You are on page 1of 2

Talambuhay ni Madre Teresa ng

Kalcuta (1910 – 1997)


Si Inang Madre Teresa, o Teresa ng
Kolkata ay isang madreng Katolikong nakilala
bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay
pa. Ipinanganak siya bilang Agnes Gonxhe
Bojaxhiu sa Skopje, Albanya. Siya ay bunsong
anak nila Nikolle at Dranafile Bojaxhiu. Ang
kanayang ama ay sumasakabilang buhay nang
siya ay walong taong gulang pa lamang at siya
ay pinalaki ng kanyang ina sa
pananampalayang Kristiyanong Romano
Katoliko.

Noong bata pa si Teresa siya ay humahanga sa mga salaysay ukol sa mga


buhay misyonero sa Indya. Sa gulang na labingdalawa, siya ay
nakapagdesisyon na maging isang madre at pumasok sa Sisters of Loreto sa
edad na labing-walo, ang paglisan saan hindi na niya nakita pa ang kanyang
ina at kapatid.

Siya ay pinadala sa Irlanda upang matuto sa wikang Ingles na ginagamit sa


pagtuturo sa Indya. Dumating siya sa Darjeeling, Indya noong 1929, kung saan
siya nagsimula sa kanyang ‘novitiate’ at naging madre pagkalipas ng walong
taon. Nagturo siya sa Entally, silangan Indya ng halos dalawampong taon.

Hanggan dumating ang isang kababalaghang pangyayari na hindi niya


malilimutan. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang
isang tinig na nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento
upang tulungan ang mga maralita. Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari
at nakatapak na pinakamahihirap na pook .

Noong 1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na magtatag ng


isang bagong samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng Kawanggawa
(Missionaries of Charity). Sa loob ng tatlumpong taon, kasama ng kanyang mga
madre, nakapagsagip Inay Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan,
nag-alaga ng mga ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga
malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan
ng dalawang daang mga sangay sa buong mundo. Sa kanyang pag-aalaga
sa maysakit at mga pinakadukha, siya ay iniyayaan ng Gantimpalang Nobel
para sa Kapayapaan (Nobel Peace Prize) noong 1979.
LISTAHAN NG KONTRIBUSYON NI MADRE TERESA
 Pag-set up ng mga ospital para sa mahinang ketong, HIV-AIDS at
tuberculosis na pasyente; siniguro ang pag-access sa mga medikal
na pasilidad para sa mahihirap.

 Sinimulan ang mga paaralan sa mga slums upang turuan ang


mga mahihirap na bata.

 Dumating sa pagsagip ng mga tao sa mga giyera. Hal: nailigtas


ang mga bata sa Israel-Palestine na salungatan, pinapakain ang
gutom.

 Itinatag ang mga Missionary of Charity sa iba't ibang bahagi ng


mundo upang maglingkod sa mahihirap at nangangailangan.

 Itinuro ni Teresa sa mga bata ang pangunahing kalinisan. Bumisita


siya sa kanilang mga pamilya, nagtatanong tungkol sa kanilang
mga pangangailangan at tumulong sa paglalaan sa kanila kung
kaya niya.

You might also like