You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO

NG FILIPINO BAITANG IX

KOMPETENSI: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula


sa tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisasabuhay ang mga aral at mahalagang
kaisipang nakapaloob dito.

I. LAYUNIN

A. Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag na ginagamit sa


parabula;
B. Nailalahad ang iba’t-ibang bisang pandamdamin, at pangkaisipan mula sa
napakinggang pahayag;
C. Napahahalagahan ang paggawa ng isang desisyon at ang mga kaakibat na
responsibilidad sa buhay; at
D. Napapatunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa
kasalukuyan at sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay.

II. PAKSANG-ARALIN

PAKSA: Panitikan : Parabula : Ang Alibughang Anak (Lucas 15:11-32)


SANGGUNIAN:
KAGAMITAN: Pantulong Biswal, Yeso, Teyp, Mga Larawan, Speaker at Laptop.

III. PAMAMARAAN

A. PAUNANG GAWAIN
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagsasaayos ng silid
d) Attendans
e) Pagbabalik-aral

SUBUKIN NATIN:
a.) Ano ang PARABULA?
b.) Anu-ano ang mga katangian nito?

f) Pagganyak

Gawain I. (PAGHAHAWAN NG SAGABAL)

PANUTO: Gamitin ang mga hindi nakaayos na salita sa Hanay A para maunawaan ang
ibig kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga salita sa Hanay B. Matapos itong mabuo
ididikit ang tamang ayos na salita sa mga kahong nakalaan sa pisara.

HANAY A

1. BOSINU 2. HIPARGAN 3. KALONGTU 4. SOBRAMUSU 5. KITAMA


6. AWANA 7. ALO-ALUIN

HANAY B

PABABA
1. Nilustay niya ang lahat-lahat ng kaniyang kayamanang minana sa walang kabuluhang
bagay.
2. Dahil sa kaniyang ginawang desisyon ay lubha siyang nagdalita.
4. Sa kanilang tahanan ay lumalabis ang pagkaing inilalaan para sa mga katulong.
6. Lubhang na nahabag ang kaniyang ama nang makita niya ang anak.

PAHALANG
3. Kahit ang mga alipin ng kaniyang ama ay tiyak na hindi makukulangan sa pagkain.
5. Nang nasilayan ng ama ang papalapit na anak, siya ay napatakbo upang salubungin ito.
7. Inamu-amo ng ama ang anak na nagtampo.

B. PAGLALAHAD

Gawain II. (PAGSASAAYOS NG KWENTO)

PANUTO: Isaayos ang mga larawan na maaaring pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa tatalakaying parabula.

Pagbasa at paglalahad ng Parabula : Ang Alibughang Anak

Gawain III. (PAGBIBIGAY KAHULUGAN)

PANUTO: Pangkatang Gawain: Bigyang kahulugan ang mga salita o pahayag hango sa
talinghagang “Ang Alibughang Anak”. Gumamit ng grapik organayser sa pagtatalakay ng mga
sumusunod. Isulat ang sagot sa isang buong papel at ibahagi sa klase. Sa loob lamang ng 5
minuto.

LITERAL NA SIMBOLIKONG ISPIRITUWAL NA


KAHULUGAN KAHULUGAN KAHULUGAN
1. Alibugha

2. Kayamanan

3. Ama

4. Anak

5. Ang magsaya at
magalak ay
kailangan sapagkat
ang kapatid mong
ito ay namatay at
muling nabuhay.
Siya ay nawala at
natagpuan.

C. PAGTALAKAY / PAGLINANG

Gawain IV. (SA ANTAS NG INYONG PAG-UNAWA)

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Anong uring ama ang ama sa akdang binasa? Sa inyong palagay, tama ba ang ginawa
niyang pagbibigay ng pamana sa kanyang mga anak kahit siya’y buhay pa at malakas pa?
2. Ano ang ibinubunga ng kaniyang ginawang desisyon? May kakilala ka rin bang anak
na ganito rin ang kinahihinatnan sa buhay dahil sa kanyang pagiging alibugha?
3. Anong mga katangian ng iyong ama/ina ang sumasalamin sa katauhan ng ama sa akda?
Paano mo pinahahalagahan ang mga pag-aaruga sa iyo ng iyong mga magulang?
4. Kung ikaw ang kapatid ng alibughang anak? Ano ang gagawin mo? Tatanggapin mo ba
ang pagbabalik niya?
5. Kung ikaw ang alibughang anak sa akda, anong mga aral ang iyong natutunan? Kaya
mo bang humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali?

G. PAGLALAHAT

Ang Parabulang “Ang Alibughang Anak” ay nagpapakita ng dakilang pagmamahal ng isang


ama sa kaniyang anak na nagkasala. Nasaktan man ang ama sa maagang pagkuha ng
mamanahin ng kanyang anak ay ibinigay parin niya ito; at nang ito ay bumalik sa piling ng
kaniyang ama. Siya ay tinanggap ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan. Ipinakikita
ng parabula kung gaano kadakila ang pagmamahal ng isang magulang sa kabila ng
pagkakasala ng anak.

Bukod sa ating mga magulang ay isa pang nagmamahal sa atin nang lubos at kahit ikamatay
Niya pa ito ay kaya Niyang gawin. Walang iba kundi ang ating Diyos. Nagpakamatay siya
para sa iyo, sa akin, at sa lahat. Talagang dakila at lubos na mapagpatawad at mapagmahal ang
ating Amang nasa langit.

IV. EBALWASYON / PAGTATAYA

Gawain V. (PAGSULAT NG SANAYSAY)

PANUTO: Bilang pangwakas ikaw ay susulat ng isang sanaysay habang nakikinig ng


awitin ni Freddie Aguilar na pinamagatang “ANAK” , mag-isip ka ng paraan upang
mapasalamatan ang iyong mga magulang at isulat ang mga aral at magagandang kaisipan na
iyong natutunan. Isulat sa isang buong papel.

V. TAKDANG-ARALIN

PANUTO: Basahin ang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” (Mateo
20:1-16) sa pahina 196.

Inihanda ni: Ginoong Manuel E. Pacquiao Jr.

You might also like