You are on page 1of 3

“Isda”

isinulat ng Pangkat 1

Sa unang araw ng aking paglalakbay ang aking tanging


iniisip ang pangangailangan ng aking pamilya ngunit sa hirap ng
aming pamumuhay sinubukan kong magnakaw ngunit sa panganib ako
nalagay.

Pangalawang araw napilitang akong magkalkal sa mga tira-


tira sa may basurahan. Naglakbay sa mga delikadong eskinita at
sinubukan kunin ang pagkain ngunit ako ay binato-bato at pagod
na pagod, ininda ko na lamang ang kumukulong kalamnan para sa
aking mga anak.

Ikatlong araw ganoon parin ang aking gawain, walang


permanentang mapagkuhanan ng makakain, sana sa susunnod na mga
araw hindi na ganito ang aking gawain.

Sa ika-apat na araw ng aking paglalakbay sa kakahanap ng


walang humpay at walang katapusan pangangailangan ng aking mga
anak, buti na lang sa may estero ay may tiring pagkain. Dinala
ko ito sa aking tahanan at kumain kami ng aking pamilya.

Ika-limang araw ako’y nagiikot parin para maakahanap ng


aking makakain at ipapakain, ilang oras akoy nauuhaw na,
pasalamat na lang may malapit na poso. Sa tabi nito ay may isang
supot na may pagkain, inuwi koi to ulit upang may maihain.

Ika-anim na araw hindi ko na alam ang aking pupuntahan,


hindi ko narin alam kung itutuloy ko pa ang aking paghahanap o
susuko. Pero iniisip ko ang magiging kalagayan ng aking pamilya
kaya itutuloy ko pa.

Ika-pitong araw na, napag-isip-ispip ko na hindi dapat ako


sumukoo alam kong mayroon pang pag-asapara sa aking pamilya.
Naghahanap ako kung saan-saan at nakakita ako ng isang kahon na
may lamang manok, tuwang-tuwa ako sa aking nakita, salamat.

Sa ika-walong araw ako’y tumigil at napaisip na ano bang


ang dahiln nang araw-araw ko na pagkuha ng pagkain sa iba’t-
ibang lugar, at ipinapahamak ang buhay ko para sa aking mga anak.
Siguro ganito ang buhay ng isang nanay na nagtataguyod ng
kanyang pamilya.

Sa ika-siyam na araw, napainom ko na ng gatas ang aking


mga anak bago ako lumabas ng bahay upang makakuha ng magiging
alusal ng mga bata. May isang lalaking na may tapi at may dalang
supot, napatigil sya at tumingin sakin, ibinigay nya ang laman
ng supot, isang malaking isda na aabot hanggang hapunan. Labis
ang aking tuwa, nagpasalamat ako at dali-daling tumakbo pabalik
sa aking tirahan.

Ngunit may sumalubong sa akin isang malaking behikulo,


duguan ako, nakalatay sa daanan, at lumuluha dahil nasagasaan
ako. Hanggang sa nabawian na ako ng buhay. Ito ang alaga kong
pusa na nawala sa akin ng siyam na araw.

You might also like