huwag na huwag kang magpapabaya sa pag-aaral mo ha?
Ayan yung magiging daan para makapunta ka sa kung anong meron ako ngayon. Isa pa ang edukasyon
ang natatanging pamanang maibabahagi sa iyo ng magulang natin, huwag mo ding pipigilang ang sarili
mong ipakita ang tunay mong nararamdaman.

Nalalapit na din ang pagkaputol ng inyong linya sa Meralco, napabayaan kasi at nagbibisyo pa ng
malala si tatay, isama mo pa yung pagkukulang ng bayad sa upa ng mga pinapaupa niyo sa kabilang
bahay. Huwag kang mawawalan ng dahilan para magpatuloy sa buhay at lalong-lalo na sa pag-aaral.

Magiging suwail ka sa tatay mo, kaya siguraduhin mong babawi ka sa kanya pag dating ng
panahon, dahil darating yung araw na magbabago sila nanay at tatay. Darating ang panahon na
matutulog at mamamalimos ka ng mahihigaan at makikipagsiksikan ka sa kahit kaninong tao at lugar
para makapagpahinga at makapasok kinabukasan.

Kahit ganyan ang buhay sa panahon mo huwag na huwag kang susuko, sapagkat natutunan ko na
ang lahat ng bagay ay may dahilaln, lahat ng paghihirap ay may kasaganahan, lahat ng pagsubok ay
kayang masolusyunan kaya kapit lang sa biyahe ng buhay at baunin mo ang sipag, pagtitiyaga,
pagmamahal at pagtitiwala sa itinadhana sa iyo ng may kapal. Ipagpatuloy mo ang pagiging masayahin
at matulungin sa pang araw-araw mo ha. Matutu ka ring umunawa at tumanggap ng pagkakamali.

Signed your 19-year-old self,

__________________________

(Signature)
Ralph Ace E. Villaraza
BSEDSC 1-1

Dear 30-year-old me,

Isang magandang araw, Kumusta ang pagiging isang tatlumpung taong gulang? Nakamit mo ba ang
pgiging isang guro? Napabuti mo na ba ang buhay natin? Kung oo salamat at nakamtan mo ang
pinapangarap ko noon pa man, at kung hindi man ay okay lang iyan at patuloy lang sa buhay, ako ang
iyong 19-year-old na ninanais na kumustahi ka.

Nagtuturo ka na ba at isa ka ng propesyonal na guro? Masaya ka ba sa iyong tinatahak sa buhay sa


ngayon? Tandaan mo na kung ano man ang nangyayari sa panahon mo sa ngayon ay nakatadhana iyo at
kailangan mo na lamang ipagpatuloy kung nasaan ka man.

Maayos na ba ang buhay mo? Nagbago na ba ang lahat at matiwasay na yung buhay mo? Kung hindi
man ang mahalaga ay masaya ka at magkakasama kayo ng pamilya mo, sila nanay at tatay, ate at kuya.
Meron ka bang sariling pamilya? Nagkaroon ka ba ng sarili mong mga anak at asawang babae? Kung
meron man ay kakaiba yung babaeng iyon at napabago niya ang kung ano ka sa panahon ko ngayon.
Alagaan mo sila at huwag na huwag mong hahayaang masaktan silang dakawa na siyang naranasan mo
ng ikaw ay nasa kabataan mo, kung maari ay ibigay mo ang lahat ng pagmamahal na kaya mong ibahagi
sa kanilang dalawa at huwag na huwag mong kalilimutan yung mga una mong pamilya.

Maging huwarang guro ka rin kung nakamtan mo ang pagiging isang propesyonal na guro, maging
guro ka na hahangarin at tutularan ng mga estudyante mo, huwag mong hahayaang may maiwasan sa
klase mo at magturo ka ng buong puso, kung may estudyante kang nagnanais makapag-aral nguniy hirap
sa buhay ay iyong tulungan at ibahagi ang kung anong meron ka sa kanya, upang mabigyan siya ng
maayos na buhay na iyong nakamtan dahil sa mga gurong nagbigay at nagturo sa iyo ng landas na
tatahakin sa buhay.

Magpakatotoo ka at sabihin ang iyong gustong sabihin at ipagpatuloy ang kung anong meron ka sa
ngayon ay ipagpasalamat. Kapag ikaw ay naghirap at nabigyan ng mabigat na pagsubok ay pagnilayan ito
bago pa man gawan ng solusyon. Mahalin mo ang mga taong nakapaligid sa iyo at huwag kalimutang
mahalin din ang sarili mo, muli ako ang iyong 19-year-old self na nangangamusta sa iyo maraming
salamat.

Signed your 19-year-old self,

__________________________

(Signature)
Ralph Ace E. Villaraza
BSEDSC 1-1

Growing in Character

Physical Attribute Skills and Abilities Characteristics and Qualities


Charismatic Painting Self love
Tall Portraits Humble
Fit Sketching Patience
Gorgeous Smile Landscape Positivity
Smooth Face Good Communication Skills Happiness
Kissable Lips Programming Proper Behavior
Perfect Teeth Photographic Memory Polite
Clean Cut Hair Photography Wealthy
Beautiful Hazelnut Brown Eyes Time Management Healthy
Photogenic Critical Thinking Smart
Martial Arts Kind Hearted

My Ideal Self

You might also like