You are on page 1of 1

Lion King

Synopsis – Sa storya na ito sunusundan natin ang kwento ni Simba na ginaganap ni Jonathan Taylor
Thomas, ang susunod na gaganap na hari pagkatapos ng kanyang tatay na si Mufasa na ginagampanan ni
James Earl Jones. Ang kanya chuhin na si Scar (Jeremy Irons), ay gusto patayin si mufasa para
masakanya ang trono. Si Simba ay naka takas ngunit si Mufasa ay natapakan ng mge wildebeest.
Pagbalik ni Simba malaki na siya at handa na ipaglaban ang kanyang tahanan laban kay Scar, na may
tulong sa kanyang kaibigan na sina Timon (Nathan Lane) at si Pumba (Ernie Sabella).

Akda- Ang nagsulat ng screenplay para sa “Lion King” ay sina Linda Woolverton, Irene Mecchi, at si
Jonathan Roberts. Si Linda Woolverton ay isang American screenwriter, playright at novelist, kilala din
sya sa trabaho sa Disney. Si Irene Mecchi ay isang American writer para sa television, pelikula, dyaro at
broadway. Kilala siya sa trabaho nya para sa Disney at sa broadway. Si Jonathan Roberts ay isang
American screenwriter, television producer, at author. Kilala sya bilang co-writer ng “Lion King”.

Tema- Ang pangunahing tema ng “Lion King” ay ang circle of life, at ang balance at importanya ng
bawat hayop sa savannah.

Buod- Ang kwento ng “Lion King” ay tungkol kay Simba na susunod sa trono ng kanyang tatay na
hari ng savannah “pride lands”, ngunit ang kanyang chuhin ay gusto mapasakanya ang trono. Kaya’t
nagplano sya para patayin si Mufasa at si Simba. Nakatakas si Simba at bumalik upang kunin muli ang
trono nya at ipaglaban ang kanyang tahanan.

Paksa- Ang pangunahing isyu sa buong kwento ay ang selos at galit ni Scar sakanyang kapatid na si
Mufasa, dahil ang kanyang pininiwala ay sya ang karapad-dapat na hari. Gagawin ni Scar ang lahat
upang maipatumba ang kanyang kapatid, bilang ang pagpatay kay Simba.

Sipi at damdamin- Imahismo ang teoryang panitikan na napili ko dahil sinasabi na ipinapakita ang
ideya gamit ang biswal, “everything the light touches is our kingdom” ang katapat na sipi na aking
pinili.

Dulog- Ang dulog ng palabas na aking pinili ay ang parte na malapit na katapusan, nung pinalayas
lang ni Simba ang kanyang chuhin na si Scar kaysa patayin sya. Kung pinatay nya ang kayang chuhin
wala syang mababago sa nakaraan.

Review-Ang palabas na ito ay maganda para sa buong pamilya, bata man o matanda ay makaka enjoy
ng palabas na ito. Kahit ilang ulit mo panoorin ang palabas na ito ay hindi ka mananawa, dahil sa ganda
ng paglikha ng kwento, maraming aral ang pwede mapilot sa palabas na ito. Punto ng talento at
pagmamahal ang proyektong ito, bigay na bigay ang bawat actor na nagbigay boses sa ating mga
minamahal na tauhan. Isang palabas na dapat panoorin ng bawat henerasyon.

Pangalan: Cyrus Grant Jade B. Lopez

You might also like