You are on page 1of 2

7/16/2019 Talambuhay Madre Teresa Ng Kalcuta

Talambuhay ni Madre Teresa ng Kalcuta

(1910-1997)

Si Inang Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata ay isang madreng


Katolikong nakilala bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay
pa. Ipinanganak siya bilang Agnes Gonxhe Bojaxhiu sa Skopje,
Albanya. Siya ay bunsong anak nila Nikolle at Dranafile Bojaxhiu.
Ang kanayang ama ay sumasakabilang buhay nang siya ay walong
taong gulang pa lamang at siya ay pinalaki ng kanyang ina sa
pananampalayang Kristiyanong Romano Katoliko.

Noong bata pa si Teresa siya ay humahanga sa mga salaysay


ukol sa mga buhay misyonero sa Indya. Sa gulang na labingdalawa,
siya ay nakapagdesisyon na maging isang madre at pumasok sa
Sisters of Loreto sa edad na labing-walo, ang paglisan saan hindi na
niya nakita pa ang kanyang ina at kapatid.

Siya ay pinadala sa Irlanda upang matuto sa wikang Ingles


na ginagamit sa pagtuturo sa Indya. Dumating siya sa
Darjeeling, Indya noong 1929, kung saan siya nagsimula sa
kanyang ‘novitiate’ at naging madre pagkalipas ng walong taon.
Nagturo siya sa Entally, silangan Indya ng halos dalawampong
taon.

Hanggan dumating ang isang kababalaghang pangyayari na


hindi niya malilimutan. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren,
narinig niya ang isang tinig na nagsasabing iwanan niya ang
kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan ang mga
maralita. Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari at nakatapak
na pinakamahihirap na pook .

Noong 1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na


magtatag ng isang bagong samahan ng mga madre, ang Mga
Misyonera ng Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng
tatlumpong taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip
Inay Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng
mga ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga

http://slidepdf.com/reader/full/talambuhay-madre-teresa-ng-kalcuta 1/2
7/16/2019 Talambuhay Madre Teresa Ng Kalcuta

malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang


samahan ng dalawang daang mga sangay sa buong mundo. Sa
kanyang pag-aalaga sa maysakit at mga pinakadukha, siya ay
iniyayaan ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan (Nobel
Peace Prize) noong 1979.

http://slidepdf.com/reader/full/talambuhay-madre-teresa-ng-kalcuta 2/2

You might also like