You are on page 1of 14

Aralin 4

Paglilinis at Pag-aayos
ng mga Kasuotan at
Kagamitan
Paglilinis ng mga Kasuotan
• Paglalaba
• Pag-aalmirol ng mga Kasuotan
• Pag-aalis ng Marka at Mantsa
• Pamamalantsa
• Pagkukumpuni ng Sirang Kasuotan
- Pagsusulsi
- Pagtatagpi
WASTONG PAMAMARAAN NG
PAGLALABA
• Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba – palanggana,
batya, balde, sabon, iskoba, palu-palo at iba pa.
• Ihiwalay ang putting damit sa may kulay o de-kolor.
Suriin kung may sira at kumpunihin muna bago labhan.
• Basaing isa-isa at kusutin. Laging
unahin ang mga putting damit.
• Isagawa ang unang pagsasabon. Bigyang pansin
ang bahagi ng damit na madaling kapitan
ng dumi.
• Banlawan at sabuning muli. Ikula ang mga
puting damit.
WASTONG PAMAMARAAN NG
PAGLALABA
• Banlawan ng tatlong beses ang mga damit
na may kulay o de-kolor hanggang sa maalis
ang ang bula ng sabon sa tubig.
• Banlawan ang mga puting damit pagkatapos
maikula nang ilang oras. Banlawan
hanggang sa luminaw ang tubig.
• Isampay sa araw. Lagyan ng sipit
ang mga sampay upang hindi
tangayin ng hangin.
WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-
AALMIROL NG MGA KASUOTAN
Ang mga kasuotan na karaniwang inaalmirulan ay
ang mga kasuotang koton, mga kurtina, kubrekama at
iba pang mga kagamitang yari sa koton. Ang mga
kasuotang inaalmirolan ay madulas at makinis, hindi
madaling marumihan at magusot.

Hakbang sa Paghahanda ng Almirol:


1. Magpakulong limang tasang tubig.
2. Maghalo ng isang tasang almirol sa
kaunting tubig at unti-unting ibuhos sa
kumukulong tubig.
WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-
AALMIROL NG MGA KASUOTAN
Hakbang sa Paghahanda ng Almirol:

3. Huwag tigilan ng paghalo upang hindi magbuo-buo ang


solusyon. Maaring dagdagan ang tubig upang makuha
ang gustong lapot.
4. Ihalo ang solusyon sa kaunting tubig. Ilubog muna ang
ang putting kasuotan at pigain. Tiyaking lahat ng panig
ng kasuotan ay naalmirulan.
5. Isampay sa lugar na nasiikatan ng araw.
Itabi sa isang kahon, kapag tuyo na.
WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-AALIS
NG MARKA AT MANTSA SA KASUOTAN
• Dugo – Ibabad ang damit sa malamig na tubig. Labhan
at kusutin sa malamig at masabong tubig.
• Katas ng Prutas – buhuan ng kumukulong tubig ang
bahaging may mantsa.
• Chewing Gum – patungan ng yelo ang bahaging may
chewing gum. Hayaang tumigas ito. Kumuha ng mapurol
na kutsilyo at unti-unting kayurin ang chewing
gum hanggang matanggal. Sabunin,
kusutin at ikula.
WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-AALIS
NG MARKA AT MANTSA SA KASUOTAN
• Tsokolate – Ilubog ang bahaging may mantsa a mainit
na tubig. Labhan sa tubig na may sabon.
• Tinta – Kuskusin ng puting mantikang panluto. Labhan
sa tubig na may sabon.
• Kalawang – lagyan ng kaunting ain ang bahaging may
kalawang at pigaan ng kalamansi o dili kaya’y dinurog na
kamias.
• Pintura – pahiran ang bahaging may mantsa
ng turpentina. Kuskusing mabuti hanggang
sa maalis. Labhan sa tubig na may sabon.
WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-AALIS
NG MARKA AT MANTSA SA KASUOTAN
• Mantika – buhusan ng mainit na tubig ang bahaging may
mantsa bago ito labhan sa tubig na maligamgam.
• Kandila – kuskusin ng mapurol na kutsilyo ang bahaging
may kandila. Takpan ng mamasa-masang papelbat
plantsahin nang ilang ulit ang bahaging may mantsa
hanggang sa masipsip ng papel ang natunaw na kandila.
• Tagulamin – ibilad sa araw ang mantsang
nilagyan ng kalamansi at asin. Ulitin
hanggang sa maalis ang lahat ng mantsa.
WASTONG PAMAMARAAN NG
PAMAMALANTSA
• Wisikan ng tubig ang may almirol na kasuotan. Itiklop,
ibalot at ilagay ito sa isang lalagyan na may takip.
• Ihanda ang plantsahan. Tiyaking malinis ang sapin nito.
• Sa pamamalantsa ng bestida, baligtarin ito at simulang
plantsahin – bulsa, laylayan, dugtungan, kwelyo,
manggas, balikat at likod papunta sa harap ng bestida,
pababa sa laylayan at iba pa.
• Kung ito ay palda, magsimula sa laylayan,
dugtungan at baywang.
• Pantalon – bulsa, baywang at ang dalawang paa.
PAGKUKUMPUNI NG SIRANG KASUOTAN

• Ang mga sira ng damit ay dapat ayuin kaagad bago


labhan upang hindi na lumaki pa ang sira. Ang mga punit
ay kailangang sulsihan kaagad at ang butas ay tagpian.
• Ang sulsi ay paghahabi ng bagong sinulid sa napunit na
bahagi ng damit upang palitan ang nasirang sinulid ng
tela.
• Ang tagpi ay pagtatapal ng kapirasong tela
sa butas ng kasuotan o damit.
WASTONG PARAAN NG PAGSUSULSI
• Maganda ang sulsi kapag ito ay pino, salit-alit at
magkaagay ang tahi.
• Dapat kakulay ng damit ang sinulid upang hindi ito
mahalata.
• Ang mga dulo ay hindi dapat pantay-pantay upang hindi
kumulubot.
• May tatlong uri ng punit: tuwid, patayo, pahalang o
tatsulok na punit.
• Ang pagsusulsi ay ginagawa sa karayagan ng
kasuotan.
Tandaan!!!
• Ang wastong paglalaba ay nagbibigay ng bagong anyo
sa kasuotan at nagpapahaba ng pakinabang sa mga ito.
• Ang kasuotan ay magtatagal kung ito’y
pinangangalagaan.
• Ang pagsusulsi ay paggawa ng mga hanay ng tahing
tutos sa magkabilang bahagi ng punit na sinusunod ang
hibla ng tela.
• Ang pagtatagpi ay pagkakabit ng tela sa buta ng damit sa
pamamagitan ng paglililip.
Pagtataya:
Anong P . . . Ang dapat gawin upang mapangalagaan
nang wasto ang sumusunod na kasuotan?

1. Maruming kasuotan - _______________________


2. Gusot na damit - _______________________
3. Punit na blusa - _______________________
4. Butas ng pantalon - _______________________
5. Tastas na laylayan ng palda - _________________

You might also like