You are on page 1of 2

Talambuhay ni Madre Teresa ng Kalcuta

(1910-1997)

Si Inang Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata ay isang madreng Katolikong nakilala


bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay pa. Ipinanganak siya bilang Agnes
Gonxhe Bojaxhiu sa Skopje, Albanya. Siya ay bunsong anak nila Nikolle at Dranafile
Bojaxhiu. Ang kanayang ama ay sumasakabilang buhay nang siya ay walong taong
gulang pa lamang at siya ay pinalaki ng kanyang ina sa pananampalayang
Kristiyanong Romano Katoliko.

Noong bata pa si Teresa siya ay humahanga sa mga salaysay ukol sa mga buhay
misyonero sa Indya. Sa gulang na labingdalawa, siya ay nakapagdesisyon na maging
isang madre at pumasok sa Sisters of Loreto sa edad na labing-walo, ang paglisan
saan hindi na niya nakita pa ang kanyang ina at kapatid.

Siya ay pinadala sa Irlanda upang matuto sa wikang Ingles na ginagamit sa


pagtuturo sa Indya. Dumating siya sa Darjeeling, Indya noong 1929, kung saan siya
nagsimula sa kanyang ‘novitiate’ at naging madre pagkalipas ng walong taon.
Nagturo siya sa Entally, silangan Indya ng halos dalawampong taon.

Hanggan dumating ang isang kababalaghang pangyayari na hindi niya malilimutan.


Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na
nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan ang
mga maralita. Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari at nakatapak na
pinakamahihirap na pook .

Noong 1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na magtatag ng isang


bagong samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng Kawanggawa (Missionaries
of Charity). Sa loob ng tatlumpong taon, kasama ng kanyang mga madre,
nakapagsagip Inay Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng mga
ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga malapit nang mamatay.
Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan ng dalawang daang mga sangay
sa buong mundo. Sa kanyang pag-aalaga sa maysakit at mga pinakadukha, siya ay
iniyayaan ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan (Nobel Peace Prize) noong
1979.

You might also like